Dalawang lalaki ang nakatingin sa malayo sa may tulay na naghahati sa San Andres at San Pedro. Kung pagmamasdan ay hindi sila magkakakilala pero ang di nila paglapit sa isa't isa ay paraan lamang para itago ang kanilang identity.
"Nalantad na ang anyo ni Zardy..." wika ni Beska habang naglalakad sa noon ay nakatigil sa may paanan ng tulay na si Jin. "Naramdaman ng isang Chidoya ang aura niya."
"Paano?" gulat na tanong ni Jin. "Mawawalan tayo ng contact sa loob eskwelahan."
Umupo si Beska sa isang malaking bato. Nagsuot ng salamin at sinimulang buklatin ang pahina ng hawak na libro. "Nahulog siya sa trap ng Chidoya. Nagkunwaring nangongopya ang Chidoya para ipatawag sa Dean's Office. Nagpakawala ng sealing curse at tuluyang nalantad ang anyo ni Zardy. Hindi siya naging maingat buti na lamang naramdaman agad ni Soliven ang panganib."
"Napatay nila ang pangahas na Chidoya? Hindi dapat mahinto ang pagsubaybay sa eskulawahan. Malakas ang kutob ko na nasa school na 'yon ang Kalsiki."
"Hinahabol na nila ngayon ang Chidoya. Patay na sana siya may nakialam lang. May nagpakawala ng Zen mula sa kung saan. Sa kasamaang palad, hindi namin nakita ang ang nagpakawala ng Zen."
"Zen?! Nandoon ang Arquiza?"
"Imposible. Hindi basta aalis ang Arquiza dahil mabigat ang tungkulin niya sa pagsasara ng butas."
"Siya lang may kakayahang magteleport kaya di 'yon imposible."
"Babae ang nagpakawala ng Zen. Ako mismo ang nakadinig ng boses niya."
Apat ang kalaban ni Chito. Hindi basta mga Panther lamang ang mga ito. Lahat ay nagtataglay ng malakas na aura. Sila ang responsable sa sunod-sunod na pagpuksa sa mga kasamahan ni Chito. Alam niya sa sarili na hindi sasapat ang lakas niya para talunin ang lahat. Ang pakay na lamang niya ngayon ay makalagas kahit isang kalaban.
"Ang lalaking nasa kanan, pambihira ang lakas niya," bulong sa sarili ni Chito. Si Soliven ang tinutukoy ni Chito. "Siya ba ang uunahin ko? Alam kong siya ang gumawa ng matalim na liwanag. Tinapos ko na dapat kanina ang dean para hindi na ako inabot ng mga ito."
"Bata, wag kang mag-aalala. Bibigyan ka namin ng oras para magdasal." wika ng dean na kanina lamang ay nagmamamakaawa kay Chito.
"Sinong bata?! Mag-ingat ka sa sinasabi mo baka ikaw ang unahin ko. Tapos ka na nga dapat kanina e. May nakialam lang!"
"Sige. Bibilisan namin para maubos ang yabang mo!" wika ni Soliven.
"Hindi ba kayo nahihiya sa sarili n'yo? Nag-iisa lang ako apat pa kayong makikipaglaban sa akin. Natatakot kasi kayo sa lakas ko!" Humakbang pa lalo palapit si Chito. Nagpakita siya ng tapang.
"Matapang ka. Sayang mismong kasamahan n'yo ang tumatraydor sa lahi n'yo!" Makahulugan ang binitawang salita ni Soliven.
Ang hindi alam ng apat ay bago pa tumigil si Chito sa pagtakbo ay nakagawa na siya ng curse. Sumakto ang laki at sakop ng bilog para ikulong pansamantala ang mga kalaban. Ikinumpas niya ang kanyang kamay para magpakawala muli ng Sandato. Planado na. Isang sandato pagkatapos ay ang Rendo. "Isang bato apat na ibon. Magaling!"
"Sanda...," natigilan si Chito. Magpapakawala na sana siya ng curse subalit may biglang lumabas mula sa likuran ng apat. Nagbigay daan pa ang mga kalaban sa pagdating nito. Tila hindi nababahala. " Emer?!" Gulat na gulat si Chito. Hindi niya napakawalang ang curse.
Isang liwanag ang lumamon kay Chito. Ang tanging malinaw sa kanya ay ang nakakakilabot na itsura ni Emer bago siya tuluyang nawalang ng ulirat.
"Hangga't may isang nakatataas at may isang gustong lumakas, hindi matatapos ang kalakaran. Mananatili ang ikot ng mga traydor para palaglagin ang nasa tutok upang matupad ang hangaring maging makapangyarihan. Isang bulok na sistemang magpapabagsak sa mga Luna....." wika ni Soliven sa nakahandusay na katawan ni Chito.
"Bilang isang Panther, Emer malugod ka naming tinatanggap na kasapi. Sa amin, walang mataas, walang mababa. Lahat pantay-pantay. Isang prinsipyong nagpatatag ng aming samahan. Pansinin mo, malaya kaming nakikisalumuha sa mga karaniwang tao. Samantalang kayo palaging nakasunod sa kagustuhan ng Arquiza," pagtatapos ni Soliven.
itutuloy...
want a copy? send an email to panjo[at]tuyongtintangbolpen[dot]com