Skinpress Rss

Chicken Adobo - A Love Story 14


image credit to komwari

-a must a read!!! - CNN
-ang di magbasa kulang sa vitamins - kuya kim
-pagpasensyahan nyo na ang spelling at typos - principal
-ipamalita mo sa 10 tao at may swerteng darating sayo sa akinse at katapusan - unknown

Kung may libro tungkol sa kasinungalingan aabutin ng limang chapter siguro ang sinulat nina Kathy at Andrea. Isang kwentong sila ang nabuo pero kaming tatlo ang naging biktima. Lahat talunan. Lahat sablay. Parehong nauwi sa isang scenario ng hindi pagpapansinan. Ang dating mapagparaya ngayon ay sakim. Ang dating tapat ay natutong sumuway. Ang naghahanap ng kasiyahan ngayon ay tulala at hindi makausap. Ganito ba talaga kakomplikado ang magmahal? Siguro.

Napapailing ako habang naglalakad palabas ng ospital. Kailangan bang umabot sa kuwestyunin ni Kathy ang aking pagkatao? May mga bagay na hindi naman dapat ipag-ingay at may kusa ding nararamdaman na hindi kailangan ipagpilitan o papiliin. Naguluhan tuloy ako.

Dalawang Hiling





Umiiyak na naman si Inay sa taong labis kong kinamumuhian. Hindi nararapat ang luha niya sa isang lalaking piniling magpakaduwag. Kahit itanggi niya ay madali mahalata. Ang kayang itago ng ngiti ay makikita sa mata. Hawak niya ang larawang matagal ko ng ipinapatapon. Larawan ng aking amang tumakas sa obligasyon.

"Iniiyak mo 'yan? Iniwan nga tayo, 'di ba?. Kung hindi pa nagbigay ng malaking halaga si Hernan noon hindi ko alam kung saan tayo pupulutin!"

"Hindi Hector! Hindi niya tayo pinabayaan."

"Hindi pagpapabaya ang pagkitil sa sariling buhay at iwan tayo? Hindi na nga nakakatulong, dumagdag pa sa abala." Bago ko pa nakuha ang larawan ay nahulog sa kanyang kamay ang isang sulat.

Kwentong Bulate



Alumpihit na kumilos ang huling bulateng lumabas sa lungga. Wala sa plano niya ang lumitaw sa lupa pero kinailangan niyang kumilos para hindi maging dahilan ng kahihiyan sa angkan ng mga maharlikang bulate. Sila ang species na may kalakihan at may tila sinturon sa balat.

Sa kanyang paggapang inirereklamo niya ang kanyang pagiging bulate. Lagi siyang madumi, masakit ang katawan sa paggapang, nagagalusan at kung bakit pagkatapos ng ulo ay buntot na agad.

Kwentong Kolelong


Ang ilang araw na planong masayang pamamasyal namin ni Charyl ay nauwi lamang sa tampuhan. Nang dahil sa kagustuhang magkaroon din ng stuffed toy na hawak ng kaharap namin sa jeep ay nagawang ilihis ang lakad na siya mismo ang nagplano. Ang aking leave of absence para sa paglibot sa isang daang isla ng Pangasinan ay napalitan ng pakikipagsiksikan sa isang libong Greenhills.

Ramdam ko ang pamumuo at pag-agos ng pawis sa aking likod para hanapin ang stuffed toy na may ubod ng laking bibig. Para akong laruang hinihila ni Chary para halughugin ang bawat sulok ng Shopping Center. Mahirap talagang kasama ang babae sa pamimili kahit hindi kailangan ay pilit bibilhin basta natipuhan.

Butas


Nakapikit ang isa kong mata habang nakasilip sa ginawa kong butas sa dingding. Tamang tama ang laki at angulo upang makita ko ang mga nangyayari sa loob ng kwarto kung nasaan si Dra. Arneda. Bagamat mainit ay natyagang kong manood sa hiwagang bumabalot sa katauhan ng aking amo.

Sa aking edad, hindi na bago ang makakita ng hubad na katawan ng babae. Bago pa ako nakapag-asawa ay nagkaroon din ako ng dalawa pang karelasyon na hindi din matawaran ang kagandahan. Pero iba ang karisma ng doktora. Kahit umeedad na ay makinis pa din ang kutis at nakakasilaw ang kaputian. Pero sa kabila ng maamo nitong mukha ay ang kakaiba nitong bisyo na naging dahilan din upang iwanan siya ng asawa.

Isang Kwento sa Tayuman


Hindi nalalayo ang kulay ng sout kong Polo Shirt sa mga crew ng Chowking sa Tayuman. Kung mananatili akong nakatayo maaring may bigla na lamang mag-utos sa akin na kumuha ng tubig. Kung hindi lamang dito kami magkikita ni misis malamang ay humanap ako ng ibang kakainan.

Maaga ako ng kalahating oras sa pinag-usapan namin. Kabilin-bilinan niyang huwag akong pahuhuli ng oras dahil ipapakilala n'ya ako sa mga kaibagan sa trabaho. Balak na naman ipakilatis ang aking itsura at pagkatao sa kanyang circle of friends na sa palagay ko ay hindi magkakainteres makilala ako dahil kahit sa telepono ay walang ibang pinag-usapan kundi make-up at damit na isusuot.

Kandila


Upos na ang huling kandilang itinirik ko sa vigil room bago ako tuluyang umalis sa simbahan ng Baclaran. Unang beses ko iyong sinubukan at hindi ko akalaing magagawa ko. Pagtapos kumain bigla na lamang pumasok sa isip kong dumaan at magtirik ng kandila. Hindi ako humiling, nagdasal, humingi ng tawad o nagpasalamat. Tila naglalaro lamang ako habang tinitiis ang init ng paligid.

Paglabas ko ng simbahan saka ko naunawaan kung bakit ako tumagal sa loob sa kabila ang init ng paligid. Hindi lamang higit sa isang daan ang naglalarong apoy kaya hindi nakapagtatakang pagpawisan ako. Ilang taon na din pala akong naglalaro sa apoy at niyakap ang init na dala nito. Batid kong unti-unting nasusunog ang binuo kong masayang pamilya dahil sa pagkalibang na hatid ng apoy.

Congrats - Isang Kwento ng Pagharot


Gumuguhit pa sa aking sintido ang tama ng emperador lights na ininom namin kagabi.
Sa dami ng boteng nakataob sa labas ng bahay ay hindi nakapagtatakang abutin ako ng tanghalian sa higaan. Kung hindi pa inaagaw ng liwanag ang magdamag na kasiyahan ay hindi pa magkapagpapasyang mag-uwian.

Hindi pa malinaw sa akin paningin ang saktong oras. Tanging ang init sa sumusunog sa aking malaporselanang kutis ang nagdidikta na kailangan ng bumangon. Una kong hinagilap ang aking cellphone para makibalita kung nakauwi ba ng maayos ang aking mga kaopisina. Sana okay naman lahat.

Pink Library - Maikling Kwento


Babalik ako sa aking kinalakihang lugar bitbit ang kapirasong papel na sana ay maghahatid ng saya sa aking mga magulang kung mas maaga kong nakuha. Nakatingala ako sa matarik na daan pauwi habang nagdadalawang-isip kung kaya bang dalawin ang aking ama.

Pitong taon kong hindi nasilayan ang upuang yari sa puno ng sampalok sa may terminal ng jeep. Nakangiti ako habang hinahaplos ang detalye ng hinating troso. Napabuntong hininga. Hindi ko akalaing hihilahin pa ako pabalik ng aking paa sa lugar na itinakwil ko na.

Yakap sa Puno - Maikling Kwentong Pambata



"
"Anak, baka mahuli ka na. Bumangon ka na d'yan." Hindi lamang higit sa tatlong ulit nakiusap si Mia para bumangon mula sa higaan ang anak. Ngayon ang itinakdang araw ng paaralan para dumalaw sa bahay-ampunan ang mga estudyante ng Padre Garcia Day Care Center. Karaniwang ginagawa ang pagdalaw sa ampunan bago magtapos ang mga bata.

"Ayoko naman po sumama. Wala naman po ako gagawin dun," sagot ni Jonathan habang kinukusot ang mata.

My Short Love Story


"Hazel, may sasabihin ako..." Sa wakas dumating ang puntong hinihintay ko. Ang moment na tatapos sa lahi ng torpe. "Alam mo sa kabila ng lahat ng nangyari mahal na mahal pa din kita."

"Ako muna! Mahal na mahal kita, Aries. Dapat talaga nakinig na ako sa'yo. Sundin ang puso ko!"

Parang umawit bigla ang mga anghel.
Nakakagulat. Parang jester biglang lumitaw galing sa kahon.
O kaya isang magic.


Tindahan


Halika.
May benebenta ako.
Bago. Luma. Sira.
All-in one.

Gusto mo ng maskara?
Hindi kumukupas.
Kahit araw-araw suot.
Bagay sa'yo.
Para hindi na magpanggap.


May sando.
Tatak Lacoste.
Yung may buwaya.
Orig at dumadami pa.
Bagay sa pulis na kakilala.


Tuluyang komiks.
Patok to!
Parang korupsyon sa gobyerno.
Tuloy-tuloy at mapapamura ka!

Song hits. Orig. Tinagalog.
Plagirisim?
Huwag matakot.
Senador nga nangongopya.

Puppet?
On going na.
Buong pamilya pa!
Mula tanod hanggang senador.

Robot madami!
Programmable.
Hindi sumusuway.
Pwedeng gawing asawa.

DVD, CD, VHS, Betamax. Plaka.
Clear copy.
Kahit paulit-ulit.
Parang lovelife mo!

Trade-in accepted!
Walang tapon.
Basta may value.
Mula inodoro hanggang biyenan!


Shop na!
Personalized.
May hand-made at automated.
Realistic pa!

The Love Formula - A Charot Story


"Sherie, Mahal kita! Mahal na mahal!" Isang mahabang kaway at matamis na ngiti ang sagot niya sa akin.

Mababa sa isang minuto pa lamang ang aming paghihiwalay pero parang milya na ang aming pagitan. Umani ng sari-saring komento mula sa mga pasahero ng berdeng bus na kanyang sinakyan sa terminal ng Tanauan ang aking pagkakasigaw. Hindi nga naman kayang sukatin sa lakas ang sigaw ang nararamdaman. Pero gusto kong matandaan ng lahat na sa higit isang daang tao sa terminal ay may isang kayang ipagsigawan ang kanyang pagmamahal.

Chicken Adobo - A Love Story 13


image credit to komwari
-a must a read!!! - CNN
-ang di magbasa kulang sa vitamins - kuya kim
-pagpasensyahan nyo na ang spelling at typos - principal
-ipamalita mo sa 10 tao at may swerteng darating sayo sa akinse at katapusan - unknown
Non-stop ang rollback ng alaala na sana ay nangyari na lamang sa presyo ng gasolina. Ang pagreresign ko sa trabaho, pag-alis ng Batangas, ang pagpasok ko sa Art Class, ang pagkakilala ko kay Kathy, ang pagsalubong ng lumilipad na paint brush, ang mabigat na hita ng babaeng warfreak na gumising sa akin, ang kanyang ngiti, ang paglitaw ni Andrea, ang moment at ang kiss lahat ay paikot-ikot sa aking isip habang nakapako ang aking paa sa harap ni Monay.

"Magkakakilala na na kayo?" nalilitong tanong ni Eliar. "Siya ba ang dahilan kaya ka napasugod sa ospital?"

"Baka ibang tao, kuya." Tumingin siya sa kabilang kama. Patay malisya ako. Sino ba sa dalawang taong malapit sa akin ang uunahin ko? Si Kathy ba o si Andrea? Nakapagtatakang iisang tao lamang ang umiikot sa dalawang taong hindi ko man lang nakitang mag-usap.

"Siya ba si Monay?" bulong ko kay Eliar ko.

Bolahin Mo Ang Lelang Mo!




Paps!

Ikaw ba ay may abilidad na sa paghingi mo lamang ng allowance na nagagamit?
Expert sa pagamit ng salitang mahirap tanggihan?
Kung sa tamis ng dila ikaw ay varsity?
Galing ka ba sa lahi ng may bigote na swabe dumiskarte?
O napadaan lamang at trip lamang na makisakay?

Para kay Jap




Jap,

Pambihira ang nangyari kanina. Ang inaakala kong isa na namang ordinaryong araw ay magiging kakaiba pala. Hindi dahil sa bagong sweldo o ubos na agad sweldo ko. Basta. Palagay ko hindi na naman maipinta ang mukha mo dahil hindi na naman kita naalala para bayaran ang ilang buwang utang ko sa'yo. Pero maganda na din iyon, at least naalala mo palagi ako. Iisipin mo siguro na alibi na naman ang sulat na ito upang humingi ng extension sa utang. Pero parang ganun na din.

Chicken Adobo - A Love Story 12


image credit to komwari
-a must a read!!! - CNN
-ang di magbasa kulang sa vitamins - kuya kim
-pagpasensyahan nyo na ang spelling at typos - principal
-ipamalita mo sa 10 tao at may swerteng darating sayo sa akinse at katapusan - unknown
Keep your eyes in the road. Ang nakasulat sa T-Shirt ni Eliar. Meaningful pala ang road sign na yan. In short focus. Muntik na akong mawala sa pakay ko noong makita ko si Eliar. Nawala ako sa focus dahil sa mga kwento ng aking kababata. Kung discharged na si Kathy nasaan ang kasamahan niya? Sa kwento ni Recci, grupo sila noong naaksidente. Posible kayang kasamahan nila si Monay o nagkataon lamang na iisa ng ospital na pinagdalhan.

"Tamang tama p're, madami akong dapat iuwi. Samahan mo muna ako sa bahay at dalawin na din natin si Monay." Inakbayan niya ako at tinapik-tapik sa tagiliran.

"Baka naman lalo lumala ang kapatid mo sa akin. Alam mo naman na asar sakin iyon, 'di ba?" Hindi ko masabi kay Eliar na may lakad pa ako. Malaki din kasi ang utang na loob ko sa kanya kaya hindi ko makuhang tumanggi agad.

Si Classmate : A Dota Story



Ang pag-ibig ay isang sugal na pwede kang maging panalo at talo sa magkasabay na pagkakataon.

"Peter, nasaan ka na?"

"Malapit na!" Alam kong malayo ang sagot ko sa tanong ng kapatid ko. Naaburido lang ako sa paulit-ulit na pag-uusisa kung nasaan na ako. Wala naman sigurong masamang loob na pwede dumukot sa akin. "Kapag nakabili na ako ng sasakyan, mabilis akong makararating d'yan. Hindi biro ang layo ng Tiaong!"

"Pasensya ka na, wala kasing naiuwing pera si Claude." Si Claude ang aking bayaw na hilaw. Siya ang minahal ng bunso kong kapatid habang nasa kalagitnaan sila ng pag-aaaral sa kolehiyo. Sa makalumang prinsipyong mamahalin ng lubos at hindi pahihirapan, ginawa niyang taong bahay ang kapatid ko. Kaya hindi na ako magtataka kung tatlong beses lumobo ang tyan ni bunso sa tatlong taon nilang pagsasama. "Kapag nakaluwag, makakabayad din kami sa'yo."

"Ang isipin mo muna ay anak mo!"

A True to Lie Story



Hindi ko na maaninag ang nangyayari sa labas. Ang dating tila nagyayabang na liwanag mula sa poste ng Meralco ngayon ay paandap-andap na. Ilang araw na din palang malakas ang buhos ang ulan.


"Baha na Ma'am sa labas," wika ng ni Larry sa kaisa-isang customer namin sa convenient store. "Abot tuhod na po."

Magreresign Na Ako!



"Naparito po ako para iabot ito ng personal." Hindi ko alam kung lakas ng loob ang nagtulak sa akin para kausapin si Prof o itinutulak lamang ako ng aking mood swing para harapin ang kaibigan ng tatay mula pagkabata.

"Magreresign ka?" Hindi pa man niya nababasa o nabubuksan ang laman ng aking iniabot na sobre ay nakuha na niya ang aking pakay. "Alam na ba ito ni Ramon?"

Nakausap Ko Si Kamatayan


Parang larong domino ang mga namamatay sa Alaminos. Tuwing may ililibing may kasunod na agad. May inatake sa puso, napasarap ang tulog, namatay sa sakit, nakuryente habang nagkakabit ng ilegal na koneksyon, nadulas sa pamboboso at binaril dahil sa hindi napigil na libog. Hindi pa nababa ang aking nerbyos ay may coffee session na ulit mamaya sa Purok 1. Mabait ang namatay sa mga nadidinig ko sa lamay. Hindi siguro masundo ni Kamatayan ang mga hindi mabait. Siguro matigas ang ulo at nanlalaban. Hindi na ako magtataka kung bakit umaabot ng pagtanda sa posisyon ang mga Congressman.

Chicken Adobo - A Love Story 11


image credit to komwari
-a must a read!!! - CNN
-ang di magbasa kulang sa vitamins - kuya kim
-pagpasensyahan nyo na ang spelling at typos - principal
-ipamalita mo sa 10 tao at may swerteng darating sayo sa akinse at katapusan - unknown
Hindi ko na kailangan pang bumayad ng six hundred pesos sa Enchanted Kingdom para pabaligtarin lamang ang aking sikmura sa space shuttle. Sapat na ang maipit sa sitwasyong hindi ko alam ipaliliwanag kay Kathy sa sandaling mag-usisa kung bakit kami magkasama ni Andrea. Hindi ako naging chickboy kaya wala akong idea kung paano magpapalusot.


Nasubukan mo na bang gumawa ng coincidence? Tipong inosente ka sa mangyayari pero scripted na pala ang lahat. Parang text mesage na kunyaring wrong send dahil hindi mo nagustuhan ang reply.

A McFloat and Fries Story



Mas gugustuhin ko pang panoorin ang mga langgam na nagpupumilit buhatin ang nahulog na fries sa sahig kesa makinig sa mga kwento ni Pam. Willing naman akong mag-aksaya ng oras sa kanya kahit sa pinakasablay na bagay pero nakakasawa naman kung paulit-ulit.

"Hindi ko na alam ang gagawin ko!"

"Pam, 6 months na kayong hiwalay ni Pong hindi mo pa din alam?"

"Eh bigla kasing pumasok sa isip ko e."

Sundalong Kanin


"Mabait ang batang 'yan, hindi naging sakit ng ulo ng magulang," wika ng babaeng sumalubong sa aking sa may pintuan. Tinapik pa ng kanyang asawa ang aking balikat bago inalok ng upuan.

"Ay tunay ka! Iba talaga kapag napalaki ng maayos. Ang bata kasi kapag maayos na napalaki sila mismo ang mahihiyang gumawa ng kasalanan," ayuda ng isa pa.

"Sinabi mo pa! Ang mga apo ko palibhasa bigay-luho ang mga magulang, ayon kahit simpleng pagwawalis ay ipagdadabog pa. Parang mababalian ng buto kung hahawak ng tambo!"

Sayop



"Dati pulubi ka lang, ngayon magnanakaw ka na!" sigaw ng tiyahin ko habang nagbubukas ng tindahan.

"Hindi naman talaga ako ang kumuha ng pera. Sawa na akong magpaliwanag. Bakit hindi mo tanungin ang mga anak mo?! Hindi na mabilang kung ilang beses akong pinagbintangan sa mga bagay na alam naman niyang mga anak niya ang gumawa.

"Sinasabi ko na nga ba walang mangyayari sa pag-ampon ko sa'yo. Iyang tatay mo kasi mapilit. Wala kang kwenta tulad ng nanay mong puta!"

"Tama na! Tama na!"


Mahirap talagang kalaban ang katotohanan. Kahit wala kang ginagawang kasalanan ibabalik sa'yo ang mapait na nakaraan. Mahirap lumaki sa anino ng pagkakamali. Kung may pupuntahan lamang ako malabong magtiis ako dito.

Teleserye


image credit to original uploader
"Kung mahal mo ako, sasama ka sa akin," ang huling salitang gumugulo kay Mitch. Para bang napakadaling pagdesisyunan ang gustong mangyari ni Rommel.

"Kahit mag-asawa ka na bukas! Huwag lang sa lalaking 'yan! Itatakwil kita sa sandaling sumama ka sa kanya!" banta ng ina ni Mitch habang hawak ang kaliwang dibdib.

Chicken Adobo - A Love Story 10


image credit to komwari
-a must a read!!! - CNN
-ang di magbasa kulang sa vitamins - kuya kim
-pagpasensyahan nyo na ang spelling at typos - principal
-ipamalita mo sa 10 tao at may swerteng darating sayo sa akinse at katapusan - unknown
Ang opinyon mula sa isang bruskong lalaki ang kailangan ni Andrea para sakto sa taste ng Dad niya ang mabibili naming regalo. Hindi naman nagkamali si Andrea ng nilapitan. Timing 'ika nga. Sa mga gantinong sitwasyon hindi na kwestyunable ang karasras ng mapipili ko. Ako pa?! Matikas to its!

Lalaking lalaki ang lakad ko kahit parang magkakakalyo ang paa ko. Ayaw ko naman masira agad ang impression sa akin ni Andrea ngayon pang babae ang nagyayang lumabas. Bibihirang mangyari sa buhay ko ang mga ganitong pagkakataon kaya hindi dapat pinalalampas. Para kung madedo man ako bukas eh babae ang huli kong nakasama.

Eskwela at Iskwala



Mahigpit ang hawak sa aking braso ni Angelo bago ko siya iwanan sa may pintuan ng silid-aralan. Abot-langit ang kanyang pakiusap na huwag na siyang papasukin sa eskwelahan dahil sa labis na kahihiyan. Laman siya ng tuksuhan dahil sa edad niyang labing-dalawa ay nasa ikaapat na baitang pa lamang siya sa elementarya. Hindi usapin ang kanyang edad kundi ang kanyang ikalawang beses na pagtapak sa parehong silid aralan. Ikalawang taon na ni Angelo sa Grade Four. Hindi na bago kung tutuusin dahil dalawang beses din sya sa Grade Three, kung hindi nga nadaan sa pakiusap ay hindi siya makakatapak sa Grade Four.

Anghel ng Kidlat



Malakas na hangin na muntik tumangay sa bintanang yari sa kahoy ang gumising sa akin. Walang
bakas ng bagyo o buhawi mula sa labas. Nakapagtatakang may bigla na lamang bumayo sa bintana.

Bumangon ako at sumilip sa bintana sa pagbabakasakaling may mga taong gumagawa ng kalokohan sa labas. Nilingon ko ang paligid pero wala naman kahit anino. Kumuha ako ng tubo bago lumabas ng
bahay. May napapabalitang may mga taong umaaligid sa aming barangay nitong mga nakaraan araw. Sa bulung-bulungan kakaiba daw ang ikinikilos ng grupo ng mga lalaki.

Chicken Adobo - A Love Story 9


image credit to komwari
-a must a read!!! - CNN
-ang di magbasa kulang sa vitamins - kuya kim
-pagpasensyahan nyo na ang spelling at typos - principal
-ipamalita mo sa 10 tao at may swerteng darating sayo sa akinse at katapusan - unknown


Hindi na kailangan pang buhusan ako ng malamig na tubig para magising sa katotohanan. Maliwanag pa ang dalang ilaw ng alitaptap na hindi ako kasali sa priority niya. Tama nga sigurong hindi dapat magkagusto sa taong naging close sa'yo. Sapat na ang haba ng Lupang Hinirang para marealized ko na hindi ako kabilang sa mga martir. Wala akong dapat asahan kay Kathy. Hindi ko dapat binigyan ng kahulugan ang pakikisama niya sa akin. Mali ang magkagusto na lamang bigla sa taong nagpapakita ng mabuti.


Matamis na ngiti ang salubong sa akin ni Andrea kasunod ang baso ng alak. Lutang ang ganda niya sa suot niyang tube at skinny jeans. Ang titig niya ay mapanukso na tila isang patibong para ubusin ang laman ng wallet ko. Nakuha niya ang atensyon ko palayo kay Kathy.

Tagtagainep


Akala ko ay nasa ibang planeta na ako paggising ko kaninang umaga. Nakapagtatakang walang anumang bagay ang inihagis sa akin upang magising. Tiningnan ko ang bagay na nagdidikta ng oras sa dingding, ilang minuto na lang tapos na ang morning show ni Kris.

Itlog at hotdog ang nakahandang agahan sa mesa. Walang pagkakaiba sa agahan ko mula grade school hanggang kahapon. Wala pa akong gana kumain kaya itutuloy ko na lamang ang sinusulat ko kagabi.

Nakatulugan ko na naman pala ang ginagawa ko. Naiwan ko na namang nakabukas ang laptop hanggang sa maubusan ng baterya. Iniangat ko ang ballpen pero dalawang salita pa lamang ang nasusulat ko ay bigla na lamang akong inatake ng katamaran. Sa bilis ng teknolohiya, darating kaya ang panahon na ang iniisip ko ay pwede kong ipasa sa ballpen o laptop para bago umabot sa mental block o katamaran ay nakasulat na ang kwento?

Inilapat ko ang aking likod sandali para maalala ang ideyang pumasok sa isip habang nasa byahe. Tinalo ng stress ang kwentong sana ay nakasulat na. Ipinikit ko ang aking mga mata at kinuskos ang talukap saka nag-isip ng malalim.

May kung anong bagay ang bigla na lamang bumagsak. Siguro nakapasok na naman ang pusa at umakyat sa cabinet na kinalalagyan ng mga stuff toys. May pagkakataon ngang inaakala ng mga taong pumapasok sa bahay na laruan din ang pusa palibhasa ay bibihira gumalaw.

Sinubukan kong bumalik sa pagsusulat pero nahirapan akong imulat ang aking mga mata tila may bagay na pabigat. Bulag na ba ako? Ni katitingting na liwanag wala akong makita. Nilamon ng takot ang aking katawan.

Kinapa ko ang mga bagay sa aking harapan partikular na gumagawa ng ingay. Dumampi sa aking palad ang isang pahabang bagay na sa palagay ko ay aking ballpen. Kumilos ito ng kusa kasunod ang aking mga kamay. Tila may sariling buhay ang ballpen pero hindi! Tumitigil ang ballpen sa tuwing mababakante ang aking isip. Posible kayang isinusulat niya ang mga iniisip ko?


May kung anong bagay ang bigla na lamang bumagsak. Siguro nakapasok na naman ang pusa at umakyat sa cabinet na kinalalagyan ng mga stuff toys. May pagkakataon ngang inaakala ng mga taong pumapasok sa bahay na laruan din ang pusa palibhasa ay bibihira gumalaw.

Napaidlip pala ako. Sinubukan kong bumalik sa pagsulat pero wala lalo pumasok na idea dahil sa biglang pagsumpong ng kakaibang panaginip. Buti na lamang hindi totoo. Buti na lamang hindi ako bulag. Iinaangat ko ang ballpen pero bigla na lamang akong napahinto. Nakasulat lahat ng nangyari sa inaakala kong panaginip ko.





You're alone in you're room trying to write. But for some reason, you're terrified. For a minimum of 200 words, write about what's scaring you.

Check Mate - Maikling Kwento




Sequel ito ng Chess Match. Sopas entry ko ito tulad nung chessmatch hindi din nanalo so post ko na lang. :)

______________

Ang malaking simbahan sa Liliw palagi ang huling destinasyon namin bago kami umuwi ni Daniella. Ngiti ang salubong ng mga pamilyar na tao sa tuwing dadaan kami sa rebulto ng malaking sapatos. Kwento sa amin ni Father Greg, bagamat hindi nila alam ang pangalan namin, ang pagdaan namin sa harap nila ay itinuring na nilang inspirasyon. Kwento pa ni Father larawan kami ng pag-asa, patanggap at mabuting samahan sa kabila ng katotohanang magkapatid kami dala ng pakikiapid.

"Uuwi na tayo?" tanong ni Daniella habang nakatingin sa makapal na dami ng taong namimili ng sapatos sa kalye. Sa mga ganitong pagkakataon malambing ang boses niya at alam kong senyales iyon na ayaw pang umuwi. Mahirap talagang tanggihan ang mga paglalambing niya mula noong una pa lalo na kapag titigan niya ako.

Patient 1905 - Maikling Kwento


Kung may buhay ang alarm clock malamang isa na akong kriminal ngayon dahil ilang ulit kong inihagis ang relo para tumigil sa pagtunog. Kinailangan kong bumangon ng mas maaga sa karaniwan kong gising upang umabot sa call time ng aming school service papuntang Cavite. Sa Cavite Center for Mental Health ang duty ko simula pa kahapon na tinatayang umaabot ng apat na oras ang byahe mula sa school. Medyo moody pa naman ang driver kaya malabo akong hintayin kapag hindi umabot sa call time.

Hindi biro ang pagiging student nurse lalo na kapag may outbreak ng mga nakakahawang sakit na wala pang lunas. Noong nakaraang buwan nga nagdeklara na ng cancellation ng klase pero hindi kami exempted. Kaya kahit nakakatakot kailangan naming masanay sa mga ganoong sitwasyon.

Lihim sa MRT


credits to the original uploader
This is an excerpt from the journal of the missing MRT driver.

Madalas mo bang maranasan na humabol sa last trip ng MRT?

May mga kwentong hindi alam ng marami na may isang pang station ang MRT na hindi bukas sa mga pasahero. Ang kadalasang nakararating dito ay mga nakakatulog na byahero. May isang linya ng tren bago sumapit ang huling station. Dito kadalasang nakaparada ang mga hindi ginagamit na tren o under maintenance. Pero lingid sa kaalaman ng iba may sekretong nagaganap sa station na ito.

========

July 4, 2010 2305 hrs.

Dalawang katawan ang duguan at wala ng buhay. Magnanakaw daw kaya napilitang barilin ng guard. Sa pagkakatanda ko ay sila ang nagrereklamo kanina na nawawala ang kanilang kasamahan.


August 15, 2010 2313 hrs

Sixteen fatalties. Bodies were gassed to death including guard on duty.

August 16, 2010 5000hrs

Dumating nga mga taong nakabihis ng Red Cross. Sila ang mga kadalasang nasa mga station para humingi ng donation. May mga dala silang box na yari sa styrofoam. Pagkatapos ay may dumating ng truck ng yelo. Hindi malinaw pero alam kong mga tao ang buhat-buhat nila papasok ng truck.

Casa Ruendera


"Takbo!" sigaw ng ilang kalalakihan.

Hindi biro ang ginawang nilang pang-aasar sa mga gansa kaya hinabol sila at gustong matuka. Hindi sila iba sa mga naunang bakasyunista. Para sa kanila ang saya ay kapilyuhan o paggawa ng bagay na alam nilang ipinagbabawal. Kill joy ang tawag sa hindi susunod sa gusto nila.

"Lolo hindi ninyo ba sila susuwayin?" tanong ko.

"Hayaan mo sila apo," "Mapapagod din ang mga iyan. Isa pa, sanay na ang mga gansa sa kagaya nila."

"Pero may kalokohan po ang mga ito. Nakita ko po silang tumawid sa kabilang bakod."

Biglang napatayo si Lolo mula sa kanyang pagkakahiga sa silyang tungga-tungga. "Sa Casa Ruendera?!"

And We meet Again


(image credit to original uploader)
Soulmate ang tawag ko sa dalawang taong bigla na lamang nagkagaanan ng loob kahit sa una pa lamang pagkikita. Soulmates are destined to meet. Pero it doesn't mean na they are meant to be. Siguro walang maniniwala sa akin. Kasya siguro sa kahon ng posporo ang chance na may sumang-ayon sa paniniwala ko lalo pa ngayon na uso na ang chatmate na minsan ay sa unang pagkikita pa lamang ay kasalan na agad.

"Oh, Tom! Akalain mong magkikita tayo dito!" Medyo napakunot ang noo ko sa babaeng bigla na lamang sumigaw sa harap ko. "It's me Jenny!"

Chicken Adobo - A Love Story 8


image credit to komwari
-a must a read!!! - CNN
-ang di magbasa kulang sa vitamins - kuya kim
-pagpasensyahan nyo na ang spelling at typos - principal
-ipamalita mo sa 10 tao at may swerteng darating sayo sa akinse at katapusan - unknown
Ako ang bida sa kwentong ito pero bakit hindi ko kontrolado ang sitwasyon. Isang malaking playground ang lahat ng umiikot sa akin at ako ang napiling paglaruan. Ang nakapaligid lamang sa akin ang maaring gumawa ng caricature lalo pa't hindi naman ako celebrity na may stalker. Hindi rin naman ako pulitiko na dapat bantayan ang kilos at lalong hindi si Dora na palaging dapat sundan.

Lumapit ako sa bulletin board at mabilis na ginusot ang drawing bago pa makarating si Kathy. Ayoko na ng gulo. Maayos na ang lahat sa amin. Nawala ang excitement kong pumasok, kung kanina ay halos lumipad ako sa kama ngayon kahit tansan paniguradong hindi ko matatalon.

kaibigan


Bakit ngayon nagmumumok ka? Binalaan na kita 'di ba? Sinabi ko naman sa'yo maling ibigin ang kapatid kong mas pogi sa akin. Tapos ngayon nagtatanong ka, kung pinaasa ka? Since day 1 nagmahal ka na pero ang taong mahal mo hanggang ngayon nakikipaglokohan pa.

Niyakap mo na ang sakit kasi nagmamahal ka, katwiran mo. Tama ka dyan pero huwag mong yakapin pati katangahan. Ilang beses ka na bang umiyak? May sorry ka na bang natanggap?

Siguro naman hindi ka lang ngayon nabigo. Ilang beses na din kita inumpog magising ka lang. Ngayon ka pa ba susuko? Hindi ako eksperto sa ganitong larangan, ayaw ko lang makita kang nasasaktan. Hindi ko lang alam kung bakit naniniwala ka sa bago mong nakilala kesa sa ilang taon mo ng kasama. Kumbaga sa buy and sell, sumubok ka pa ng iba gayung may makukunang kilala. Tapos magtataka kung bakit niloko ka?

Lahat ng kalsada may lubak, ang bawat balat may peklat at ang tela ay may gusot. Lumang kwento na ang pagkabigo. Kaya lumang kwento na ang paraan ng pagbangon.

Ang palay na natutong tumayo at yumabong hahantong din sa pagtungo kapag nabibigatan na.. Bakit hindi mo din subukan? Tutulungan kita, makinig ka lang. Kaibigan kita dati pa 'di ba

A Baso Story



Walang kakaiba sa basong hawak ko maliban sa naiwang lipstick sa bunganga nito. May isang taon na din nang iuwi ko ang baso mula sa hotel na pinaglilingkuran ko. Sino nga bang mag-aakala na ang simpleng basong ito ay muntik maging dahilan para mawalan ako ng trabaho? Kahit saan naman siguro ng kompanya ay ipinagbabawal ang pagpupuslit ng mga kagamitan. Marahil nakakatawa nga ang ginawa ko pero ginusto ko naman talaga kahit alam ko ang pwedeng masamang mangyari.

Hindi na bago kung boring ang morning shift kapag Tuesday at ang paghihintay kung tama ang sagot sa tanong ni Dora ang pinakaexciting gawin. Trend na kumbaga sa Seven Lakes Hotel na walang function meeting na nagaganap kapag Martes. Kahit anong pakulo hindi nagtagumpay para mawala ang sumpa ng Martes tulad ng free breakfast, free wi-fi, free coffee at malaya makakausap si Simsimi sa 36-inches LCD.

Chicken Adobo - A Love Story - 7


image credit to komwari
-a must a read!!! - CNN
-ang di magbasa kulang sa vitamins - kuya kim
-pagpasensyahan nyo na ang spelling at typos - principal
-ipamalita mo sa 10 tao at may swerteng darating sayo sa akinse at katapusan - unknown
Kung bibilangan ko ang ikot ng kamay ng relo malamang sapat na iyon para makarating ako sa ibang planeta. Hindi na siguro ako masusundan ni Kathy Belarmino kung doon ako magtatago. Kung toxicated siya kagabi sa alak, ako naman ay nagkaroon ng amnesia. Swerte siya at alam na sa sofa ako nakatulog. Ni detalye ng pag-uwi namin sa bahay wala akong natatandaan.

"Caffe Latte and Mocha Frappucino, tall."

"Name sir?"

"Rafael.." Saludo din ako sa mga barista. Hindi nawawala sa focus and alam kong nag-eenjoy sila sa ginagawa nila. Namamangha ako sa bilis ng kanilang kamay at sa bilis ng kanilang connection sa kaharap. Parang napakahiwaga ng pinagkukunan nila ng natural na ngiti sa kabila ng bilis ng kilos nila. Ito nga siguro ang tinutukoy ni erpat na wala sa akin. Kailanman man hindi ako tumagal sa mga pinasok kong career o pinagkakaabalahan. Madali akong magsawa lalo na kapag hindi ako nakararamdam ng fulfillment. Sa una nakasasabay ako sa agos, sa kalagitnaan gagawin ang mga bagay ng paulit hanggang sa bandang huli ay mawalan na ng push para magpatuloy, isang cycle na nakasawa. Nakakapagod.

Chicken Adobo - A Love Story 6


image credit to komwari
-a must a read!!! - CNN
-ang di magbasa kulang sa vitamins - kuya kim
-pagpasensyahan nyo na ang spelling at typos - principal
-ipamalita mo sa 10 tao at may swerteng darating sayo sa akinse at katapusan - unknown

Parang saranggolang tinatangay ng hangin ang isip ko sa loob ng Art Class na tipong kung hindi matibay ang pisi ay mawawala na lamang bigla. Kutob ko parang may kakaiba na namang mangyayari. Natigil na ang gumagawa ng caricature pero napa-paranoid naman ako sa muling pagsulpot nito.

Si Kathy nakangiti sa akin kapag napapalingon ako sa kanan. Bakit kaya? Nakapagtatakang hindi death glare ang salubong niya sa akin kanina at nagpasalamat pa sa breakfast. Kahit naman bata siguro ay marunong magprito ng hotdog kaya wala akong naiisip na dahil para maging instant ang bait niya sa akin. Posible kayang nag-enjoy siya sa hotdog kaya ganoon ang ngiti niya?

Poem : Parting


cup of tea
filled with ice
filled with emptiness
filled with lies.

table for two
with finest menu
meant to be shared
occupied by none.

a wounded man
heart tired of loving
into the darkness he fell
that ended all pain.

Si Milagring at ang Bibi


Kagimbal-gimbal ang sinapit ng Bayan ng Majarot matapos ang pito at kalahating araw ng tag-ulan. Maraming paninim ang nasira, nangamatay na hayop, may mga asawang nagpapanggap na nawawala at sobra ang pangagati ng kamay ng mga parokyano ng tong-its at majong.

Ang inaakala nilang pagsikat ng araw ay simula na muli ng normal na buhay pero nagkamali sila. Ang paglubog ng araw ay sinundan ng pagyanig ng lupa. Lumindol sa Majarot. Nabitak ang matibay na pader ng pinagawang bahay ng kerida ni Mayor. Naging fly-over ang mga kalsada. At natabunan ng lupa ang mga bonsai.

Isa sa mga naapektuhan ay si Milagring. Ikinatuwa niya ang sunod-sunod na pag-ulan dahil nanatili sa bahay ang kanyang mahal na asawa na dati-rati ay mga hayop sa kabukiran ang kausap. Walang paglagyan ang kanyang ngiti sa tuwing didikit ang bigote ng asawa sa kanyang katawan.

Chicken Adobo - A Love Story 5


image credit to komwari
-a must a read!!! - CNN
-ang di magbasa kulang sa vitamins - kuya kim
-pagpasensyahan nyo na ang spelling at typos - principal
-ipamalita mo sa 10 tao at may swerteng darating sayo sa akinse at katapusan - unknown

"Bakit nasa tabi ko ang babaeng to?" Anong gagawin ko kapag nagising ang babaeng ito? Hindi pa naman ako marunong magpaamo ng dragon.

Iniangat ko ng marahan ang paa ni Kathy Belarmino na kasing bigat ng trosong itinumba ng bagyo. Tumayo ako ng kama at maingat na naglakad palayo. Nasalubong ko pa ang picture nina erpat na tila nakangiting nang-aasar bago ako pumasok ng banyo. Ipinangako ko pa naman sa kanila na hindi ako gagawa ng bagay na ikasisira ng aming apelyido.

Ibinabad ko ang aking mukha sa lagaslas ng tubig mula sa gripo. Wala akong paghugutan ng alaala kung ano ang nangyari at kung paano ako nakauwi kagabi. Chineck ko ang dapat icheck. Hindi malinaw. Ang tangi kong natatandaan ay ang mga detalye sa pagdaan namin sa isang music bar. Nakadalawa o tatlong kanta siya sa stage. Akala ko noong una ikakahiya ko ang pagkanta niya pero sa halip naging proud ako.

valentine's date


Ang katabi kong babae ay may sinusulat sa malaking pusong ginupit sa pulang kartolina. Hindi iyon para sa asawa o kasintahan. Hindi tungkol sa pag-ibig at lalong hindi tungkol sa nabigong relasyon.

Mabagal bago nasundan ang unang talata dahilan upang mabasa ko ang mga salita. Ang sunod-sunod na hikbi ang nagpapabigat sa kanyang panulat. Ang luhang dumadaloy sa kanyang pisngi ang lalong nagpasidhi ng aking pag-uusisa.

Ang hawak kong bulaklak ay tila naiinip, pilit itong kumakawala at nais sumama sa hangin. Hindi siguro komportable sa ginagawa kong pagbabasa ng palihim.

Tambalan


Antagal kong inasam ang kilig moments na 'to. Hindi na ako nagtitiis sa monochrome at pixelated mong mukha doon sa itinagong kong tarpulin noong lumaban ka sa SK. Magkaharap tayo ngayon at magkahawak ang kamay.

Humigpit ang hawak mo sa aking kamay. Idinikit mo ng bahagya ang dibdib sa akin. Kinabig ko ang iyong bewang saka humakbang ng pakanan. Kung hindi siguro sementado ang aking kinatatayuan kanina pa ako inabsorb ng lupa sa tindi ng ngiti mong nakatunaw. Bawat hakbang, bawat galaw, bawat indayog sa musikang pumapailanlang, puso ko hindi mapigilang mapasayaw. Corny dre? Wala akong pakialam basta ang alam ko mahal ko ang babaeng kasayaw ko.

Chicken Adobo - A Love Story 4


image credit to komwari
-a must a read!!! - CNN
-ang di magbasa kulang sa vitamins - kuya kim
-pagpasensyahan nyo na ang spelling at typos - principal
-ipamalita mo sa 10 tao at may swerteng darating sayo sa akinse at katapusan - unknown

Sa sofa bumagsak ang lasing na katawan ni Recci. May yugto na nagsasalita siya, nagngangalit ng ngipin at dagdagan pa ng sumiserenang hilik. Papikit na din sana ako nang bigla siyang tumayo. Naalimpungatan. Papasok na daw siya sa kwarto niya. Nakalimutang wala siya sa bahay nila at inakala pang kwarto niya ang banyo.

Inihatid ko pauwi si Recci. Buti na lamang at tabing daan ang bahay nila kaya hindi mahirap hanapin. Dalawang tao ang sumalo kay Recci pagkababa niya ng sasakyan. Kung nasa katinuan na siya malamang gugustuhin muling malasing dahil sa nakatutulig na sermon ng kanyang lola.

Si Enrico ang sunod kong target. Mas trip ko siyang sakalin para umamin. Sobrang lakas niyang tumawa kapag kami ang subject ng kalokohan. Medyo may kalakihan nga lang ang katawan kaya kakaibiganin ko na lang muna.

Chicken Adobo - A Love Story 3


image credit to komwari
-a must a read!!! - CNN
-ang di magbasa kulang sa vitamins - kuya kim
-pagpasensyahan nyo na ang spelling at typos - principal
-ipamalita mo sa 10 tao at may swerteng darating sayo sa akinse at katapusan - unknown


"Bakit laging ako?" naiiritang wika ni Kathy habang pakaikot-ikot sa upuan. Gusto ko sanang tumutol para sabihing hindi lang siya ang biktima.

"Ako nga kasama din diyan hindi ako nagrereact na parang may nawala. At sino ba namang may gustong ang makasama ang isang warfreak?"

"Sinong warfreak?"

"Ako. Ako warfreak. Hindi naman pwedeng siya," pilosopong sagot ko habang itinuturo ang katabi ko.

"Wala ka na bang magawa kaya idadamay mo ako sa boring na buhay mo?!"

"Ayaw mo nun sumisikat ka dahil sa akin?"

"Ayaw na ayaw ko ng mauulit ito, please lang."

Tumingin ako sa kaliwa at sa kanan. Sinubukan ko din tumingin sa ilalim baka may naiwang traces ang salarin. May bagay sa likod ng isip ko na nagtulak para alamin ang tao sa likod ng caricature. Dumaloy sa dugo ko ang napanood kong pelikula ni Sherlock Holmes. Hindi ako makikipagbagaan ng galit kay Kathy Belarmino mas pipiliin kong mag-imbestiga. Hahayaan ko siyang magtatalak hanggang maubusan ng hininga.

Pagbiya


"Kailangan mo pa ba talagang umalis?"

"Napag-usapan natin ito di ba, Aldred?" Ipinasok ni Samantha ang hawak na damit sa bag bago hinarap ang kausap. Hinawakan niya ang kamay nito at hinaplos ng ilang ulit.

"Hindi mo ba kayang tuparin ang parangarap mo dito?" Buntong hininga ang sagot sa kanya. Nagtaas pa ito ng balikat bago bumalik sa ginagawa.

Tinitigan ni Aldred ang papel na naghihintay sa kanya. Iniikot niya ng dalawang beses ang singsing sa kanyang daliri.

Chicken Adobo - A Love Story - 2


-a must a read!!! - CNN
-ang di magbasa kulang sa vitamins - kuya kim
-pagpasensyahan nyo na ang spelling at typos - principal
-ipamalita mo sa 10 tao at may swerteng darating sayo sa akinse at katapusan - unknown


Ginising ako ng isang tawag sa telepono. Nakarating na pala kay Lazaro ang pagbalik ko ng Batangas. Imbitado ako sa early celebration ng birthday ng kapatid niya. Medyo nagdalawang-isip ako dahil may kalayuan ang venue.

Wala na ang excitement sa katawan ko hindi kagaya kahapon na mabilis akong kumilos at maagang dumating sa Art Class. Ngayon, sinadya kong magpahuli sa klase sa pag-asang mapapwesto sa last seat. Inisip kong mag-quit pero sayang naman ang slot na inaasam ng marami. Sikat si Ms. Reynaldo and once a year lamang ang Art Class niya sa Batangas.

Nagtagal pa ako ng ilang minuto sa parking para ayusin ang aking sarili. Kinuha ko ang sapatos sa back seat at isinuot. Bumagay ang plain blue shirts sa aking Chuck Taylor sneakers. Noong bata ako, ang nanay ang nag-aabot ng sapatos ko mula sa back seat, gusto ko kasing katabi ako palagi si tatay para madali kong maitanong ang mga bagay na nakikita ko sa daan.

Chicken Adobo - A Love Story


image credit to komwari

-a must a read!!! - CNN
-ang di magbasa kulang sa vitamins - kuya kim
-pagpasensyahan nyo na ang spelling at typos - principal
-ipamalita mo sa 10 tao at may swerteng darating sayo sa akinse at katapusan - unknown

Kung may babalikan akong parte ng buhay ko siguro noong nakilala ko si Kathy. Dumating siya sa buhay ko noong mga panahong nag-iisa ako. Literal na nag-iisa. I hate being alone pero wala naman akong choice.

Sa bawat araw na lumipas naalala ko ang aking magulang. Minsan hindi ko namamalayan may luha na pala sa mata ko. Ilang beses may nakapapansin sa akin sa mga ganoong pagkakataon, napuwing ang gasgas na linya kong palusot. My mom died a year ago. The last year of her life was in and out of the hospital due to diabetes complications. After 2 months of mourning, Dad died of heart attack.

Nagresign ako sa trabaho dahil sa depression. Inisip ko kung magbabyahe ako mawawala lahat. Liliparin ng hangin ang sakit na pilit na ipinapasan sa akin. Tatangayin ng agos ang pangungulila ko sa aking mga magulang. Iniwan ko ang ang lugar na kinalakihan para tanggapin ang lahat. Ang bawat hakbang ko palabas ang pintuan ay ubod ng bigat. Tila walang katapusang hakbang bago makalabas ng pintuan.

Haircut- Maikling Kwento


Nakapulot ako ng piso habang naglalakad patungo sa kabilang compound. Dinalaw ko ang dating tambayan kanina sa pag-asang umuwi ang mga kababata ko. Umaga pa lamang kahit walang hilamos at toothbrush, maingay na ang halakhakan doon pero kanina kahit daga ay ayaw gumawa ng ingay. Sa palagay ko, kung maliligaw ang classmate ko noong elementary na tagalista ng maingay paniguradong uuwing malinis ang papel.

Tumingala ako sa bolang nakasipit sa pagitan ng mga sanga ng mangga. Kumuha ako ng bato at sinipat ang bola pagkatapos ay pinatalbog patungo sa court. Marami ng damong ligaw ang sumibol sa mga crack ng semento. Halatang hindi masyadong nagagamit ang minsang naging paborito kong lugar. Ilang talbog at buslo pa lamang ang nagagawa ko ay ramdam ko na ang pagod sa aking katawan. Wala na ang sayang dating hatid sa akin pagtalbog ang bola. Siguro dahil nag-iisa ako. Iyong batang kasalubong ko kanina masama ang tingin sa akin habang hawak ko ang bola. Sabagay sa edad niya malamang hindi niya ako kilala.