Skinpress Rss

Chicken Adobo - A Love Story 6


image credit to komwari
-a must a read!!! - CNN
-ang di magbasa kulang sa vitamins - kuya kim
-pagpasensyahan nyo na ang spelling at typos - principal
-ipamalita mo sa 10 tao at may swerteng darating sayo sa akinse at katapusan - unknown

Parang saranggolang tinatangay ng hangin ang isip ko sa loob ng Art Class na tipong kung hindi matibay ang pisi ay mawawala na lamang bigla. Kutob ko parang may kakaiba na namang mangyayari. Natigil na ang gumagawa ng caricature pero napa-paranoid naman ako sa muling pagsulpot nito.

Si Kathy nakangiti sa akin kapag napapalingon ako sa kanan. Bakit kaya? Nakapagtatakang hindi death glare ang salubong niya sa akin kanina at nagpasalamat pa sa breakfast. Kahit naman bata siguro ay marunong magprito ng hotdog kaya wala akong naiisip na dahil para maging instant ang bait niya sa akin. Posible kayang nag-enjoy siya sa hotdog kaya ganoon ang ngiti niya?

"Pwede ka bang maging idolo?" wika ni Recci habang tinatabig pa ng ilang ulit ang aking siko.

Napakunot naman ang noo ko sa sinasabi ni Recci. "Tumigil ka nga! Ikaw dapat ang maging idolo ko dahil hawig mo iyong artista! Si Vince Ganda!"

"Huwag mong ibahin ng bida sa kwento ito. Balita ko may chicks ka daw kagabi."

Gusto ko sanang pilipitin ang ilong ni Recci para irewind ang sinabi niya. Paano nalaman ng senglot na ito na may kasama ako kagabi? Laglag ang tuka niya sa bahay pa lamang. Hindi na nga kinaya ng kasamahan niya sa bahay ang bigat niya sa sobrang kalasingan tapos ngayon sagap na niya ang pinakalatest na chismis. Ipinagkakalat kaya ni Kathy na magkasama kami kagabi? Sa ngiti ni Recci mukhang alam niya pati ang pagtulog namin ng magkatabi.

"Anong chicks na sinasabi mo dyan?" depensa at pakunyari kong walang alam. "Kung saan mo man nabalitaan yan paniguradong nanaginip ka lang. Lasing ka pa siguro."

"Talaga? Kaya pala lutang ang isip mo kakaisip kay Andrea." Andrea? Buti na lang. Akala ko si Kathy ang tinutukoy niya pero bakit narating pa din sa kanya iyon. "May Andrea ka na napaamo pa ang leon! Kakaiba ka, idol"

"Sino namang leon?

"Eh 'di si Kathy mo."

"Nagtataka nga din ako e. Bigla na lamang bumait si Kathy."

"Ingat ka lang dre. Sa napapanood ko sa Discovery Channel ganyan talaga ang mga leon kapag in love. Mabait sila sa lalaki pero nanlalapa na kapag hindi pinagbigyan lalo kapag may pumasok sa teritoryo niya. Kaya paniguradong babantayan ka niyan!"

"Puro ka naman kalokohan. Paano mo nalaman niyan? At kilala mo pa talaga si Andrea."

"Kay Archie. Sikat iyon dre sa kapreskuhan. Andito siya kanina, mukhang may karibal ka kay Kathy. Huwag mong hahayaang siya ang maging bida! Once na minvolve si Kathy sa circle ni Archie paniguradong sira ang buhay niya."

"Ano bang bidang pinagasasabi mo diyan? At never akong nagkaroon ng interest kay Kathy. Wala na silang subong pacifier pa hindi malaman ang mali at tama."

"Si Kathyyy!" Halos lumipat sa bumbunan ang puso ko sa sigaw ni Recci. "Bilis ng reflexes mo! Iyan ba ang walang interes?"

"Tumigil ka nga baka madinig ka!"


Hinintay namin ang pagdating ni Kathy na tila naglalakad sa alon ng dagat. Kung may katabi siya malamang napinsala na ang bewang sa tindi ng paggalaw ng kanyang balakang. Bibihirang pagkakataon na makita ko siyang maging kilos dalaga.


"Pwede ba kitang makausap?" panimula ni Kathy. Sa tono pa lang may naamoy na akong panganib. Hindi ko hilig ang pakikipagtalo kaya nakikinig na lamang ako sa mga sasabihin niya.

"Sa linya pa lamang alam kong dapat na akong umalis. Paano dre, aabangan kita sa Discovery Channel!" paalam ni Recci na may halong ngiti ng pang-aasar.

Naglakad kami papunta sa parking may halos isang metro ang layo sa isa't isa. Halatang nagkakailangan. Gusto niya akong makausap pero kahit isang salita wala naman siyang binibitawan. Ano mang oras mula ngayon alam kong uungkatin niya ang buhay ko. Wala akong alam kaya anong isasagot ko.

"Coffee muna tayo?" alok ko para naman maging comfortable kami sa isa't isa. "Tamang tama medyo malamig."

"Baka may lakad ka o ibang tao ang gusto mo yayaing magkape."

"May ibang tao ba dito? Unless may nakikikita kang ibang nilalang."

"Hindi ko alam. Nakatulog na nga ako sa sasakyan wala ka pa e. Busy ka sa pambabae."

"Woh stop! Womanizing is not my thing. Sino kaya itong nakikipag-usap na magkacross pa ang kamay habang umiinom ng alak at halos magdikit na ang ilong?" Napailing na lamang ako sa pinagsasabi ni Kathy. Hindi niya ako pwedeng husgahan ng ganoon. "Pasalamat nga ako sa barista hindi ako nainip habang invisible ako sa paningin mo. Nalimutan mong may kasama ka kagabi Kathy!"

"Talagang tinitingnan mo pa ako ha? Toxicated ako kagabi at hindi mo man lang ako pinigilan."

"Ikaw ang nagyaya sa lugar na iyon. Ihahatid na nga sana kita sa inyo kaso ayaw mo pa. At mukhang enjoy ka naman sa pakikipagharutan e."

"Sa tono ng boses mo parang may pakialam ka. Nagseselos ka?"

"Hindi no! Anong gusto mo kiligin ako sa pinaggagawa ninyo? Sige next time."

"Okay! Sorry for being stupid. Naguguluhan lang ako sa mga nangyayari."

Sumakay ako ng kotse na tila walang nadinig. Isinenyas ko ang kamay ko at sumunod naman
siyang pumasok ng kotse. She's acting weird. Kanina nakangiti siya ngayon parang lalaban ng rap battle na hindi nauubusan ng pamatay na linya.

"Just relax. Mag-usap tayo ng mahinahon."

"Si Archie nandito kanina. He wanted to date me."

"So go! Bakit kailangan mong sabihin 'yan! Don't act na I'm your dad."

"Ayoko! Ni hindi ko nga matandaan kung ano nangyari kagabi!"

Hindi niya matandaan? Posibleng hindi din niya alam kung bakit siya nasa bahay at kung bakit magkatabi kami. "Ikwento ko sa'yo.."

"Stop!" Palundag niyang tinakpan ng kanyang kamay ang aking bibig. Nawalan ako ng balanse at aksidenteng napadagan siya sa akin. Nagtama ang mga mata namin at hindi ko mapigilang mapangiti. Siguro sa pang-aalaska ko sa kanya. Ngumiti din naman siya at tinapik pa ako sa tagiliran.

Biglang may kumatok sa bintana ng kotse. Si Recci. "Sa bahay n'yo na ituloy 'yan!"

Inayos ni Kathy ang kanyang sarili. Namula pa siya at sumimangot. "Ikaw kasi!"

"Anong ako? Ikaw itong basta na lang dumagan sa akin!"

"Hoy! Kung hindi ka lampa, hindi ka madadaganan."

"Sorry kung hindi ko kasing macho ni Archie."

"Stop it."

"Teka. Nababahin ako. Ha-rchie!!"

"Nang-aasar ka!!!"

"Hindi. Nabahin lang. Bakit ba parang mabait ka yata ngayon? May kailangan ka siguro?"

"Wala naman. Nagpapasalamat lang ako kasi sa dami ng tao ikaw pa ang tutulong sa akin kagabi. Kung wala ka siguro malamang hindi ko na kilala ang sarili ko ngayon. "

"Ano ba kasing drama ang pinasok mo? May tumutulong naman sayo kagabi di ba? Sino iyon?"

"Wala iyon! A man from the past. Nakikipagbalikan hindi naman naging kami."

"Kawawa talaga kaming mga lalaki..."

"Kapal naman ng mukha mo sabihin iyan."

Aaminin ko si Kathy ang nagbibigay ng sakit ng ulo sa akin pero hindi ko maitatangging napapangiti niya ako kahit sa mga simpleng galaw niya. Mula facial expression hanggang sa paghaba ng nguso. I may say na hindi complimentary ang ugali namin siguro mas mabuting tawaging supplementary. Kung ano ang wala sa isa nandoon naman sa isa. Kaya kahit lagi kaming nagbabangayan nauuwi din sa ngiti.

"Kung wala lang sayo ang lalaking iyon bakit kailangan mong umiyak at magpakalango sa alak?"

"May mga bagay kasing pinagsisihan ako. At hindi ko matanggap na ang paglunok ko sa aking pride ay hindi matutumbasan kahit katiting."

"Kapag magbibigay ka, huwag umasa sa kapalit para hindi ka masaktan. Hayaan mong kusang dumating ang mga bagay dahil maaring sa kahihintay mo ng kapalit may nakalampas ng mas dapat mong pinahalagahan."

"Iyon nga e. Sablay ako e. Bobo." Sumandal si Kathy sa upuan at humugot ng malalim na hininga.

"Hindi ka bobo. Nagkataon lang na mali ang pinili mo. Hayaan mo sa dami ng pagpipiliin malamang kahit isa may tatama na!" Hindi na siya tumugon. Nakatulog na pala.

Inihinto ko ang kotse sa harap ng cafeteria. Tinatapik-tapik ko ang steering wheel, pinag-iisipan ko kung gigisingin ko ba si Kathy. Napakapowerful ng mata niya pero kung tulog naman para mas maamo pa sa alaga kong tuta.

"Oh bakit titig na titig ka sa akin?" tanong niya. Muntik pa akong magpanic nang bigla na lamang nagsalita si Kathy. Natutulog kaya ito o nagtutulug-tulugan lang? May rush sa pintig ng puso ko.

"Hinihintay ko lang magising ka, magkakape tayo di ba?"

"Hindi naman ako natutulog. Nirelax ko lang ang sarili ko.. Aminin mo nga, mabigat lang ang mata ko kanina pero bakit parang katabi na kita e ang alam ko natutulog ka sa sofa?"

"Ano sa palagay mo?"

"Seryoso ako, bakit ka nasa tabi ko?"

Patay. Ano bang isasagot ko?
http://www.blogger.com/img/blank.gif

itutuloy...



Chapter 5