Antagal kong inasam ang kilig moments na 'to. Hindi na ako nagtitiis sa monochrome at pixelated mong mukha doon sa itinagong kong tarpulin noong lumaban ka sa SK. Magkaharap tayo ngayon at magkahawak ang kamay.
Humigpit ang hawak mo sa aking kamay. Idinikit mo ng bahagya ang dibdib sa akin. Kinabig ko ang iyong bewang saka humakbang ng pakanan. Kung hindi siguro sementado ang aking kinatatayuan kanina pa ako inabsorb ng lupa sa tindi ng ngiti mong nakatunaw. Bawat hakbang, bawat galaw, bawat indayog sa musikang pumapailanlang, puso ko hindi mapigilang mapasayaw. Corny dre? Wala akong pakialam basta ang alam ko mahal ko ang babaeng kasayaw ko.
Ilang araw na akong nakikipagbuno kay kupido. Nagtatanungan kami ng Yes or No. Minsan cara 'y cruz. "Dapat bang mahalin ang babaeng kaclose at sweet sa akin?" Hindi ko alam. May takot sa gilid ng utak ko. Natatakot akong umiwas ka bigla. Natatakot akong mag-iba ang pakikisama mo. Natatakot akong maging bangungot ang mga panaginip. Natatakot akong sabihin mong kaibigan lang ang tingin sa akin. Natatakot akong maubos ang kilig moments na 'to.
Kasayaw ko ngayon ang lalaking mahal ko. Sana ay hindi mo mahalata ang bilis ng tibok ng puso ko. Magbubuhol sigurado ang dila ko kapag nahalata mo at biglang mag-usisa. Buti na lang makapal ang make-up ko, hindi mo mahahalatang nagbablush ako.
Idinikit ko ng bahagya ang dibdib ko para umayon sa musika. Pakiramdam ko, sobrang safe ko sa iyong mga kamay. Ang ating katawan ay pinag-isa ng tugtog at galaw. Sana hindi maubos ang kanta. Sana hindi matapos ang sayaw. Sana ay habang buhay kitang katuwang.
Hindi ako nagreact na ikaw ang partner ko dahil takot akong malaman mong naglulundag ang puso ko. Alam kong hindi ako pasok sa tipo. Kumandidato pa nga ako ng SK upang magkaroon ng dahilan para dumalaw sa bahay niyo pero isang araw palang wala na ang poster ko. Hindi ko kasi matiis na hindi kita makita ng buong bakasyon.
Ako ang prom king. Ang haring walang kastilyo at kawal. Kahit sa lakas ng loob ay kulang. Nanginginig pa ang tuhod ko nang matapos ang sayaw. Minasdan kita mula sa aking kinauupuan. "Masaya ka kaya na ako ang iyong kasayaw o wala lang kasi parte lang iyong ng kasiyahan?"
Ako ang prom queen. Ang reynang manika lang ang alalay. Kinuha ko ang panyo sa bag para magkunyaring pagod ako kahit ang totoo ay tinakipan ko ang ngiti ko. Hindi ko magawang tumingin sa'yo dahil natatakot akong makitang nasa iba na ang atensyon mo.
Uwian. Bigla ka na lang pinagkaguluhan. Nawala ka ng hindi ko namamalayan. Uuwi akong mag-isa at ang tanging baon ay ang isang gabing puno ng kilig at saya. Nakatingin ako sa buwan at humiling sa ilaw ng tower ng Smart na inakala kong talang kumikislap-kislap. "Sana may pagkakataon pang muling makasama." Bago ko pa natapos ang aking hiling napahakbang na pala akong sa putikan. Kinailangan ko pa tuloy maglinis dahil hiniram ko lang kay utol ang suot kong sapatos. Buti na lang may liwanag malapit sa barangay hall.
Uwian. Hindi ko na namalayan ang pag-alis mo. Bigla ka na lang nawala sa karamihan ng tao. Baka may lakad din kayo tulad ng mga classmate ko. Naghiwalay na kami ni Kori pagbaba ng tricycle. Nilakad ko na ang daan pauwi dahil nagandahan ako sa buwan.
"Sabay na tayo?" iyon na lamang ang wika ko. Hindi ko inaasahang pagkatapos kong linisin ang sapatos ay ang pagdating mo.
"Ihahatid mo ko?" Hindi ko akalaing hinihintay pala ako sa may barangay hall. Hindi ko maitago ang excitement na nararamdaman ko. Ngayon lang magkakasabay umuwi. Sana pati tibok ng puso ay sabay.
"O-oo," kabadong sagot ko. Tiningnan ko ang paa ko at siniguradong pati hakbang namin ay sabay.
"Ganda ng buwan no?" magkasabay pa nating panimula.
-end-