Second Chances? (1 of 2)
Nakapasok ako. Si Leejay itinuloy ang tinapos na course. Kahit magkaiba kami ng naging desisyon hindi pa din nawala ang samahan namin. Kahit gaano pa din ka-busy ang isang tao dapat hindi pa din mawawala ang oras para sa kaibigan. As usual umiikot ang lahat ng kwento sa isang tasa ng kape. Nakwento ko din sa kanya na type ko si Yanie. Nahulaan naman niya agad bago ko pa nasabi. Napuna niya siguro ang pagpapansin ko dati o talagang alam na niya ang takbo ng utak ko dahil matagal na din kaming magkaibigan.
Tinutukan ako ng agency nina Yanie kaya nagkaroon ako ng oras ipakita ang aking talent sa pagsasayaw. Kapag may pagkakataon lumalabas kaming tatlo. Hindi ko akalain ang simpleng asaran namin noon ang magiging daan para magkalapit ang loob namin ni Yanie. Sa bawat araw na tumatagal ako sa agency ay siya ding dalas ang paglabas namin. Hanggang isang araw paggising ko mahal ko na si Yanie.
"Galing mo kanina!" bati ni Yanie sa akin. "Malaki na talaga ang improvement mo!"
"Syempre lahat ng ginagawa ko ay para sa atin."
"Talaga?"
"Oo! Mahal kita e."
"Sus! Baka kapag sumikat ka bigla di ka na makakilala. Madalas ang ganun."
"Yanie, imposible iyon!"
"Sana..."
Naligo ako sa swerte. Ramdam ko na ang aking pagsikat. Isasalang ang aming grupo sa mga mall shows para mas makilala. Sa bawat tagumpay ko ay kasama ko si Yanie. Masaya naman para sa akin si Leejay at niyaya ko din siyang bumalik sa pagsasayaw pero tumanggi siya. Sabagay, malaki na din ang inasensyo niya.
"Bakit tahimik ka?" tanong ko kay Yanie habang papasok kami ng simbahan.
Nagbuntong hininga si Yanie. Mahaba at sunod-sunod. "I love you.. Iniisip ko lang ang pag-alis mo.."
Ngumiti ako. "I love you too. Makinig muna tayo ng mass. Andyan na si Father, mamaya natin pag-usapan.."
"Buntis ako, Rainier." Gulat na gulat ako sa sinabi ni Yanie. Hindi agad ako nakapagsalita. Hindi pa ako handa. Wala akong nadinig sa sinabi ng pari. "Rainier, paano na? Aalis ka pa ba?"
Tumango ako. Hindi ko alam kung tama ang ginawa ko. Bago pa ako nakapagbitaw ng salita ay lumakad na palabas ng simbahan si Yanie. Napako ang mga paa ko sa sahig. Naglaho sa paningin ko si Yanie.
Si Leejay. Sa mga ganitong pagkakataon maasahan ko ang kaibigan ko. Mabilis siyang magbigay ng payo lalo na kapag naiipit ako. Alam niya kung paano paliwanagin ang isip ko. "Leejay, aalis ako. Natupad na ang matagal ko ng pangarap maging sikat na dancer. May nationwide tour kami!"
"Teka! Paano si Yanie?" tanong agad ni Leejay.
"Pwede bang ikaw na lang muna ang bahala sa kanya. Pangako babalik din ako agad. Sayang ang break kung palalampasin ko lang. Matagal kong hinintay 'to. Alam ko mauunawaan niya."
"Pero pumayag ba siya?"
"Ikaw na sana ang bahalang magpaunawa sa kanya," hiling ko.
"Titingnan ko kung kaya ko. Gagawin ko ang kaya ko."
"Please.. Alam mo kung gaano ko hinangad ito."
Hindi ko sinabi kay Leejay na buntis si Yanie. Hindi pa ako handang maging ama. Alam kong responsableng tao si Leejay kaya hindi mapapabayaan ang aking mag-ina. Hindi ko tinatalikuran ang obligasyon ko sa aking magiging pamilya kapag naman may napatunayan ako saka ako babalik kay Yanie.
Bigo ako. Nabuwag agad ang grupo sa unti-unting paglaki ng aming mga ulo. Sari-sari gulo ang dumating. Takawan sa pera, mismanagement at bisyo. Lahat na siguro. Wala akong napatunayan. Nahiya akong bumalik. Naghanap ako ng trabaho para maitawid ang pagkalam ng sikmura ko. Maging ang bentahan ng laman pinasok ko.
Matagal akong nakatitig sa puntod ni Leejay. Nagpapasalamat. Humihingi ng sorry. Alam ko naging mabuti siyang ama. Mali na iwan ko ang aking pamilya pero tama dahil naging maayos ang lagay ng aking mag-ina. Siguro ngayon, pagkakataon ko naman para alagaan ang pamilyang iniwan ni Leejay. Hindi man ako tanggapin bilang ama kahit man lang bilang kaibigan.
"Anong masamang hangin ang nagtulak sa'yo dito?"
"Hindi hangin ang nagtulak sa akin dito. Kahit gaano man ako kasama sa paningin mo kaibigan pa din akong dumating dito."
"Sabagay, kahit kay Leejay kailanman ay di ka naging masama. Lagi ka niyang ipinagtanggol."
"Mabait lang talaga siya." Casual ang aming pag-uusap. Halos isang metro ang naghihiwalay sa amin. Yanie, anong pangalan ng anak mong babae?" usisa ko naman agad.
"Jaynie. Si Leejay ang nagbigay ng pangalan niya."
"Noong umalis ako. Buntis.."
"Siya ang ipinagbubuntis ko noong umalis ka," mabilis na sagot ni Yanie. "Noong umurong ang bayag mo!" Bumagsak ang luha ni Yanie kasunod ang malalalim na hikbi. Akma ko siyang yayakapin pero nagawa niya akong itulak palayo. Sinuntok niya ang dibdib ko ng ilang ulit. "Ginawa mo kaming tanga Rainier! Gago ka! Gago!"
"Hindi ko sinasadya! Gusto kong bumalik pero.. "
"Gago ka! Ginawa mo akong laruan at ipinasambot sa kaibigan. Wala ngang kamalay-malay ang kaibigan mo na buntis ako!"
"Binalikan kita sa dati mong tinutuluyan pero wala ka na doon," baluktot na depensa ko sa aking sarili.
"Kailan? Ilang taon? Hinintay kita, Rainier. Umasa akong babalik ka. Umuwi ako dito noong manganganak na ako. Ang alam ng lahat si Leejay ang ama dahil ginagawa niya ang responsibilidad mo. Iniligtas niya ako sa kahihiyan!"
"Alam ko mali ang ginawa ko pero mabuting tao si Leejay kaya alam kong nasa maayos kang kamay. Hindi naman ako nagkamali nagkagustuhan naman kayo."
"Hindi. Mali ang iniisip mo. Iginalang niya ang pagkakaibigan ninyo. Sa loob ng tatlong taon isang beses lang humigpit ang hawak ng kamay niya sa akin. Noong isisilang ko si Jaynie. Natatakot ako noon. Panahon na lang ang nagsabing mahal na namin ang isa't isa. Noong una takot ako dahil baka isumbat niya sa akin ang pagkakaroon ko ng anak sa iba. Pero napatunayan naman niyang wala akong dapat katakutan.. Nagpakasal kami at nagkaanak."
Matagal bago ako nakakuha ng lakas ng loob bago muling magsalita. Ramdam ko hanggang dulo ng aking daliri ang sakit na nararamdaman niya. Ngayon ko alam ko na kung gaano ako kainutil. "Siguro ngayon na ang panahon na para gampanan ko ang tungkuling dapat ay sa akin.. Karapatan--"
"Hindi. Wala ka ng karapatan. Para sa anak natin, patay na ang kanyang ama. Noong di ka na nagparamdam ay itinuring na kitang patay at multo na lang sa akin ang pagdating mo."
"Patawarin mo ako, Yanie. Pinagsisihan ko na ang lahat. Alam ko galit ka sa ginawa ko."
"Hindi ako galit. Dahil kung di mo ginawa 'yon hindi ko makikilala ng lubusan si Leejay. Ang lalaking nagbukas muli ng aking puso. Ang taong pinakamamahal ko."
"Yanie, hayaan mo naman akong makabawi. Gusto kong maging ama ng mga anak mo."
Umiling siya.
"Ipinangako ko na kay Leejay, hindi man siya ang una kong minahal, siya na ang huli. Wala ng lalaking papantay sa kanya. Ito na sana ang huli nating pagkikita. Masaya na akong wala ka.."
-end-