Love Bus
by arianne & panjo
Chapters 1 | 2 | 3 | 4 | 5 | 6 | 7 | 8 | 9 | 10 | 11 | 12 | 13 |14 |15 | 16|17|18 Medyo madilim ng nakarating si Andrew sa bahay ng kanyang Kuya Stephen. Nararamdaman na naman niya ang kakaibang kaba nung may makita siyang babae sa park na tila matagal na niyang kilala. Pero hindi niya ito nagawang tawagin. Bakit? Una, hindi niya alam ang pangalan nito. Pangalawa, baka mamaya ay mapagkamalan pa siyang rapist kapag bigla na lamang siyang lumapit dito.
"Oh Andrew, andiyan ka na pala." Bati ni Heidi sa kanya.
"Oo ate. Eh ang Kuya ba?"
"Nandun sa park, at tinawagan ni Miel. Mukhang pumayag na ata sa hinihinging pabor ng kuya mo para sa negosyo mo."
"Miel? Siya ba yung tinutukoy ni Kuya na may consultancy firm?"
"Ah oo. Bukod sa matalino, mayaman, eh talaga namang maganda yung si Miel. May pagka brusko lang paminsan. Parang hindi dalaga. Alam mo, palagay ko ay magkakasundo kayo. Sayang lang at aalis na din daw sabi ng Kuya mo. Madami pa daw aasikasuhin, sadyang pinagbigyan lang ang hiling niya."
"Mukha ngang mabait. Sana ay ma-meet ko siya."
Sakto namang dating ni Stephen at narinig ang pinaguusapan ng dalawa. Nakangiti siyang pumasok ng bahay at sinalubong ng ngiti ang dalawa.
"At palagay ko, malapit na mangyari 'yon."
"Paano mo naman nasabi? Akala ko ay umalis na siya," sabi ni Andrew.
"Oo nga, kaya ikaw ang pupunta sa kanya." Sabay abot ng note na mula kay Miel.
"Vigan? Bakit ang layo naman?"
"Dumaan lang talaga siya ng Baguio, tapos uuwi ng Ilocos para asikasuhin naman ang ilang business ng family niya doon. Kung dito ka niya sa Baguio imimeet, kukulangin siya ng oras. So sabi niya ay sumunod ka na lang daw dun. Hindi naman mahirap hanapin si Miel sa Ilocos, kilala ang family niya doon."
May kung anong nagtutalak kay Andrew na huwag tumuloy. Pero para sa kanyang negosyo, kailangan niyang gawin ito.
"Tsaka naalala ko yung 3-day love affair mo, malay mo makita mo siya dun." Sabay kindat ni Stephen.
"Hindi ko na nga iniisip yun eh."
"Kaya pala parang nabuhayan ka ng dugo nung marinig mong Ilocos ang pupuntahan." Panunukso ni Heidi sa kanya. "Pahawak nga sa dibdib."
"Loko.. Kayo talaga paborito akong pagtripan."
Nagpaalam na si Andrew para magpahinga. Balak niya ay bukas ng umaga siya luluwas patungong Ilocos upang mabilis na asikasuhin ang kanyang negosyo. Gusto din sana niyang maglaan ng oras upang mabalikan ang ilan sa mga kahit papano ay naging masayang alaala para sa kanya.
"Ano nanaman ba ito Miel? Kakarating lang halos natin dito trip mo na agad umalis!" Naiiritang sabi ni Christine sa kaibigan.
"You can stay if you want to. I just really need to go." Madiin na sabi nito. Ayaw niyang sumira sa usapan nila ni Andrew kaya luluwas na siya ng Ilocos.
Matapos iempake ang gamit ay agad na sumakay sa unang byaheng papuntang Ilocos si Miel. Magaan ang loob niyang babyahe. This time, itatama na niya ang pag-kakamali. Ngunit nag-aalinlangan siyang lalo lamang masira ang tingin sa kanya ni Andrew.
"What the! Ano ba naman almost two hours wala pa," bulong ni Andrew sa sarili. "Magset ng lugar at oras tapos di man lang nag-iwan ng contact number para malaman ko kung may hinihintay pa ako o wala."
Nagdecide si Andrew na pumasyal muna para maalis ang pagkainip. Tutal sikat naman daw ang pamilya ni Miel maari na niya itong pinagtanong sa madadaan niya.
"Tutubusin ko na Miss." Binalikan ni Andrew ang mga lugar na pinasyalan noon pati na din ang pawnshop na pinagsanglaan niya ng singsing para makabalik ng Baguio. Paalis na sana siya ng biglang pumasok sa isip niya ang Bell Tower.
Umakyat si Andrew ng Bell Tower at sumigaw. "Hindi ko alam kung bakit palaging pumapasok sa isip ko. Kung magkikita man tayo, gustong kong sabihing pinatawad na kita! Ilang buwan ding binagabag ang isip ko kaya pinapatawad na kita."
"Ako nga hanggang ngayon binabagabag pa e."
"Huh?" Natigilan si Andrew ng biglang may nagsalita sa likuran niya.
itutuloy...

The day after tomorrow, Pumunta ka sa tindahan 3 blocks away from vigan plaza. I'll see you there.