Skinpress Rss

Ang Babae sa may Pintuan


Ang kaninang maingay niyang anyo, ngayon ay tahimik na nakaupo't nakasandal sa may pintuan. Wari'y may hinihintay o nag-aabang ng salita mula sa kanino man. Kanina din lang ay magkausap kami pero ngayon wari'y di kami magkakilala.

Mula pa sa pagkabata ay kasama ko na si Farrah. Grupo kami na binubuo ng lima. Dalawa silang babae at tatlo naman kaming lalaki. Umaga pa lang sama-sama na kami. Kadang-kadang at luksong baka sa may palayan ang madalas naming libangan. At kung tag-ulan naman makikita kaming nanghuhuli ng maliit na isda at butete sa irrigation. Simple lang ang buhay namin noon pero pinatabay ng panahon ang samahan ng grupo.

Si Farrah naman ang thoughtful sa amin. Sa baon niya palaging kasama ang buong grupo. Palibhasa ay nakakaangat sa buhay mahilig siyang manlibre ng sorbetes at taho sa umaga. Hindi siya madamot sa mga bagay na mayroon siya. May ilang laruan pa nga sa bahay na alam kong ipinahiram lang niya pero hanggang ngayon ay di ko pa naibabalik. Lalo na ang baseball bat na ako ang naging taga tago. Sa may kubo na pag-aari nila sa may pilapil ang aming tagpuan.

Si Penelope naman ang babaeng ayaw madumihan ang damit, madalas siyang may hawak na manika kaya tinutukso namin siya at tinatawag na mangkukulam. Madali siyang mapikon at walang paltos ang pagsusumbong sa magulang sa tuwing naasar. Siya ang unang napahiwalay sa grupo. Maaga kasing nasira ang kanilang pamilya kaya binitbit ng kanyang nanay papunta sa kung saan. Akala namin malapit lang ang pupuntahan pero hanggang ngayon wala pa kaming balita sa kanya. Kung babalik nga siya malamang hindi na namin matandaan ang kanyang itsura.

Si Von ang mayabang sa grupo. Mahirap malaman ang totoo sa mga sinasabi niya. Pero ang yabang niya ay hindi nakakaasar. Siya ang nagiging komedyante sa amin. Kaya niya kasing dalhin ang pinagyayabang niya. Magaling kasi siyang magkwento lalo na kapag may kasamang action. Hanggang ngayon nga di maalis sa kanya ang magpatawa. Kahit di magsalita bubuhos bigla ang tawa kapag inaalis ang kanyang pustiso.

Si Reagan naman ang pinakalider namin. Siya ang pinakamalakas, mabilis tumakbo, matalino at tagapagtanggol sa ibang bata. Teacher sa High School ang tatay niya kanya madami siya alam lalo na kapag tungkol sa mga bituin. Constellation ang hilig namin. Madalas kami sa bubong ng bahay nila at nag-aabang sa mga kakaibang formation ng mga bituin. Aliw na aliw kami noon. Sa tuwing may bago siya nalalaman namamangha kaming lahat. Idol nga ang tawag ko sa kanya noon.

Ako? Hindi ko na siguro dapat pang sabihin. Ako kasi ang sentro ng tawanan. Sa tuwing parating nga ako sa kubo madalas nilang pakawalan ang gansa para makita akong humaharurot sa pilapil habang tinutuka ng gansa. Lampa, mahina at madalas utusan. Ni hindi ko man lang magawang tumutol dahil nasanay na ako o tanggap ko na siguro na ganoon ang role ko sa mundo. Hanggang sa paglaki, ako pa din ang utusan lalo sa tuwing may inuman.


Isa lang ang kanya kong ipagmalaki. Magaling akong tagapakinig. Palibhasa di ko gawain ang magreklamo, naging shock absorber ako ng mga problema ng grupo. Lahat ng sekreto alam ko. Minsan nga may halo pang suntok o pisil sa braso ang mga himutok.

Ako din ang naging tulay sa pagmamahal ni Farrah at Reagan. Tagahatid ng sulat, bulaklak, libro at kwaderno kahit palagi namang nagkikita. Hindi na ako magtataka kung magmahalan sila dahil bagay naman talaga sila. Masaya ako para sa kanila pero hindi ko alam kung bakit may kirot ako biglang naramdaman.

Saksi ako sa bawat saya at pagkabigo. Sa circus at agos ng kanilang relasyon. Demanding si Farrah para kay Reagan. Kulang naman sa atensyong ibinibigay si Reagan ang reklamo ni Farrah. Puro away at bati ang aming nakikita pero kinabukasan magkahawak na muli ang kanilang kamay sa may kubo. Paulit-ulit. Nakakaumay.

Ako ang takbuhan ni Farrah sa tuwing may pagdududa. Tagaayos ng gusot para alisin ang tampo o galit na namumuo sa kanila. Hindi ako maaring tumutol. Makikinig lang ako dahil isang maling salita ko ay may masasaktan sa dalawa kong kaibigan. Mahirap. Naiipit ako sa sitwasyon nila.

Sa pagbukas ko ng pintuan, karaniwan na ang pagsalubong ni Farrah na luhaan. Puno ng galit, hinagpis at matinding selos. Larawan ng babaeng sugatan. Hindi ko nga alam kung nasasaktan pa duguan na.

"Bakit ba ganoon ang kaibigan mo? Hindi ba niya iniisip ang nararamdaman ko?" tanong agad ni Farrah isang umaga. "May kinalolokohan na ba siya?"

Hindi ko alam ang isasagot. Sa mga pagkakataong gustong tumakas ni Reagan sa problema kasama kami ni Von. Habang nilalamon kami ng alak, sigarilyo at iba pang bisyong nagpapabago ng isip ng tao ay di maiiwasan ang kwentuhan tungkol sa babaeng umaalis ng kanyang problema. Kung paano nilulunod ni Reagan ang mukha sa babaeng kasama ay siya namang ikinadudurog ng aking puso. Paano si Farrah? Aamin ba ako sa tanong ni Farrah? O hahayaan kong si Regan ang magtapat. Para akong salabugang na nakakapit sa sanga na anumang oras na alugin ay mahuhulog sa patibong ng pag-amin o pagtatakip.

"Ang mahirap kasi sa puso pabago-bago. Minsan totoo, seryoso at maalab pero isang kisap-mata nagiging sinungaling, mapaglaro at malamig. Paulit-ulit hanggang magsawa, matutong tumanggap o magtiwala. Isang cycle na ang tao mismong nakakaramdam ang kakayahang magdecide."

"Ano bang dapat kong gawin, Kevin? Tama pa bang ituloy ko? Nasasaktan na ako sa mga nangyayari." Hindi ko na mabilang sa aking daliri kung ilang beses ko na iyon nadinig kay Farrah. Manhid na ang tenga ko.

"Nakikinig lang ako... nagpapayo. Pero alam ko kahit anong sabihin ko bago ka pa man lumapit sa akin may desisyon ka na sa isip mo. Gusto mo lang sabihin ang nararamdaman mo."

"Buti na lang palagi kang andyan. Nakikinig. Salamat sa pagiging kaibigan."

"Ikaw pa!" Kaibigan? Bakit hindi na lang ako ang mahalin mo? Iyon ang mga salitang gusto kong isagot sa kanya. Gusto ko siya sampalin para matauhan. Dilat ang kanyang mga mata pero pilit siyang pumipikit para di makita ang kagagauhan ni Reagan. Habang ang pagpapahalaga ko sa kanya at pagmamahal ay di niya nakikita, hindi niya imulat ang kanyang mata para maunawaaan niyang mahal ko siya.

Nanamlay ang pakikisama ko kay Reagan. Marami ang akong dahilan para di sumama sa mga lakad ng tropa. Ayaw ko ng masaktan lalo na kapag alam kong kalokohan lang ipanakikitan niya. Kung may magagawa lang ako hindi na masasaktan si Farrah. Kahit siguro ikwento ko ang lahat kay Farrah hindi siya maniniwala. Binulag na siya ng pinaniniwalaan niyang pag-ibig.


"Tahan na. Alam mo namang marunong ang magdrawing. Sige ka, baka gumawa ako babaeng payatot na may lobo."

"Hindi naman ako nadadaan sa lobo para tumahan."

"Kakaibang lobo iyon. Sa dami na ng nailuha mo, lumobo na ang sipon mo."

"Hindi naman ako ganoon!"

"Nagbibiro lang ako syempre. Ayaw ko lang makita kang malungkot. Hindi naman napapawi ng luha ang sakit. Pagtanggap ang bumubura sa lahat. Maayos din ang lahat."

"Buti ka pa. Sana katulad mo na lang si Reagan."

Sana ako na lang si Reagan. Pangako hindi siya masasaktan, walang luhang guguhit sa kanyang mukha. Ni langaw hindi ko papayagan dumami sa kanya.

Si Von lang ang natitirang koneksyon namin ni Reagan. Nadadaan pa din ang lahat sa biro. Sa mga kwento niya bumabalik sa aking alaala kung gaano ako kalampa. Pero natatabunan ng sayang dala ng pagkakaibigan. Bawat tawa para wala ng bukas.

Ang akala kong gabing tahimik ay gagawa pala ng napakalaking ingay. Despideda na ni Von. Tuluyan ng mabubuwag ang tropa. Hindi masyadong malinaw pero batid ko may pupuntahan si Reagan. Lango ako sa alak noon. Hindi ako nalasing dahil sa pag-alis ni Von kundi sa kagustuhan kong burahin ang damdaming hindi man lang nabigyan ng sukli. Hindi ko na maaninaw pa ang daan at misteryo pa sa akin kung paano ako nakauwi.

Pag-uwi ko sinalubong na agad ako ni Farrah. Mabilis niya akong inalalayan papasok ng bahay. Iniupo niya ako sa may sofa. Itinimpla ng kape para mawala ang kalasingan. Hanga talaga ako sa kanya. Sobrang thoughtful.

"Kasama mo ba si Reagan? Hindi kasi siya umuwi." Si Reagan. Si Reagan na naman ang hinahanap niya. Kailan kaya niya ako mapapansin? Hindi sa habang panahon matitiis ko ang sakit.

Nagtama ang aming mga mata. Ramdam ko ang init ng kanyang hininga na dumadampi sa aking pisngi. Ang samyo ng kanyang buhok ang gumising sa aking pagtao. "Mahal kita, Farrah." Niyakap ko siya at hinalikan.

Ganoon pala kasarap ang kanyang mga labi. Hindi nakakasawa. Malambot nga ang kanyang bewang tulad ng kwento ni Reagan. Matagal kong inasam ang ganoong pagkakataon. Ni sa gunita wala akong natatandaang nagdikit ang aming mga labi. Naging malikot ang aking mga kamay. Puno ng pagnanasa.

Ang tanging kabaligtaran ay kung gaano siya nagpaubaya kay Reagan ngayon naman ay ubod ng pagdadamot at nanlalaban. Maalat na din ang kanyang pisngi dahil sa luhang kanina pa umaagos.
Napakaganda pala niyang pagmasdan kapag nagmamakaawa. Nakakagigil. Bumibilog pa ang kanyang mata sa tuwing may maaalis ko ang telang bumabalot sa kanya. Noong una dahan-dahan para puno ng kasabikan. Tama ulit si Reagan, napakinis nga ng parteng 'yon.


Siguro hindi aabot sa ganito kung iminulat niya ang kanyang mata na ako ang nararapat sa kanya. Pero huli na. Ang babae sa pintuan na kanina'y ubod ng lakas at nagsisigaw ngayon ay basag ang bungo at walang buhay...



-end-




want a copy? send an email to panjo[at]tuyongtintangbolpen[dot]com