"Uwi na tayo. Naghihintay na si Mama," wika ni Daniella. Nakangiti ang kanyang mga labi pero hindi ang kanyang mga mata. Batid kong hindi pa niya gustong umuwi. Dangan na nga lamang at palubog na ang araw kaya kailangan na naming umalis sa aming paboritong lugar.
"Sigurado ka, Daniel?" Kinalakihan ko na ang tawagin siyang Daniel dahil mas komportable siyang kalaro ang mga lalaki . Mas gusto niyang tumakbo at pawisan kaysa maglaro ng manika sa loob ng bahay.
Tumango siya at hinawakan ang aking kamay. Nauna siyang maglakad sa akin na may halong pananabik. "Lakad ulit tayo. Bukas doon tayo sa may dam. Matagal na akong di nakakarating doon." Tinitigan niya ako na halatang naglalambing pagkatapos ay tinanaw ang malawak na pag-aagawan ng dilim at liwanag. "Huwag mong kalimutan ang chessboard."
"Sige. Pangako dala ko ang chessboard bukas! Palubog na ang araw kaya kailangan na nating magmadali."
Hindi ko talaga dinadala ang chessboard. Sinusulatan ko ang bawat parisukat ng mga importante o mahalagang pangyayari sa bawat araw. Nagsilbing journal ko iyon ilang araw na ang nakalilipas. Regalo sa akin ni Daniel ang chessboard na yari sa kahoy noong bata pa kami. Nakita kasi niya na nilalagyan ko ng pandikit ang nabasag kong chessboard na yari sa plastik.
"Kapag ba lumulubog ang araw umiikli ang buhay ng tao?" Hindi ako sumagot. Alam ko ang gusto niyang tukuyin. Ayaw niya ng nagmamadali. Marami daw magandang pangyayari ang nagaganap sa loob isang kisapmata lamang. Nakapanghihinayang kung di masasaksihan. Gusto niyang pagmasdan ang kumpol ng mga tao sa mga tindahan ng sapatos. Hindi ko alam kung anong saya ang dulot noon sa kanya. Bakit lahat nagmamadali makauwi?
Manhid na ang aking mga binti at paltos na ang mga paa sa paglalakad. Hindi mabilang kung ilang beses naming inikot ang kalawakan ng Parokya ng Liliw pagkatapos ay tumitig sa higanteng sapatos sa labas ng simbahan. Nagkukwento si Daniel habang kami ay naglalakad tungkol sa mga bagay na gusto pa niyang gawin. Nakasanayan na niyang hindi ako sumagot sa mga sinasabi n'ya. Paminsan ay tumatango ako kung kinakailangan pero kadalasan nakikinig lang talaga ako.
Napakabuting kaibigan ni Daniella. Positibo mag-isip at hindi kakikitaan ng kahinaan. Madalas ay naiisip ko, paano kaya kung isa lamang siyang ordinaryong kaibigan? Yung walang matibay na koneksyon na nag-uugnay sa amin. Palagay ko ay mas madali kong matatanggap ang lahat.
Una ko siyang inihatid sa bahay nila. Hindi ko talaga gusto kapag maghihiwalay na ang aming landas. Kakakaiba kasi ang nararamdaman ko sa tuwing wala ako sa tabi niya. "Tawagan mo ako kapag nakauwi ka na, ha?" Alam niyang hindi ko siya tatawagan pero hindi siya nagsasawang magpaalala. Batid naman niyang nagsisilbing laruan lang ang aking cellphone.
"Ian, Ayos ka lang ba?" Tinapik niya ako sa balikat. Hindi agad ako nakagalaw dahil mauubusan na naman ako ng paliwanag kung sasabihin kong hindi.
Nilunok ko ang laway na tila nakabara sa aking lalamunan saka ngumiti. Gusto kong sabihin sa kanya na huwag pababayaan ang sarili lalo na kapag hindi kami magkasama. "Palagi. Uulan siguro, madilim na ang langit."
Tinaasan niya ako ng kilay. Hindi siya kumbinsido sa sagot ko. "Mag-iingat ka."
Umuwi ako ng bahay na lumilipad ang isip. Maraming tanong ang nangangailangan ng kasagutan pero hindi ko alam kung saan huhugutin ang sagot. Tila sumisikip ang aking mundo sa bawat araw at parang sasabog na ang aking ulo. Daig ko pa ang nababaliw.
Handa na ang hapunan tulad ng inaasahan ko. Mahal na mahal talaga ako ni nanay. Gaano man kagabi ay hinihintay niya palagi ang pag-uwi ko. Hindi kasi kami halos nagkikita sa araw at sa hapag na lang kami nagkakausap. Minsan napapaidlip na siya at umaabot sa puntong malilipasan na ng gutom.
"Kamusta si Daniella?" salubong agad ni nanay habang kinukusot ang kaliwang mata. Karaniwan na 'yon. Si Daniel palagi ang kinukumusta dahil alam niya kung saan ako pumupunta.
"Masayahin pa din po. Masigla at makulit pero iba ang ipinahihiwatig ng kanyang mga mata."
"Ganoon talaga ang mga paalis na. Hindi na sila nagpapakita ng kalungkutan pero hindi kayang ikubli ng mga ngiti kapag ang mata na ang nangusap." Tinitigan ko si nanay. Natahimik siya. "Tanggapin mo na kasi anak, na ang pagyakap sa katotohanan ay di karuwagan. Tandaan mo, ang pag-iyak ay isang senyales ng katapangan, dahil mula pagsilang ito ang indikasyon na tayo ay lumalaban at may kakayahang magpatuloy. Alam ko natatakot ka pero wala na tayong magagawa, lahat ng tao ay mawawala hindi lang natin alam kung kailan at sa anong paraan."
"May magagawa pa ako!" Pero may magagawa pa ba talaga ako o pinapaasa ko lang ang sarili ko? Araw-araw may takot na umiikot sa isip ko. Parang may multong ano mang oras ay bigla na lang aatake. Masakit tanggapin ang katotohanan, lalo na kung nilalamon ang iyong pagkatao.
Lumapit sa akin si nanay. Nilagyan ng kanin ang aking plato. Hinawakan niya ang ako sa balikat at tinapik ng ilang beses. "Maging masaya at gawing makabuluhan ang bawat araw. Huwag na huwag mo siyang biguin sa mga gusto niya dahil sayang ang mga pagkakataong mapapangiti mo siya sa pamamagitan ng mga simpleng bagay."
"Iyon nga po ang ginagawa ko. May mga pangyayari lang na mahirap paniwalaan. Daig ko pa ang itinali sa roleta habang hinahagisan ng kutsilyo. Sobrang sakit ng mga nangyayari."
"Lahat tayo nasasaktan. Pero si Daniella mismo ang may gustong maging masaya tayo. Malakas na babae si Daniella. Hindi siya basta sumusuko. Tinanggap niya kung ano ang maging pasya ng kapalaran sa kanya. Sana matutunan mo din iyon anak."
Tama si Nanay. Siguro sarili ko lang ang iniisip ko. Dahil malulungkot ako. Dahil hindi ko kaya ng wala siya. Dahil gusto kong tumagal pa ang aming samahan. Sakim nga siguro ako. Pansarili kapakanan pa din ang iniisip ko.
Niyakap ko ang nanay. Para akong batang naghanap ng kakampi at natagpuan ko iyon sa aking ina. Tulad ng basang sisiw na nagsumiksik sa pakpak ng manok. Tinapik niya ang aking likod. Hinagod. Kinupkop hanggang tumahan. Ang bawat patak ng luha ang katumbas ay ginto. Mabigat ang aking mga mata. Pakiramdam ko ay may drum ng luha sa aking talukap. Hindi ako basta naglalabas ng emosyon lalo na kapag may kinalaman kay Daniel at sa kanyang pag-alis. Pero sa pagkakataong ito, kung noon kinaya ko ang sakit ngayon kumawala na ng lahat.
"Sinisingil po kaya si tatay?" tanong ko kay nanay.
"Hindi anak. Kung ano ang nangyari noon ay bahagi na lamang ng nakaraan. Walang dapat pagbayaran."
Ilang beses kaming sinubok at pinanghinaan ng loob. Noong namatay si tatay sa cancer saka ko lang nalaman na kapatid ko si Daniella. Nasira ang tiwala ko sa aking ama. Galit ang kapalit ng paghanga. Nabura ang pag-iidolo ko sa kanya.
Akala ko masisira na din ang pagkakaibagan namin ni Daniella pero hindi. Siguro nangibabaw ang lukso ng dugo. Ang pangungulila ko sa isang kapatid. Nagpatawad na ang nanay bata pa lang ako kaya wala nga siguro dapat pang ikagalit.
Hindi ko alam kung bakit kami ang napiling paglaruan ng tadhana. Napakabigat na emotional torture ang pilit sa amin ipinapapasan. Namatay ang tatay ko. Nalaman kong magkapatid kami Daniella. Tapos ngayon mamamaalam na din si Daniella sa kaparehong karamdaman.
Pumasok ako ng kwarto at sinulatan muli ang chessboard. Tumawid na pala ako sa kabilang parte. Thirty-one days na lang puno na. "Umiiksi nga ba ang buhay kapag lumulubog na ang araw?" Napaisip talaga ako sa sinabi ni Daniel kanina. Tumingin ako sa orasan sa may dingding at nagbakasakaling may darating na kasagutan.
Kinabukasan, sinundo ko si Daniel. Halata na sa itsura niya ang karamdamang pinagdadaan. Maputla na ang kanyang labi at hindi maitago ng kanyang mata ang panghihina. Naninigil na ang kanyang sakit. Labis ang pag-aalala ko pero di ko pinahalata. Nanatili akong tahimik. Ayaw niya ng pakiramdam na inutil siya.
"Dala ko na ang chessboard. Medyo madumi nga lang," tukoy ko sa mga nakasulat sa chessboard.
"Wala na bang papel sa inyo? Pati chessboard ginawa mong diary."
"Kauubos lang. Pupunta pa ba tayo ng dam?"
"Oo. Sayang hindi natin kasama si Gabo at Roldan."
"Nasaan na nga kaya sila. Tanda ko pa gusto nilang maging Seaman. Natupad kaya nila ang mga pangarap nila?"
"Sana. Naalala ko tuloy ang ating pagkabata. Wala tayong inaalala kundi ang pag-uwi ng maaga."
"At kung gagabihin, dadaan tayo sa likod bahay para kunyari kanina pa tayo doon sa may pagawaan ng sapatos ni Vincent," dugtong ko pa.
"Kaya ngayon binabalikan ko lahat ng lugar. Kung saan ako naging masaya. Kaya Ian, dapat isa ako sa dahilan ng pinakamagandang ngiti mo."
Hindi ako nagsalita. Ayoko ng mga bagay o salita na may kinalaman sa kamatayan. Gusto ko siyang pagalitan. Gagaling pa siya. Gagaling. Nasa kalagitnaan kami ng laro nang bigla akong pinuna ni Daniel. Sanay siyang di ako nagsasalita pero ngayon nag-uusisa na siya.
"Bata ka pa, Ian," basag ni Daniel sa katahimikan. "Hindi mo kailangan maging malungkot ngayon."
"Hindi mo ako masisisi. Para bang ipinagdadamot sa akin ang lahat ng mahal ko sa buhay. Si tatay… Ikaw."
"Kung magiging malungkot ka ngayon, pagtanda mo wala kang maaalala kundi sakit at kalungkutan. Kailan ka pa magiging masaya? Saan man ako dalhin ng aking kapalaran ay magiging masaya ako. Sapat na sa akin ang maikling buhay na puno ng kasiyahan kaysa mahaba nga pero bilanggo o alipin naman ng kalungkutan."
"Pero masyadong maiksi. Hindi man lang kita nakasama bilang kapatid!"
Umiling siya. "Magkasama na tayo bilang magkapatid noon pa. Nagtanong din ako kung bakit mabilis naman yata. Siguro dahil checkmate na ako. May wrong move o kaya naman may time limit ang nasabakan kong laban. Kaya sinusulit ko na lang ang bawat araw. Aba, kapag hindi ko sinulit baka kapag mamiss kita sunduin kita. Sige ka!"
"Hanga ako sa'yo. Nakapalakas mong babae."
"Hindi. Mahina din ako. Natuto lang akong tumanggap. Alam ko na kasi ang aking purpose sa mundo. At iyon ay ang pagkasunduin ang ating mga magulang. Bonus pa ang pagkakaroon ng mabait na kapatid."
Nakita ko ang natural niyang ngiti. Bibihira ang pagkakataon ganun. Kung pwede lang sana may rematch din ang buhay. "Baka biglang may sumilip na pag-asa at magkaroon pa ng tabla," wika ko. "Minsan ang inakala nating tapos na ay simula pa lang pala. Ang matikas na atake ng knight ay panlasi para subukin ang tatag mo. Kung magagawan mo ng paraan kahit bibigay ka na pwede mong patagalin ang laban at makatabla pa."
"Ikaw na ang Grand Master!" sigaw niya. Tinabig ko ang kanyang queen gamit ang hawak kong bishop. Mauubusan na siya ng tira. Mananalo na ako sa laro. Bigla niyang tinabig ang board para mahulog lahat ng piyesa. "Draw!"
Umupo ako sa damuhan. Tinatanaw ko ang pagbasak ng tubig sa dam. "Daniel..."
"Ano iyon, Ian?"
"Pwede mo ba akong tawaging kuya?"
Mula sa likuran, niyakap ako ni Daniel ng sobrang higpit. Pareho lang pala kaming naghihintay ng pagkakataon. "Kuya, ipangako mo na kahit anong mangyari hindi ka iiyak. Maging matatag ka para sa akin. Huwag mo akong tatanungin kung bakit kita iniwan."
“Syempre hindi. Natatawa nga ako sa mga sumisigaw ng bakit iniwan at paano na sila noong nawala ang mahal sa buhay. Parang sinusumbatan ang pumanaw. Gayong sila ang malalakas, buhay at pwede pang magpatuloy. Tila ba huminto na din ang lahat.
“Ewan ko ba? Natural na siguro iyon lalo kapag ang nawala ay ang inaasahan nila.”
“Kaya hanga ako sa’yo. Nakukuha mo pang magsaya sa kabila ng nararamdaman mo.”
"Kasi kuya hindi hadlang ang karamdaman para maging masaya. Kung palagi lang akong nasa loob ng bahay mawawalan ng saysay ang natitirang oras. Maganda na 'yong di ko mamalayan na times up na pala. Ang buhay ay hiram sa Diyos kaya dapat gamitin ng maayos bago mahuli ang lahat."
Muli, ang paglubog ng araw hudyat ng aming paghihiwalay. Masyadong mahaba ang pinag-usapan namin kanina kaya kukulangin ang isang parisukat ng chessboard.
"Kuya, tawagan mo ako ha?" Tumango ako bago tuluyang umuwi.
"Daniel, sa totoong buhay ikaw Grand Master!" bulong ko sa sarili. Bukas ang check-up ni Daniel. Inamin na ng doktor na huli na imposible na ang kanyang paggaling. Kung may maliit na himala na magpapabago ng kalagyayan niya ay panghahawakan ko na. Pero sa ngayon, gagapanan ko muna ang aking pagiging kapatid.
"Paload nga po."
Para sa akin ang buhay ay isang malaking chess match. Minsan panalo, talo o kaya tabla. Umabante hangga't kaya tulad ng mga pawn. Matutong maging maingat. Isang pagkakamali ay maaring masira ang depensa. Ngunit sa isang pagkabigo di dapat sumuko agad, maging matibay gaya ng kastilyo. Sa mga pagkakataong nahihirapan marami pang nasa paligid na handang tumulong. Sila ang mga kaibigan. Sila ang nagsisilbing ating knight o tagapagtanggol sa tuwing mahina tayo. Huwag kalimutan ang dakilang lumikha. Patibayin ang pananampalataya na sinisimbolo ng bishop. At sa kabila ng bawat pagkabigo at tagumpay nakapatnubay ang queen at king ng ating buhay. Ang ating mga magulang.
Sa kabuan iisa lang ang hatid ng chess at ng buhay. Ang maging masaya.
-end-
want a copy? send an email to panjo[@]tuyongtintangbolpen[.]com