Skinpress Rss

Chicken Adobo - A Love Story 14


image credit to komwari

-a must a read!!! - CNN
-ang di magbasa kulang sa vitamins - kuya kim
-pagpasensyahan nyo na ang spelling at typos - principal
-ipamalita mo sa 10 tao at may swerteng darating sayo sa akinse at katapusan - unknown

Kung may libro tungkol sa kasinungalingan aabutin ng limang chapter siguro ang sinulat nina Kathy at Andrea. Isang kwentong sila ang nabuo pero kaming tatlo ang naging biktima. Lahat talunan. Lahat sablay. Parehong nauwi sa isang scenario ng hindi pagpapansinan. Ang dating mapagparaya ngayon ay sakim. Ang dating tapat ay natutong sumuway. Ang naghahanap ng kasiyahan ngayon ay tulala at hindi makausap. Ganito ba talaga kakomplikado ang magmahal? Siguro.

Napapailing ako habang naglalakad palabas ng ospital. Kailangan bang umabot sa kuwestyunin ni Kathy ang aking pagkatao? May mga bagay na hindi naman dapat ipag-ingay at may kusa ding nararamdaman na hindi kailangan ipagpilitan o papiliin. Naguluhan tuloy ako.

Matimbang sa akin si Kathy pero sa ugali niya parang mas mabuting magsettle na lamang ako kay Andrea. Smooth kasama si Andrea kumpara kay Kathy na palaging may tension. Pero sino bang mahal ko? Magiging masaya ba ako? Bakit ang pogi ko? Hirap. Kaya nga nauso sina Papa Jack, Dr. Love at Joe D' Mango para i-handle ang mga tanong na madaling sagutin kapag wala ka sa sitwasyon. Tipong hihingi ng payo o suggestion pero sa dulo ay susuway din at sariling pasya ang masusunod. Kapag sumablay na ang masabi na lang ay, "Ang tanga ko. Dapat nakinig ako."

"Sasama ka? Magpahinga ka nga!" bulyaw ni Eliar. "Hindi makakapagdecide ng maayos ang lover boy sa eksenang ito."

"Malakas na'ko. Binantayan ko lang kung tutuusin si Kathy!" balik ni Andrea.

"At ngayon si lover boy ang gusto mo bantayan?" sundot pa ni Eliar.

"Hindi kaya mas mabuting mag-usap muna kayo ni Kathy? Ayokong maipit at maging dahilan ng gap sa inyong pagkakaibigan. Ayusin n'yo muna ang larong ginawa ninyo. Wala na sa edad natin ang nangyayari." Tutol ako sa pagsama sa amin ni Andrea.

"Its all my fault naman talaga. Sorry Raf."

"Mas mabuting lumayo muna ako para patas sa ating lahat. Pangangatawanan ko na pagiging duwag. Isa pa, nalilito talaga ako."

"Sana pagbalik mo kaya mong sagutin kung anong naramdaman mo noong time na hinalikan mo ako. Kahit sa pisngi lang iyon, it matters, Raf. Maliban na lamang kung naenjoy mo ang joy ride sa larong inumpisahan ko."

***

Inilagay ko ang aking mga damit sa aking maleta na hindi man lamang natupi. Sinubukan ko munang puntahan ang alaga kong aso para pakainin pero wala siya doon. Natunugan siguro ang aking pag-alis kaya naunang magrelocate. Magulo ang isip ko. Nakasakay na ako ng kotse saka ko narealize na hindi pa nga pala umaandar. At wala pa ding plano kung saan ako pupunta. Siguro kung kriminal ako huli na agad dahil hindi alam kung paano tumakas.

Para akong batang nakaiwan ng libro na bumalik sa tapat ng eskwelahang nakasara sa kawalan ng kongkretong pupuntahan. Naupo ako duyan sa tapat pero hindi ko binalak iugoy. Saan nga ba ako pupunta? Ano ba talaga ang gusto ko? May naghihintay ba sa akin sa dulo ng desisyon ko?

Nakatingin ako sa kawalan. Kahit langgam ay napagtyagaan kong panoorin. Bad trip. Ganito ba talaga ang pag-ibig? Bakit madaming nahuhumaling kahit alam namang masasaktan?


Isang yakap mula sa likuran ang bumalot sa aking katawan. Isang maghigpit na yakap na tila ayaw akong pakawalan. Hinawakan ko ang kanyang braso at hinaplos. Ramdam ko ang pagdikit ng kanyang labi sa aking tenga. "Hoyyyy!" sigaw niya ng ubod ng lakas.

"Kathy!!!" kawala ko sa kanya habang umeecho sa aking tenga ang kanyang boses. "Bakit bigla ka na lamang sumigaw?!"

"Wala ka sa sarili. Baka nabaliw ka na e."

"Nagrerelax lamang ako dito."

"Akala ko aalis ka dito ka lamang pala pupunta.."

"Anong ginagawa mo dito?"

"Adik ka ba? Nasa harap ka ng bahay namin!" Natulala ako. Ang ganda niya.

Basag. Sablay. Oo nga pala. Nasa tapat ng pala ng school ng bahay nila. Hindi ko na siguro kailangang magdesisyon, ang paa ko na mismo ang nagdikta kung saan ako dapat pumunta.


Ikinuwento ni Kathy ang nangyari sa kanila ni Andrea. Kung paano sila nag-usap at nagpatawaran. Nakinig lamang ako. Hindi ko isiningit ang aking sarili dahil baka may masabi akong hindi tugma sa kwentuhan nila.


"Pwede bang dito muna ako?"

"Bakit?" tanong niya agad.

"Baka kasi di ka pa magaling."

"Okay na ako. Kaya nga pinalabas na ng ospital." Tumaas ang isa niyang kilay tanda na magaling na nga siya. Kanila lang yakap ako ngayon biglang itataboy. "Kaya na nga kitang sipain palayo."

"Basta dito muna ako!"

"Oh sige. D'yan ka lang. Hindi ko alam ang trip mo kung bakit gusto mo nagstay sa duyan."

"I mean sa inyo. Payag naman ang kapatid mo e."

"Anong iprenda mo sa pagstay mo? Alam kong malakas kang kumain at naglalakad pagtulog baka makasira ka."

"Pwede bang sarili ko muna? Wala akong dala e."

"Pag-iisipan ko muna. Iniisip ko kasi kapag naremata, e di akin ka na?"

"Eh di pupulutin ako sa subastahan?"

"Kung worth keeping bakit pa papakawalan?"

"Worth keeping ba ako?"

Inugoy niya ang duyan. Ang tamis ng ngiti niya. Mabisa nga siguro ang 3 seconds eye contact para malaman mo sincere ang isang ngiti. Naglapit ang aming mukha, kita ko na sa kanyang mata ang butas ang aking mukha.

"Habulin mo muna ako." Sadly walang kiss na naganap.

Syet! Parang bata. Mamatay na yata ako kapag nagtagal pa ako dito.. Sa kilig.


bibitinin...