"Takbo!" sigaw ng ilang kalalakihan.
Hindi biro ang ginawang nilang pang-aasar sa mga gansa kaya hinabol sila at gustong matuka. Hindi sila iba sa mga naunang bakasyunista. Para sa kanila ang saya ay kapilyuhan o paggawa ng bagay na alam nilang ipinagbabawal. Kill joy ang tawag sa hindi susunod sa gusto nila.
"Lolo hindi ninyo ba sila susuwayin?" tanong ko.
"Hayaan mo sila apo," "Mapapagod din ang mga iyan. Isa pa, sanay na ang mga gansa sa kagaya nila."
"Pero may kalokohan po ang mga ito. Nakita ko po silang tumawid sa kabilang bakod."
Biglang napatayo si Lolo mula sa kanyang pagkakahiga sa silyang tungga-tungga. "Sa Casa Ruendera?!"
"Opo. Mahigpit po ng ipinaggbabawal ang pagpasok doon di ba? Tsaka ano namang gagawin nila sa nasunog na bahay."
"Paanong?? Malolokong mga bata! Ipatawag mo sila at pauwiin."
Nagtaka ako sa ikinilos ni lolo. Ngayon ko lamang nakita siyang lubhang naalarma at alam kong may halong takot. "Ano po dahilan at ipinagbabawal pumasok?"
"Mapanganib."
"Paano pong naging mapanganib?"
"Sunog at luma na ang bahay na iyon. Maaring bumigay anumang oras kaya hindi pinapapasok ang sinuman sa loob."
Kung sunog at marupok na pundasyon lamang ng bahay ang dahilan bakit gaanoon na lamang nag takot na nabuo kay lolo. "Bakit kaya po nasunog ang bahay na iyon? Siguro sa kataasan ng bakod kaya hindi naapula ng mga bumbero."
"Mabuting huwag ka ng mag-usisa. Ipatawag mo na sila at magpatuloy ka na sa trabaho."
Alam kong may itanatago ang matandang hardinero. Sinubukan kong magtanong sa kasamahan ko sa resort pero walang gustong magsalita. Limitado sa ipinagbabawal ng may-ari ang pagpunta kahit sa paligid lamang ng nasabing Casa ang alam nila.
"We are sorry to inform you that you have to leave our resort tomorrow morning." Kahit walang interesado sa ginawa kong paliwanag sa grupo tungkol sa kanilang violation buong galang ko pa din silang kinausap. Dinig ko din ang sisihan ng bawat isa.
"Ikaw kasi. Iniwan mo kasi ang lighter sa loob kaya tayo nahuli," pabulong na wika ng lalaking nakasando.
"Bakit ako? Sino bang nagyaya sa nakakatakot na lugar na iyon!"
"Laki mo na takot ka pa sa multo." pahabol pa ng isa. "Sayang ang binayad natin kaya ienjoy natin ang huling gabi dito."
"Ano namang kalokohan iyan Mek?"
Tumingin sila sa akin saka nabulungan.
Sa ilang buwan kong paglilingkod sa resort ngayon lamang ako kinabahan ng sobra. Sana hindi na lamang ako nag-usisa. At ano kaya ang nasa isip ng grupo ng mga lalaking iyon kanina. Siguro gagawa na naman ng bawal ang bisyo.
"Halimaw! Halimaw!" sigaw mula sa labas. "Halimaw! Tulong!"
Bigla akong napabalikwas at sinubukang hanapin ang pinagmumulan ng ingay. Marahil ay guni-guni ko lamang dahil wala na akong narinig na kasunod na sigaw. Napaparanoid na ako. Lumabas ako ng kwarto para mag-usisa. Nakita kong parating si Lolo kaya naisipan kong mag-usisa.
"'Lo, may narinig ba kayong sumigaw kanina?"
"Sumigaw? Wala. Kararating ko lang e."
"Saan naman po kayo nanggaling?"
"Dyan lang. Nag-ikot-ikot. Baka may gumawa na naman ng kalokohan e."
Hindi ako kumbinsido. Tinungo ko ang kwarto ng mga lalaki at wala man lamang akong nadinig na pagkilos mula sa loob. Sumilip ako sa bintana at kumpirmadong nandoon pa ang kanilang mga gamit.
Sinubukan ko ng hanap sila sa paligid. Wala na silang ibang pupuntahan kundi ang ipinagbabawal na lugar. Mabilis kong tinungo ang bahay sa pagbabakasakaling mapigilan sila sa kalokohan nila.
May kumaluskos sa loob ng bakuran kaya mas lalong tumibay ang kutob ko na nasa loob sila. Isang kumikinang na bagay ang tumawag sa akin. Malapit iyon sa may gate at sa palagay kong may apoy pa.
"Lighter," wika ko.
"Mapanganib ang bahay na iyan." wika ng matandang hindi ko namalayang sumusunod sa akin. "Sana ay nakinig ka na lamang. Walang maaring makaalam ng sekreto ng mga Ruendera. Ako ang sumunog ng bahay na iyan para wala ng maghangad pumasok. Ang ganda ng bahay na iyan dati ay isang patibong para may makain ang kanilang anak na halimaw." Tumalikod ang matanda at naglakad palayo.
Susunod na sana ako nang biglang may humila sa aking kamay papasok sa loob. Matalim na mata ang huli kong natatandaan.
-end-