Pagkatapos kong kausapin si April sa telepono ay sumakay na agad ako ng tricycle. Medyo nahirapan ako sa exam kaya madami akong naconsume na oras. Nasa may bus terminal na daw si April. Plano namin pumasyal ng medyo malayo upang magbonding. Matatagalan na ulit kami magkita kasi sembreak na. Pinilit kong pagkasyahin ang aking sarili sa bakanteng upuan sa may bandang likuran ng driver. Kinailangan ko pang yumuko para sumakto ang clearance ng bubong.
"D'yan din pumapasok ang anak ko," may pagmamalaking wika ng tricycle driver at halata sa ngiti niya na naghihintay siya ng reaksyon mula sa akin. Bago pa lang umalis sa tapat ng unibersidad ang tricycle ay matagal siyang nakatitig sa uniform ko, hindi na siguro nakatiis kaya naibulalas ang saloobin sa akin. Halatang proud siya sa anak niyang doon nag-aaral lalo't may kamahalan ang tuition.
"Ganoon po ba?" hindi interesadong sagot ko. "Kamusta naman po?"
"Scholar siya diyan. Hindi ko nga alam kung saan nagmana ang batang 'yon. Pareho naman kaming mangmang ng nanay niya. Ni hindi ko na nga matandaan ang ngalan ng aking maestra." May pinupuntahan naman pala ang twenty-pesos na nakikita kong "donation to scholarship funds" sa aking assessment form kapag nag-eenroll. Ang nakakapagtaka lang ay donation ang tawag kahit mandatory sa lahat ng estudyante. "Kahahatid ko nga lang sa kanya kanina. May gagawin daw project."
"Kayo po ang magulang kaya sa inyong dalawa siya magmamana. Hindi porke kapos sa pinag-aralan ay mangmang na. Buti masipag mag-aral ang anak ninyo."
Kahit hindi kami magkaintindihan ng maayos dahil sa ingay ng makina ay patuloy ang kanyang kwento."Swerte talaga ako sa batang 'yan. Ang hiling ko na lang ay huwag gumaya sa amin na maagang nag-asawa. Hindi biro ang pinagdaan namin bago namin napalaki ang aming mga anak."
Maliit lang ang tricycle driver kaya naniniwala akong naging mahirap ang pagpapalaki nila. Sa palagay ko nga ay hindi pa aabot sa aking balikat si manong. "Hindi naman po siguro gagawin ng anak n'yo yan. Kaya siguro siya nag-aaral ng mabuti para suklian kayo."
"Sana nga. Kung hindi mapagilang umibig mas mabuting ipakilala sa akin ang lalaki para hindi naman kami magugulat kung bigla na lang hindi umuwi."
"Hinala n'yo may boyfriend na po ba?"
"Palagay ko, kapag tumutunog ang cellphone ay basta na lamang ngingiti tapos papasok sa kwarto at pabulong ang salita. Kung ikaw hijo ay ama na, paano kung nakita mong umiiyak ang anak mong babae dahil sa pag-ibig?"
Nakita kong nagtitinginan ang ibang estudyante sa loob ng tricycle, tinitingnan siguro nila na nasa tipo ko ang pagiging mabuting tao. "Siguro po sasabihin ko na makapaghihintay ang pag-ibig. Kung mahal talaga siya ng lalaki hihintayin munang magtapos ng pag-aaral bago pumasok sa relasyon. Para hindi nasasaktan. Pero kung hindi maiwasan kesa naman po itago ang pakikipagrelasyon, sasabihin kong pwede naman basta dadalaw sa bahay. "
"Mukhang magiging mabuti kang ama hijo. Sa ngayon ba ay may girlfriend ka?"
"Meron po."
"Matanong ko lang ha, sa ngayon ba madali ang sinabi mo? Nagagawa mo ba sa kanya?"
Kasabay ng pagtigil ng tricycle ang pagkaubos ng salita ko. Bus Terminal na. "Opo."
"Kung may boyfriend man ang anak kong si April sana gaya mo."
-end-
Off TopicSuportahan ang aking Saranggola Blog Awards Entries. Pindutin lang ang dalawang like sa baba.Sa dulo ng bawat kwento ay may like button pakiclick para magsilbing boto.."D'yan din pumapasok ang anak ko," may pagmamalaking wika ng tricycle driver at halata sa ngiti niya na naghihintay siya ng reaksyon mula sa akin. Bago pa lang umalis sa tapat ng unibersidad ang tricycle ay matagal siyang nakatitig sa uniform ko, hindi na siguro nakatiis kaya naibulalas ang saloobin sa akin. Halatang proud siya sa anak niyang doon nag-aaral lalo't may kamahalan ang tuition.
"Ganoon po ba?" hindi interesadong sagot ko. "Kamusta naman po?"
"Scholar siya diyan. Hindi ko nga alam kung saan nagmana ang batang 'yon. Pareho naman kaming mangmang ng nanay niya. Ni hindi ko na nga matandaan ang ngalan ng aking maestra." May pinupuntahan naman pala ang twenty-pesos na nakikita kong "donation to scholarship funds" sa aking assessment form kapag nag-eenroll. Ang nakakapagtaka lang ay donation ang tawag kahit mandatory sa lahat ng estudyante. "Kahahatid ko nga lang sa kanya kanina. May gagawin daw project."
"Kayo po ang magulang kaya sa inyong dalawa siya magmamana. Hindi porke kapos sa pinag-aralan ay mangmang na. Buti masipag mag-aral ang anak ninyo."
Kahit hindi kami magkaintindihan ng maayos dahil sa ingay ng makina ay patuloy ang kanyang kwento."Swerte talaga ako sa batang 'yan. Ang hiling ko na lang ay huwag gumaya sa amin na maagang nag-asawa. Hindi biro ang pinagdaan namin bago namin napalaki ang aming mga anak."
Maliit lang ang tricycle driver kaya naniniwala akong naging mahirap ang pagpapalaki nila. Sa palagay ko nga ay hindi pa aabot sa aking balikat si manong. "Hindi naman po siguro gagawin ng anak n'yo yan. Kaya siguro siya nag-aaral ng mabuti para suklian kayo."
"Sana nga. Kung hindi mapagilang umibig mas mabuting ipakilala sa akin ang lalaki para hindi naman kami magugulat kung bigla na lang hindi umuwi."
"Hinala n'yo may boyfriend na po ba?"
"Palagay ko, kapag tumutunog ang cellphone ay basta na lamang ngingiti tapos papasok sa kwarto at pabulong ang salita. Kung ikaw hijo ay ama na, paano kung nakita mong umiiyak ang anak mong babae dahil sa pag-ibig?"
Nakita kong nagtitinginan ang ibang estudyante sa loob ng tricycle, tinitingnan siguro nila na nasa tipo ko ang pagiging mabuting tao. "Siguro po sasabihin ko na makapaghihintay ang pag-ibig. Kung mahal talaga siya ng lalaki hihintayin munang magtapos ng pag-aaral bago pumasok sa relasyon. Para hindi nasasaktan. Pero kung hindi maiwasan kesa naman po itago ang pakikipagrelasyon, sasabihin kong pwede naman basta dadalaw sa bahay. "
"Mukhang magiging mabuti kang ama hijo. Sa ngayon ba ay may girlfriend ka?"
"Meron po."
"Matanong ko lang ha, sa ngayon ba madali ang sinabi mo? Nagagawa mo ba sa kanya?"
Kasabay ng pagtigil ng tricycle ang pagkaubos ng salita ko. Bus Terminal na. "Opo."
"Kung may boyfriend man ang anak kong si April sana gaya mo."
-end-
1. Ang Manikang Hindi Nilalabhan
2, Chess Match
want a copy? send an email to panjo[@]tuyongtintangbolpen[.]com