Skinpress Rss

Bisita Iglesia


Pabalik na ng Manila ang grupo ng kababaihan galing Bicol matapos ang mahabang Bisita Iglesia. Tinatamaan na ng antok ang driver ng biglang may tumapik sa kanyang likod. Bago pa makalingon ang driver ay iniabot na ng matandang babae ang tumpok ng pili nuts. Nakangiti namang tinanggap ng driver ang pili at sinimulang nguyain.

Makalipas ang ilang minuto ay muling tinapik ng matandang babae ang kanyang likod at may hawak muling tumpok ng pili nuts. Nagtaka ang driver dahil halip na ipasalubong sa mga kaanak ay mas piniling ibigay sa kanya gayong may natitira pa sa ibinigay kanina. Naisip niyang maaring wala ng kamag-anak ang matanda kaya minabuti niyang magtanong na hindi masasaktan ang matanda. "Bakit hindi n'yo mo kinakain ang pili, hindi po ba masarap?"

"Wala kasi akong ngipin, hijo. Kinakain ko lang ang chocolate na nakabalot d'yan."

-end-


-joke ng lolo ko. lol