Skinpress Rss

Kalsiki : The Curse of the Blue Moon - 3


Chapter 1 |2|


Isinilang ang isang malusog na batang lalaki. Ang Kalsiki. Sa kanyang paglaki maraming mata ang nakasubaybay. Ilang buhay na din ang ibinuwis sa kagustuhang maprotekhan o mapatay ang bata.
Isa sa naging biktima ng karahasan ay ang mismong magulang ng Kalsiki.

Ang Bakuya naman ay patuloy sa pagbawi ng kanyang lakas. Isang avatar na lamang ang hinihintay para muling maghasik ng lagim ang mapaminsalang nilalang. Naghahanda na din ang mga Panther para patayin ang Arquiza.

Biglaan ang pagsulpot ni Sintoni sa apartment ni Philip. Ipinatawag na din niya ang iba pang kasapi ng Luna para ibalita ang unti-unting paglakas ng kanilang kalaban.

"Dapat na tayong kumilos," wika ni Sintoni. "Kailangang magising na ang Kalsiki."

"Batid ko din nag lakas nila," ayuda ni Emer. Bihasa si Emer sa pakikipaglaban, ilang Panther na ang kanyang nasasagupa, mailigtas lang ang Kalsiki. "Nahihirapan na akong ikulong ang isang Panther gamit ang aking Sandato." Ang sandato ay isang uri ng sealing technique para paralisahin at ikulong ang isang kalaban. "Ibig sabihin lumalakas na ang kanilang Bakuya. At ang matindi pa, madaming Panther na ang nakapaligid sa Kalsiki. Hindi ko makakayanan kung lahat sila ay aatake."

"Ara, kailangan mo ng kumilos," wika ni Philip.

"Sige. Alam ko na ang background ng Kalsiki kaya hindi na magiging mahirap."

"Tandaan mo, kailangan niyang maunawaan na isa siyang Kalsiki. Hindi siya basta ordinaryong tao. San sandaling magising ang Kalsiki na hindi handa ang taong ito-"

"Si Edsel," singit ni Ara sa sinasabi ni Shintoni.

"Kung hindi pa handa si Edsel, ikamamatay niya ang kawalan ng kakayahang kontrolin ang halimaw sa loob niya."

"Nasaan ba ang Edsel na 'yan?" tanong ni Chito. "Kung kailangan niya ng master madali akong lapitan!"

"Huwag kang padalos-dalos Chito. Isang pagkakamali lang maaring mapahamak ang Kalsiki," si Shintoni. "

"Hindi ko kasi maintindihan. Kung siya ang Kalsiki dapat alam na niya kung paano poprotektahan ang sarili. Isa pa, nabuburo na ako sa pag-aaral!" reklamo pa ni Chito.

"Sumunod muna bago magreklamo. Makakaalis na kayo." pagtatapos ni Philip.


Nagmamadaling umalis si Chito. Ayaw niyang mahuli sa klase hindi dahil sa takot na ma-late kundi dahil sa takot na mawalan ng makokopyahan sa exam. Misyon lang ang kailangan niyang gampanan pero bakit kailangan niya pang pumasa? Kaya palaging reklamo ang madidinig kay Chito sa tuwing ipapatawag sila.

"Hindi ko talaga maintindihan kung bakit ito pa ang naging misyon ko!" maktol ni Chito habang patakbong papasok ng gate ng school.

Sa kanyang pagpasok ay may kumpol ng mga estudyanteng nakaharang sa daan. "Kung mamalasin nga naman oh!" Napilitan siyang tingnan kung ano ang dahilan ng komosyon. Isang babae ang iniluwa ng kotseng pula. Mahaba ang buhok, maputi, maganda at may pagkasuplada ang dating.

"Ganda talaga niya!" bulong ng isang estudyante sa kasama. "Ganyang ang mga tipo ko!"

"Sa panahon ngayon ang ganyang itsura ay di nawawalan ng boyfriend o kaya may anak na!"

"Hoy Billy Jay! Sino 'yan?" tanong ni Chito sa isang kaklaseng nakikiusyoso.

Lahat ng leeg ay halos mabali sa pagtingin kay Chito. "Saang planeta ka naman napunta Chito?! Isang linggo na nating kaklase 'yan siya 'yong bagong transfer galing sa Canada!"

"Imposibleng hindi mo siya kilala? Lahat nahuhumaling na sa kanya."

Nagtaas balikat si Chito. "Pasensya na pag-aaral lang kasi ang nasa isip ko. Sige papasok na muna ako at makapagreview!"


Simulan na ni Ara ang kanyang plano. Malaki ang tiwala niya sa kanyang sarili na hindi papalpak sa misyong ito. Ang pagiging empleyado ang naisip niyang paraan para mapalapit kay Edsel.

"Andito na po ang new employee. Si Ara Yuson." Iniabot ng receptionist ang endorsement letter ni Ara kay Edsel.

Tumabi si Cris kay Edsel para tingnan ang endorsement. "Siguro naman papasa na 'yan. Need na natin ng additional staff. Baka mamaya ibagsak mo agad sa evaluation!"

"Fresh graduate. No work experience," bulong ni Edsel habang pinag-aaralan ang resume ni Ara. "Performance ang dahilan ng pagbagsak, hindi ako ang devil dito."

"Good sake Edsel, hindi manager ang need natin dito!" diin ni Cris. "Ang mahalaga hindi tambak ang trabaho."

"Ayaw ko lang ng katulad ni Carmi. Isang buwan palang nag-quit na dahil di fit sa qualification."

"Alam naman ng lahat na kaya nakapasok dito si Carmi dahil malakas sa taas."

"Sige, tingnan natin."

Pagkapasok ni Ara, si Edsel na agad ang target ng kanyang mata. Gusto agad niyang makaestablish ng connection.

"Good morning, sir."

"Have a sit, Ara. You are reporting to Edsel." Tumango lang si Edsel at ipinagpatuloy ang kanyang trabaho. "I'm Cris, your AR counterpart and as oriented first name basis here. Call me Cris."

Ipinatong ni Ara ang kanyang bag sa mapapansin ni Edsel. Susubukan niyang kunin ang atensyon ng Boss.

"Blue Moon," bulong ni Edsel sa sarili matapos mapansin ang keychain ni Ara. "You know a star symbolizes hope during the dark night. It reminds us that whenever it's getting dark... there's still hope that we can still have light the next day. Pero Blue Moon, anong meron?"



Hindi mapakali si Chito sa loob ng klase. Naaasar siya sa ingay lalo na sa kakaibang dating ng bagong kaklase. Wala tuloy siyang matabihan dahil lahat ng kaclose niya ay dumikit sa upuan ng babae.

"Hindi naman kagandahan. Payat naman!" puna ni Chito. "Billy dito ka nga! Hindi naman kayo pinanpasin!"

"Okay na din dito kesa naman lalaki ang katabi!" balik naman ni Billy.

Walang nagawa si Chito kundi ang magtiis. "Bad trip! Sana may kakaiba man lang mangyari"

Lingid sa kaalaman ni Chito ay kanina pa siya tinitingnan ng bagong estudyante. Ang bawat kilos niya ay hindi nakaligtas dito. Pati ang kanyang itsura ay na-drawing na agad nito.


"Send him to my office," utos ng Dean sa professor nang aksidenteng napadaan sa classroom ng mga nag-eexam. Gawain na ng Dean ang maglibot sa mga classroom tuwing umaga kaya noong may nakitang siyang nangongopya ay nasira agad ang kanyang umaga.

Natigilan ang lahat sa sinabi ng Dean. Tiningnan nila kung sino ang nahuhuling nangongopya. Si Chito.

"Chito! Pinapatawag ka ng dean!" bulong ni Billy.

"Nahuli ba ako?" nakuha pang magtanong ni Chito.

"Huling huli tol."

Ipinatigil ng professor ang pagkuha ni Chito ng exam. Padabog namang kumilos si Chito. Sinisisi pa niya ang kaklase dahil hindi siya sinabihan agad na padating ang Dean.

"Mr. Cantos, nasaan ang ID mo?" tanong ng Dean.

"Sorry po, nasa bulsa ko. Nagmamadali po kasi ako kanina kaya di ko na nasuot."

"Lame excuses. Sa records mo sa discipline officer madalas kang mahuli na walang ID."

Habang kinukuha ni Chito ang ID ay sumabit pa sa panyo na dahilan upang mahulog ang mga barya sa kanyang bulsa. Nagpagulong-gulong ang mga barya sa sahig na lalong ikinaasar ng Dean. "Sorry po. Sumabit ang ID," paumanhin ni Chito habang pinupulot ang mga barya. Mula sa upuan ay halos nalibot niya ang buong table ng Dean na labis nitong ikinairita.

"Bring your guardians!" utos ng Dean.

"Sandato!" sigaw ni Chito para pakawalan ang sealing curse. Gumawa ng liwanag ang dinaanan ni Chito na akala ng Dean ay simpleng pamumulot lang ng barya. Lumabas ang totoong itsura ng Dean. "Tama ang hinala ko, isa kang Panther!"

Hindi akalain ng Dean na ang gaya pa ni Chito na puro kapalpakan ang makakahuli sa kanya. "Pakawalan mo ko!"

"Huwag ka ng magpumiglas. Hindi ka makakawala sa curse ko. Ngayon ko lang napatunayan na mas matalino pala ako sa Dean," pagmamayabang ni Chito. "True or false. I will send you to hell, Mr Dean."


itutuloy...



want a copy? send an email to panjo[at]tuyongtintangbolpen[dot]com