Skinpress Rss

Love Bus - Chapter Eighteen


Love Bus
by arianne & panjo

Chapters 1 | 2 | 3 | 4 | 5 | 6 | 7 | 8 | 9 | 10 | 11 | 12 | 13 |14 |15 | 16|17



"Pass nako. Ikaw nalang. Masyado ata akong napagod sa biyahe eh." Sabi ni Christine sabay hawak sa ulo.

"Ikaw? Napagod? Weh?" Mapang-asar na sabi ni Miel. "Imposible!"

"Bakit, wala ba akong karapatang mapagod? Kalabaw nga napapagod e. Ako pa kaya na maganda lang. Tsaka if I know, hindi naman pasyal ang habol mo. Gusto mo lang makita ang prince charming mo." May halong panunukso na bawi naman ni christine. "Marinig mo lang ang salitang baguio pati tonsil mo kinikilig!"

"Ay ewan nga sayo! Pupuntahan ko na nga lang si Stephen, siya naman talaga ang ipinunta ko dito. Bonus nalang siguro kung may makasalabong ako kakilala."

"So umaasa ka pa din pala? Buti pa ang alaga mong aso madaling pagsabihan!"

"No! I just want to see him, and tell him I'm sorry. Plus gusto ko din malaman kung kamusta ba yung deal niya. Kasi alam kong malaking factor ang ginawa kong kalokohan sa kalalabasan nun." Saad ni Miel na halatang guilty padin sa ginawa niya.


"Osiya, baka magdrama ka na naman diyan. Magpahangin ka na lang at ienjoy mo ang Baguio. Madaming boys dyan sa daan for sure." Sabay kindat ni Christine. "Kapag may rapist, magtetext ka ha?! Huwag magdamot!"


"Gaga. Malandi ka talaga!" Sabay tawa ni Miel.


Paglabas niya ng tinutuluyang transient house ay agad umihip ang malamig na hangin. Tinawagan niya si Stephen at sinabing i-meet siya sa Burnham park. Dahil malapit lang din naman ang park sa tinutuluyan, mabilis na nakarating doon si Miel.



"Hi, Meil," pasigaw na bati ni Stephen. "Buti nakarating ka agad in short notice."

"Syempre! Malakas ka sa akin e. Ano bang satin?"

"Ito kasing kapatid ko, nagtayo ng business. Medyo lumalaki na at need na ng assistance ng expert na gaya mo." sagot ni Stephen.

"Expert ka dyan.. Ano bang maitutulong ko?"

"Tulad ng dati pero 'yong kaya lang ng budget syempre. Risk, asset, financial management and alike."

"Uhmmm... Sige.. Kelan ko naman mamemeet ang kapatid mo na 'yan?"

"Siguro mamaya. Nagso-soul searching pa e."

"Soul searching?"

"I don't know. Sabi lang ni Heidi. He met a girl sa isang bus papunta dito. Then nakarating ng Ilocos yata. And weird pa, di n'ya alam ang name eh kasama niya ng tatlong araw. Halos mamatay nga ako sa katatawa."

"Sure ka?"

"Oo.. Hayaan mo na lang.. Ikaw na lang magtanong. Nagmumukha akong tsismoso e."

Gumuhit ang malaking ngiti sa labi ni Miel. Sadyang maliit pala talaga ang mundo. Ngayon ay magkakaroon na siya ng chance na makitang muli si Andrew. Pero haharapin kaya siya nito?


"Mga anong oras ko kaya siya mamimeet?" Tanong ni Miel.

"Ay bakit, may lakad ka pa ba?"


Mabilis nakaisip si Miel ng plano. Ayaw niyang mag-aksaya ng pagkakataong makita si Andrew. Kabaliwan sigurong matatawag ang ginagawa niya pero doon siya magiging masaya.

"Actually, yes, sakto lang na nasabihan mo ako agad na dumaan dito sa Baguio, papunta kasi akong Ilocos para asikasuhin naman ang ilang business namin doon." Palusot nito.


"Ay sayang naman. Mukhang busy pa sa pag-iisip sa 3 days love affair niya eh. Pinipilit yatang hulaan ang name. Haha."


"Ay nako, if I know, ganyan kadin kahibang kay Heidi noon noh."


"Haha. Loko ka. So, pano naman yung deal niyo ng kapatid ko?"

"Diba sabi mo nakapunta na naman siya ng Ilocos? Dun nalang kami magmeet, I need to go there kasi agad. Mamayang gabi na kasi ako aalis eh. Give him my name and ipagtanong na lang niya kamo ako sa plaza."

"Okay. I'll let him know."


Dumukot ng papel sa bag si Miel at sinulatan ng isang note. Agad niyang ibinigay iyon kay Stephen.

"Bigay mo iyan sa kanya ha? Pero huwag mong bubuksan. Kapag binuksan mo, wala kang aasahang deal mula sakin." May halong banta sa tinig ni Miel.


"Ang seryoso mo naman. Yes ma'am ibibigay ko ho. Palagay ko ay magkakasundo kayo ng kapatid ko, parehas kasi kayong weird." Sabay tawa.

"oh sige na, aalis nako, I need to pack my things pa. Yung bilin ko ha. I got my eyes on you."


Magaan ang loob ni Miel noong naglalakad siya pabalik sa tinutuluyang transient house. Alam niyang isa na namang pagkakamali ang gagawin dahil isa parin itong panlilinlang para kay Andrew. Pero eto lang ang naiisip niyang paraan upang magkausap sila at bumawi sa pagkakamali. Kahit pa alam niyang hindi maitatama ng isa pang pagkakamali ang nauna.



itutuloy...