"Hindi ko po gustong kalaro si Anjie, Mommy," wika ni Emerald sa kanyang ina nang matanaw sa bintana si Anjie.
"Bakit naman? Mabait naman siya at palaging nakangiti."
"Sabi ni Atasha at Sion huwag ko daw siya kabati. Nakakatakot kasi iyong dala niya palaging manika. Luma at sira-sira pa. Parang manika ng witch!"
Napangiti si Ressie sa sinabi ng anak. "Masyado ka namang nagpapadala sa mga nababasa at napapanood mo. Ang pagtuunan mo ng pansin ay ang aral na mapupulot mo sa kwento."
Lumapit si Emerald sa tenga ni Ressie. "Kasi po Mommy, madami namang silang laruan pero iyon palagi ang dala niya. May kapangyarihan siguro ang manikang iyon," pabulong na sagot nito. "Sabi pa ni Sion baka nga daw naglalakad sa gabi! Nakakatakot!" Tumalon at nagtago sa sofa si Emerald noong napansing nakatingin sa kanya si Anjie.
"Alam mo ba mayroon din akong nakatagong sira-sira at lumang manika? Palagi ko din siyang dala at katabi sa pagtulog. Pero hindi witch ang Mommy mo." Binuhat ni Ressie ang anak at dinala sa kwarto. "Kahit kailan nga di ko iyon pinalabhan."
"Talaga po? Hindi ko yata siya nakikita dito?" usisa ni Emerald. Kinuha ni Ressie ang isang makintab na kahon at ipinakita sa anak ang mga laman.
Nanlaki ang mga mata ni Emerald. Isang luma, sira at pangit na manika ang nasa loob. May tahi pa ang pisngi nito kaya nakakatakot. "Ibinili ko siya ng espesyal na taguan kasama ang ibang bagay na mahalaga sa akin mula pagkabata." Hawak-hawak pa ng bata ang bibig para di mapasigaw.
Matagal bago nakakuha ng lakas ng loob para makapagsalita si Emerald. "Bakit sira-sira siya? Bakit di nyo po pinalalabhan Mommy?"
"Gusto mong ikwento ko?" Hinawakan ni Ressie ang manika at ipinatong sa kanyang hita. Inilagay niya sa posisyong dati niyang ginagawa kapag pinapatulog ito sa kanyang kandungan. Tumango si Emerald habang nakapikit.
"Regalo sa akin ni Papa ang manika. Paggising ko nasa tabi ko na siya. Rosie ang pangalan niya," panimula ni Ressie. Hinagod niya ang kulay mais na buhok ng manika.
"Si Lolo pala ang nagregalo. Bakit po sira?"
"Itutuloy ko muna ang kwento para malaman mo, anak." Ngumiti ng labas ang ngipin si Emerald at nananabik na nakinig sa ina.
Sabi ni Papa, si Rosie ang magbabantay sa akin kapag wala siya. Kinakausap ko si Rosie kapag nalulungkot ako. Kasi kahit di daw sumasagot ang manika, nakikinig naman ito. Sa tuwing papasok na sa opisina si Papa nilalagyan niya ng pabango niya si Rosie. Para maalaala ko siya palagi. Ayaw na ayaw kong nawawala ang amoy na iyon kaya di ko pinalalabhan ang manika.
Simula noon, palagi ko siyang dala-dala lalo na kapag di ko kasama si Papa. Siya ang nagsilbing kalaro at kakampi ko. Kaya kahit bago na at maganda ang manika ng mga kalaro ko, hindi ko ipinagpapalit si Rosie. Iningatan at pinahalagahan ko ang manika. Pakiramdam ko kasi ligtas ako anumang oras kapag kasama ko siya.
Mahal na mahal ko si Rosie. Tulad ng magmamahal ko kay Papa. Para sa akin, iisa sila. Umaalis kasi si Papa na walang guardian angel kasi iniiwan niya kay Rosie. Natutunan kong magpahalaga sa mga bagay dahil sa kanya. Hindi na din ako humihingi ng ibang laruan dahil sapat na sa akin si Rosie.
Noong mga sumunod na araw hindi na nilalagyan ng pabango ni Papa si Rosie. Palagi na ding nasa bahay si Papa. Nawalan pala siya ng trabaho. Pero kahit nasa bahay siya parang di niya ako pinapansin. Hindi nakikita. Abala siya sa harap ng dyaryo para maghanap ng bagong trabaho. Hinanap ko ang bote ng pabango. Wala ng laman. Pinasirit ko pero wala na talagang lumalabas. Niyakap ko ng mahigpit si Rosie. Tinanong ko siya kung ayaw niya na ba sa akin tulad ni Papa.
Isang gabi nagising ako sa malakas na ingay sa paligid. Nag-aaway sina Mama at Papa. Yakap-yakap ko si Rosie habang nasa sulok lang ako ng kwarto. Natatakot ako. Sumisigaw si Papa. Nadidinig kong umiiyak si Mama. Bata pa ako noon para malaman ang lahat ng bagay. Kinabukasan, wala na si Papa sa bahay.
Wala na ang amoy ni Papa kay Rosie. Hindi ko na nakikita si Papa. Tinatanong ko si Mama pero umiiyak lang siya. Pumunta ako kay lola pero niyakap lang niya ako. Walang makapagsabi kung nasaan si Papa. Iniwan na niya ako. Umiyak ako ng umiyak. Hindi na ako mahal ni Papa. Tinanong ko si Rosie kung mahal pa niya ako. Hindi siya sumagot.
"Lahat ba ng tao sa bahay naging manika na? Lahat ayaw sumagot." Sinira ko si Rosie. Pinutol ang buhok, winasak ang damit at ipinupukpok habang pinipilit siyang magsalita. "Magsalita ka! Ibalik mo si Papa! Ibalik mo ang Papa ko!" sigaw ko.
Hindi ko napapansin, kalapit ko na si lolo. "Ressie, nagpapalipas lang ng sama ang loob ang Papa mo. Nahihiya siyang umuwi dahil inaway niya ang Mama mo. Kumain ka na, baka manghina ka."
"Hindi ako kakain!" pagmamatigas ko."Hindi na kami mahal ni Papa!" Hindi na ako lumabas ng bahay simula noon. Hindi na din ako nakipaglaro. Nalungkot ako sa nangyayari. Tulad ni Rosie ang aking pamilya, parehong sira.
Nagkasakit ako at sumobra ang pananamlay. Inapoy ng lagnat. Hinahanap ko daw si Papa habang isinusugod ako ng ospital. Umiiyak ako noon dahil wala ang taong inaasahan kong magprotekta sa akin. Wala din ang guardian angel na pumapatnubay sa akin. Hindi ko kasama si Rosie.
Paggising ko nasa tabi ko na si Rosie. Nakadikit na ang kanyang buhok, tahi na ang damit at pisngi. Hindi siya kasing ganda ng itsura niya dati pero nagbalik ang amoy na hinahanap ko. At higit sa lahat kasama niya si Papa. Naniniwala na akong nakadidinig nga ang manika dahil ibinalik niya ang Papa ko. Kaya pala siya nawala noong isinusugod ako sa ospital dahil sinundo niya si Papa.
Humingi ng paumanhin sa akin si Papa. Hindi naman daw niya ako iiwan. Bago daw siya umalis ay kinausap niya si Rosie na bantayan ako dahil maghahanap siya ng trabaho at para maayos ang problema nila ni Mama. Si Papa ang tumahi kay Rosie. Siya din ang bumuo muli ng aming pamilya."
"Nakakaiyak ang kwento mo Mommy!" Yakap-yakap ni Emerald. "Nasa malayo ang Papa ni Anjie kaya siguro bitbit niya palagi ang manika."
"Oo nga. Anong masasabi mo sa kwento?"
"Masasabi? Gusto ko din po ng bagong lumang manika."
"Bago pero luma? Hindi kita maintindihan."
"Kasi gusto ko pareho kami ni Anjie para may karamay siya. Tapos ikukwento ko kay Atasha at Sion kung bakit luma din ang gusto ko."
"Bakit nga ba luma? Bakit hindi bago?"
"Para malaman nilang hindi dapat husgahan ang panlabas na anyo! Madalas ang mga lumang bagay ang may mas makahulugan kaysa sa bago. Ganun din sa pagpili ng kaibigan, hindi dapat hinuhusgahan dapat kinikilala muna."
Ngumiti si Ressie. Hinalikan niya ang manika at nilagyan ng pabango ng Papa niya.
-wakas-
Ipakita ang iyong suporta, kung maari at click ang link -->> Ang Manikang Hindi Nilalabhan at pindutin ang like button sa dulo ng kwento. Hanggang November 30, 2011 ang botohan! Maraming salamat!
Ang maikling kwentong pambata na ito ay lahok sa Saranggola Blog Awards 3.
want a copy? send an email to panjo[@]tuyongtintangbolpen[.]com