Sa wakas natupad din ang pinakaaasam ko sa buhay ko. Hindi maubos ang ngiti sa labi ko habang tinitingnan ko ang kumpol ng mga tao, partikular ang magulang ko. Kita ko pa si inay na pinupunasan ang luha sa pisngi. Alam ko masaya siya. Bawat hakbang papalapit sa altar ay may halong excitement at kaba dahil ilang minuto na lang ay pormal na ang lahat. Tama ako ang desisyon kong ikaw ang pinili ko at nagpapasalamat naman ako na tinanggap mo ako ng buo.
Alam mo, hindi ako magsasawang paglingkuran ka. Mula pa kasi pagkabata ko hindi ko naramdamang wala ka kahit hindi ko solo ang atensyon ko. Naniniwala ka bang ikaw nga ang superhero ko? Totoo iyon! Biruin mo kahit madaming gustong kumuha ng atensyon mo, hindi ka pumapalyang pakinggan ako lalo sa mga panahong akala ko ay hindi ko na kaya. Bilib nga ako sa'yo! Kayang mong iparamdam sa akin na nasa tabi lang kita palagi. At bago matapos ang araw lagi tayong may realization kung naging maganda ba ang araw, kung hindi naman, ipinapaintindi mo kung ano bang dapat gawain para itama.
Lahat ng mga pagsubok at hamon sa buhay ay nalampasan ko dahil nagawa mong ipakita ang saya ng buhay. Na-realized ko na ang mga lubak sa buhay ay paraan lamang para subukin ang faith. Minsan kasi kapag smooth ang takbo ng buhay nakakalimot na. Tama 'di ba? Marami akong natutunan sayo, mula sa mga salita at aral mo. Kaya kapag may kaibigan akong kailangan din ng tulong hindi ko nakakalimutang ipayo ang mga itinuro mo sa akin.
Ito ba 'yong butterflies in stomach? Kakaiba kasi ang nararamdaman ko. Hindi nga ako pinatulog ng excitement ko, daig pa iyong batang unang beses pa lamang sasama sa field trip. Basta. Kung tutuisin mas makulay ang buhay ko kesa sa painting ni Da Vinci dahil ikaw kasama ko. Hindi kita binobola ha, sinasabi ko lang ang nararamdaman ko. Ikaw kasi ang dahilan ng pinakamagandang nangyari sa buhay ko.
Pumikit muna ako bago humakbang sa unang baitang ng hagdanan. Pagkatapos ay ngumiti ako sa aking mga magulang. Hindi naman ako nabigong suklian din ng ngiti. Alam kong tanggap na nila na mas pinili kita kapalit ng mga pangarap nila para sa akin. Alam nilang sa'yo ako masaya.
Ngayon handa na ako. Ikaw ang pinili ko. Ikaw ang buhay ko.
Paglilikuran kita, pangako. Ibabahagi ko sa iba ang mga natutunan ko sa sandaling ipagkaloob na ang banal na basbas ng obispo. Basbas sa aking abito.
-end-
Off TopicSuportahan ang aking Saranggola Blog Awards Entries. Pindutin lang ang dalawang kwento.Gamitin ang like button sa dulo ng bawat kwento para bumoto.Ang Manikang Hindi NilalabhanAlam mo, hindi ako magsasawang paglingkuran ka. Mula pa kasi pagkabata ko hindi ko naramdamang wala ka kahit hindi ko solo ang atensyon ko. Naniniwala ka bang ikaw nga ang superhero ko? Totoo iyon! Biruin mo kahit madaming gustong kumuha ng atensyon mo, hindi ka pumapalyang pakinggan ako lalo sa mga panahong akala ko ay hindi ko na kaya. Bilib nga ako sa'yo! Kayang mong iparamdam sa akin na nasa tabi lang kita palagi. At bago matapos ang araw lagi tayong may realization kung naging maganda ba ang araw, kung hindi naman, ipinapaintindi mo kung ano bang dapat gawain para itama.
Lahat ng mga pagsubok at hamon sa buhay ay nalampasan ko dahil nagawa mong ipakita ang saya ng buhay. Na-realized ko na ang mga lubak sa buhay ay paraan lamang para subukin ang faith. Minsan kasi kapag smooth ang takbo ng buhay nakakalimot na. Tama 'di ba? Marami akong natutunan sayo, mula sa mga salita at aral mo. Kaya kapag may kaibigan akong kailangan din ng tulong hindi ko nakakalimutang ipayo ang mga itinuro mo sa akin.
Ito ba 'yong butterflies in stomach? Kakaiba kasi ang nararamdaman ko. Hindi nga ako pinatulog ng excitement ko, daig pa iyong batang unang beses pa lamang sasama sa field trip. Basta. Kung tutuisin mas makulay ang buhay ko kesa sa painting ni Da Vinci dahil ikaw kasama ko. Hindi kita binobola ha, sinasabi ko lang ang nararamdaman ko. Ikaw kasi ang dahilan ng pinakamagandang nangyari sa buhay ko.
Pumikit muna ako bago humakbang sa unang baitang ng hagdanan. Pagkatapos ay ngumiti ako sa aking mga magulang. Hindi naman ako nabigong suklian din ng ngiti. Alam kong tanggap na nila na mas pinili kita kapalit ng mga pangarap nila para sa akin. Alam nilang sa'yo ako masaya.
Ngayon handa na ako. Ikaw ang pinili ko. Ikaw ang buhay ko.
Paglilikuran kita, pangako. Ibabahagi ko sa iba ang mga natutunan ko sa sandaling ipagkaloob na ang banal na basbas ng obispo. Basbas sa aking abito.
-end-
Chess Match
want a copy? send an email to panjo[@]tuyongtintangbolpen[.]com