Skinpress Rss

His Last Flight


Nakakamiss. Ilang oras pa lang akong umalis ng bahay nina lolo at lola namimiss ko na agad sila. Iba talaga ang pakiramdam kapag kasama ang mahal sa buhay. Sabagay sila lang naman talaga ang kapamilya ko kaya di ko mapigilan ang tuwa kapag kasama ko sila. Nakaparefreshing. Naalis ang mga negative vibes na dala ng mga microfinance applicants.

Naiiyak pa ang lola noong inihatid ako sa airport. Hindi pa man ako nakakaalis ay tinatanong na agad ang pagbalik ko. Nangako ako na babalik din agad ng Cebu. Siguro kapag may leave pa o kapag biglang nagdeclare ng holiday si PNoy.

Tanaw ko sa bintana ng eroplano ang unti-unting pagbabago ng Metro Manila. Maganda ng tingnan ang skyway, mga condo at mga lumilipad na ibon. Maliban sa mga kalawanging mga yero ng bahay na sumasalubong sa lahat ng pa-landing na eroplano.

Inihanda ang aking sarili. Ilang minuto na lang pababa na ang eroplano. Tiningnan ko ang mga gamit sa paligid ng upuan at siniguradong walang naiwan.

"Ladies and gentlemen, Welcome to Ninoy Aquino International Airport. Local time is 1130am.

For your safety and comfort, please remain seated with your seat belt fastened until the Captain turns off the Fasten Seat Belt sign. This will indicate that we have parked at the gate and that it is safe for you to move about.

Please check around your seat for any personal belongings you may have brought onboard with you and please use caution when opening the overhead bins, as heavy articles may have shifted around during the flight.

If you need deplaning assistance, please remain in your seat until all other passengers have deplaned. One of our crew members will then be pleased to assist you. Thank you!"


"Ladies and gentlemen, this is your captain speaking. Before we land let me share you a story. My story, my journey.

Kabado ako noong unang beses kong nagpalipad ng pampasaherong eroplano. Halos kumawala ang puso ko sa aking dibdib habang umaangat ang higanteng bakal. Hindi ko maimagine na may ilang daang buhay ang nakasalalay sa isang baguhang piloto. Abot ang dasal ko sa lahat ng santo maging ligtas lang ang lahat. Dumagdag pa sa alalahanin ko ang aking asawang na nagle-labor sa aming panganay.

Hindi nagtagal nasanay na din ako. Dumami ang flights na sa akala ko noong una ay imposible. Marami akong narating na lugar. Kung dati Los Banos lang nararating ko, ngayon Los Angeles na. Nakakaaliw. Nakakamangha. Maraming din akong nakasalamuha. Pero sa kabila ng masaya at matagumpay na paglipad, nakararamdam ako ng lungkot dahil di ko kasama ang aking pamilya. Namimiss ko ang aking mga anak at asawa. Kaya hindi ninyo ako masisisi kung walo ang anak namin ni misis.

Masayang maging piloto. Being a pilot is a noble profession. Lalo na kapag nakikita ko ang mga ngiti ng mga Pilipinong umuwi. Basa ko sa kanilang mga mata ang pananabik na makapiling ang mga mahal sa buhay. Pakiramdam ko ay bahagi ako ng buhay nila dahil naihatid ko sila ng ligtas. Kaya taas noo ako sa bawat uwi ko.

Ladies and gentlemen, this is my last flight. My age permits my retirement. But this will not stop me from flying and reaching greater heights. For me, its a new leap, a new beginning of another story and now with my family. Sa inyong harapan , sa unang hanay ng upuan, ay aking pamilya. Samahan n'yo kaming libutan ang buong Metro Manila sa nalalabi kong oras bilang piloto.


On behalf of Kabayan Airlines and the entire crew, I’d like to thank you for joining us on this trip and we are looking forward to seeing you on board again in the near future. Have a nice day!

Maraming salamat.



Inikot namin ang buong Manila sa hiling na din ni kapitan. Napakasarap siguro sa pakiramdam na sa bawat pagkilos, pangarap at tagumpay ay kasama ang pamilya.


Related Post :

Aral sa Isang Eskinita
Bote at Pangarap

Hands of the Clock