Skinpress Rss

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na tula. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na tula. Ipakita ang lahat ng mga post

Unang Pagbukas


Tulad ng pagbubukas ng isang kandado
may nakatagong kombinasyon sa bawat numero.
Hindi bubukas kung di tugma,
kung titigan; maluluma.

Ang may lirikong salita
ang nagbukas sa hiwaga .
Sa musika at ritmong tayo ang may gawa
Naghuhumiyaw ang kakaibang kataga.

Nilakbay ang bundok na matarik
Malalim ang dagat na sinisid
upang kombinasyon ay makamit
Ng sining sa likod ng pag-ibig.
want a copy? send an email to panjo@tuyongtintangbolpen.com

Pangarap Ko


Pangarap kong maging piloto
Exclusive sa mga adik
Para maabot nila ang langit
At di na sila gagamit.

Pangarap kong maging tindero
Magbebenta ako ng halo-halo
Sa mga manyak at rapist na nag-iinit
Pampalamig.

Pangarap kong maging sastre
Gagawa ako ng gwantes
Yung extra large
Para sa mga kapus-palad.

Pangarap kong maging Values Education Teacher
Sa senado at kongreso ako magtuturo
Para bawal magmura at sumigaw
Patatayuin ko ang madalas absent at walang assignment.

Pangarap ko maging karpintero
Gagawa ako ng simbahan
Marami, yung malaki
Kesa sa mga motel at apartel.

Pangarap kong maging ahente
Ng dvd at TV
doon sa bilibid
Para araw-araw may palabas.

Pangarap kong tuparin lahat yan
Ako ang bahala sa lahat
Para magretiro na si batman
Gusto ko gawin lahat.

Pangarap ko nga din ang isilang.
Para matupad ko ang aking pangarap
Kaso ipinalaglag na ako ni inay
Akala ko pa naman ako na ang pag-asa ng bayan.


paano gumawa ng tula?


paano gumawa ng tula?
yung maiilarawan ang iyong mukha
kahit malaki ang yung bunganga
at ang tagyawat ay may nana.

paano gumawa ng tula?
yung tungkol sa pag-ibig
yung tipong maiihi ako sa kilig
o kaya papahintuin ang ikot ng daigdig

paano gumawa ng tula?
yung para sa matalik na kaibigan
kasangga sa lahat ng kasinugalingan
hindi mauutot sa tuwing uutangan.

paano gumawa ng tula?
yung nakakatawa kahit korni
yung hindi mahihiya tumawa ang bungi
yung mapapalundag bagong tuli.