Skinpress Rss

Softdrinks


Ramdam ko ang kalam ng aking sikmura habang tinatahak ang kahabaan ng SLEX. Hindi na ako nakakain ng agahan dahil biglang naubsan ng LPG habang nasa kalagitnaan ng pagluluto. Umalis ako ng bahay at umasang may tindero ng pagkain na sasakay sa bus pero bigo ako. Inaliw ko na lang aking sarili sa pelikula nina Bossing, Wally at Jose. May pagkakataong napapalakas pa ang aking tawa.

Nagkakagulo ang mga tao sa may bulletin board ng opisina. Siguro may schedule na ng bonus. Tamang tama, mabibili ko ang naipangako ko kay bunso. Sa mga ganito din lang pagkakataon ako nakapagbibigay ng pera sa nanay ko.

Dear Kuya



Pinagalitan na naman ako ng matanda kaninang umaga. Isinisisi pa din sa akin ang pagkabulok ng langka dahil nakalimutan mong lagyan ng sako. Hindi talaga makalimot kahit grade six pa tayo noong nangyari 'yon! Ano nga bang nangyari at biglang nakaligtaan ang palagi mo namang ginagawa?

Nahuli na ang pumatay sa Tatay ni Mike. Si Asyong 'di ba? Nasa kalagitnaan ako ng panood ng pelikula nang biglang nagkagulo. May umiiyak, sumisigaw, tumatawa at may nagmamakaawa. Natunugan kasi ng parak ang pagdalaw ni Asyong sa pamilya kaya natimbog. Mataas na kalibre ang dala ng mga pulis kaya nagpanic ako sa takot na magkaputukan. Hindi ko tuloy naabutan noong nag-i love you si Bea. Naunahan pa ako ng aso sa pagtataguan ko sana.

Gasgas sa Sapatos


Dalawang araw pa lang ang lumipas, may gasgas na agad ang ibabaw ng bago kong sapatos. Wala naman akong matandaan na sumabit o nabundol na maaring pagmulan ng gasgas. Naalis ng bahagya ang coating na nagtatago sa mababang kalidad ng sapatos.

Buhatin ko ang aking paa sa tuwing naglalakad, bilin ni Nanay. Sabi niya, hindi naman mapapagod agad kung iaangat ng medyo mataas ang paa para hindi magasgasan ang suot kong sapatos. May maliliit kasi na mga bagay na maaring sumabit. Hindi na naman daw ako bata para buhatin pa niya. Kung nakaupo naman huwag masyadong igalaw ang mga paa para makaiwas sa matatalas o may kantong bagay.

Sa Wakas!


Sa wakas natupad din ang pinakaaasam ko sa buhay ko. Hindi maubos ang ngiti sa labi ko habang tinitingnan ko ang kumpol ng mga tao, partikular ang magulang ko. Kita ko pa si inay na pinupunasan ang luha sa pisngi. Alam ko masaya siya. Bawat hakbang papalapit sa altar ay may halong excitement at kaba dahil ilang minuto na lang ay pormal na ang lahat. Tama ako ang desisyon kong ikaw ang pinili ko at nagpapasalamat naman ako na tinanggap mo ako ng buo.

Alam mo, hindi ako magsasawang paglingkuran ka. Mula pa kasi pagkabata ko hindi ko naramdamang wala ka kahit hindi ko solo ang atensyon ko. Naniniwala ka bang ikaw nga ang superhero ko? Totoo iyon! Biruin mo kahit madaming gustong kumuha ng atensyon mo, hindi ka pumapalyang pakinggan ako lalo sa mga panahong akala ko ay hindi ko na kaya. Bilib nga ako sa'yo! Kayang mong iparamdam sa akin na nasa tabi lang kita palagi. At bago matapos ang araw lagi tayong may realization kung naging maganda ba ang araw, kung hindi naman, ipinapaintindi mo kung ano bang dapat gawain para itama.

Patak ng Tubig sa Batok


Kakaiba ang hanging sumasampal sa aking pisngi. Hindi katulad ng kadalasang simoy sa umaga tuwing tatapak ang buwan ng Nobyembre. Makulimlim ang langit at nagbabadya ang ulan. Ihinatid na ng tagapagbalita ang bagyong tatama sa Bauan. Maging ang mga ipis at iba pang insekto sa estero ay nagsisipaghanda ng lumikas. Wari'y nag-iingat at takot na maranasan muli ang minsang trahedyang tila gustong lamunin ang Bauan.

"Pwede ka bang makausap?" ang huling salitang nadinig ko Candy kaninang umaga bago ako umalis ng bahay. Hindi ako tumugon kahit mahinahon at may kababaang loob ng salita niya. Halata sa mata niya ang pait ng gabi. Lumabas ako ng bahay at hindi nagbitaw ng kahit isang letra mula sa aking bibig.

Hindi naman talaga ako galit kay Candy. Napikon lang siguro sa insultong ibinato sa akin kagabi. Ewan ko ba kung bakit hindi niya maunawaan na ayaw kong pag-usapan ang mga bagay na may kinalaman sa aming posisyon at kita sa trabaho. Hindi na niya kailangan pang ipamukha na mas rewarding ang mga ginagawa niya. Hindi lang siguro sampung beses kaming nagtalo tungkol dun. At muntik pang humantong sa hiwalayan dahil sa nagbabanggaang pride. Mahal na mahal ko si Candy, isang katotohanan kahit ang dagang costa ay hindi kayang itanggi.

Back Ride


Pagkatapos kong kausapin si April sa telepono ay sumakay na agad ako ng tricycle. Medyo nahirapan ako sa exam kaya madami akong naconsume na oras. Nasa may bus terminal na daw si April. Plano namin pumasyal ng medyo malayo upang magbonding. Matatagalan na ulit kami magkita kasi sembreak na. Pinilit kong pagkasyahin ang aking sarili sa bakanteng upuan sa may bandang likuran ng driver. Kinailangan ko pang yumuko para sumakto ang clearance ng bubong.


"D'yan din pumapasok ang anak ko," may pagmamalaking wika ng tricycle driver at halata sa ngiti niya na naghihintay siya ng reaksyon mula sa akin. Bago pa lang umalis sa tapat ng unibersidad ang tricycle ay matagal siyang nakatitig sa uniform ko, hindi na siguro nakatiis kaya naibulalas ang saloobin sa akin. Halatang proud siya sa anak niyang doon nag-aaral lalo't may kamahalan ang tuition.

Aral sa Isang Guro




Suportahan ang aking entry sa Pinoy Expats/OFW Blog Awards 2011. Kung may oras ka, iboto ang kwento ito sa Pinoy Expats/OFW Blog Awards 2011 website, sa voting poll, entry number 14. tuyong tinta ng bolpen under 2011 OFW SUPPORTERS. Thanks!



______

Sapat kaya o kulang ba ang taguring bagong bayani, buhay na bayani, bayani ng makabagong henerasyon sa mga OFW? May panukat ba o batayan para tawaging bayani? Kailangan bang nasa ibang bansa ka para magkaroon ng ganitong label? Ang kabayanihan ba ay ang pagtulong sa bansa o dapat may dala kang pagbabago?

Pero paniniwala ni pinsan, pampalubag-loob lamang ng gobyerno ang salitang bayani sa mga OFW. Tipong kahiyaan lang kasi wala silang magawang paraan para solusyunan ang ilang henerasyon ng problema sa trabaho. Ilang presidente at ilang palit na din ng mukha sa pera pero wala pang malinaw na sagot sa problema. Sa sistema ngayon hindi mo pwedeng panghawakan ang tinapos mo. Tatlo o apat na taon mula ngayon, wala ka ng trabaho dahil sa kumakalat na outsourcing. Sa Pilipinas hindi uso ang security of tenure. Ang mahalaga makakasingil sila ng income tax, percentage tax, excise tax, value added tax at sa susunod pati paghinga ay may tax na din! Halos isuka na ni pinsan ang pagiging Pilipino. Sa katunayan ang galit niya sa Pilipinas ang nagtulak para makipagsapalaran sa Thailand. Tanong pa n'ya, kasama pa din ba siya sa bayani nilang ituring kung pansariling kapakanan na lang ang iniisip? Sa isip ko, hindi lang si pinsan ang may himutok na ganyan, kadalasan naghihintay lang may makarinig o mas pinipiling manahimik lang.


Pulang Drum


Nakasilip ang bata sa pulang drum sa likod ng aming bahay. Maging ang mga baboy sa kulungan ay nahihiwagahan sa kanyang ginagawa. Matagal siyang nagpupumilit dumukwang para silipin ang loob kung hindi pa siguro napagod ay hindi kukuha ng bato upang tuntungan. Kagigising ko pa lang kaya hindi pa sumisiksik sa aking isip ang kasipigan kong taglay. Isa pa, sinasariwa ko pa ang ginawa ni Ella kagabi sa camfrog. Hinayahaan ko lang ang bata sa kanyang ginagawa hindi naman nagugulat ang mga baboy na mas mahal pa sa akin ni Nanay.

Noong bata ako madalas din akong sumilip sa pulang drum. Kapag puno ng tubig ang drum aliw na aliw akong ilubog ang aking mukha. Gumagawa din ako ng bula o kaya ang pinasisirit ang tubig gamit ang aking mga kamay. May oras na nagpapaligsahan kami ng kapatid ko sa pagsigaw at palakasan ng alingawngaw mula drum kung wala namang laman. At kung aatake ang kakulitan habang nasa loob ng drum ang ulo ng kapatid ko ay bigla kong hahampasin ng malakas ang gilid ng drum. Tatakbo na ako dahil alam kong magsusumbong na siya sa Nanay ko. Magrereklamo na naman na binabasag ko ang kanyang eardrum na ang kalalabasan pareho kaming parurusahan.

Vote for my SBA Entries


Alam mo bang may magagawa ka sa loob lamang ng isang munito?
May dalawang link sa ibaba, pindutin lamang ang link at lalabas ang aking entry sa Saranggola Blog Awards. Makikita ang like button sa dulo ng kwento. Pindutin lamang ang like para makatulong sa kailangan kong boto. Mas ikatutuwa ko kung babasahin mo ang kwento at ishare pa sa iba. Tama ba?

1.Ang Manikang Hindi Nilalabhan - Maikling Kwentong Pambata

2. Chess Match Maikling Kwento.


Hanggang November 30 ang botohan. Kaya pwede pang ipamalita. :)

Nagpapasalamat,

panjo

Ang Manikang Hindi Nilalabhan


"Hindi ko po gustong kalaro si Anjie, Mommy," wika ni Emerald sa kanyang ina nang matanaw sa bintana si Anjie.

"Bakit naman? Mabait naman siya at palaging nakangiti."

"Sabi ni Atasha at Sion huwag ko daw siya kabati. Nakakatakot kasi iyong dala niya palaging manika. Luma at sira-sira pa. Parang manika ng witch!"

Napangiti si Ressie sa sinabi ng anak. "Masyado ka namang nagpapadala sa mga nababasa at napapanood mo. Ang pagtuunan mo ng pansin ay ang aral na mapupulot mo sa kwento."

Lumapit si Emerald sa tenga ni Ressie. "Kasi po Mommy, madami namang silang laruan pero iyon palagi ang dala niya. May kapangyarihan siguro ang manikang iyon," pabulong na sagot nito. "Sabi pa ni Sion baka nga daw naglalakad sa gabi! Nakakatakot!" Tumalon at nagtago sa sofa si Emerald noong napansing nakatingin sa kanya si Anjie.

Chess Match - Maikling Kwento


"Uwi na tayo. Naghihintay na si Mama," wika ni Daniella. Nakangiti ang kanyang mga labi pero hindi ang kanyang mga mata. Batid kong hindi pa niya gustong umuwi. Dangan na nga lamang at palubog na ang araw kaya kailangan na naming umalis sa aming paboritong lugar.

"Sigurado ka, Daniel?" Kinalakihan ko na ang tawagin siyang Daniel dahil mas komportable siyang kalaro ang mga lalaki . Mas gusto niyang tumakbo at pawisan kaysa maglaro ng manika sa loob ng bahay.

Tumango siya at hinawakan ang aking kamay. Nauna siyang maglakad sa akin na may halong pananabik. "Lakad ulit tayo. Bukas doon tayo sa may dam. Matagal na akong di nakakarating doon." Tinitigan niya ako na halatang naglalambing pagkatapos ay tinanaw ang malawak na pag-aagawan ng dilim at liwanag. "Huwag mong kalimutan ang chessboard."

Bahay Kubo


Mapula-pula na ang ulap sa dakong silangan ng Dayap. Pasikat na ang araw. Mistulang nainip ang araw sa mahabang gabi kaya agad sumilip. Umaga na pero marami pa ang di nakakatikim ng pahinga. Pahupa pa lamang ang takot sa minsang dumanas ng pait ng katotohanan. Maging ang batang nagbibigay aliw sa pamilya ngayon ay nagsusumigaw at nakaririndi na.

Ang galos ng matandang lalaki sa kanyang braso ay alaala ng kaguluhang nangyari kahapon. Balakid sa kanyang pagkilos ang pagpupumilit ng langaw na makadapo sa sariwang sugat. Dumagdag pa ang walang katiyakang pananatili sa lugar. Malaki ang naging pinsala kaya tinipon niya ang mga pwede pang pakinabangan. Ang kaserolang paglalagyan sana ng pagkain kagabi ay nagsibling tipunan ng pako at turnilyo.

An Old Story


"Hinihintay ko si Mariano. Hinihintay mo din ba siya?" salubong sa akin ng matandang babae ilang sandali bago pa ako makaupo sa upuang yari sa apitong. Katatapos ko lang bumisita sa elementary school ng San Antonio. Doon kasi nagtuturo si Mrs. Arana, ang gurong mahilig sa pagbebenta ng mga bagay mula house and lot, ice candy, bulak hanggang memorial plan. Gusto niya ng dagdag na puhunan at microfinancing ang naisip nilang solusyon. Mahaba ang aming napag-usapan, madalas mga plano sa mga gusto pa niyang pasuking negosyo. Humingi pa siya sa akin ng ilang suggestion tungkol sa banking.

Medyo pagal pa ang aking katawan kaya naisipan kong magpahinga muna bago bumalik ng opisina. Mahaba din pala ang aking naging byahe. At sa aking pag-upo ay bigla akong kinausap ng matandang babae.

Ngumiti ako sa kanya bilang tanda ng paggalang. "Magpapahinga lang po sana ako. Dito po ba siya nakaupo?" Sa aking palagay, hindi sila naglalayo ng edad ng aking lola. At tulad niya, mahilig din magpaunlak ng usapan sa mga taong hindi kakilala. Hindi malayo ang loob sa kahit kanino kumbaga.

Kalsiki : The Curse of the Blue Moon - 5


Dalawang lalaki ang nakatingin sa malayo sa may tulay na naghahati sa San Andres at San Pedro. Kung pagmamasdan ay hindi sila magkakakilala pero ang di nila paglapit sa isa't isa ay paraan lamang para itago ang kanilang identity.

"Nalantad na ang anyo ni Zardy..." wika ni Beska habang naglalakad sa noon ay nakatigil sa may paanan ng tulay na si Jin. "Naramdaman ng isang Chidoya ang aura niya."

"Paano?" gulat na tanong ni Jin. "Mawawalan tayo ng contact sa loob eskwelahan."

Umupo si Beska sa isang malaking bato. Nagsuot ng salamin at sinimulang buklatin ang pahina ng hawak na libro. "Nahulog siya sa trap ng Chidoya. Nagkunwaring nangongopya ang Chidoya para ipatawag sa Dean's Office. Nagpakawala ng sealing curse at tuluyang nalantad ang anyo ni Zardy. Hindi siya naging maingat buti na lamang naramdaman agad ni Soliven ang panganib."

Break-Up


Ayun nga. Tapos na ang relasyon namin ni Janet. Matapos ang ilang taon bigla na lang tinabangan. Hindi pala talaga nasusukat sa haba ng pinagsamahan ang tibay ng relasyon. Buti pa ang rice sa mang inasal unlimited di gaya ng pagmamahal biglang nawawala kahit walang dahilan. Ewan. Parang nawala bigla yung kilig. Naexpired ang sweetness. Kailangan daw namin ng space at problema talaga ang distance. Akala ko magsosolve pa ako, mahina pa naman ako sa Physics.


Walang third party. Kahit nga birthday party hindi kami mahilig umattend. Wala din pinag-awayan. Ang madalas nga lang naman naming pagkaguluhan noon ay tinatamad akong gumising ng maaga para sumimba. Lamig kasi maligo.

Kalsiki : The Curse of the Blue Moon - 4


Chapters 1|2|3|

"Regondo!" sigaw ng isang di kilalang boses mula sa labas. Ang Regondo ay isang technique ng mga Panther, nagagawa nitong padilimin at gawing teritoryo ang isang lugar.

Isang matalim na pulang liwanag ang lumitaw mula sa kung saan. "Naloko na!" nababahalang sigaw ni Chito. Alam niyang mawawalan siya ng kontrol sa hinuling kaaway. Umuurong siya ng dalawang malalaking hakbang para makaiwas sa mapaminsalang liwanag. "Wala akong makita," bulong niya sa sarili. Itinaas niya ang dalawang kamay sa anyong pananggalang kung sakaling may panganib na parating.

"Nasa loob ka ng aming teritoryo! Humanda ka ngayon sa iyong katapusan pangahas na bata!" Nabaligtad na ang sitwasyon, si Chito naman ngayon nasa panganib.

"Saan ang manggaling ang atake?" pag-aalaala niya. Dinig niya ang ilang hakbang, alam niyang nakawala na ang kanyang bihag. Sa sitwasyon ngayon hindi siya pwedeng humingi ng tulong dahil mabubulgar ang kanilang identity.

Ang Babae sa may Pintuan


Ang kaninang maingay niyang anyo, ngayon ay tahimik na nakaupo't nakasandal sa may pintuan. Wari'y may hinihintay o nag-aabang ng salita mula sa kanino man. Kanina din lang ay magkausap kami pero ngayon wari'y di kami magkakilala.

Mula pa sa pagkabata ay kasama ko na si Farrah. Grupo kami na binubuo ng lima. Dalawa silang babae at tatlo naman kaming lalaki. Umaga pa lang sama-sama na kami. Kadang-kadang at luksong baka sa may palayan ang madalas naming libangan. At kung tag-ulan naman makikita kaming nanghuhuli ng maliit na isda at butete sa irrigation. Simple lang ang buhay namin noon pero pinatabay ng panahon ang samahan ng grupo.

Si Farrah naman ang thoughtful sa amin. Sa baon niya palaging kasama ang buong grupo. Palibhasa ay nakakaangat sa buhay mahilig siyang manlibre ng sorbetes at taho sa umaga. Hindi siya madamot sa mga bagay na mayroon siya. May ilang laruan pa nga sa bahay na alam kong ipinahiram lang niya pero hanggang ngayon ay di ko pa naibabalik. Lalo na ang baseball bat na ako ang naging taga tago. Sa may kubo na pag-aari nila sa may pilapil ang aming tagpuan.

Si Penelope naman ang babaeng ayaw madumihan ang damit, madalas siyang may hawak na manika kaya tinutukso namin siya at tinatawag na mangkukulam. Madali siyang mapikon at walang paltos ang pagsusumbong sa magulang sa tuwing naasar. Siya ang unang napahiwalay sa grupo. Maaga kasing nasira ang kanilang pamilya kaya binitbit ng kanyang nanay papunta sa kung saan. Akala namin malapit lang ang pupuntahan pero hanggang ngayon wala pa kaming balita sa kanya. Kung babalik nga siya malamang hindi na namin matandaan ang kanyang itsura.

Kalsiki : The Curse of the Blue Moon - 3


Chapter 1 |2|


Isinilang ang isang malusog na batang lalaki. Ang Kalsiki. Sa kanyang paglaki maraming mata ang nakasubaybay. Ilang buhay na din ang ibinuwis sa kagustuhang maprotekhan o mapatay ang bata.
Isa sa naging biktima ng karahasan ay ang mismong magulang ng Kalsiki.

Ang Bakuya naman ay patuloy sa pagbawi ng kanyang lakas. Isang avatar na lamang ang hinihintay para muling maghasik ng lagim ang mapaminsalang nilalang. Naghahanda na din ang mga Panther para patayin ang Arquiza.

Biglaan ang pagsulpot ni Sintoni sa apartment ni Philip. Ipinatawag na din niya ang iba pang kasapi ng Luna para ibalita ang unti-unting paglakas ng kanilang kalaban.

Kalsiki :The Curse of the Blue Moon - Chapter 2





Part 1 |

Sa isang lugar na akala ng lahat ay tahimik, ay nananahan ang Bakuya. Maihahambing ang itsura ng Bakuya ay isang kuneho maliban sa nanlilisik nitong mga mata at malalaking pangil. Nakaambang ang kapahamakan sa sinumang mangahas dumaan. Maliit pero mapanganib.

"Jin, nakarating na sa kaalaman ng Arquiza ang pagpapakawala natin sa Bakuya," balita ni Soliven sa pinuno ng mga Panther. "Kumikilos na ang mga Luna." Luna ang grupong pinamumuan ng Arquiza. Sila ay ang huling lahi ng mga taong may kakaibang lakas at isinisilang lamang sa tuwing may nagaganap na lunar eclipse.

"Magaling. Umaayon ang lahat sa plano. Papatayin natin ang Arquiza sa sandaling umalis ang kanilang grupo para hanapin ang Bakuya."

Kalsiki : The Curse of the Blue Moon


"Nakawala ang Bakuya!" Sigaw ni Sintoni. "Isang butas sa kanluran ng Hartes ang nilikha para daanan ng Bakuya."

"Paano nangyari? Delikado!" Tumakbo si Chido palapit sa kulungan. "Sino ang pangahas na umalis ng seal?!"

"Maghahasik ng gulo ang Bakuya kapag hindi agad nahuli!" sigaw ng isa pa.

"Takpan muna ang butas bago pa may ibang nilalang ang makawala," utos ng Arquiza, pinuno ng angkang La Luna.

"Pero paano ang Bakuya?" tanong ni Chido.

"Mahina ang Bakuya habang wala pang nakikitang avatar. Isa pa, walang may kakayanan gumawa ng seal para ikulong siyang muli," paliwanag ng Arquiza.

"Anong gagawin natin ngayon, pinuno?" usisa ni Antera. "Kapag natunugan ni Hades ang pagtakas ng halimaw maaring gumawa siya ng paraan para maghasik ng gulo."

"Susundan ko ang Bakuya," matigas na wika ni Chido. "Ikukulong ko siya gamit ang Rendo!"

"Huwag! Ilalagay mo sa alanganin ang buhay mo at ang buong angkan!" pigil ng ama ni Chido. "Isipin mo kung makawala ang Bakuya sa Rendo, ikaw ang hihigupin ng seal at kapag nangyari 'yon mawawalan ng saysay nag Rendo ng bawat isa sa atin."


Nabahala ang lahat. Isang malaking banta sa katahimikan at balanse ng buhay ng lahat ng nilalang kung di mapupuksa o maikukulong muli ang Bakuya. Sa sandaling makakuha ng avatar o mapasok sa katawan ng isang nilalang ay siguradong lalakas ito ay magtataglay ng mapanirang kapangyarihan.


"Wala tayong gagawin? Hindi tayo kikilos? Maghihintay lang tayo?" nababahalang singit ni Emer.

"Tama. Maghihintay lang tayo," mahinahong sagot ng Arquiza. "Hihintayin natin ang pagdating ng Kalsiki. Siya lang ang may sapat na kapangyarihan upang ikulong muli ang Bakuya."

"Ano? Ang Kalsiki?!" Pagtataka ni Sintoni. "Pero minsan lang isilang ang isang Kalsiki."

Apple




Request na dula. Hindi ko talaga forte ang ganito pero sinubukan.

Thelma, 25 - pasyente. payat at suplada.
Sander, 32 - attending physician ni Thelma.
Charles, 67 - doctor. ama ni Sander.
Glenda, 25 - kaibigan ni Thelma.
Maris, 9, special child, room mate ni Thelma sa ospital.
Eve, 24 - personal nurse ni Maris.
Harry, 23 - tatay ni Maris


Unang Yugto

Malalim na ang gabi. Nakatanaw si Sander sa malayo nang mapansin siya ng ama. Lumamig na ang kapeng naiinip sa paglapat ng labi ni Sander sa tasa.

Sander : Pa, Bakit gising ka pa?

Charles : Hindi pa dapat ako ang nagtatanong niyan? Kanina pa kita tinitingnan. Ano bang gumugulo sa isip mo?

Sander : Wala po. Hindi lang po ako makatulog.

Charles : (tumingin sa tasa ng kape) Caffeine. Hindi makatulog o ayaw matulog. Iniisip mo pa din ang babae kanina? Sinasabi ko sa'yong hindi mo dapat haluan ng personal na buhay ang propesyon natin.

Sander : Nagtataka lang po ako. Hindi siya nagsasalita at di talaga sia nakikioperate sa mga dapat niyang gawin.

Charles : She needs a counselor. Doktor tayo, gagawin natin ang lahat para makapagligtas pero kung ano man ang itinatago nila sa loob labas na tayo dun. Kung lagi kang interesado sa bawat pasyente, lahat ng may sakit iiyakan mo. Grow up, son!

Sander : Nakita n'yo ba ang lab result kanina sa ulo n'ya? Maaring lumala pa kung di maagapan.

Charles : Don't act na parang baguhan, need lang i-clip ang namamagang bahagi. An eight hour surgery will resolve it.

Sander : Pero ayaw niya. Hindi nga makausap. Ayaw kumain.

Charles : That's another issue. Kahit operahan mo siya kung ayaw naman kumain, mamamatay din. Good night. You need to rest.

Pamakawan - Maikling Kwento


"Kamusta, anak?"

Blankong mukha ang sagot ko sa tanong ni Rolando. Hindi ko inaasahang ang taong kinamumuhian ko ang sasalubong sa aking pag-uwi. Umuwi na pala siya, dumalaw siguro. Kamusta? Para bang wala siyang naalala sa mga ginawa niya at kamusta agad ang tanong niya. Ni hindi ko nga siya matawag na Tatay.

"'Nay, anong ginagawa niya dito?"

"Dito na muli titira ang tatay mo."

"Ano?"

Malaki ang bahay pero pakiramdam ko ay napakasikip dahil sa presensya ni Rolando. Matagal ng burado sa isip ko na may ama ako. Anim na taon ako noong una siyang umalis ng bahay. Nagmamakaawa noon ang nanay habang nakahawak sa kanyang mga binti pero tila bingi siyang umalis at hindi man lang nakuhang lumingon. Wala akong alam noon sa nangyayari pero ramdam ko ang kirot lalo noong niyakap ako ng nanay. Lumuluha at nagtatanong kung paano na kami.

Hindi ko na nakitang ngumiti noon ang nanay. Bata lang ako, anong magagawa ko para mapawi ang lungkot niya? Wala. Gabi-gabi siyang nakaharap sa altar. Nakapikit at lumuluha. Yakap ang tanging sukli ko sa bawat hikbing nadidinig ko. Hindi ko man maibsan ang sakit na nararamdaman niya gusto kong malaman niyang hindi siya nag-iisa. Isinumpa ko noon na iyon na ang huling patak ng luhang mangagaling kay nanay.

His Last Flight


Nakakamiss. Ilang oras pa lang akong umalis ng bahay nina lolo at lola namimiss ko na agad sila. Iba talaga ang pakiramdam kapag kasama ang mahal sa buhay. Sabagay sila lang naman talaga ang kapamilya ko kaya di ko mapigilan ang tuwa kapag kasama ko sila. Nakaparefreshing. Naalis ang mga negative vibes na dala ng mga microfinance applicants.

Naiiyak pa ang lola noong inihatid ako sa airport. Hindi pa man ako nakakaalis ay tinatanong na agad ang pagbalik ko. Nangako ako na babalik din agad ng Cebu. Siguro kapag may leave pa o kapag biglang nagdeclare ng holiday si PNoy.

Tanaw ko sa bintana ng eroplano ang unti-unting pagbabago ng Metro Manila. Maganda ng tingnan ang skyway, mga condo at mga lumilipad na ibon. Maliban sa mga kalawanging mga yero ng bahay na sumasalubong sa lahat ng pa-landing na eroplano.

Inihanda ang aking sarili. Ilang minuto na lang pababa na ang eroplano. Tiningnan ko ang mga gamit sa paligid ng upuan at siniguradong walang naiwan.

Superhero


Natatandaan ko pa noong sinalubong ng sapak ni Erpat si Jethro sa aming pintuan. Putok ang ibabang labi ng kaibigan ko at muntikan pang mabuwal sa kanyang kinatatayuan kung di agad nakahawak sa akin. Nagbabala na noon si Erpat na huwag akong isama sa kalokohan. Ang hindi alam ni Erpat ang taong sinapak niya ay ang humikayat sa aking umuwi. Kung sino pa ang itinuturing ni Erpat na patapon ang buhay ay ang nagpaunawa sa akin na para sa ikabubuti ko ang gusto ng magulang ko.


Ang nanlilisik niyang mata ang nagtaboy kay Jethro palayo ng aming bahay. Hindi iyon ang unang beses na napagbuhatan niya ng kamay ang kaibigan ko. Minsan ko ng ipinaliwanag na kahit maraming bisyo si Jethro, kailanman ay di ako hinikayat. Pero sarado ang utak niya sa paliwanag. Alam ng erpat ko na kahit usok ng yelo ay sinisinghot ni Jethro kaya pilit niya akong pinalalayo. Hindi daw magtatagal ay susubok na din ako kung hindi ako iiwas. Hindi niya maunawaan na may sarili akong pag-iisip kaya di ako gagawa ng alam kong makakasama sa akin. Malalim lang talaga ang aming pinagsamahan ni Jethro kaya di basta mabibitawan ang pagkakaibigan.

Alamat kung Bakit Wala nang Maginoo


Kung naasar ka sa mga feeling gwapo, ibahin mo si Morgan. Pambihira ang mga katangian n'ya. Siya ang definition ng tunay na lalaki! Handa niyang iyakan ang babaeng mahal n'ya wag lang mawala. Mapagkumbaba kung kinakailangan, humihingi ng patawad ng walang alinlangan at sincere sa mga binibitawang salita. Matagal nga lang siya maligo dahil ang paniniwala niya ang may mababago pa sa kanyang itsura.

Naniniwala s'yang ang mundo ay hindi lamang umiikot sa kanyang axis kundi pati na din sa pag-ibig. Tama! Isang hopeless romantic si Morgan. Para sa kanya isang beses lang dapat lumuha ang babae at iyon ay kapag niyaya ng lalaki na magpakasal.

Mental- Maikling Kwentong Pambata


"Ang drawing ko po ay tungkol sa pagkain ng masustansyang pagkain. Sa gabay po ng magulang, magiging masigla ang bawat bata kung kakain ng tama. Ang Go, Grow at Glow foods ay makakatulong para maiwasan din ang anumang sakit!" Masayang bumaba ng stage si Ashley pagkatapos ipaliwanag ang kanyang entry sa poster making contest. Pinagbutihan niya sa abot ng kanyang makakaya ang isinaling poster dahil siya ang kumakatawan ng section nila.

Proud naman ang kanyang ina habang nanonood. Bilib siya sa kanyang anak dahil malakas na ang loob ng bata sa pagsasalita sa harap ng maraming tao, bagay na hindi nagawa noon. Sinalubong niya ng yakap ang anak.

"Galing mo anak," puri ni Maicy. "You made Daddy and I very proud!"

"Talaga po, Mommy? Pinagbutihan ko po talaga 'to!"

"Sana manalo ka Ashley!" sigaw ng isa sa mga kaklase niya.

"Oo nga!" Sang-ayon pa ng ilan. Napangiti si Ashley dahil buo ang suporta ng kanyang magulang, guro at kaklase.

Wallet



Sobrang sakit ng aking katawan. Ramdam ko ang pagod dala ng madaming trabaho kahapon. Hindi mahulugang karayom ang dami ng tao kahapon sa supermarket na pinagtatrabahunan ko. Maraming nag-aagawan, nagpapanic at nagkakagulo dahil sa sale. Lahat masaya. Maliban sa amin.

Closure sale na. Ibig sabihin bilang na ang araw naming mga empleyado. Gutom sa may pamilya. Mabigat ang kilos ko papasok ng trabaho. Iniisip ko kung paano na ako bukas at sa mga susunod pang araw. Wala akong ipon dahil hindi naman kalakihan ang aking sweldo at kadalasan mas malaki pa ang gastos.

Sarado ang kainan ni Senior Pedro. Mapapamahal ako kung kakain ako sa ibang kainan. Hindi na din sasapat ang pera bago magsweldo kung gagastos ako ng mas malaki sa nakasanayan. Magkakape na lang siguro ako at tinapay, ang mahalaga may laman ang tyan.

Hands of the Clock


Alam mo ba iyong pakiramdam na pagod na pagod ka na pero wala ng maramdaman dahil manhid na ang katawan? Napakabigat kumilos. Tipong papasok pa lang ay gusto na ulit matulog. Lalo kapag uuwi ng bahay na alam mong walang sasalubong, swerte na kung may ipis man lang na manggugulat pagpasok. Ibinabad ko ang aking sarili sa shower para makaramdam kahit konting gaan ng pakiramdam. Sana may kakaibang bagay na mangyari ngayon araw para man lang mabago ang mood.

Sa Lagalag ng Tiaong ang naging sunod kong assignment. Hindi naman naging mahirap ang paghahanap ko dahil anak ng dating kapitan ng barangay ang pakay ko. Kilala nga ang kanilang pamilya sa pagiging maimpluwensya dahil na din sa mahabang serbisyo ng kanilang angkan.

Love Bus - Final Chapter


Chapters 1 | 2 | 3 | 4 | 5 | 6 | 7 | 8 | 9 | 10 | 11 | 12 | 13 |14 |15 | 16|17|18|19 | 20 |21|22
"Saan tayo pupunta?'" usisa ni Christine.

"Uuwi na. Ikaw na lang ang magdrive!" dismayadong wika ni Miel.

"Sorry.. Ako ang tumawag kay Andrew para pumunta dun.."

"Alam ko! And I hate it. Wala namang ibang magtuturo kung nasaan tayo. Hindi ko lang maiisip na magagawa mong makipagsabwatan. Nag-alaala talaga ako noong nawalan siya ng malay pero kalokohan lang pala."

"Teka, wala akong alam doon..."

"Ang alam lang niya ay paglaruan ako! Siguro karma lang sa akin." Hinawakan ni Miel ang kanyang bibig. Pinigilan niyang maiyak.

Nagtaas lang ng balikat si Christine at nagpatuloy sa pagmamaneho. Hindi na nga siguro dapat siya nakikialam sa dalawa pero gusto naman niyang maging masaya ang kaibigan kaya tinutulungan niya si Andrew na umamin sa nararamdaman.

"Anong plano mo ngayon?"

"Ihatid mo ako sa terminal. Babalik na ako ng Manila."

"What? Kararating ko lang uuwi na agad! Nahihibang ka na talaga?"

"No. Gusto ko lang lumayo. Pwedeng dumito ka muna."

Bote at Pangarap


"Koo-leektor ka?" bungad sa akin ng lalaking sa palagay ko ay edad kuwarenta. Hindi na tuwid ang kanyang pananalita dala ng kalasingan kahit wala pang alas dyes ng umaga. "Lahat ng koolektor dito ay nagbibigay sa akin... sham-pong piisso.." patuloy niya habang senisenyasan akong magbigay ng pera sa kanya. Akala ko sa pelikula lang ni FPJ nangyayari ang mga ganoong scenario. Wala pa naman akong kakilala sa lugar kaya medyo may namuong takot sa akin.

"Hindi po. Hinahanap ko lang po ang bahay ni Alice... Alice Sanchez." Maliit lang ang bayan ng Rizal sa bayan ng Laguna pero di ko ko agad nakita ang bahay na hinahanap ko dahil di ako pamilyar sa lugar. Hindi ko nga alam na mayroon palang bayan ng Rizal sa mapa ng Laguna. Naging palatandaan ko lang ang Rizal Reacreation Center na nakasulat sa sketch form ng loan application.

Tumayo ang isang lalaki at hinawi ang kamay ng lasing na sumalubong sa akin.. "Asawa ko po si Alice," sagot ng lalaking kasama sa umpok ng nag-iinuman. "Ano pong kailangan?"

Bahagya akong nadismaya. Magsasagawa ako ng BI/CI investigation para sa asawa ng lalaking nasa inuman na agad. Habang ang kanyang asawa ay nagkukumahog mangutang siya naman ay narito't nagpapasarap sa halip na gumawa ng pagkakakitaan. Laborer ang nakasulat na trabaho ng asawa ni Alice. Ibig sabihin sa ngayon ay walang trabaho ang lalaking kaharap ko. "Sa Microfinance po ako. Nag-apply po kasi ang asawa n'yo ng loan baka po pwede makausap."

Men, Kuha Mo?


Alam mo ba 'yong pakiramdam na gusto mong sabihin sa isang tao na mahal mo siya pero wala naman ng lakas ng loob? Nakakaasar di ba? Lalo na kapag may chance na pero naipit pa ang dila. Grabe, tindi ng pawis, 'yong malamig pa! Tulad nung pawis kapag biglang natatae habang nabyahe sa NLEX.

Hirap kasi! Halimbawa, nasabing mahal ko siya tapos nagtanong ng bakit. Anong isasagot? Kahit noong nag-aaral pa ako ayoko na ng reasoning. Eh kung di pa satisfied hahaba lalo at baka makagawa pa ako ng essay.

Hindi naman kasi nadadaan sa salita lang ang LOVE. Tulad ng pag-ihi, ang LOVE dapat ginagawa hindi iniipon lang sa loob at lalong di pwedeng sabihin lang ng sabihin pero wala namang actual. Hirap di ba? Sayang din ang emotional investment kung hanggang tingin lang.

Ganda ng gising ko kaninang umaga. Ganda nga ng ngiti ko e. Mas maganda pa sa ngiti ng may ginawa kagabi. Pero nasira lang sa isang text msg! Sobrang bad news! Nasira ang pangarap kong sunrise at sunset kasama ang taong mahal ko.

Love Bus - Chapter Twenty Two


Chapters 1 | 2 | 3 | 4 | 5 | 6 | 7 | 8 | 9 | 10 | 11 | 12 | 13 |14 |15 | 16|17|18|19 | 20 |21

Takaw atensyon ang ginawa ni Miel sa casino. Manalo o matalo ay iisa lang ang reaksyion niya. Balewala sa kanya kung gaano na kalaki ang nagagastos. Napuno ng tensyon ang katawan ni Christine. Hindi niya alam kung paano ipapaliwanag ang nangyari kapag nagtanong ang ama ng kaibigan.

"Miel! Ano bang ginagawa mo?! Natatalo ka na!" Hinila ni Christine palayo sa poker si Miel. Hinawakan nito ang noo ng kaibigan para malaman kung may sakit ito. "Nahihibang ka na yata, hindi mo na kinokontrol ang taya mo!" Saglit lang na tinapunan ni Miel ng atensyon ang kaibigan at nagpaatuloy sa ginagawa. "Aatakihin ako sa'yo!"

"Huwag kang mag-aalala. Win or lose masaya ako. Basta mag-enjoy ka na lang. Gambling is a game of chance and luck. Maybe kapag natalo ako ay may luck na darating."

"Malaki na ang nawawala sa'yo, nakakatawa ka pa?"

"Ang mahalaga masaya ako sa ginagawa ko," nakangiting sagot ni Miel. "Siguro naman marerealize niya na may ginawa din akong mabuti."

"Patay! Positive sira na ang ulo mo friend. Si Andrew na naman pala!"


Lalong kinabahan si Christine sa kaibigan. Pakiramdam niya kailangan na niya tumawag ng albularyo para mawala ang bisa ng gayuma ni Andrew kung meron man. "Pupunta lang ako ng ladies room. Pahiram muna ng face powder," wika ni Christine.

"Kunin mo na lang sa bag."

Hinablot ni Christine ang bag ni Miel at dali-daling pumasok ng ladies room. Cellphone agad ni Miel ang hinanap niya. She needs to stop Miel's stupid ideas. At si Andrew lang ang makakapigil dito.

"God! Andrew, please sagutin mo na.. Huwag ng mag-inarte.." paikot-ikot sa loob ng CR si Christine. Tatlong beses na niyang tinatawagan si Andrew pero di ito sumasagot.

"Hello, Miel.." sagot ni Andrew sa kabilang linya.

"Si Christine ito. Andrew, sumakay ka ng taxi at magpahatid sa Casino. Isa lang ang casino kaya di ka maliligaw."

"Bakit?"

"Huwag ka na magtanong! Kumilos ka na agad bago mabaliw si Miel."

"May bago ba dun?"

"Mas malala ngayon at ikaw ang dahilan.. Please!"

"Christine tagal mo dyan!" sigaw ni Miel habang papasok ng ladies room!"

"Palabas na!" sagot naman ni Christine..

"Hello! Anong nangyayari? Bakit ako?!"

"Just go here!" Ibinaba ni Christine ang telepono at binura agad ang number ni Andrew sa dialled numbers para di mabukong tinawagan niya si Andrew.

Payong



Malakas ang buhos ng ulan. Stranded ang mga pasahero dahil sa naglalawang daan. Iniiwas niya ang kanyang sarili sa tilamsik na tubig mula humaharurot na tricycle. Napaurong siya ng bahagya at hinabol ng tingin ang driver ng tricycle.

Umupo siya sa baitang ng hagdan ng City Hall. Hinintay muna niya ang paghina ng buhos ng ulan tutal hindi naman siya nagmamadaling umuwi. Minasdan niya ang makapal na bilang ng taong nakikipag-unahang makasakay. Hindi maiwasang may nasasaktan dahil sa pagtutulakan o kaya naman ay may nadudulas dahil sa pagmamadali. Karaniwan na ang ganitong senaryo tuwing umuulan. Hindi uso ang salitang mapagbigay.

"Sorry..." Tiniklop ng babae ang dalang payong at agad kumuha ng tissue para ibigay sa lalaking napatakan ng tubig mula sa payong.

Binalewala niya ang alok ng babae. Iniunat niya ang kanyang binti. Kinuha ang panyo sa bulsa ng maong na pantalong para punasan ang kanyang braso at laylayan ng polo. "Okay lang," mahinang tugon niya.

Unang Pagbukas


Tulad ng pagbubukas ng isang kandado
may nakatagong kombinasyon sa bawat numero.
Hindi bubukas kung di tugma,
kung titigan; maluluma.

Ang may lirikong salita
ang nagbukas sa hiwaga .
Sa musika at ritmong tayo ang may gawa
Naghuhumiyaw ang kakaibang kataga.

Nilakbay ang bundok na matarik
Malalim ang dagat na sinisid
upang kombinasyon ay makamit
Ng sining sa likod ng pag-ibig.
want a copy? send an email to panjo@tuyongtintangbolpen.com

Stokwa - Maikling Kwento


Matagal ang pagkakatitig ko sa bag na nasa aking harapan. Maraming gumugulo sa isip ko habang tinatahak ang byahe patungong Tanauan. Umalis ako ng bahay para magkaroon ng kalayaan, tahimik na buhay at sa sariling disposisyon. Mahaba ang naging diskusyon namin kagabi ng aking ama tungkol sa career, pera at humantong pa sa panghahamak ng pagkatao. Hindi ako makapaniwala na mapagsasalitaan nya ako ng masama sa kabila ng mga nagawa kong tulong sa pamilya. Bago pa ako tuluyang palayasin, nagkusa na ako. Gusto kong patunayan sa kanya na kaya kong tumayo sa sarili kong paa nang hindi hihingi ng kahit konting tulong mula sa kanya. Hindi ko kayang tumagal sa isang bahay na walang tiwala ang mismong magulang.

Aral sa Isang Eskinita


"Nandyan po si Analie Regala?" tanong ko sa matandang babaeng may pinupunasang bata pagsapit ko ng Patria Village. Dinala ako ng aking mga paa sa 811 Lavander St. ng sikat na subdivsion base na din sa nakasulat sa sketch form. Naglalakihan ang mga bahay sa Village pero ang mga nakatira sa Lavander St. iba. Halos yari sa mahihinang materyales at plywood ang mga bahay sa lugar. Mataas na bakod ang naghahati sa dalawa. Salamin ng makasalungat na mundo ng kahirapan at karangyaan. Isang maliit na right of way ang ibinigay ng Patria na kasya lamang ang tao at isang aso ang nagsisilbing daan ng mga nakatira sa Lavander St para makarating ng highway.

"Naku! Wala pa po e. Kanina pang umaga umalis. Iniwan nga ang mga batang ito ng hindi man lang naliliguan e." sagot ng babae. "Hintayin mo na at baka parating na din."

"Kaano-ano n'yo po si Analie?" usisa ko.

"Anak ko. Sa bangko ka ba? Halos araw-araw may naniningil sa batang 'yon e."

Tumango ako. "Nag-aapply po kasi siya ng loan. Microfinancing po. Anak po ni Analie?" tukoy ko sa batang amoy bagong paligo na.

Remote Control


"Para po!"

Lampas na naman ako sa bahay. Lumipad na naman ang isip ko kahit wala naman akong masyadong inaalala. Madalas akong wala sa sarili. Dala siguro ng depression. Madalas kasi akong nag-iisa at walang kakwentuhan. Isa pa, halos lumilipas lang ang araw at gabi ko ng wala man lang nangyayari. Nauubos lang ang oras ko sa harap ng computer sa opisina at tv sa bahay. Kaya di na ako magugulat kung dadating ang panahon na katropa ko na ang mga taong grasa sa daan.

Love Bus - Chapter Twenty-One



Chapters 1 | 2 | 3 | 4 | 5 | 6 | 7 | 8 | 9 | 10 | 11 | 12 | 13 |14 |15 | 16|17|18|19 | 20


"May tumatawag yata sa'yo.. Umiilaw ang phone mo.." pag-iiba ni Andrew sa usapan.

"Excuse me.." pasintabi ni Miel.

"Go ahead. Take time."

"Take time, take time.. God! Ano klaseng lalaki ka? Tsh.." pabulong na wika ni Miel pagkatalikod kay Andrew. "Hello, why? What?!!!"

"Bakit? Anong nangyari?" pasugod na tanong ni Andrew.

"Nothing. My bestfriend is here." Ibinalik ni Miel ang phone sa bag at tumingin sa relo.

"Okay. Lalaki? Baka hinihintay ka na.. We'll talk later."

Bahagyang napangiti si Miel sa reaction ni Andrew. "Sure ka okay ka lang?"

"Oo. Oo." mabilis na tugon ni Andrew kahit ayaw niyang mawala sa harap niya si Miel.

"Bakit namumula ang tenga mo? Nagseselos ka?"

"Hindi ah! Bakit ako magseselos? Asa ka!"

"Fine. And my friend is a she not he. See you later."

Hindi alam ni Miel kung matutuwa siya o maasar kay Andrew. Gusto niyang yakapin si Andrew dahil nagkita na sila pero napipikon naman siya sa sobrang pagkaindenial ni Andrew sa nararamdaman nito para sa kanya. Matyaga siyang naghintay si Miel para magtapat man lang nararamdaman si Andrew tulad ng nadinig niya sa Bell tower pero bigo siya. Ang ibang lalaki halos itake-advantage siya pero si Andrew parang pader na hindi man lang matinag kahit anong papansin niya.

Bisita Iglesia


Pabalik na ng Manila ang grupo ng kababaihan galing Bicol matapos ang mahabang Bisita Iglesia. Tinatamaan na ng antok ang driver ng biglang may tumapik sa kanyang likod. Bago pa makalingon ang driver ay iniabot na ng matandang babae ang tumpok ng pili nuts. Nakangiti namang tinanggap ng driver ang pili at sinimulang nguyain.

Makalipas ang ilang minuto ay muling tinapik ng matandang babae ang kanyang likod at may hawak muling tumpok ng pili nuts. Nagtaka ang driver dahil halip na ipasalubong sa mga kaanak ay mas piniling ibigay sa kanya gayong may natitira pa sa ibinigay kanina. Naisip niyang maaring wala ng kamag-anak ang matanda kaya minabuti niyang magtanong na hindi masasaktan ang matanda. "Bakit hindi n'yo mo kinakain ang pili, hindi po ba masarap?"

Second Chances? (2 of 2)


Second Chances? (1 of 2)

Nakapasok ako. Si Leejay itinuloy ang tinapos na course. Kahit magkaiba kami ng naging desisyon hindi pa din nawala ang samahan namin. Kahit gaano pa din ka-busy ang isang tao dapat hindi pa din mawawala ang oras para sa kaibigan. As usual umiikot ang lahat ng kwento sa isang tasa ng kape. Nakwento ko din sa kanya na type ko si Yanie. Nahulaan naman niya agad bago ko pa nasabi. Napuna niya siguro ang pagpapansin ko dati o talagang alam na niya ang takbo ng utak ko dahil matagal na din kaming magkaibigan.

Tinutukan ako ng agency nina Yanie kaya nagkaroon ako ng oras ipakita ang aking talent sa pagsasayaw. Kapag may pagkakataon lumalabas kaming tatlo. Hindi ko akalain ang simpleng asaran namin noon ang magiging daan para magkalapit ang loob namin ni Yanie. Sa bawat araw na tumatagal ako sa agency ay siya ding dalas ang paglabas namin. Hanggang isang araw paggising ko mahal ko na si Yanie.

"Galing mo kanina!" bati ni Yanie sa akin. "Malaki na talaga ang improvement mo!"

"Syempre lahat ng ginagawa ko ay para sa atin."

"Talaga?"

"Oo! Mahal kita e."

"Sus! Baka kapag sumikat ka bigla di ka na makakilala. Madalas ang ganun."

"Yanie, imposible iyon!"

"Sana..."

Second Chances? (1 of 2)


Hindi ko maimagine sa ganitong set-up pa kami magkikita muli ni Yanie. Matagal ding panahon bago ako nagkaroon ng lakas ng loob magparamdam. Parang gusto kong umurong kahit papasok na ng pintuan. Siguro hindi ako handa o kaya naman hindi ko pa lubos na tanggap ang nangyari.


"Pasok ka," alok sa akin ng nanay ni Yanie. Mamula-mula pa ang kanyang mga mata habang ginagabayan ako papasok ng bahay. Hawak niya ang aking braso hanggang marating ako sa loob.

Ang pangarap kong Tanan


Hindi pa ako nakakapagtoothbrush nang mapansin kong may mga naglilipat na naman sa kabilang kalsada. Buwan-buwan na lang nangyayari iyon. Siguro haunted ang house kaya walang tumatagal. O kaya naman may taglay na swerte. Lahat ng tumitira ay nanalo sa lotto at umaalis agad para di mautangan.

Utang


"Kahit 300 lang pinsan," kakamot-kamot sa ulong wika ko.

"Saan mo na naman gagamitin ang pera? May utang ka pa sa akin noong nakaraan," tugon naman niya.

"Maghahanap ng trabaho. Babayaran ko din naman agad kapag nagkapera."

"Tumutulong ka na lang sa nanay mong magtinda ng ihaw-ihaw siguro hindi ka aabot sa pangungutang. At kung naipon mo ang mga ipinahiram ko sa'yo malamang may sarili ka ng puhunan."

"Minalas lang talaga pinsan," pagtatanggol ko sa sarili ko, "kung hindi siguro para sa akin ang mga inaaplyan ko baka may mas malaking naghihintay sa akin."

Love Bus - Chapter Twenty


Love Bus
by arianne & panjo

Chapters 1 | 2 | 3 | 4 | 5 | 6 | 7 | 8 | 9 | 10 | 11 | 12 | 13 |14 |15 | 16|17|18
|19





"Anong ginagawa mo dito?" gulat na wika ni Andrew. Medyo namumula pa ang kanyang pisngi sa pagkabigla. Hindi niya inaasahan ang biglang pagsulpot ni Miel.

"Ako siguro ang dapat nagtatanong niyan. Akala ko umalis ka na?"

"May sinadya lang ako dito... Binalikan ko ang relo ko. Sayang kasi."

"Talaga lang? Wala ka ng ibang pakay dito?"

"Wala. Tsaka bakit ka ba nakikialam? Ikaw bakit mo ko sinusundan?"

"May hinihintay lang ako kaya ako nandito at saka ako ang nagturo sayo ng lugar na ito kaya di kita sinusundan. Akala ko pa naman bukal sa loob mo ang pagsigaw-sigaw dyan. Muntik pa naman akong matouch.. Kesyo pumapasok daw sa isip, binabagabag palagi, 'yon pala drama lang..."

"Sa tingin mo ikaw 'yon?" Kakaiba ka talaga.. Ikaw nga itong binabagabag hanggang ngayon di ba? Makasalanan ka kasi." pagtatanggol ni Andrew sa sarili.

"Fine! At least honest. Kung di lang malaki ang boses mo malamang inisip ko ng bakla ka. O baka naman talagang bakla ka nga? Kaya pala malansa." Panunuya ni Miel. "Sabagay ang mga bading madalas nakatago sa matigas na boses."

Bahagyang napahiya si Andrew pero ayaw niyang ibaba ang sarili sa puntong malalamangan na naman siya ng babaeng kinaiinisan niya. Pero sa pagtalikod niya hindi niya namalayan ang pagsulpot ng maliit na ngiti sa labi. "Mauna na ako. Baka masira pa ang araw ko." I

"I'll make sure sa pagkikita ulit natin, hihingi ka na ng tawad. I hope brave ka na sa time na iyon..."

Bahagyang humakbang si Andrew at nang malapit na sa tenga ni Miel saka muling nagsalita. "Isigaw mo na lang baka mangyari..."

Spongebob


'Mommyyy!' sigaw ng batang si Liz. Nanaginip na naman siya ng nakakatakot. Humaguhol ang bata ng makitang parating na ang mommy niya.

'Why baby?' niyakap ni Mrs. Jaime Tena ang kanyang anak. Hinagod ang likod nito at pinahid ang luha. 'Bad dream?'

'Yes mom.' Humihikbi pa din si Liz. 'Bakit po ba may bad dream pa?'

'Remember Monster Inc?' Sinusuklayan niya ang anak habang kinakausap. 'May mga monster na nanakot talaga kasi doon sila kumukuha ng lakas pero kung strong ang bata hindi matatakot. Kaya dapat strong ka para matalo mo ang bad dream.' paliwag ng ina.

'Bakit po minsan wala akong dream?' usisa ng bata.

Napangiti ang ina sa pagiging mausisa ng anak. Kaya dapat lagi siyang may handang sagot sa bawat tanong. 'Kapag kasi maaga ka matulog, strong ka. Bago pa pumasok ang monster, natalo mo na siya kaya wala kang bad dream. Kaya sleep early palagi anak.'

'Can I watch Monster Inc again?'

'Its not TV time yet, baby.' Hinawakan niya ang pisngi ng bata. Hinalikan.

'Mom?'

'Yes?'

'I want to play. Where's sponge bob?' malambing na wika ng bata.

'Here.' Pinulot niya si spongebob na nahulog pala sa kabilang parte ng kama. 'Hug spongebob para hindi mahulog sa kama.'

'Ayaw niya ba makipagplay sa akin Mommy? Lagi kasi siyang nawawala e.' sumimangot ang bata.

'No hija. Of course, he wants to play. Nakatago na siya kasi gusto niya makipaglaro ng hide and seek. Last time di ba naghide siya under your pillow?'

'Favorite niya ang hide and seek, Mommy? Gusto ko sana siyang maging baby ko siya this time tapos gagayahin kita kung paano mo ako inaalagaan. Napakaswerte ko mommy kasi ikaw ang mommy ko.' She grinned.

Tumaba ang puso ni Mrs. Tena sa narinig. She loves her daughter much and she's willing to do anything for her. 'Maswerte din ako kasi ikaw ang baby ko. Wala ka pa ngang ginagawa napapangiti mo na ako. I love you anak.'

'I love you too Mom. Mommy laro muna kami ni spongebob.'

'Sige. Enjoy Liz.' Masayang pinagmamasdan ni Jaime ang anak. Naging full-time mother na ang dating teacher na si Mrs. Tena simula nang mapagpasyahang mag-abroad ng kanyang asawa. Taas noo niyang sinasabi na siya ang 'Best Mom in the World' dahil napalaki niyang maayos si Liz.

Nilibang ni Jaime ang sarili. Ikinakapit niya sa personalized album ang mga bagong picture ni Liz. Bawat picture nilagyan niya ng caption. She can't stop smiling and at the same time she is frowning. Mabilis nga naman ang panahon, hindi habang buhay bata si Liz. Bibo ang kanyang anak. Matalinong bata. Puno ng sigla.

Isang oras din ang lumipas bago niya natapos ang album. Balak niyang ipakita ang lahat ng ito kapag nakauwi na ang kanyang asawa. Ilang buwan na din lang naman at matatapos na ang kontrata nito. Mabubuo na ulit ang kanilang pamilya.

'Mom?' mahinang tawag ni Liz.

'Yes, baby? I'm here.' sagot agad ni Mrs. Tena.

'I'm sleepy. Can I take a rest again?'

'Sure honey.'

'Mom?'

'Yes?'

'Pagkagising ko pwede na akong manood ng tv?'

'Sige anak. Sleep ka na. Alam ko pagod ka na.'

'M-mom?' pagal na boses ng bata.

'Baby?'

'Can you sing the song we used to sing?' Pumikit ang bata nang makitang tumango ang ina.

'Sure honey.' Pumatak ang luha ni Mrs. Tena. 'Ikaw ang aking Tanging Yaman. . N-aa di lubasang masumpungan..' Mahigpit ang hawak niya sa kamay ng kanyang anak. Nagtatakbuhan ang mga nakaputing tao papunta sa kwarto ni Liz. 'Ang nilikha mong kariktan... Sulyap ng 'yong kagandahan'. Muling nahulog si spongebob sa kabilang parte ng kama. 'Ika'y hanap sa t'wina, Nitong pusong..' Seryoso ang mukha ng mga dumating. Inilagay ng breathing apparatus sa bibig at ilong ni Liz. Bangungot kay Jaime ang sumunod na pangyayari. Humagulhol ang nagmamahal na ina. Ang greatest mom sa mundo ay iniwan na ng mahal na anak. Bumagsak sa sahig ang nagpapanggap na malakas na ina. Lumabas sa aparatus ang tuwid na linya. Nakaririndi sa pandinig ang matinis na tunog ng aparato. 'Ikaw lamang ang saya.. Sa ganda ng umaga, Nangungulila..... sa'yo sinta.' Bumitaw na si Liz. Hindi na niya kaya.

Walang boses na kumawala sa ina. Subalit ang puso niya nagsusumigaw, puno ng hapis at pagdurusa. Kinuha niya ang album. Tinitigan ang nakangiting anak. Nabasa ng luha ang pahina. 'Ika'y hanap sa t'wina, Sa kapwa ko, Kita laging nadarama... Sa iyong mga likha, Hangad pa ring masdan Ang 'yong mukha'. Niyakap niya ang kanyang anak. Walang buhay.

Doctor : Died 11:47 am. Cardiac arrest.

Siwang


Nagmamadaling  umuwi ng bahay si Junel sa pag-aalalang mapagalitan na naman ng kanya nanay. Bitbit ang ipinabiling mantika ay binaybay niya ang mahabang pader na naghihiwalay sa dalawang compound patungo sa kanilang bahay. Siguradong maliligo na naman siya sa kurot dahil inuna na naman niya ang paglalaro. 

Inilapag niya ang mantika sa mesa malapit sa lababo para mapansin agad ng kanyang nanay. Tumalilis  siya palabas ng bahay habang di pa namamalayan ang kanyang pagdating at makaligtas sa ibang pang utos. Binalikan niya ang mga naghihintay na kalaro. Sinimulan ang taguan pagdating niya. Kanya-kanya agad pwesto. Umikot si Junel sa likod ng isang bahay. Sinigurado muna niyang walang ibang bata bago pumuwesto sa di kapansin-pansin na lugar.

Unang Pagbukas


Tulad ng pagbubukas ng isang kandado
may nakatagong kombinasyon sa bawat numero.
Hindi bubukas kung di tugma,
kung titigan; maluluma.

Ang may lirikong salita
ang nagbukas sa hiwaga .
Sa musika at ritmong tayo ang may gawa
Naghuhumiyaw ang kakaibang kataga.

Nilakbay ang bundok na matarik
Malalim ang dagat na sinisid
upang kombinasyon ay makamit
Ng sining sa likod ng pag-ibig.

Padyak - Maikling Kwento


"Mang Ferdie, nandito na po ako!" Sigaw ni Benson sa papasok na sana sa bahay na amo. Patakbo siyang lumapit sa matanda, inalis ang nangingitim na sumbrero at yumuko ng bahagya para magbigay galang.

Bumaling si Mang Ferdie kay Benson. Makailang ulit niyang inayos ang salamin para maaninag ang tumawag sa kanya. "Oh, Benson kamusta ang byahe?" tukoy ni Mang Ferdie sa minamanehong padyak ng tauhan.

"Medyo mahina bossing buti na lang may nagpahatid sa kalye dose kaya nakabawi," wika ni Benson habang iniaabot ang boundary.

"Ah ganun ba? Kamusta nga pala ang pagbubuntis ni Gelai?" usisa ng matanda. "Magkakapanganay ka na!"

"Maayos naman po. Buti na lang di siya maselan. Kabuwanan na nga po."

Umumis ang matanda sa balita ni Benson. Panandaliang napawi ang kunot sa pisngi nito. "Oh heto, huwag ka na lang muna magbigay ng boundary hanggat di pa nanganganak ang asawa mo." Iniabot ni Mang Fred ang isinulit na pera ni Benson. "Mahirap ang pasada ngayon dahil walang pasok ang mga estudyante."

"Nakakahiya naman po." Ang matanda mismo ang nagsilid ng pera sa bulsa ng punit na pantalon ni Benson dahil sa pagtanggi niya.

"Naku utoy! Natutuwa lang ako sa sipag mo, para di ka mahiya pakidala na lang ng pampaalsa ng tinapay at mantikilya sa bakery ni Jovan." Mabagal na lumakad ang matanda sa kinaroroonan ng mga produkto. "Nanakit lang ang bewang ko at hirap lumakad. Sumumpong na naman ang rayuma ko e."

Inilalayan ni Benson ang matanda papasok ng bahay. "Sige po! Kung gusto n'yo po ako na lang ang magdadala palagi nito tutal nadadaanan ko naman ang bakery pauwi. Pagaling po kayo."

Banat sa trabaho ang bente tres anyos na si Benson. Malayo sa edad ang kanyang itsura palibhasa ay sunog sa araw ang kanyang balat, nagsusumigaw ang mga ugat sa binti't braso at mamula-mula ang kanyang buhok. Payak ang kanyang pamumuhay at pinagkakasya ang anumang bagay na natatanggap.

Naglakad papunta ng bakery si Benson bitbit ang pampaalsa at mantikilya. Malapit lang naman ang panaderya kaya hindi niya masyadong naramdaman ang bigat ng dala. Sa kalkula niya ay higit sa limang kilo ang bitbit.

Bumungad sa kanya ang isang matabang lalaki pagkadating sa bakery. May kagat-kagat pa itong ensaymada habang nagsusupot ng tinapay. Tila hangin ang pagdating ni Benson dahil hindi niya ito pinansin.

"Ang tatay mo?" tanong ni Benson. Ngumuso lang sa kanan ang lalaki para ituro ang kanyang ama. "Mang Jovan, may dala po akong pampaalsa at mantikilya galing kay Mang Ferdie." Iniaangat ni Benson ang dala para makita ng kausap.

Bumalikwas mula sa kanyang pagkakaupo si Jovan at hinarap si Benson. "Buti dumating na, kanina ko pa hinihitay iyan e!" Sinilip ni Jovan ang laman ng plastic saka inilapag sa mesa.

"Inatake po ng rayuma si Mang Ferdie kaya ako na ang inutusan," tanggol naman agad ni Benson sa amo. "Sige po."

Pahakbang na sana si Benson nang bigla siyang tawagin ni Jovan. "Sandali. Baka gusto mo ng extra kita!" pahabol ni Jovan. "Iniaahente ko din kasi itong pampaalsa at mantikilya. Mura kasi ang bigay ni Mang Ferdie kumpara sa palengke, umalis ang isa kong tao kaya wala akong tagadeliver baka pwede ka?"

Agad bumaling si Benson kay Jovan. Malaking tulong ang alok nito kaya wala dahilan para tumanggi siya. "Pwede po. Isisingit ko na lang sa pamamasada ko."

"Tuwing hapon lang, kahit kapag tapos ka nang mamasada. Sa gabi naman kasi niluluto ang tinapay. Ayos na ba ang isang daan piso? Tatlong bakery lang naman."

"Ayos na ayos po." Swerte ang hapon na iyon kay Benson. Bukod sa nakalibre ng boundary buong buwan ay nagkaroon pa siya ng siguradong kita tuwing hapon. Malaking tulong sa nalalapit na panganganak ng asawa.

"Teka kukunin ko lang ang repack na. Gamitin mo ang sidecar diyan sa gilid para mabilis."

Pagkakatapos mamasada, inugali na ni Benson maghatid ng pampaalsa at mantikilya kay Jovan. Mula sa tatlong panderya at umabot sa pito ang kanyang pinagdadalhan ng repack na produkto ni Jovan. Dahil dito ay nadagdagan din ang kanyang kita.

"Mukhang malakas ang bakery ni Jovan. Madalas ang order ng pampaalsa at mantikilya," puna ni Mang Ferdie isang hapon pagkatapos isoli ni Benson ang pedicab.

"Iniaahente din po din kasi niya sa ibang mga panaderya at tindahan. Hindi ko nga pala nasabi sa inyo. Noong una ninyo akong inutusang maghatid ng mantikilya at pampaalsa ay kinuha niya akong delivery boy tuwing hapon. Sakto kasing umalis ang isa niyang tauhan," lahad ni Benson sa matanda.

"Aba! Malaking tulong sa iyo, utoy. Pagbutihin mo wag lang pakapagod!"

"Opo. Mukhang paalis kayo Mang Ferdie? San ang lakad?" pag-iiba ni Benson sa usapan.

"Sobra na kasi ang lamig dito, nahihirapan akong kumilos dahil nga sa rayuma ko. Sabi ng anak ko doon muna daw ako sa kanila."

"Ihahatid ko na po kayo sa terminal." Binuhat niya ang gamit ng matanda at inilagay sa loob ng pedicab.

"Huwag na utoy. Kung may deliver ka kamo kay Jovan," tanggi ng matanda sa alok ni Benson. "Ikaw na muna ang bahala sa padyak kahit sa inyo mo na muna igrahe."

"Malapit lang naman po ang terminal.." Nagpumilit siya hanggang mapapayag ang matanda. Malapit lang naman ang sakayan kaya alam niyang makakahabol siya.

Natagalan bago nakasakay si Mang Ferdie. Dahil likas na makwento ang matanda ay hindi agad maiwan ni Benson ang kausap. Mabilis siyang pumadyak papunta ng panaderya para umabot. Laking gulat niya nang maraming tao ang nakapaligid dito ay may ilang nakaumpok at nagbubulungan.


"Aling Karlang, anong nangyari dito? Bakit may pulis?" Gulat na gulat si Benson sa nadatnan.

"Naku! Iyang palang si Jovan ay pusher. Dakip pati mga boy. Ito namang si Adyong, atungal na sa pagtanggi! Nautusan lang daw siya ngayon-ngayon lang. Noong hinalungkat ng pulis ang bitbit na pampaalsa, may shabu. Tapos ang balde ng mantikilya, may marijuana. Mabuti nga sa kanila!" Nakapamewang pang lahad ng babae.

Sunod-sunod ang lunok ni Benson tila natuyuan ng lalamunan.

-wakas-

Tonton


"Kuya! Napanaginipan ko si Tonton!" pangungulit ni Renald sa nakatatandang kapatid.

"Tonton? Sino namang Tonton?"

"Aso. Aso kuya. Iniligtas...."

"Huwag mo muna akong abalahin, Renald," putol ni Clark. "May tinatapos ako."

"Pero kuya... Mabibilib ka sa kanya."

"Renald?!!" Pagalit na bigkas ni Clark. "Maglaro ka na lang sa kwarto. O kaya magdrawing ka ulit." Inabot ni Clark ang pad ng papel at lapis sa kapatid. Walang nagawa si Renald kundi ang umalis at kausapin mga naglalakihang laruan sa kwarto.

Napasugod naman bigla mula sa kusina si Katrin dahil sa inasal ni Clark sa kapatid. Hindi niya nagustuhan ang biglang pagtaas ng boses nito.

"Clark, masyadong ka yatang harsh sa kapatid mo. Pwede namang hayaan mo lang siyang magsalita kahit di ka nakikinig. Kesa tinataasan mo ng boses."

"Kasi naman Mama..." padabog na katwiran niya. "May hinahabol kasi akong deadline. Tsaka panaginip lang 'yon."

"Alam mo namang special ang kapatid mo. Madaling masaktan kaya maging mahinahon ka kahit pa walang sense ang sinasabi."

"Sorry po. Medyo may pressure lang kaya madali akong mapikon."

Say Cheese!


"Happy birthday, Miguel!"

"Bro, anong wish mo?" tanong ni Aimie.

"Tumatanda ka na dapat di na kalokohan 'yan ha!" segunda naman ni Randell.

"My wish? A happy life. Masayang buhay kasama si Melissa."

Malakas ang sigawan sa tambayan. Halatang kinikilig ang mga babae sa tropa at may nagtulak pa kay Melissa palapit kay Miguel. Tatlong buwan na yatang nililigawan ni Miguel si Melissa o apat. Basta nanliligaw siya. Ako naman higit isang taon ng dinadaga. Binalak ko na din manligaw kaso simula nang sinabi ni Miguel na gusto niya si Melissa, pinanghinaan na ako ng loob. Kaya eto ako ngayon, olats.

"Oh, Goryo, bakit parang di ka nakikisaya," puna ni Caren sa akin sa pananatili ko may gilid ng kubo. . "Are you with us?"

"Ah eh, nasira yata ang camera ko," palusot ko. Madalas akong photographer ng grupo bukod sa hilig ko ay nagkakaroon ako ng pagkakataong kunan ng panakaw si Melissa. "Susunod na ako. Aayusin ko muna para okay ang kodakan mamaya."

Bakit nga ba ako nagkagusto kay Melissa? Wala naman sa kanya ang gandang hanap ko sa isang babae. Hindi din naman siya sexy at lalong hindi naman siya chinita tulad ng mga crush kong bida sa mga koreanobela. Bakit ko nga ba tinatanong ang sarili ko? Ang natatandaan ko lang, basta isang umaga paggising ko sa isang parte ng kama, mahal ko na si Melissa. Pwede ba ang ganon? Paano kung may batang magpasagot ng slumbook at magpadefine ng love, anong isasagot ko? Love is.. Love is.. Love is making me crazy. Tama! Love is a crazy feeling that even the most intelligent homo sapien can't explain.

I was staring at her nang makita ko siya palapit sa akin. Teka! Anong gagawin ko? Nagkunwari akong di ko siya napansin na lumapit. Ibinalik ko ang aking atensyon sa camera.

"Bakit ngayon pa nagloko ang camera na 'to?" wika ko sa sarili.

"Kinakausap mo ang camera? Baka gusto mo ng kausap. Pwede ako." Nagkunwari akong busy at nagbigay lang ng ngiti sa kanya. "Patingin nga n'yan!" Huli na bago ko pa nasabing bawal.

"Huwag sana! Huwag sana," paulit-ulit kong bulong sa sarili.

"Panget ko naman dito. Nakanganga!" Oh no! Malapit na niyang makita. "Taba ko naman dito sa isa! Ayoko na nga! Akala ko magaling kang photographer."

Nakahinga ako ng maluwag. Buti na lang latest picute lang ang tiningnan niya. Muntik na niyang mabuking na puro siya ang naka-save. "Photographer ako hindi magician!"

"Yabang mo!" Ewan ko ba kung bakit kinikilig ako kahit lumalaki ang butas ng ilong niya kapag naaasar. "Bakit lagi mo akong tinititigan?"

Patay! Yari! Buking! Lord kunin mo na ako. Please! Now na! Ano bang isasagot ko? Mahina ako sa essay. Mababa ang grade ko sa Philosophy para makahugot agad ng dahilan. "Natutuwa lang ako sa inyo ni Miguel. Perfect partner kayo." Aray! Bakit ko ba sinasaktan ang sarili ko?

"Talaga?" Tumango at ngumiti lang ako.

"Oo. Kilig na kilig nga ang buong tropa!"

"Naku! Si Miguel pa! Alam mo namang di nagseseryoso 'yan. Isa pa, di ko talaga siya type."

"Choosy ka pa?!"

"Ano ka ba?! Magaganda lang ba ang may karapatang mamimili?"

Napangiti ako sa sinabi niya. Napaisip na din. "Akin na nga ang camera bawasan ko ang nakasave."

"Yesterday, sa library, I saw you staring at me..." Sana ostrich na lang ako para kaya kong itago ang ulo ko sa lupa para maligtas sa kahihiyan. Nahuli niya pala ako. Namula ang buong mukha ko.

Kailangan kong humanap ng lusot. "Dami mo namang napapansin. Siguro ako ang tinititigan mo kaya kung anu-ano napapansin mo!"

"Hmm.. Basta! Ayaw ko lang ng tinititigan mo ako.. Kinikilig kasi ako...."

Teka Lord, wag mo muna akong kunin. "Honestly, nakikita ko kasi ang future na kasama ka."

-end-

Love Bus - Chapter Nineteen


Love Bus
by arianne & panjo

Chapters 1 | 2 | 3 | 4 | 5 | 6 | 7 | 8 | 9 | 10 | 11 | 12 | 13 |14 |15 | 16|17|18


Medyo madilim ng nakarating si Andrew sa bahay ng kanyang Kuya Stephen. Nararamdaman na naman niya ang kakaibang kaba nung may makita siyang babae sa park na tila matagal na niyang kilala. Pero hindi niya ito nagawang tawagin. Bakit? Una, hindi niya alam ang pangalan nito. Pangalawa, baka mamaya ay mapagkamalan pa siyang rapist kapag bigla na lamang siyang lumapit dito.


"Oh Andrew, andiyan ka na pala." Bati ni Heidi sa kanya.


"Oo ate. Eh ang Kuya ba?"

"Nandun sa park, at tinawagan ni Miel. Mukhang pumayag na ata sa hinihinging pabor ng kuya mo para sa negosyo mo."

"Miel? Siya ba yung tinutukoy ni Kuya na may consultancy firm?"

"Ah oo. Bukod sa matalino, mayaman, eh talaga namang maganda yung si Miel. May pagka brusko lang paminsan. Parang hindi dalaga. Alam mo, palagay ko ay magkakasundo kayo. Sayang lang at aalis na din daw sabi ng Kuya mo. Madami pa daw aasikasuhin, sadyang pinagbigyan lang ang hiling niya."

"Mukha ngang mabait. Sana ay ma-meet ko siya."

Sakto namang dating ni Stephen at narinig ang pinaguusapan ng dalawa. Nakangiti siyang pumasok ng bahay at sinalubong ng ngiti ang dalawa.

Nanalo ako sa raffle


Maagang gumising si panjo para maghakot ng kanyang gamit papunta sa kanyang bagong bat cave. Natripan nya kasing magboard muna kaya humanap siya ng pwedeng tuluyan. Full-packed ang bag na mahirap isara ang zipper at halos lumawit ang kanyang dila sa bigat..

Umakyat siya sa kaisa-isang overpass sa tanauan habang kumakanta ng waka waka. Pagkatapos ay sumakay ng jeep at naisipan nakakaabala ang kanyang pagkanta. Nakonsenya siya. After nya makonsensya ay kumanta na ulit.


Bumababa siya ng sto tomas at naghintay ng bus patungong san pablo. Sinuwerte siyang nakasakay ng bus na may wifi.

Love Bus - Chapter Eighteen


Love Bus
by arianne & panjo

Chapters 1 | 2 | 3 | 4 | 5 | 6 | 7 | 8 | 9 | 10 | 11 | 12 | 13 |14 |15 | 16|17



"Pass nako. Ikaw nalang. Masyado ata akong napagod sa biyahe eh." Sabi ni Christine sabay hawak sa ulo.

"Ikaw? Napagod? Weh?" Mapang-asar na sabi ni Miel. "Imposible!"

"Bakit, wala ba akong karapatang mapagod? Kalabaw nga napapagod e. Ako pa kaya na maganda lang. Tsaka if I know, hindi naman pasyal ang habol mo. Gusto mo lang makita ang prince charming mo." May halong panunukso na bawi naman ni christine. "Marinig mo lang ang salitang baguio pati tonsil mo kinikilig!"

"Ay ewan nga sayo! Pupuntahan ko na nga lang si Stephen, siya naman talaga ang ipinunta ko dito. Bonus nalang siguro kung may makasalabong ako kakilala."

"So umaasa ka pa din pala? Buti pa ang alaga mong aso madaling pagsabihan!"

"No! I just want to see him, and tell him I'm sorry. Plus gusto ko din malaman kung kamusta ba yung deal niya. Kasi alam kong malaking factor ang ginawa kong kalokohan sa kalalabasan nun." Saad ni Miel na halatang guilty padin sa ginawa niya.

Tutor - Maikling Kwento


"Papa!" sigaw ni Kyle pagkapasok ng bahay.

"Oh kamusta? Mahirap ba?" tukoy ni Donald sa exam ng anak. Nasa grade three na si Kyle at masayang s'yang nakikitang masipag ito sa pag-aaral. Sulit ang bawat pagod niya sa trabaho dahil palagi itong may dalang magandang balita pag-uwi.

"Look!" pagmamalaki ni Kyle habang iniaabot sa ama ang test paper.

Ngumiti si Donald. "Basahin mo na lang anak. Parang mas masarap madinig para ganahan akong magtrabaho palagi."

"Math 100. English 90. Filipino 100. Science 95!"

"Galing talaga ng anak ko!" Hinawakan niya ang anak sa ulo pagkatapos ay tinatapik ng isang kamay ang balikat. "Naasan nga pala si Lyn?"

"Pinauwi ko na po!" Si Lyn ang tutor ni Kyle mula pagkabata. Hindi pa man nag-aaral si Kyle ay ikinuha na niya ng tutor ang anak.

Napakunot ang noo ni Donald. "Bakit mo pinauwi anak?"

"Sabi ko sa kanya aalis tayo ngayon. May pangako ka po di ba?"

Bahagyang siyang nag-isip at inalala ang ipinangako sa bata. Naalala niya ang laruan gusto ni Kyle noong minsan silang dumaan sa Mall. "Oo nga pala. Maglilinis lang ako ng kamay. Aalis na tayo."

"Bilisin mo Papa! Baka mawala pa ang toy sa store."

Namatay sa sakit sa baga ang asawa ni Donald noong isang taon gulang pa lang si Kyle. Dala ng hirap ng buhay hindi naagapang ipagamot ni Donald ang asawa. Namamasukan siya bilang mekaniko noon kaya di sapat ang nagiging kita niya. Simula noon isinumpa ni Donald ang kahirapan. Hindi niya hahayaang danasin ni Kyle ang paghihirap niya noon. Nagtayo siya ng sariling talyer matapos makaipon. Bukod sa magaling siyang magkumpi mura lang siyang sumingil kaya madami siyang kustomer. Ibinuhos niya ang kanyang oras sa pagtatrabaho para sa ikabubuti ng anak. Kumuha siya ng tutor para tumutok sa pag-aaral ni Kyle.

"Papa, pwede bang wala na lang akong tutor?" hiling ni Kyle sa ama.

"Napag-usapan na natin ito dati. Kyle, hindi ko matutukan ang pag-aaral mo kaya kailangan natin si Lyn."

"Kaya ko na naman po. Grade Three na po ako e."

"Sa ngayon kaya mo... pero kapag mahirap na baka di kita matulungan," paliwanag niya sa anak. "Kita mo naman madami akong kustomer palagi."

Bahagyang sumimangot ang bata pero lumiwanag muli ang mukha nito matapos makita ang laruang pakay sa mall. Isang set ng pokemon duel monters.

"Nandito pa Papa!" Kinuha niya ang laruan at hinila papunta sa counter ang ama. "Miss!"

"Good afternoon po," bati ng cashier. Kinuha niya ang laruang hawak ng bata. "P 235.50 po."

"P 235.50," bulong ni Donald sa sarili. Tiningnan niya ang laman ng wallet. "Ito ang bayad." Iniabot niya ang isang daan piso.

"Sir P 235.50 po," banggit muli ng cashier. "Kulang pa po ng P 135.50."

"Pasensya na malabo na ang mata ko. Mali ang nakuha ko sa wallet ko," natatawang wika ni Donald. Sinuklian naman siya ng ngiti ng cashier. "Ito na." Iniabot niya ang limang daang piso at ibinalik sa kanya ng cashier ang isang daang piso.

Ipinasyal pa niya ang anak sa mall. Bumili ng ilan pang gamit na pwedeng makatulong sa pag-aaral ng anak. Tuwang tuwa si Kyle kaya nag-uumapaw din ang kaligayahan ni Donald.

"Ano? Gaano katagal?!" iritableng boses ni Donald.

"One month kuya," sagot ni Lyn. Humingi siya kay Donald ng bakasyon para makadalaw sa mga kamag-anak niya. "Matalino naman si Kyle kaya hindi naman siguro siya maiiwan sa klase."

"May magagawa pa ba ako." Bumalik si Donald sa pagkukumpuni ng sasakyan. Halatang masama ang loob. "Sana nagsabi ka ng maaga para nakahanap ako ng pansamantalang kapalit."

"Pasensya na talaga kuya. Biglaan din kasi ang abiso sa akin."

Hindi alam ni Donald kung saan lupalop siya kukuha ng pasamantalang kapalit ni Lyn. Bibihira sa lugar nila ang masasabing may utak at matyagang magturo sa bata. Bukod pa dito, nagiging tagasundo at hatid na din si Lyn ni Kyle dahil magkalapit ang school na pinapasukan ng bata at trabaho ni Lyn.

"Oh! Donald, bakit ikaw yata ang sundo ni Kyle ngayon?" puna ni Ms. Jazz Robleo, isang teacher din sa pinapasukan ni Kyle.

"Magbabakasyon daw muna si Lyn kaya ako muna," sagot niya.

"Wala si Ate Lyn, Papa?" singit ni Kyle kahit nadinig na niya sa ama na wala si Lyn.

"Wala e. Isang buwang wala kang tutor."

"Papa!" Hinila niya ang kamay ng kanyang ama. "May ibubulong ako sa'yo."

"Ano? Susubukan ko anak."

"Ano namang pinagbubulungan niyong mag-ama?" usisa ni Jazz. "Parating na ang tricycle."

"Ah, Eh. Sabi ni Kyle kung pwede ka daw munang substitute tutor."

"Hmmm. Pag-iisipan ko muna."

"Yes! May bago na akong tutor!" sigaw ni Kyle.

"Pag-iisipan pa daw anak."

"Ayaw mo ba sa akin Ma'am?" tanong ni Kyle. "Lagi naman po tayong magkasama sa tricycle kaya po magaan na ang loob ko sa inyo."

"Siguro nga anak ayaw niya sa atin. Pero kahit wala ka ng tutor huwag mo sanang pababayaan ang pag-aaral mo," gatong niya sa hirit ng anak.

"Opo, Papa. Huwag po sana kayo magalit kung magiging mababa ang grades ko."

"Okay! Okay! Payag na ako," mabilis na sagot ni Jazz. Nag-apir ang mag-ama.

Nagsimulang maging tutor si Jazz ni Kyle. Tuwing hapon ang session nila. Tulad ni Lyn, araw-araw silang magkasabay pumasok at umuwi. Malambing na bata si Kyle kaya hindi nakararamdan ng pagod si Jazz. Isa pa, madaling makaunawa ang bata sa mga aralin kaya parang tagapanood na lang ang ginagawa niya. Napamahal sa kanya ang bata kaya parang kapatid o higit pa sa kapatid ang turing niya.

"Alam mo Donald, palagay ko hindi kailangan ng anak mo ang tutor," suwestyon ni Jazz.

Napabaling si Donald kay Jazz. "Kailangan niya, para sa kanya din iyon." Lumakad siya papunta sa kusina. Hindi niya gustong may nakikialam sa mga desisyon kapag pag-aaral ni Kyle ang nakasalalay. Ayaw niyang makipagtalo kaya umiwas siya sa dalaga.

"Matalinong bata si Kyle. Kung tutuusin wala akong ginagawa dito kasi kaya niyang sagutan lahat," katwiran niya. "Kahit ang bata ayaw niyang tulungan siya kasi gusto niyang patunayan na kaya n'ya."

"Bata pa si Kyle para malaman ang nararapat."

"Pero dapat nakikinig ka din sa opinyon ng anak mo!"

Matigas si Donald. "May gagawin pa ako sa labas."

Nanatili ang katahimikan sa pagitan ni Donald at Jazz. May pader na humaharang kay Jazz para ilapit ng husto ang kanyang loob sa lalaki. May damdaming gustong sumabog sa loob niya. Gusto niyang imulat ang mata ni Donald pero umiiwas palagi ito. Alam niyang tahimik na tao si Donald pero hindi niya akalain na lubhang misteryoso ang pagkatao nito. Pakiramdam niya ay hindi niya kayang tumagal sa loob ng bahay buti na lang nababago ang mood niya dahil sa magiliw na pagtanggap sa kanya ni Kyle.

"Papa, galit ka ba kay Ma'am?" usisa ni Kyle.

"Hindi. Hindi anak," mabilis na sagot ni Donald.

"Ma'am, hindi daw po galit sa'yo si Papa. Ma'am, ikaw galit ka ba kay Papa?"

"Huh?" Umiwas siya ng tingin sa bata. Nagkunyari siyang busy sa pagtuturo sa bata. "Hindi Kyle."

"Hindi naman pala e." Hinila ni Kyle ang kamay ng ama. Pinaupo niya ito sa tabi ni Jazz. "Mag-usap po muna kayo. Kukuha lang po ako ng maiinom."

Kinagat ni Jazz ang kanyang labi para pigilan ang paglitaw ng kanyang ngiti. Tumingin siya kay Donald, nakangiti ito sa kanya. "Ikaw kasi." Sabay silang nagtawanan sa kanilang pag-aasal bata.

Tumayo si Donald para sundan ang anak sa kusina. Pinabalik na niya si Kyle sa sala dahil baka makabasag pa ito ng mga kasangkapan. "Kukuha lang ako ng kape."

"Sige."

"Kyle! Kyle! Nasan ang kape at asukal!" tawag ni Donald sa anak. Mataas ang kanyang boses dahil palagi niyang pangaral sa anak na dapat ibalik ang lahat ng gamit sa pinagkunan para hindi mahirap hanapin.

Halip na si Kyle ang lumapit, si Jazz ang pumunta sa kusina. "Hayan oh! Kung ahas 'yan, tutukain ka na e." Itinuro ni Jazz ang ilang bilog na sisidlan. May label ang bawat lalagyan kung ano ang laman nito.

Binuksan ni Donald ang sidsidlan para masigurado ang laman nito. "Hindi lang ako sanay na binabago ang mga gamit." Hindi siya humarap sa kausap.

"Hindi mo ba nagustuhan? Project iyan ni Kyle." Hinawakan niya ang isa at inilapit sa mukha ni Donald. "Maganda naman di ba?"

"Maganda," tipid na sagot niya. "Nasanay lang siguro akong na isang tingin ko pa lang ay alam ko na ang kukunin ko."

Ilang araw na lang matatapos na ang pagiging tutor ni Jazz. Nakabalik na din si Lyn kaya paniguradong hanap-hanapin n'ya ang presence ni Kyle. Pinagmamasdan niya ito habang inilalagay ang baon sa bag. Sa isip niya, may paghanga siya kay Donald dahil napalaki niya ng may pagkukusa si Kyle. Hindi na kailangan iutos ang mga bagay na kaya nitong gawin.

"Kyle baka mahuli na tayo!" paalala ni Jazz.

"Saglit lang po, ididikit ko lang po itong sulat." Lumapit siya sa bata at tinulungang idikit ang sulat sa pinto ng ref.

"Ano ba kasi 'yan?"

"Invitation po para kay Papa..."

"Invitation?" Binasa niya ang laman ng sulat. "Wow! Ikaw pala ang representative ng class nyo sa declamation contest! Bakit di mo na lang sabihin?"

"Gusto kong isurprise si Papa kaya di ko sinabi..."

"Oh tara na!"

Makailang ulit na hinanap ni Kyle ang kanyang ama sa karampot na bilang ng tao sa stadium ngunit bigo siya. Maging si Jazz ay umasang darating si Donald pero kahit anino ay hindi niya napansin. Bagamat nanalo si Kyle ay umuwi itong malungkot.

Gusot ang mukhang pumasok ng bahay si Kyle. Hindi niya pinansin si Donald kaya nagtaka ang ama.

"Kyle, may nangyari ba?" tanong agad niya pero hindi nagsalita ang bata. "Jazz?"

"Nagtanong ka pa?"

"Kasi di ko alam!"

"Ngayon ang ang declamation contest na matagal pinaghandaan ni Kyle!" iritableng boses ni Jazz. "Hinintay ka nga niya e. For your information, nanalo nga pala siya."

"Hindi ko alam," nalulumong sagot ni Donald. "Hindi naman sinabi sa akin."

"Hindi pa ba malinaw? Gusto ka niyang sorpresahin!" sakrastikong tugon. Para sa kanya sobra na ang pagpapahirap ni Donald sa emosyon ng bata. "Sumulat pa nga siya sa'yo." Sinulyapan niya ang sulat sa pinto ng ref pero wala na doon.

Hinubad niya ang suot na jacket at inihagis sa sofa sa sobrang pagkairita. "Hindi ko nabasa. Kung alam ko lang darating agad ako." Tulad ng dati tumalikod si Donald para iwasan ang pakikipagtalo.

"Kyle, huwag ka ng malungkot. Hindi pala nabasa ng Papa mo ang sulat. Siguro nilipad ng hangin ang sulat."

Niyakap ni Kyle si Jazz. "Buti po nandoon kayo. Kung nagkataon wala pong magsasabit sa akin ng medalya."

Bumitaw sa pagkakayakap si Jazz nang may napansin sya sa hinubad na jacket ni Donald. Sa bulsa noon ay may nakasilip na piraso ng papel na hawig sa ginawang invitation ni Kyle. Lumapit siya para makasigurado. Hindi siya nagkamali. Dumilim ang kanyang paningin dahil nakuhang magsinungaling ni Donald. Kahit wala siyang karapatang makialam ay sinugod niya ang ama ni Kyle.

"Hoy! Napakasinungaling mo!" sigaw ni Jazz. "Pati bata niloloko mo! Sinasaktan mo."

"Ano bang sinasabi mo? Sumosobra ka na ah!" Mataas na din ang kanyang boses. "Umuwi ka na nga!"

"Bakit nakukuha mong magsinungaling sa anak mo? Hinintay ka nya. Hindi mo man lang inisip ang nararamdaman niya!"

"Kulit mo. Hindi ko nga nabasa!"

Kinuha ni Jazz ang jacket ni Donald. "Ano 'to? Hindi mo nabasa o wala ka talagang pakialam sa nararamdaman ng anak mo! Hindi sapat ang materyal na bagay lang para maging masaya ang bata... Kailangan ka niya bilang ama. Pamilya.."

Umiwas muli si Donald. Ayaw niyang magsalita. Hindi niya kailangang magpaliwanag. "Pasensya na. Hindi ko talaga nabasa..."

Umiling si Jazz. "Ganyan ka naman. Lagi kang umiiwas." Hinila niya ang braso ng kausap bago pa ito makaalis. "Hindi ko alam kung nagtatanga-tangahan ka para sabihin hindi mo nabasa pero nasa bulsa mo... Siguro tanga ka nga kaya manhid ka."

"Oo tanga ako! Tanga ako!" Napaupo si Donald. Bago nagkasakit ang kanyang asawa, nadinig din nya ang mga katagang iyon. Ang inakala niyang makakaunawa sa kanya , ay sisihin pa siya sa kanyang kamangmangan kaya mahirap ang kanilang buhay. "Kasalanan ko ba kung hindi ako natutong magbasa? Kasalanan bang isipin ko ang kabutihan ni Kyle?"

Hindi napigilan ni Donald ang pagbagsak ng kanyang luha. Sariwa sa kanyang alaala ang mga pangungutyang natatanggap niya. Ang hirap na nararanasan niya sa tuwing bibili siya sa tindahan. Iniuntog niya ulo sa mesa.

"Sorry hindi ko alam." Nakaramdam ng matinding awa, paghanga at pagkapahiya si Jazz. Hindi niya alam kung tama ang ginawa niyang panghihimasok sa buhay ni Donald.

"Ngayon alam mo na kung bakit may tutor pa din sa Kyle." Tumayo siya para umiwas.

"Papa," wika ni Kyle. Hinila niya ang ama at inabutan ng lapis. Naglakad sila pabalik sa mesa. Kumuha si Kyle ng papel at iniabot sa ama. Ipinatong ni Kyle ang kamay niya sa kamay ng ama. "Papa, A. Sabihin mo A."

"A." Dahan dahan kumilos ang kamay ni Kyle at sumunod naman si Donald hanggang makabuo sila ng letter A. Gumuhit sa pisngi ni Donald ang luha dahil tanggap ng anak ang kahinaan niya.

Pasinghot-singhot na pinanood ni Jazz ang tutor ni Donald.




"B. B, Papa."

"B."

-end-

Tagu-taguan


"Anong meron d'yan Enok?" tanong ni Adong.

"Ibon.. Maya."

"Pwedeng makita?" hirit agad ng matabang si Denden.

Binuksan ni Enok ang kahon at ipinasilip sa dalawang bata ang ibon sa loob.

"Patay na!" Sigaw ni Adong.

"Buhay pa!" giit ni Enok.

"Hindi na yata gumagalaw." kunot noong wika ni Denden.

"Natutulog lang!" Kinalog ni Enok ang kahon at bahagyang gumalaw ang pakpak nito. "Oh di ba, buhay pa oh."

"Ano naman gagawin mo d'yan?"

Bago pa makasagot si Enok ay may umagaw mula sa kanyang likuran ng suot niyang sombrero. Si Jordan. Tumakbo siya palapit kay Jordan para bawiin ang sombrero pero inihigas ito sa kasamang si Teban. Nagtawanan ang dalawa sa paghabol sa kanila ni Enok.