Ayun nga. Tapos na ang relasyon namin ni Janet. Matapos ang ilang taon bigla na lang tinabangan. Hindi pala talaga nasusukat sa haba ng pinagsamahan ang tibay ng relasyon. Buti pa ang rice sa mang inasal unlimited di gaya ng pagmamahal biglang nawawala kahit walang dahilan. Ewan. Parang nawala bigla yung kilig. Naexpired ang sweetness. Kailangan daw namin ng space at problema talaga ang distance. Akala ko magsosolve pa ako, mahina pa naman ako sa Physics.
Walang third party. Kahit nga birthday party hindi kami mahilig umattend. Wala din pinag-awayan. Ang madalas nga lang naman naming pagkaguluhan noon ay tinatamad akong gumising ng maaga para sumimba. Lamig kasi maligo.
Mutual ang hiwalayan. Hindi na din ako tumutol. Tumango lang ako sa mga sinasabi niya dahil di ko siya maintindihan. Singhot kasi ng singhot. Kung gaano kadami ang nainom niyang iced tea higit pa siguro doon ng iniluha niya.
Hindi ako nasasaktan, kumbinsi ko sa sarili ko. Lalaki ako kaya hindi ako iiyak. Matapang. Kalahi ni Lapu-Lapu. Madami pang babae. May magmamahal pa naman siguro sa akin kahit byuda. Pumasok ako ng kwarto. Humiga na parang walang nangyari. Pero noong nakita ko ang regalo niyang unan hindi ko na napigilan. Niyakap ko agad. Nakita ko pa ang doodle niya doon. Nakasalamin ako at makapigtail naman siya. Sweet. Tapos narealize ko, ambitter ko pala. Ouch!
Break-up.
Broken-hearted.
Chinurva sabay alis.
Siguro kung may concern citizen na trip magsurvey, isa ang buhay pag-ibig sa problema ng bawat tao. Kahit ang mga malalandi at pokpok hindi exempted sa pagkabigo. Lahat nakararamdam ng sakit. Kahit isang baldeng pain reliever di eepek. Siguro mali lang talaga ang magmahal ng maaga. Bihira naman talaga ang tumatagal, marami kabitter-an ang mararamdaman at sangkatutak pa ang problema. Dapat inenjoy ko na lang ang teenage life ko noon kesa nagmahal ng todo na humantong din lang sa hiwalayan. Kung nakipanood na lang ako ng anime hindi sana ako bitter. Manonood na lang ako ng Korean novela para kiligin.
Humilom na ang sugat na dati ay akala ko ay hindi na gagaling. Nakokornihan na nga ako e. Lalo na kapag naalala kong naging fans pala kami ng Moffats. Life is so short 'ika nga nila kaya nagpakalunod ako sa ganda ng buhay. In short, nakamove-on na ako. Katunayan nga nakachurva na ako ng iba. Naubos na nga ang kilig kahit sa pag-ihi.
Sumugod ako ng Balayan kahit maulan. Pinilit ako ni Adam na umattend ng kasal niya. Nandoon din daw ang dating tropa, minsan lang magsasama-sama kaya pagbigyan ko na siya. Tatlong oras ang itinagal ng byahe mula Lipa. Gulo na ang buhok ko katutulog pero wala pa din ako sa venue. Kung di lang maulan, uuwi na ako at kapag kinasal na lang ulit siya ako a-attend.
Mainit ang pagtanggap ni Adam at ng kanyang asawa. Walang humpay din ang kamustahan. Hindi nga ako halos makasubo ng pagkain sa dami ng tumatapik sa likod ko. Nandoon halos lahat ng katropa maliban kay Sam. Manganganak daw kasi ang asawa kaya di makaalis. Humabol naman si Janet bago mag-uwian. Umingay nga ang venue dahil sa tuksuhan. Kunwari pa daw kaming di magkasabay. Ayaw nilang maniwala na nagkataon lang na magkakulay ang aming damit.
Mas maputi na si Janet kumpara dati. Marunong na din magsuklay at hindi na pormang basketbolista. Hindi ko nga lang trip ang bago niyang accent. Parang nawala ang lambing. Doon pa naman ako nainlab.
Lumapit ako kay Janet sa may garden. Halos lahat ng katropa nakausap ko na maliban sa kanya. "Kamusta ang teacher?" casual na bati ko kay Janet. "Wala na akong balita sa'yo ah."
"Medyo namamayat. Toxic palagi e!" Akala ko nagpapaslim talaga siya. Tanda ko pa noon na pinipisil ko ang taba niya sa braso kapag natatalo niya ako sa playstation. "Masyado ka kasing busy. Baka yumaman ka na n'yan. May asawa ka na?"
"Wala pa. Naniniwala na akong malabo na ang mata ng mga babae," pagbibiro ko sa kanya. Magaan ulit ang amin usapan. Tulad dati, hindi nawawala ang eye contact niya kapag nakikipag-usap. "Ikaw?"
"Wala pa din. Kahihiwalay ko lang. Nagmahal ako ng maling tao. Natatawa nga ako e!"
"At bakit naman? Naghiwalay na natatawa ka pa?" Iniabot ko sa kanya ang whisky at naghintay ng sagot.
"Dalawa na ang naging boyfriend ko e. Iyong isa balak pa akong gawing mistress! Buti nabuko ko agad. Tapos iyong isa ang nakakatawa! Nahuli kong may kayakap na lalaki sa kwarto. Aba! Sayang naman ang matris ko." Mabiro pa din siya. Nakakaaliw kausap.
Bahagya akong tumawa. Pagkakataon nga naman. "Kagagaling ko din lang sa hiwalayan. Hindi ko nga alam kung relasyon talaga iyon. After maging kami ginawa akong ATM e!"
"Hindi siguro tayo kinakapitan pa ng swerte. Maybe busy pa din ang para sa atin.."
"May pupuntahan ka ba sa Saturday?" usisa ko kay Janet.
"Oo eh. Bakit?"
"Ah, wala lang. Invite sana kitang kumain sa labas, para mas mahaba ang kwentuhan. Subukan mo namang di maging busy..."
"May seminar e...." Hindi ko inaasahan ang sagot niya. Namula pa ako sa hiya kasi medyo ramdam ko ang rejection. "Sunday nasa bahay lang ako." Binigyan niya ako matamis na ngiti at masaya ko namang sinuklian. "Matagal na din akong walang kalaro sa playstation."
-end-
want a copy? send an email to panjo[at]tuyongtintangbolpen[dot]com