"Hinihintay ko si Mariano. Hinihintay mo din ba siya?" salubong sa akin ng matandang babae ilang sandali bago pa ako makaupo sa upuang yari sa apitong. Katatapos ko lang bumisita sa elementary school ng San Antonio. Doon kasi nagtuturo si Mrs. Arana, ang gurong mahilig sa pagbebenta ng mga bagay mula house and lot, ice candy, bulak hanggang memorial plan. Gusto niya ng dagdag na puhunan at microfinancing ang naisip nilang solusyon. Mahaba ang aming napag-usapan, madalas mga plano sa mga gusto pa niyang pasuking negosyo. Humingi pa siya sa akin ng ilang suggestion tungkol sa banking.
Medyo pagal pa ang aking katawan kaya naisipan kong magpahinga muna bago bumalik ng opisina. Mahaba din pala ang aking naging byahe. At sa aking pag-upo ay bigla akong kinausap ng matandang babae.
Ngumiti ako sa kanya bilang tanda ng paggalang. "Magpapahinga lang po sana ako. Dito po ba siya nakaupo?" Sa aking palagay, hindi sila naglalayo ng edad ng aking lola. At tulad niya, mahilig din magpaunlak ng usapan sa mga taong hindi kakilala. Hindi malayo ang loob sa kahit kanino kumbaga.
"Hindi naman, hijo. Kay ganda ng iyong bihis, ahente ka ba ng libro sa eskwelahan? Kadalasan, ang mga nakakusap ko dito ay ahente. Maaring kilala mo din sila. Lalo na si Jojo, nakakatuwa ang batang iyon!"
"Hindi po. May dinalaw lang po akong guro diyan. Anak n'yo po si Mariano? Apo?"
"Asawa ko. Alam ko, susuduin niya ako. Dito namin napagkasunduang magkita."
"Anong oras po ba ang usapan ninyo? Mukhang kanina pa po kayo dito."
"Araw-araw akong narito... naghihintay.. Kailanman ay hindi sumira sa kanyang pangako si Mariano kaya alam kong darating siya."
"Araw-araw po?" Nahiwagaan ako sa kanya. Para bang hindi siya sigurado kung kailan darating ang asawa. Hindi ko mahulaan ang kanyang emosyon, minsan ngingiti at may puntong babagsak na ang luha.
Nagsimulang magkwento ang matanda mula sa kanyang pagkabata. Kung paano sila nagkakilala at nagsuyaan. Ang elementary school daw ng San Antonio ay isang malawak na kaparangan noon. Madaming ligaw na bulaklak at malawak na palayan. Ang puno ng bayabas sa may burol ang kanilang tagpuan. Kita daw kasi doon ang kalawakan ng San Antonio.
"Sumasayaw sa ihip ng hangin ang mga dahon sa kaparangan sa aming pagdating. Kumikislap ang palay sa pagtama ng sikat ng araw. Nagmamalaki pa ang puno ng nara. Nagsasaboy siya ng dahon na wari'y paraiso ng aming dadaanan. Hindi naman nagpadaig ang rosas sa bango ng kanyang halimuyak. Isang masiglang salubong ng kalikasan sa kanilang madalas na bisita."
Dinama ko ang sinabi ng matanda kung gaano kaganda ang lugar na sinasabi niya. Tila nga isang paraiso na sila lamang dalawa ang nagmamay-ari. Nakapanghihinayang na ang puro na lang ng nara ang nanatiling nakatayo.
"Kahit hindi pa uso ang telepono o cellphone gaya ng hawak mo, hindi pumapalya si Mariano sa mga araw na nagpagkasundan magkita. Punong-puno ng kaba at kasabikan dahil mahilig siya sorpresa. Nagagawa niyang elegante kahit ang pinakasimpleng bagay."
Napangiti ako. Naalala ko tuloy sina Lolo at Lola. Hanggang ngayon, sa tuwing maglalakad sila ay nanatiling magkahawak ang kanilang mga kamay. At ang mga gamit na bigay nila sa isa't-isa ay nanatiling matibay. Samantalang ang mga ibinigay nila sa aking ay hindi ko na alam kung nasaan.
"Mahilig tumugtog ng gitara si Mariano. Gumagawa din siya ng kundiman para sa akin. Makaluma pero nakaaliw sa tuwing nagbabalik sa alaala ko."
"Kung ang mga babae ngayon ay gaya nyo Lola, malamang di na ako magkakaasawa. Mahirap kalaban sa ligawan ang may ugaling tulad ng sa inyong asawa."
"Hindi naman siguro."
"Kaya po naghihintay kayo ngayon dito kasi magkikita kayo? Saan po ba siya umuuwi?" usisa ko sa kanya. Bibihira sa isang tao ang magkwento ng buhay niya sa di kakilala. Kadalasan nangyayari lang 'yon sa inuman at mga reality shows.
Isang sobre ang iniabot niya sa akin. Inutusan niya akong buksan at basahin ang nilalaman. Luma na pero malinaw pa din ang sulat. Tanda na pinakaingatan.
Mahal kong Celia,
Sadyang kapalaran natin ay mapaglaro. Pilit pinaglalayo ang ating mga puso. Batid natin sa isa't isa na ang gusto ng pamilya natin para sa atin ay iba. Sa Enero ng katapusan ay ang aking kasal, isang araw bago 'yon hihintayin kita dito sa ating tagpuan. Tayo ay magpapakalayo para sundin ang bawat tibok ng ating puso.
Nagmamahal,
Mariano
"Mukhang masarap ang kwentuhan n'yo ni lola ah?" singit ng isang babaeng nagpakilalang apo ni Lola Celia. May lumapit na ilang pang babae para alalayang tumayo si Lola Celia. Matagal bago nila nakumbinsing umuwi muna ang matanda.
"Oo nga e. Para tuloy gusto kong hintayin ang asawa niya. Mukhang napakabait niyang tao."
"Patay na ang Lolo Mariano," lahad niya. "Sa kwento ng mga kapatid niya, matapos nilang magtanan, malugod silang tinanggap ng makabilang pamilya.. Pero ang pamilya ng mamapapangasawa sana ni Lolo, hindi...." Alam ko na ang gusto niyang tukuyin. Hindi ko na hinintay pang matapos ang kwento.
"Ano?!" ang tanging salitang lumabas sa bibig ko. "Bakit hinihintay ni Lola ang namayapa na pala niyang asawa? Sa palagay ko naman ay malinaw pa ang kanyang pag-iisip." Sa haba ng aming usapan, wala man lang sign ng pagkaulyanin. Detalyado pa ang kanyang kwento.
"May sakit na ang lola. Lahat ng nakakatabi niya sa upuang 'yan ay kinakausap niya. Palagi siyang nagpapahatid dito dahil pinanghahawakan niya ang kanilang sumpaan na magsasama hanggang sa kabilang buhay. Dito niya hiniling na malagutan ng hininga. Kahit labag sa amin, gusto niyang sundin namin siya. Buti na lang ibinenta ng may-ari ang lupang ito kaya nakapagpatayo na kami ng bahay malapit dito..."
"Nasaan ang puno ng bayabas?"
"Kung saan kayo nakaupo kanina ay nandoon ang dating puno ng bayabas na naging saksi ng kanilang sumpaan. Nakapagtataka nga daw dahil noong araw na nawala si Lolo ay namatay ni ang puno.."
Totoo ngang makapangyarihan ang pag-ibig. Mahiwaga.
Tama, true love never fades.
-end--
* related stories
Aral sa Isang Eskinita
Hands of the Clock
Bote at Pangarap
His Last Flight
want a copy? send an email to panjo[at]tuyongtintangbolpen[dot]com