Skinpress Rss

Love Bus - Chapter Twenty Two


Chapters 1 | 2 | 3 | 4 | 5 | 6 | 7 | 8 | 9 | 10 | 11 | 12 | 13 |14 |15 | 16|17|18|19 | 20 |21

Takaw atensyon ang ginawa ni Miel sa casino. Manalo o matalo ay iisa lang ang reaksyion niya. Balewala sa kanya kung gaano na kalaki ang nagagastos. Napuno ng tensyon ang katawan ni Christine. Hindi niya alam kung paano ipapaliwanag ang nangyari kapag nagtanong ang ama ng kaibigan.

"Miel! Ano bang ginagawa mo?! Natatalo ka na!" Hinila ni Christine palayo sa poker si Miel. Hinawakan nito ang noo ng kaibigan para malaman kung may sakit ito. "Nahihibang ka na yata, hindi mo na kinokontrol ang taya mo!" Saglit lang na tinapunan ni Miel ng atensyon ang kaibigan at nagpaatuloy sa ginagawa. "Aatakihin ako sa'yo!"

"Huwag kang mag-aalala. Win or lose masaya ako. Basta mag-enjoy ka na lang. Gambling is a game of chance and luck. Maybe kapag natalo ako ay may luck na darating."

"Malaki na ang nawawala sa'yo, nakakatawa ka pa?"

"Ang mahalaga masaya ako sa ginagawa ko," nakangiting sagot ni Miel. "Siguro naman marerealize niya na may ginawa din akong mabuti."

"Patay! Positive sira na ang ulo mo friend. Si Andrew na naman pala!"


Lalong kinabahan si Christine sa kaibigan. Pakiramdam niya kailangan na niya tumawag ng albularyo para mawala ang bisa ng gayuma ni Andrew kung meron man. "Pupunta lang ako ng ladies room. Pahiram muna ng face powder," wika ni Christine.

"Kunin mo na lang sa bag."

Hinablot ni Christine ang bag ni Miel at dali-daling pumasok ng ladies room. Cellphone agad ni Miel ang hinanap niya. She needs to stop Miel's stupid ideas. At si Andrew lang ang makakapigil dito.

"God! Andrew, please sagutin mo na.. Huwag ng mag-inarte.." paikot-ikot sa loob ng CR si Christine. Tatlong beses na niyang tinatawagan si Andrew pero di ito sumasagot.

"Hello, Miel.." sagot ni Andrew sa kabilang linya.

"Si Christine ito. Andrew, sumakay ka ng taxi at magpahatid sa Casino. Isa lang ang casino kaya di ka maliligaw."

"Bakit?"

"Huwag ka na magtanong! Kumilos ka na agad bago mabaliw si Miel."

"May bago ba dun?"

"Mas malala ngayon at ikaw ang dahilan.. Please!"

"Christine tagal mo dyan!" sigaw ni Miel habang papasok ng ladies room!"

"Palabas na!" sagot naman ni Christine..

"Hello! Anong nangyayari? Bakit ako?!"

"Just go here!" Ibinaba ni Christine ang telepono at binura agad ang number ni Andrew sa dialled numbers para di mabukong tinawagan niya si Andrew.


Naging sunud-sunuran naman si Andrew sa sinabi ni Christine. Kahit di alam ang pupuntahan mabilis niyang pinuntahan ang magkaibigan sa Casino. Iniisip niyang nasaktan niya sa Miel sa nasabi niya kanina.

"Baliw naman talaga ang babaeng 'yon," bulong ni Andrew sa sarili. "Ano na naman kayang katarantaduhan ang pinaggawa."

Mabilis na kumilos si Andrew pagkapasok ng Casino. Sinalubong naman agad siya ni Christine at ipinaliwanag ang buong nangyayari. Mula sa likuran ay hinawakan niya ang kanang kamay ni Miel para pigilan ito ng tuluyan sa paglalaro.

Sa pagkagulat ay umikot si Miel pakaliwa para tingnan ang lalaking bigla na lamang humawak ng kanyang kamay. Sa ginawa niyang iyon ay nakulong siya sa bisig ng lalaki. Huli na ng malaman niyang si Andrew ito. Hindi siya nakakilos agad. Umakayat ang dugo sa kanya ulo at namula ng sobra. Dinig niya ang tibok ng puso ni Andrew dahil halos dumikit na ang kanyang mukha sa dibdib ni Andrew. Hindi niya alam ang gagawin. Halos malusaw siya nang makita niyang nakatingin sa kanya si Andrew. Nawala ang kaninang tapang niya sa loob.

"Miel, uuwi na tayo," mahina at mapanuyong wika ni Andrew. "Uminom ka ba? Namumula ka e."

Umiling si Miel at ubod ng lakas itinulak ang kaharap palayo. Aksidenteng may padaan na staff ng Casino kaya napatid si Andrew at nawalan ng balanse. Bumagsak siya at nadaganan ng mesa at ilang pang natabig na muebles.

Hindi agad nakatayo si Andrew. Mabilis naman sumaklolo ang mga staff ng Casino para alamin ang lagay ni Andrew. Hindi siya gumagalaw tila nawalan ng malay.

"Nawalan yata ng malay! Ikaw kasi!" paninisi ni Christine kay Miel.

"Hindi ko naman sinasadya." Lumapit si Miel kay Andrew dahil sa labis na pag-alaala. Siya mismo ang humiling na siya na ang maglalapat ng first-aid. Sinigurado muna niya maayos ang airway ni Andrew at chineck kung may sugat o pasa ito sa ulo.

Hindi naman talaga nawalan ng malay si Andrew. Natutuwa nga siyang nakikitang nag-aalala sa kanya ang dalaga. Effective ang naisip niyang paraan para mawala ang atensyon ni Miel sa pagsusugal. Sa katunayan, tinabig talaga niya ang mga muebles para bumagsak sa kanya. Hindi muna siya kikilos. Maya-maya pa ay iniangat ni Miel ang ang ulo ni Andrew at ipinatong sa kanyang kandungan. Daig pa ni Andrew ang nakajackpot sa Casino. Naenjoy niyang tingnan ang mukha ni Miel sa ganoong posisyon.

"Achoo!" Maayos na sana ang acting ni Andrew pero di niya napigilan ang pagbahin dahil sa mabalahibong scarf ni Miel.

"Sira ulo!" Binitawan ni Miel si Andrew at mabilis na lumabas ang Casino. Bagsak muli si Andrew sa pagkakataong ito ay di na niya napaghandaan.

"Miel! Hintay! Magpapaliwanag ako!"

"Ako na ang bahala!" sigaw ni Christine. "Tatawagan ulit kita!"