Kung naasar ka sa mga feeling gwapo, ibahin mo si Morgan. Pambihira ang mga katangian n'ya. Siya ang definition ng tunay na lalaki! Handa niyang iyakan ang babaeng mahal n'ya wag lang mawala. Mapagkumbaba kung kinakailangan, humihingi ng patawad ng walang alinlangan at sincere sa mga binibitawang salita. Matagal nga lang siya maligo dahil ang paniniwala niya ang may mababago pa sa kanyang itsura.
Naniniwala s'yang ang mundo ay hindi lamang umiikot sa kanyang axis kundi pati na din sa pag-ibig. Tama! Isang hopeless romantic si Morgan. Para sa kanya isang beses lang dapat lumuha ang babae at iyon ay kapag niyaya ng lalaki na magpakasal.
Si Mildred ang hindi ko siguradong swerteng girlfriend ni Morgan. Isang sekretarya sa pagawaan ng sapatos. Kung atensyon ang hiling ng mga babae, sapat at minsan ay labis pa ang kayang ibigay ni Morgan kay Mildred. Kaya din patabain ni Morgan ang kasintahan sa sarap ng kanyang luto palibhasa ay tubong Pampanga.
Kung lovelife ang pag-uusapan, hindi papatalo si Morgan. Madalas niyang ikwento kung gaano katibay ang kanilang samahan. Hindi niya sinasalubong ang galit ni Mildred dahil alam niyang nagpapalambing lang ito. Natural daw iyon sa babae kaya inuunawa na lang niya.
Pero nasaan na nga ba si Morgan?
May mga nasasabing huli daw nakita si Morgan sa Lipa. May nagkwento namang nakasakay n'ya daw papuntang Rosario. Pero nawawala ba talaga si Morgan o ayaw lang talagang magpakita? Sa anong dahilan? Anong reaksyon ni Mildred?
Nasa silong ng isang bahay si Morgan. Hindi s'ya nadoon para mamboso. Isang trespasser ang nagpatotoo na nagngangalang Badong ang nagpatotoo. Nakita niya si Morgan sa may silong at basa ang sout na short. Sa salaysay ni Badong, inatake siya ng sakit ng tiyan kaya mabilis siyang nagtatakbo sa silong ng abandonandong bahay.
"Oh sheet!" napasigaw si Badong hindi dahil sa laki o baho ng kanyang tubol kundi nakita niyang nakabitin si Morgan. Wala ng buhay.
Tinakpan muna ni Badong ang kanyang tubol at inireport sa barangay ang kanyang nasaksihan. Sumugod naman agad ang mga tanod. Pagbukas nila ng pinto ay umaalingasaw na ang mabahong amoy. Nakakasulasok. Akala nila ay si Morgan ang nangangamoy pero hindi pala. Kundi hindi pa natapakan ng isa sa mga tanod ay di malalamang tubol ang dahilan ng amoy. Namula naman sa hiya ang maitim na si Badong.
Isang Linggo na din ang nakakaraan noong huli kong nakausap si Morgan. Halata sa kanya ang problema. Lango na siya sa alak. Nakikinig siya ng emo na music at naappreciate ang madalas na pag-ulan para di mapansin ang kanyang pagluha.
"Wala na si Mildred," bungad sa akin ni Morgan.
"Ano?!" gulat na wika ko. "Ang lakas lakas pa niya e."
"Hindi 'yon." Ipinasok ni Morgan ang kanyang kamay sa short at maya-maya pa ay may iniabot sa aking sulat. Alinlangan pa akong kunin pero pinilit niya ako.
Nagtanan si Mildred. Sumama sa kachat na kano. Instant na magandang buhay ang ipinangako ng lalaki, bagay na di kaya ni Morgan. Isang malungkot na katotohanan na ang susi sa magandang buhay ay di ang kanyang pagsisikap, kundi ang paghahanap ng mayaman.
Maingat nilang ibinaba ang bangkay ni Morgan. Nakasipit sa kanyang brief ang isang sulat.
Dear Earth,
Bakit ang cruel mo? Ginawa ko naman ang lahat di ba? Pero bakit naghanap pa din ng iba si Mildred.
Tapos na ang ikot ng mundo ko. Wala na ang pag-ibig na nagpapaikot dito. Wala na si Mildred. Marami ang nagsasabing marami babae sa mundo pero hindi nila naiintidihan na bawat tao ay nakalaan na. At si Mildred lang ang para sa akin. Siguro kung may free trial ang love, hindi sana ako nagkamali.
Desidido na ako. Ayaw ko ng masaktan.
P.S.
Mula sa araw na ito, isinusumpa ko wala ng magiging maginoo.
Ang tumigil ang tibok ng puso,
Morgan
Dumilim ang paligid. Bumuhos ang nagdadalamhating kalangitan.