Skinpress Rss

Apple




Request na dula. Hindi ko talaga forte ang ganito pero sinubukan.

Thelma, 25 - pasyente. payat at suplada.
Sander, 32 - attending physician ni Thelma.
Charles, 67 - doctor. ama ni Sander.
Glenda, 25 - kaibigan ni Thelma.
Maris, 9, special child, room mate ni Thelma sa ospital.
Eve, 24 - personal nurse ni Maris.
Harry, 23 - tatay ni Maris


Unang Yugto

Malalim na ang gabi. Nakatanaw si Sander sa malayo nang mapansin siya ng ama. Lumamig na ang kapeng naiinip sa paglapat ng labi ni Sander sa tasa.

Sander : Pa, Bakit gising ka pa?

Charles : Hindi pa dapat ako ang nagtatanong niyan? Kanina pa kita tinitingnan. Ano bang gumugulo sa isip mo?

Sander : Wala po. Hindi lang po ako makatulog.

Charles : (tumingin sa tasa ng kape) Caffeine. Hindi makatulog o ayaw matulog. Iniisip mo pa din ang babae kanina? Sinasabi ko sa'yong hindi mo dapat haluan ng personal na buhay ang propesyon natin.

Sander : Nagtataka lang po ako. Hindi siya nagsasalita at di talaga sia nakikioperate sa mga dapat niyang gawin.

Charles : She needs a counselor. Doktor tayo, gagawin natin ang lahat para makapagligtas pero kung ano man ang itinatago nila sa loob labas na tayo dun. Kung lagi kang interesado sa bawat pasyente, lahat ng may sakit iiyakan mo. Grow up, son!

Sander : Nakita n'yo ba ang lab result kanina sa ulo n'ya? Maaring lumala pa kung di maagapan.

Charles : Don't act na parang baguhan, need lang i-clip ang namamagang bahagi. An eight hour surgery will resolve it.

Sander : Pero ayaw niya. Hindi nga makausap. Ayaw kumain.

Charles : That's another issue. Kahit operahan mo siya kung ayaw naman kumain, mamamatay din. Good night. You need to rest.


Pangalawang Yugto

Sa ospital, kinakausap ni Glenda si Eve tungkol sa kalagayan ng kanyang kaibigan. Labis ang pag-alaala nito ng biglang apuyin ng lagnat si Thelma.


Glenda : Kamusta na siya?

Eve : Okay naman po ang vital signs. As per advise ng doctor need n'yang mag-undergone ng operation. Madalas na pong siyang mamilipit sa sakit ng ulo.

Glenda : Tigas kasi ng ulo ng babaeng ito. Hindi ko na alam ang gagawin ko e. Miss kung sakaling magising siya pakisabi umuwi lang ako. Hindi pa kasi ako naliligo mula pa kahapon.

Eve : Sure. Kung may dadalaw po pakiinform na lang po ng visiting schedules.

Glenda : Ayaw nga ding ipaalam sa iba na may sakit siya e. Sige po. Alis na po ako.

Darating si Sander dala ang chart ng pasyente.

Eve : Good morning doc.

Sander : Good morning. Kamusta ang little angel. (unang binisita ni Sander si Maris)

Eve : Sobrang aga nga pong nangungulit.

Sander : (hinawakan sa pisngi) Totoo bang makulit ka?

Maris : Hindi po Tito doctor. Nagtatanong lang po ako kung ano ang pangalan ng nasa kabilang bed.

Sander : That's Tita Thelma. She's asleep pa. Alam mo ba kung anong day ngayon?

Maris : Tuesday?

Sander : Tama. Hindi ka pa daw nagpapavaccine? Bakit hindi na mabait ang angel ko?

Maris : Kasi laki ng karayon. Masakit.

Sander : Hindi ka gagaling kung hindi ka magpapavaccine. Parang kagat lang pati ito ng langgam.

Maris : Ilang langgam?

Sander : Isa lang. Isang baby langgam. Kagatin mo ako sa daliri para makaganti ka kapag nasaktan. Pati gagaling ka kapag nagpavaccine.


Hindi alam ng lahat na gising na si Thelma. Kanina pa ito nakikinig sa pag-uusap. Bahagya siyang napapangiti sa usapan ng dalawa.


Sander : How about the other patient?

Eve : Madalas pa din pong mahilo at sumakit ang ulo. (umiling) Hindi pa po kumakain o umiinom ng gamot. Sinukuan na nga po ng ibang nurse. Hindi po talaga nakikicooperate.

Sander : Mukhang ang isang ito ang asal bata.

Ikatlong Yugto

Nang mapansin ni Thelma na wala ng tao sa paligid pinilit niyang tumayo upang tumakas. Hindi niya kailangang magpaopera o kahit anong gamot.

Thelma : Sorry Glenda. I don't need a doctor.

Palabas na sana siya ng kwarto ng may biglang gumulong na mansanas palapit sa kanyang paa. Pinulot niya iyon at dinala sa pinanggalingan nito, kay Maris. Mahimbing ang tulog ng bata.

Maris : Mama... Mama... Mama...

Thelma : (Hinipo ang ulo ng bata) Inaapoy siya ng lagnat. Nurse! Nurse! (Hinawakan niya ang kamay ni Maris.)

Eve : (tumakbo palapit) Bakit po kayo bumangon?

Thelma : Huwag mo akong intindihan. Ang bata... inaapoy siya ng lagnat.

***paging Doctor Sander Mendez.. paging Doctor Mendez.. please proceed to room 322 immediately.


Mabilis responde ni Sander para tulungan ang bata. Hindi na bago sa kanya ang ganoong sitwasyon. Titig na titig si Thelma sa nangyayari. Awang awa siya sa murang katawan ng bata habang nilalagyan ng maraming tubo.

Sander : (niyaya ni Sander si Eve sa may pintuan) Dumating na ba ang magulang ng bata?

Eve : Hindi pa po.

Sander : Kawawa naman. Hirap talaga sigurong maghagilap ng pera. Hindi na maganda ang lagay niya.

Eve : Three days na po siyang walang dalaw. Sinasabi ko na nga lang pong tulog siya kapag dumadating ang tatay niya.

Sander : (kay Thelma) Salamat. Akala ko pipi ka. Buti na lang naagapan.

Thelma : Welcome. (bumalik sa pagkakahiga.)

Sander : Kamusta ka na?

Thelma : Anong sakit niya?

Sander : Magpapaopera ka na ba?

Thelma : Magkanong kailangan niya?

Sander : Good Samaritan?

Thelma : Kailangan niya ng tulong.

Sander : Mas kailangan mo ng tulong.

Thelma : At bakit? Malubha na siya di ba?

Sander : Physically may sakit siya. Pero sa loob magaling sya. She's very positive, palagi siyang nakangiti, she can even crack a joke kahit di na siya makahinga. And you? Libre na nga ang ngiti pinagdadamot mo pa. Malubha na ang sakit mo dahil nilamon na ang pagkatao mo.

Thelma : Stop acting na you know me. And hindi ko kailangang magpagamot.

Sander : Doktor ako. Alam ko ang tama sa sakit mo.

Thelma : Doktor ka lang. Wala kang karapatang makialam sa buhay ko.

Sander : Simula ng maging doktor ako, lahat ng buhay na nasa panganib ay parte na ng obligasyon ko.

Thelma : I don't need you.

Ikaapat na yugto.

Inatake muli ng sakit si Thelma. Lumikha ng ingay sa loob ng kwarto ang daing niya.

Glenda : Doc, bilis! Inaatake na naman siya.

Sander : She need a surgery para di na sumakit ang ulo niya.

Glenda : Ilang beses ko na ngang sinabi di nakikinig.

Sander : (lumapit agad kay Thelma.) Please drink this!

Thelma : No! (Tinabig niya ang kamay ni Sander.)

Glenda : Please! Sa kakasigaw mo, nagigising ang ibang patient e. Makinig ka naman minsan. Nag-aalala din ako.


Niyaya ni Sander si Glenda sa isang snack bar sa tapat ng ospital para alamin ang background ni Thelma. Masyadong mailap sa kanya ang pasyente kaya kailangan niyan ng tulong.

Sander : Ano ba talagang nangyari diyan sa kaibigan mo? Madaming pasa, may sugat at parang laruan, kailangan susuian para magsalita.

Glenda : Huwag n'yo na lang pong ipaalam na nagkwento ako.

Sander : Sure. Para sa ikagagaling niya ito.

Glenda : Promise?

Sander : Promise.

Glenda : Ilang beses na siyang nag-attempt magsuicide.

Sander : What?! For what? At iyong sinasabi mong pagkahulog sa hagdan ay sinadya n'ya?

Glenda : (tumango) Her mom died months ago. Nagkasakit after malamang may other woman si Tito Gary. Galit na galit noon si Thelma. She confronted her father about that pero halip na makonsensya mas piniling umalis ng bahay at sumama doon sa other woman. To make the story more complicated, nadiscover niyang pati boyfriend niya ay kinalantari na din ng babae 'yon. Ang daldal ko na yata.

Sander : Nadepress pala siya ng sobra.

Glenda : Super. Kuhang kuha niya ang ugali ng kanyang mama. Mas pipiliing magkulong sa kwarto kapag may problema.

Sander : And worst, may suicidal tendency siya. We have to help her.

Glenda : How? H-O-W?

Sander : Tell me her favorites.

Glenda : May hidden agenda? Mukhang pati puso gagamutin mo doc? Ako na lang kaya ang ligawan mo di ako choosy.

Sander : Walang malisya to.

Glenda : Saken pwede magkamalisya. Biro lang doc. Baka totohanin mo, magblush pa ako.


Ikalimang Yugto.

Dumating si Charles ng bahay habang inaayos ni Sander ang mga gamit na dadalhin sa ospital.

Charles : And what's with this stuff all about?

Sander : Gagamitin ko bukas sa ospital.

Charles : I doubt na makakagaling si Superman ng pasyente. Ang alam ko malakas siya pero di sya nakakagamot.

Sander : Medium ko lang po para mamotivate magpagamot.

Charles : You know son, sabi ng tatay ko biniyayaan ako ng kakaibang talent.

Sander : Talaga? Ano po?

Charles : I can read minds. Hindi ko na lang pinagkakalat dahil baka iprotesta pa ako ng mga manghuhula. Kahit itanggi mo, alam kong interesado ka kay Ms. Banquilles since day 1 pero noong dumating bigla ang isang patient na may suicidal tendency biglang nabaling ang attention mo. You like Thelma, right? Magreretire ako kapag nagkamali ako.

Sander : Paano nyo nalamang may suicidal tendency siya?

Charles : (Hinawakan ang sentido.) I can read minds, hijo.

Sander : Bilib na talaga ako!

Charles : No wonder kung bakit di ka pa nagkakagirlfriend. Style mo bulok! HAHAHA. Tell me her favorites. HAHA

Sander : Pa! Bilib na sana ako e.


Ikaanim na Yugto

Pumasok ng room 322 si Sander suot ang shirt na may logo ni Superman. Sabi ni Glenda, mahilig si Thelma sa Superman collectible. Kung magpapanggap si Sander na hilig din nya ang mga ganoon ay maari niya makuha ang loob nito at makumbinsing magpaopera.

Sander : Good morning cutie little angel. (Hinawi pa ni Sander ang suot na gown para makita ni Thelma. )

Maris : Good morning tito doc.

Sander : Alam mo bang may nag-save sa'yo kahapon?

Maris : Opo. Ikaw. Ginamot mo agad ang sakit ko.

Sander : Hindi ako. May biglang superhero na dumating at iniligtas ka.

Maris : Sino po?

Sander : Kita mo ba iyong babae sa kabilang bed? Iyong palaging nakasimagot. (pabulong)

Maris : Si Tita Thelma. Mabait pala siya. Ganda niya din tito doc.

Sander : Maganda ba iyon? Palaging nakasimangot e. Kung idodrowing ko siya gagawa ako ng isang babaeng sakitin tapos may bato sa dulo ng labi. Sa bigat ng lips niya di siya makangiti.

Maris : Tell tita na thank you.

Sander : Naku si Ate Nurse na lang ang magsasabi. Hindi pa kasi kumakain ang babaeng payatot sa kabilang kama baka malunok ako. Wala ng gagamot sa'yo.

Natatawa lang si Eve habang nakikinig sa usapan ng dalawa. Kinuha ni Maris ang mansanas at isang pirasong papel. Iniabot niya iyon kay Eve.

Eve : Ipinabibigay po ni Maris.

Thelma : Maris?

Eve : Maris po ang pangalan ng bata. (Lumabas na ng room pagkatapos iabot ang mansanas)

Thelma : (Tiningnan niya ng papel. Isang maling smile ang nakasulat). Salamat.

Lumapit si Thelma kay Maris.

Sander : Bakit ka tumayo?

Thelma : Hindi ako lumpo. Kumusta na siya?

Iniabot ni Sander ang gamot na dapat inumin ni Thelma. Matagal ang titig ni Thelma sa kanyang kamay dahil sa suot niyang singsing na may tatak na superman.

Sander : Subukan mo siyang tanungin. (Iniwan ni Sander na magkausap ang dalawa.)

Thelma : How are you?

Maris : Ilang tulog na lang gagaling na po. Kayo po?

Thelma : Maayos naman. Hindi ko naman talaga kailangang magpagamot. Matagal ka na ba dito?

Maris : Opo. Kainin nyo na po ang mansanas. Kailangan nyo po yan kasi ayaw nyo daw po magpagamot. Hindi ko po talaga yan kinakain.

Thelma : Bakit?

Maris : Apple a day daw po keeps the doctor away. Si tito doc na lang po ang kaibigan ko kaya ayaw ko po siya mawala. Kung kakainin ko ang apple aalis siya. Eh kayo po ayaw nyo sa doktor kaya mas kailangan nyo yan.

Thelma : (Napangiti) Ano ba daw sakit mo?

Maris : Sabi ni tito doc, tumataba daw po ang puso ko. Hindi ko nga po alam kung paano niya iyon nalaman e hindi naman niya nakikita ang puso ko. Marunong ka naman pala ngumiti e.

Thelma : Sino bang nagsabing hindi?

Maris : Sabi nila. Kahapon, napanaginipan ko si Mama. Magkahawak kami ng kamay habang tinatawag ko siya. Tapos bigla siyang nawala.

Thelma : Nasan ba ang mama mo?

Maris : Wala na po. Kung pwede po ikaw na muna ang mama ko. Para kapag magaling na tayo mamasyal tayo sa amin.

Thelma : Sige. Basta magpapagaling ka.

Ikapitong Yugto

Humahangos na dumating ng ospital si Harry. Bakas sa mukha niya ang takot.

Harry : Nasaan ang doktor? Nasaan siya.

Eve : Nasa rounds pa po. Mamaya pa po ang schedule niya.

Maris : Tatay, gagaling na po ako?

Harry : Oo anak. Gagaling ka na. Gagaling ka na.

Maris : Tita Thelma. Tita Thelma.

Thelma : Bakit?

Maris : Maooperahan na po ako. Dapat po ikaw din. Sabi mo sabay tayo di ba?

Glenda : Bibiguin mo ba ang kaihilingan ng bata?

Thelma : Sige. Papaopera din ako.

Sander : Nadinig ko 'yon! Wala ng bawian.

Harry : Pwede po bang pakischedule agad?

Sander : Sige. Pahinga ka muna. San ka ba nagsusuot nitong nakaraang araw? (Nagsulat si Sander sa chart gamit ang pen na may superman. Pasekreto niyang tinitingnan si Thelma kung magrereact)

Harry : Isinangla ko po ang bahay. Bahala na kung anong mangyari mailigtas lang ang anak ko.

Sander : Ipinapangako ko, gagaling ang anak mo.

Glenda : Eh ang kaibigan ko doc?

Sander : Wala namang lunas sa matigas ang ulo.

Harry : Maris, anak?! Anak! Doc! Ang anak ko.

Sander : Eve..

Eve : Yes doc..

Mabibilis ang kilos ng mga nagdatingang tao. Lahat na kay Maris ang atensyon.

Harry :Gawin n'yo ang lahat. Iligtas n'yo ang anak ko.

Thelma : God please help her.


Ikawalong Yugto

Dinala si Maris sa operating room. Tunog lang ang nadidinig sa labas. Hindi nila alam ang nangyayari.

Eve : Kailangan n'yong bilihin agad po ito.

Harry : Sige gagawan ko ng paraan. Ligtas na ba siya?

Eve : On going pa po. Pero responsive naman.

Glenda : Ibabalita ko kay Thelma na maayos siya. (mabilis na ibinalita kay Thelma ang operasyon.)

Thelma : Mabuti naman maayos siya.

Glenda : Paano ang pangako mo? Sana you will not fail her. She's a fighter kahit bata siya. Sana ganoon ka din.

Thelma : Hindi ko nga akalain sa lugar pang ganito may magpapahalaga sa akin.

Glenda : Maraming nagpapahalaga sa'yo. Nadepress ka lang masyado kaya di mo sila nakikita. Buti na lang mabait ang doctor mo.

Thelma : He's nice. Magaling siyang manlibang kahit pinipikon niya ako sa superman outfit niya.

Glenda : Mukhang gumagaling na nga a. Si Maris ang topic e. Iba ang nasa isip. Mukhang hindi ka na din kakain ng apple.


Ikasiyam na Yugto

Nakatingin ang lahat kay Maris. Nakabalik na siya sa room 322.

Sander : Ligtas na siya. Hindi ko man lang siya kinakitaan ng kahinaan ng loob.

Glenda : Mabuti naman. Ang pasyente ko kaya.

Sander : Hahatulan na 'yan bukas kaya dapat ready na.

Thelma : Masakit yata?

Sander : Parang kagat lang ng langgam.

Thelma : Ilang lang baby langgam.

Sander : Aba bakit alam mo 'yon?

Glenda : Uy! Harry tuloy ka! Bakit nandyan ka sa pinto. Pumasok ka!

Harry : Salamat po sa pagliligtas sa anak ko. Huwag nyo sanang siyang pababayaan. (Tumalikod)

Sander : Saan ka pupunta?

Harry : Susuko. Nakagawa po ako ng masama. Ngayong ligtas na ang anak ko handa ko ng pagbayaran ang kasalanan ko.

Bumagsak ang luha ng lahat matapos yakapin ng mahigpit ni Harry ang kanyang anak.

-end -