"Sherie, Mahal kita! Mahal na mahal!" Isang mahabang kaway at matamis na ngiti ang sagot niya sa akin.
Mababa sa isang minuto pa lamang ang aming paghihiwalay pero parang milya na ang aming pagitan. Umani ng sari-saring komento mula sa mga pasahero ng berdeng bus na kanyang sinakyan sa terminal ng Tanauan ang aking pagkakasigaw. Hindi nga naman kayang sukatin sa lakas ang sigaw ang nararamdaman. Pero gusto kong matandaan ng lahat na sa higit isang daang tao sa terminal ay may isang kayang ipagsigawan ang kanyang pagmamahal.
"Hindi ka ba natatakot mahulog?" tanong niya.
"Hindi. Simula noong nakilala kita natuto na akong sumugal. At alam ko namang maganda ang aking babagsakan."
"Gago! Dito sa bubong ang tinutukoy ko!" Siya si Sherie ang babaeng gustong tumambay sa bubong kesa sa aming sala. Ang babaeng madalas manakot na madudulas siya para patayuin ang aking balahibo sa kaba. Tapos bigla na lamang tatawa kahit alam niyang galit na ako.
"Bubong nga! Magandang garden ang babagsakan kung mahuhulog ako. Huwag mo ngang lagyan ng malisya ang sinasabi ko!"
"Hindi magkakaraon ng CPA sa dulo ng aking pangalan kung hindi ko ginagamit ang utak! Alam ko ang iniiisip mo. Huwag mo akong gawing engot." Siya yung taong kayang ipamukha ang lahat ng lamang niya sa akin at makukuha pang pagtawanan pa ang mali ko. Nagagawa niyang hambalusin ako ng kahit anong bagay sa ulo kapag hindi ko makuha ang lesson dati sa school. Paborito niya ang scrabble dahil alam niyang konting english words lamang ang alam ko. Hindi niya ako binibigyan ng pagkakataon manalo kahit sa larong NBA 2k11 sa playstation. Kaya ko naman ipagtanggol ang sarili ko pero may kung anong bagay ang nagtutulak na ienjoy na lamang ang panahon magkasama. Balewala lahat ng pisikal na sakit dahil kapag ngumingiti kahit talunan pa ako, hindi pa din maipaliwanag ang saya ko.
"Pero what if, nahulog na nga ako?" seryosong hirit ko habang inaalalayang tumayo.
"San? Dito sa bubong?" tanong niya.
"Engot ka nga!"
Marami siyang bagay na gustong gawin kasama ako. Mahilig siyang magkwento ng mga bagay tungkol sa puno, scientific names, polynomials, kung paano nagtatalik ang giraffe at ang plano niyang sumali sa singing contest kahit ako lamang ang nagtitiis makinig. Maraming weird na bagay kapag kasama siya. Pero kadalasan ginagawa lamang niya iyon para mang-asar at ako ang palaging subject.
"Huwag mo akong tawaging engot nakakahiya sa'yo!"
"Sherie, nainlove ka na ba?" derechong tanong ko.
"Napanood mo na ba iyong cars?" malayong sagot niya. Expert talaga siya sa pag-iwas. Kunyaring nagpapakamangmang.
"Iyong kay Lightning Mcqueen?" sakay ko naman sa kalokohan niya.
"Yup!"
"Anong meron dun?"
"Engot ka nga! Hindi mo pa din gets! Gusto palagi ipapaliwanag."
"Kotse. Karera. Career muna? Ganun? Tama?" Nalungkot naman ako.
"Mali. Kotse nga naiinlove, ako pa kaya..."
"What if..."
"Hatid mo na ko," putol agad ni Sherie sa sabihin ko. Mahirap na naman magbyahe mamaya."
"Tara..."
"Wait CR muna ako..."
"Sherie, Mahal kita! Mahal na mahal!" Isang mahabang kaway at matamis na ngiti ang sagot niya sa akin.
Mababa sa isang minuto pa lamang ang aming paghihiwalay pero parang milya na ang aming pagitan. Umani ng sari-saring komento mula sa mga pasahero ng berdeng bus na kanyang sinakyan sa terminal ng Tanauan ang aking pagkakasigaw. Hindi nga naman kayang sukatin sa lakas ang sigaw ang nararamdaman. Pero gusto kong matandaan ng lahat na sa higit isang daang tao sa terminal ay may isang kayang ipagsigawan ang kanyang pagmamahal.
Tumunog ang cellphone ko. Si Sherie tumatawag. "Umuwi ka na. Ingat.."
Wala man lang reaction. Malabo nga yata talaga. "Ingat ka din."
"Lakas ng loob mo ah. Nasa takip ng toilet bowl ang sagot ko. Nakasingit. Baka aabot ka pa bago malusaw."
Dali-dali akong pumasok ng CR at nakita ko ang papel na nakasingit sa may toilet bowl. Kakaiba talaga si Sherie. Wierd. Loko. Engot. Mahal ko.
Excited kong binuksan ang papel pero na panganga ako sa nakasulat.
[(−2x³ − 15x² − 6x + 7)+ 7³]=y
where x = 3
Strictly no cheating.
Strictly no cheating.
Kahit nahihiya akong magtanong sa kapatid kong bunso napilitan akong i-pasolve ang equation.
"Bunso, anong sagot dito." Iniabot ko ang papel na may nakakaasar na equation..
Hindi tumagal ng isang minuto nasagot agad niya. Napangiti ako sa sinulat niya sa dulo ang sagot sa equation. "143 kuya."
"Recheck mo! Dali!"
"Madali naman 'to kuya e!"
-end-