"Nakawala ang Bakuya!" Sigaw ni Sintoni. "Isang butas sa kanluran ng Hartes ang nilikha para daanan ng Bakuya."
"Paano nangyari? Delikado!" Tumakbo si Chido palapit sa kulungan. "Sino ang pangahas na umalis ng seal?!"
"Maghahasik ng gulo ang Bakuya kapag hindi agad nahuli!" sigaw ng isa pa.
"Takpan muna ang butas bago pa may ibang nilalang ang makawala," utos ng Arquiza, pinuno ng angkang La Luna.
"Pero paano ang Bakuya?" tanong ni Chido.
"Mahina ang Bakuya habang wala pang nakikitang avatar. Isa pa, walang may kakayanan gumawa ng seal para ikulong siyang muli," paliwanag ng Arquiza.
"Anong gagawin natin ngayon, pinuno?" usisa ni Antera. "Kapag natunugan ni Hades ang pagtakas ng halimaw maaring gumawa siya ng paraan para maghasik ng gulo."
"Susundan ko ang Bakuya," matigas na wika ni Chido. "Ikukulong ko siya gamit ang Rendo!"
"Huwag! Ilalagay mo sa alanganin ang buhay mo at ang buong angkan!" pigil ng ama ni Chido. "Isipin mo kung makawala ang Bakuya sa Rendo, ikaw ang hihigupin ng seal at kapag nangyari 'yon mawawalan ng saysay nag Rendo ng bawat isa sa atin."
Nabahala ang lahat. Isang malaking banta sa katahimikan at balanse ng buhay ng lahat ng nilalang kung di mapupuksa o maikukulong muli ang Bakuya. Sa sandaling makakuha ng avatar o mapasok sa katawan ng isang nilalang ay siguradong lalakas ito ay magtataglay ng mapanirang kapangyarihan.
"Wala tayong gagawin? Hindi tayo kikilos? Maghihintay lang tayo?" nababahalang singit ni Emer.
"Tama. Maghihintay lang tayo," mahinahong sagot ng Arquiza. "Hihintayin natin ang pagdating ng Kalsiki. Siya lang ang may sapat na kapangyarihan upang ikulong muli ang Bakuya."
"Ano? Ang Kalsiki?!" Pagtataka ni Sintoni. "Pero minsan lang isilang ang isang Kalsiki."
"Nagaganap lang ang paglitaw ng Kalsiki sa tuwing magkakaroon ng Lunar Eclipse sa tuwing Blue Moon."
Ang Kalsiki ay mula sa naunang angkan ng La Luna. Isinisilang sila para maging taga balanse ng buhay. Bibihira ang pagkakataon lumitaw sa isang daang taon ang Kalsiki. Marami ang naghahangad mapasakamay ang taong isinilang sa tuwing sasapit magkasabay na Lunar Eclipse at Blue Moon dahil sa pambihirang lakas na taglay nito.
"At nangyayari iyon ngayon," nakangiting wika ng Arquiza. "Sa pagtatapos ng Eclipse ay isisilang ang isang taong magtataglay ng pinakamalakas na kapangyarihan. Tungkulin n'yong hanapin, subaybayan at iligtas ang Kalsiki hanggang sumapit sa tamang edad. Ang nasa likod ng pagpapakawala sa Bakuya ay siguradong nakamasid sa pagdating niya. Ano mang oras mula ngayon ay may banta na sa buhay ng ating huling pag-asa."
"Ano pang hinihintay n'yo? Hanapin ang Kalsiki!" sigaw ni Sintoni.
"Magdamit kayo tulad ng isang normal na tao. Wala dapat makakaalam ng inyong misyon dahil maaring makasalamuha ninyo ang mga Panther. Alam naman nating lahat na kalaban sila ng ating angkan. Hindi sila magdadalawang isip na patayin kayo o agawin ang inyong katawan. Higit sa lahat iwasang lumapit sa pinaghihinalaan n'yong Bakuya. Kapag isa sa inyo ang naging avatar ay siguradong malabo ng maikulong ang halimaw. Umaasa akong magiging matagumpay ang misyon na ito."
"Artle, Rudis at Raven kayo ang maghahanap sa Kalsiki. Roguer at Spot kayo ang susubaybay sa Bakuya." utos ni Sintoni. "Chido, Antera, Emer at Philpos, maiiwan kayo dito."
"Ano? Wala kaming gagawin?!" gulat na reaksyon ni Chido.
"Kailangan ninyong magsanay." wika ng Arquiza.
"Malakas na kami. Hindi na namin kailangan pa ang mga pagsasanay." ayuda ni Emer.
"Hindi namin matitiis na wala kaming gagawin?" ani ni Antera.
"Sumunod na lang tayo. Bata pa ang Kalsiki, hindi din natin siya pakikinabangan kung mahanap man natin. Sapat ang lilipas na taon para mas lumakas tayo. Huwag tayong magpadala sa bugso ng ating damdamin," mahinahong turan ni Philpos.
"Tama, mas kakailanganin namin ang lakas n'yo sa paglaki ng Kalsiki at paglakas ng Bakuya."
"Bilang panimula, isasara n'yo ang butas ng dinaanan ng Bakuya."
"Opo!" Sabay-sabay nilang sagot.
Sa di kalayuan ay may isang aninong nakamasid. "Isinilang na pala ang Kalsiki."
itutuloy...
This is my first attempt to write a fantasy story na ganito ang theme. Syempre para may spice may love story pa din. Lahat ng characters ay gawa-gawa ko lang. Kung may magbibigay ng graphics para sa itsura nila, mas maganda.