Love Bus
by arianne & panjo
Chapters 1 | 2 | 3 | 4 | 5 | 6 | 7 | 8 | 9 | 10 | 11 | 12 | 13 |14 |15 | 16|17|18|19
"Anong ginagawa mo dito?" gulat na wika ni Andrew. Medyo namumula pa ang kanyang pisngi sa pagkabigla. Hindi niya inaasahan ang biglang pagsulpot ni Miel.
"Ako siguro ang dapat nagtatanong niyan. Akala ko umalis ka na?"
"May sinadya lang ako dito... Binalikan ko ang relo ko. Sayang kasi."
"Talaga lang? Wala ka ng ibang pakay dito?"
"Wala. Tsaka bakit ka ba nakikialam? Ikaw bakit mo ko sinusundan?"
"May hinihintay lang ako kaya ako nandito at saka ako ang nagturo sayo ng lugar na ito kaya di kita sinusundan. Akala ko pa naman bukal sa loob mo ang pagsigaw-sigaw dyan. Muntik pa naman akong matouch.. Kesyo pumapasok daw sa isip, binabagabag palagi, 'yon pala drama lang..."
"Sa tingin mo ikaw 'yon?" Kakaiba ka talaga.. Ikaw nga itong binabagabag hanggang ngayon di ba? Makasalanan ka kasi." pagtatanggol ni Andrew sa sarili.
"Fine! At least honest. Kung di lang malaki ang boses mo malamang inisip ko ng bakla ka. O baka naman talagang bakla ka nga? Kaya pala malansa." Panunuya ni Miel. "Sabagay ang mga bading madalas nakatago sa matigas na boses."
Bahagyang napahiya si Andrew pero ayaw niyang ibaba ang sarili sa puntong malalamangan na naman siya ng babaeng kinaiinisan niya. Pero sa pagtalikod niya hindi niya namalayan ang pagsulpot ng maliit na ngiti sa labi. "Mauna na ako. Baka masira pa ang araw ko." I
"I'll make sure sa pagkikita ulit natin, hihingi ka na ng tawad. I hope brave ka na sa time na iyon..."
Bahagyang humakbang si Andrew at nang malapit na sa tenga ni Miel saka muling nagsalita. "Isigaw mo na lang baka mangyari..."
"No need..." sarkastikong wika ni Miel.
Bumalik si Andrew sa tindahan malapit sa Vigan Plaza kung saan niya dapat hintayin ang kausap. Linggid sa kanyang kaalaman ay kanina pa siya tinatawanan ni Miel.
"Mga babae talaga! Bagal kumilos!" buntong hiningang sambit ni Andrew.
Inihanda ni Miel ang sarili bago lumapit. Itinaas niya ang kanyang buhok na kaninang nakalugay. Kinuha niya sa bag ang shades para di agad siya makilala ni Andrew. Matapos ayusin ang sarili ay taas noo niyang nilapitan si Andrew.
"Andrew, right?"
"Yes Ma'am.. Nice to meet you." Dali daling tumayo si Andrew ang hinila ang upuan sa kanyang harapan para paupuin si Miel. Sa pagkabigla ay hindi na niya masyadong natitigan ang itsura ng kausap.
"Sorry for the long wait.. I am Alexandrea Murielle.." Inabot ni Miel ang kanyang calling card bago pa mabalik sa pagkakaupo si Andrew. "You can call me Miel."
"I understand.. Busy ka lang siguro.. Thanks sa time na naallot para sa akin.. At sa.. what the... " Inalis ni Miel ang suot na shades saka ibinagsak muli ang buhok..
"Init pala dito.. Hindi ba Andrew? Gusto mo sa bell tower tayo?" Mapang-asar na ngiti ni Miel. "Ano payag ka?"
Nanliit si Andrew sa kahihiyan. Hindi niya alam ang dapat ikilos. Naisahan na naman siya ni Miel sa pangalawang pagkakataon. Hindi niya alam kung maaasar o matatawa siya. "Napakahiwaga mong tao. Hindi ko alam kung magagalit o magpapasalamat ako."
"Well, bago ka pa magreact, i-set aside muna natin ang lahat. Narito ako para tuparin ang pangako ko kay Stephen hindi ko naman akalain na ikaw ang kapatid niya. Professional kitang haharapin ngayon."
Itinaas ni Andrew ang dalawang kamay tanda ng pagsuko. "Sige. Pasensya na.." Bahagyang napatawa si Miel. Hindi siya nagkamali marunong humingi ng paumanhin si Andrew.
Matapos ang mahaba-habang paguusap nila tungkol sa negosyo ni Andrew, binalikan naman nila ang usapan tungkol sa personal nilang buhay.
"You really surprised me." Wala pa rin sa hulog na sabi ni Andrew kay Miel.
"Well, kahit naman ako nagulat. Akala ko after 3 days, hindi na kita ulit makikita. And yet, talagang gumawa si God ng way para na din siguro mabawi ko ang pagkakamali ko. I'm really sorry Andrew. I wasted 3 days of your life. Pero I want you to know na sakin hindi waste of time yun." Mangilid-ngilid ang luhang pahayag ni Miel.
"Tapos na 'yon. Hindi bale na. Napatawad nanaman talaga kita eh. Actually nagpapasalamat nga ako sayo eh. Kung hindi dahil sayo hindi makikitaan ng potential ni Kuya ang proposal ko." Nakangiting wika naman ni Andrew.
Sa wakas, nabunot na ang tinik na nakabaon sa dibdib ni Miel. Gumaan ng muli ang kanyang pakiramdam. Napalitan ng kislap ang kaninang nangingilid niyang luha. Muling sumilip ang ngiti sa kaniyang labi.
Biglang may kuryenteng dumaloy sa katawan ni Andrew. Ang ngiting iyon ni Miel ang nagmistulang spark-plug na naging switch ng natutulog niyang puso.
"Mali!" Sigaw ni Andrew.
"Hoy weirdo! Nakakahiya ka. Pinagtitinginan ka tuloy!" Tatawa-tawang sabi ni Miel kasabay ng isang malaking tampal sa kamay ni Andrew.
Sa pagkakataog ito, siya naman ang nakaramdam ng kuryenteng dumaloy sa kanyang katawan. Parang ayaw na niyang bitawan ang kamay ni Andrew. Matagal niyang hinintay ang pagkakataong magkita silang muli.
"Ehem! Nageenjoy ka ah." Taas-baba ang kilay na panunukso ni Andrew.
Bahagyang namula ang pisngi ni Miel sabay bawi ng kanyang kamay.
"Oh bakit mo inalis? Okay lang naman sakin kung nag-eenjoy kang hawakan ang kamay ko eh." Iniabot niya ang kamay ni Miel at hinawakan ng may diin.
"Andrew, after ng lakad mo dito sa Ilocos saan ka naman?"
"Uuwi na." Mabilis na sagot ni Andrew. Napansin niya ang biglang pagsimangot ni Miel. "Pero bago 'yon gusto ko munang magbakasyon dito."
"Pinaglalaruan mo naman yata ako e! Parang gumaganti ka lang!"
"Hindi! Hindi ko na itatanggi na gusto kita kaya gusto ko pang magstay dito," Andrew confessed.
"Gusto?"
itutuloy... next month ulit :P