Skinpress Rss

Nanalo ako sa raffle


Maagang gumising si panjo para maghakot ng kanyang gamit papunta sa kanyang bagong bat cave. Natripan nya kasing magboard muna kaya humanap siya ng pwedeng tuluyan. Full-packed ang bag na mahirap isara ang zipper at halos lumawit ang kanyang dila sa bigat..

Umakyat siya sa kaisa-isang overpass sa tanauan habang kumakanta ng waka waka. Pagkatapos ay sumakay ng jeep at naisipan nakakaabala ang kanyang pagkanta. Nakonsenya siya. After nya makonsensya ay kumanta na ulit.


Bumababa siya ng sto tomas at naghintay ng bus patungong san pablo. Sinuwerte siyang nakasakay ng bus na may wifi. Lumakad siya sa pinakadulo ng bus, sa parteng wala siyang katabi. Inilabas ni panjo ang kanyang iPhone Poor na may flashlight, pero para lang magtext.

Konduktor : San po kayo?

Panjo : San Pablo po.

Dumukot si panjo ng wallet. Tiningnan niya ang laman at napangiti ng konti hindi dahil gwapo siya sa grad pic kundi may natira pa sa kanyang wallet after magbayad ng utang noong siya ay tambay pa lamang. Kumuha siya ng isang daan. Ibinalik ang wallet sa bag. Iniabot niya ang pera sa konduktor at noong suklian ay tinamad ng ibalik pa sa wallet kaya ibinulsa na lamang.

Bigla siyang natawag ng magandang palabas. Naexcite siya kahit di niya alam ang pamagat ng pinapanood. Basta tungkol iyon sa mga taong may virus trip mangagat ng leeg kahit di naman bampira at tanging si Kaleb ang susi dahil siya lang ang marunong magbasa.

Nabitin si panjo dahil malapit na siyang bumaba. Habang naglalakad ay tutok pa din siya sa tv. Halos mas priority niya ang manood kesa tingnan ang nilalakaran.

Panjo : Para po sa tabi.

Konduktor : Bababa ka na agad?

Panjo : Opo. (kaya nga napara e. toinks!)

Umandar ang bus. Maglalakad na sana si panjo papuntang batcave nang mapansin niyang bukas ang bag. Bigla siyang nakaramdam ng suspense. Ng twist. Ng pawis na di tumutulo. Tulad nga mga kwentong ginawa niya kwento nasa dulo ang topic. Tulad ng sex na nasa dulo ang climax. WALA ANG WALLET NIYA.

Napaupo siya sa BigMac. Tinanggap niya sa sarili na nakasama siya sa raffle ng kamalasan noong umagang iyon. Siguro binawi lang. Nanalo kasi siya ng ilang beses sa raffle ng swerte noong decembeer. Hindi porke naka1208 ng cellphone exempted na sa mandurukot. At kahit gwapo ay pwedeng manakawan. Hindi pa nga nakakamoveon sa nanakaw na laman ng alkansya, naraffle na ulit.
Buti na lang may naibulsa siyang pera kaya nakarating pa siya ng opisina.

Ang buhay ay parang bitin na short story dahil... basta bitin.


---

boto naman po ninyo ang blog ko dito.. hakot award category.
katuwaan lang naman to kaya mapapasmile ako dito.. :p
salamat ulit..