Skinpress Rss

Second Chances? (1 of 2)


Hindi ko maimagine sa ganitong set-up pa kami magkikita muli ni Yanie. Matagal ding panahon bago ako nagkaroon ng lakas ng loob magparamdam. Parang gusto kong umurong kahit papasok na ng pintuan. Siguro hindi ako handa o kaya naman hindi ko pa lubos na tanggap ang nangyari.


"Pasok ka," alok sa akin ng nanay ni Yanie. Mamula-mula pa ang kanyang mga mata habang ginagabayan ako papasok ng bahay. Hawak niya ang aking braso hanggang marating ako sa loob.

"Nakikiramay po ako."

Burol ni Leejay. Hindi na daw nagising ang matalik kong kaibigan kahapon ng umaga sabi ng ibang nakiramay. Masayahing tao si Leejay at palakaibigan kaya hindi nakapagtatakang maraming tao sa burol. Kung hindi pa ako tumawag kay nanay hindi ko malalamang patay na pinagkatiwalaan ko sa taong mahal ko. Naputol ang communication namin ng bestfriend ko noong umalis ako.

Mabagal ang bawat hakbang ko palapit sa ataul. Nakasentro ang aking tingin sa picture ni Leejay. Hindi ako makapaniwalang ganoon kabilis ang buhay niya. Masayang kasama si Leejay, napaka-straight forward na tao. Hindi ko kinakitaan ng pag-aaksaya ng oras pero kahit gaano siya kasi busy, may time pa din siyang makipag-inuman ng kape sa akin. Ganoon ang bonding namin, paano ba naman kasi, kape lang ang kaya naming bilihin noon kahit tanghalian na. Pareho kami ng mga interes kaya puno ng kwento ang buhay namin. Masaya.. Masayang masaya.. hindi ko napapansin lumuluha na pala ako.

"Nakikiramay ako, Yanie."

Singhot ang unang tugon sa akin ni Yanie. "Unfair no?" Tumango ako habang nakatitig kay Leejay. "Kung sino pa ang responsible, siya pa ang kinukuha agad."

Alam ko, pinapatamaan ako ni Yanie. Hindi ko siya masisisi. Iniwan ko sila sa ere. "May plan siguro si God. Kinuha niya si Leejay para maging responsable naman ang nagkamali noon."

"Sana lang hindi nagkamali si God."

Dalawa na pala ang anak niya. Isang babaeng halos abot tuhod ko na at isang lalaking nag-uumpisa pa lamang lumakad. Kulot ang buhok at hawig kay Yanie ang dalawang bata. Madami ng tanong at mausisa ang batang babae habang ang lalaki naman ay walang pakialam sa mga nangyayari.


Six years ago, nakilala ko si Leejay sa isang dance workshop. Pinangarap namin pareho maging artista pero kapwa kami bigo. Sinusugod namin ang mga audtition kahit abutin ng gutom. May time na sinuswerte pero mas madalas ang malas.

"Abot pa ba? Pasensya na malayo ang pinaggalingan ko," tanong ko sa organizer.

"May few minutes ka pa. Pangalan?"

"Rainier Maliksi."

"Sana naging apelyido ka na lang para maaga kang narating," natatawang singit ng babae.

Ngumiti lang ako ng bahagya. "Huwag kang ganyan baka pagdating ng panahon Maliksi na din ang apelyido mo. Sabihin mo mabilis ako."

"Mukhang mabilis ka nga. Pero ang mga tipo mo? Sorry not my type."

"Wow! Serious agad." Lumakad akong di inaalis sa kanya ang tingin. "Malay mo kung mareject na naman ako dito baka sa sobrang depress ko maligawan kita." Kinidatan ko pa siya bago ako pumasok ng audition room.

"Ipapanalangin kong pumasa ka!" sigaw niya.

"Salamat!"

Sinalubong ako ni Leejay sa loob. Umiiling siya. Alam ko na ang ibig sabihin. Hindi na bago sa akin ang ganoong reaksyon. Pinagdaop ko ang aking palad noong ako na ang tinawag. Bigay todo ang aking sayaw at bago matapos ang music kinindatan ko pa si Yanie. Nagulat siya sa ginawa ko pero nakangiti na din noong matapos ang tugtog.

itutuloy...
2 parts lang 'to.. medyo mahaba kaya ko pinutol..