Skinpress Rss

Chicken Adobo - A Love Story 4


image credit to komwari
-a must a read!!! - CNN
-ang di magbasa kulang sa vitamins - kuya kim
-pagpasensyahan nyo na ang spelling at typos - principal
-ipamalita mo sa 10 tao at may swerteng darating sayo sa akinse at katapusan - unknown

Sa sofa bumagsak ang lasing na katawan ni Recci. May yugto na nagsasalita siya, nagngangalit ng ngipin at dagdagan pa ng sumiserenang hilik. Papikit na din sana ako nang bigla siyang tumayo. Naalimpungatan. Papasok na daw siya sa kwarto niya. Nakalimutang wala siya sa bahay nila at inakala pang kwarto niya ang banyo.

Inihatid ko pauwi si Recci. Buti na lamang at tabing daan ang bahay nila kaya hindi mahirap hanapin. Dalawang tao ang sumalo kay Recci pagkababa niya ng sasakyan. Kung nasa katinuan na siya malamang gugustuhin muling malasing dahil sa nakatutulig na sermon ng kanyang lola.

Si Enrico ang sunod kong target. Mas trip ko siyang sakalin para umamin. Sobrang lakas niyang tumawa kapag kami ang subject ng kalokohan. Medyo may kalakihan nga lang ang katawan kaya kakaibiganin ko na lang muna.

Nakaramdam ako ng hilo habang nagmamaneho, dahil siguro sa pagod, bitin na tulog at hindi pantay na gulong na kotse. Huminto ako sa 7 eleven para bumili ng isang boteng redbull. Makatutulong siguro iyon para mapanatili akong focus sa mga susunod pang oras.

Sa bawat lagok hindi ko mapigilang mag-isip. Kung nakita ni Recci na gumagawa ng sketch si Kathy Belarmino, so pwede siyang suspect? Sa anong motibo? Ewan. Kung isusumbong ako ni Recci kay Kathy malamang maging supect din ako. Hindi ko na alam ang nangyayari. Ano bang kaguluhan ang napasok ko?

Malakas ang sampal ng hangin sa aking mukha kaya unti-unti akong napapaidlip. Tinapakan ko ang gas ng sasakyan para umandar pero nakalimutan kong hindi pa buhay ang makina. Sobra na ang antok siguro. Ang malakas na boses mula sa labas ang nagpabalik ng aking ulirat. Sumisigaw ang lalaki habang hawak nito sa braso ang babae nakatalikod sa kanya. Pinipilit sigurong sumama.

Hindi ko alam ang sunod na nangyari. Idinuyan na ako ng hangin kaya napahimbing ang tulog. Walang nagtangkang magnakaw sa kotse sa takot nilang mamatay sa tetanus. Pagmulat ko na lang nag-iisa na ang babae habang nakaupo sa sidewalk. Dalawang bote ng alak ang nasa tabi niya at may isa pang nakatumba malapit sa kanyang paa. Nakatungo siya habang hawak ang isang papel. Maraming lalaki ang nanonood sa kanyang itsura pero wala siyang pakialam. Sa lagay niyang iyon maraming bwitre ang handang sumalakay sa karne sa sandaling makalingat ito at tamaan ng alak.

Tulad nga ng inaasahan, nawalan na siya ng balanse noong sinubukang tumayo. Gumulong sa gilid ng kalsada ang mga bote. Delikado na sa kanya kung mananatili pa siya doon. Lumabas ako ng kotse para tulungan siya. Humarap siya sa aking habang papalit ako. Hindi nawala ang kanyang pagkakatitig. Ngayon lang yata nakakita ng pogi.

"Batista!" sigaw niya sa akin. Kailan pa kaya ako naging wrestler. "Hanggang dito ba naman makikita ko pa din ang pang-asar mong mukha.."

"Bautista hindi Batista."

"Whatever! Malamang idrawing mo naman ako kaya ka nandito.."

Medyo nagdalawang isip pa ako kung tutulungan siya. Bahala na. Ano kayang mangyayari kung ang isang may tama ng alak ay tutulungan din ng nag-aasal superhero na may tama na din. Disaster?

Umupo ako sa tabi niya at itinayo ang bote ng alak, hindi niya pa kailangan ng tulong dahil nakakapang-asar pa. "Luha ba iyan?" Hindi siya nagsalita. Kinusot lang niya ang kanyang mata. "Ang alak ay pinag-aralang mabuti ng mga eksperto para gamitin sa mga kasiyahan... hindi para malungkot. Kaya mong sayangin ang totoong purpose ng alak."

"So hindi sila masyagong matalino. Hindi siguro nila naisip ang other purpose ng alak."

"Delikado na dito. Mabibilis na ang mga sasakyan mamaya. Baka hindi ka mapansin."

"Ipininganak ka ba talagang pakealamero? Kamag-anak mo ba si Boy Abunda?"

"Hindi ko lang alam ang tamang approach. Pero concern lang ako. Hindi tamang manatili ka sa tabi ng kalsada. Bukod sa gabi na, puti ang suot mong pantalon... madudumihan."

Gotcha. I made her smile. Pilit pa pero hindi din napigilan. "Ano ding ginagawa mo dito? Gabi na."

Gusto ko sanang itanong kung bakit hindi pa siya sumama doon sa lalaki kanina pero alam kong wala ako sa lugar para mag-usisa pa.

"May binili lang, malayo pa kasi ang uuwian ko e inaantok na. Bitawan mo na ang iniinom mo hindi mo na kayang tumayo e."

"Gusto ko lang makalimot. Kahit sandali."

"Iyon ba ang tama? Subukan mo kayang matulog? Ang pagtulog at pag-iinom, iisa lang ang epekto parehong makakalimot kahit pandalian."

"So anong gusto mong gawin ko? Tumawa? Magpretend na masaya?"

"Sa klase parang gusto mo palagi ng away, tapos ngayon parang mas mahina ka pa sa dagang bagong anak. Alam mo ang tama, imposible namang ngayon ka pa lang nakaranas ng ganyan. Hindi ko naman sinabing gayahin mo si Jollibee na palaging nakangiti."

Nakumbinsi ko siyang umalis sa tabi ng kalsada. Mahirap palang magpahinahon ng dragon.

"Paminsan naman pala okay ka e! May words of wisdom ka pa, feeling matalino."

"Aba, muntik na kong maging valedictorian kung hindi pangit ang penmanship ng katabi ko."

"Kaya ayaw ko ng kids party, corny ang mga clown. Oh tagay mo!" alok niya sa akin habang tinatapik ang aking balikat. "Magsasaya naman ako ngayon."

"I hope maging start na 'to ng friendship natin," wika ko. Alam ko ang mga ganitong pagkakataon madalas kong mapanood sa tv at mabasa sa mga kwento. Tipong ang dalawang magkaaway bigla na lamang magkakasundo. Luma na pero click pa din sa panlasa.

"Magsorry ka muna sa mga kalokohan mo!"

"No. Hindi ako ang gumagawa ng mga caricature."

"Bakit hindi ka man lang apektado kung hindi ikaw?"

"Hindi kasi ako isip bata."

"Hoy Batista, kung iniisip mong isip bata ako nagkakamali ka!" Lumayo ako ng konti kay Kathy dahil alam kong nasa panganib ang buhay ko sa oras na tumama sa akin ang matulis niyang kuko.

"Okay sorry. Pero hindi pa din ako ang gumawa ng caricature gusto ko lang ng peace sa tuwing papasok ako ng Art Class."

"Chicken ka kasi."

"Ano?"

"Chicken."

"So you mean duwag ako?"

"Hindi ko alam. Matanong kita, nagkaroon ka na ba ng girlfriend? Sa tipo mo mukhang mahihirapan ka lalo na't hindi ka makabasag pinggan."

Alam ko mang-aasar lang siya kaya nagtatanong ng kung ano-ano. Hind ako kakagat. Malabo.

"Meron. Hindi ko lang inugaling magkwento ng mga bagay tungkol diyan."

"Gentleman kuno. Tara!" Tumayo siya gamit ang aking balikat.

"Saan?"

"Hindi na ako komportable dito. Mas mabuti siguro kung sa mas maayos na lugar tayo mag-usap."

"Ayaw mo pang umuwi? May tama ka na e."

"Tatamaan ako kapag umuwi. Halika!"

Ang sikat ng araw na tumagos sa bintana ang gumising sa aking mahimbing na pagkakatulog. Gumuhit sa aking ulo ang sakit na alam kong epekto ng alak. Mabigat ang aking katawan na tila may nakadagan. Nakaramdam ako ng pagbigat ng pantog kaya kailangan kong bumangon.

Babangon na sana ako ng kama nang makaramdam ako ng pagkilos sa aking tagiliran. Kinabahan ako. Lalong bumilis ang tibok ng puso ko nang tamaan ng buntong-hininga akong aking batok. Iniangat ko ang kumot. May nakadagang paa sa aking mga binti kaya pala nakararamdam ako ng pagbigat.

Lumingon ako sa kabilang parte ng kama. Patay.



itutuloy...



Previous Chapters1| 2| 3