Alumpihit na kumilos ang huling bulateng lumabas sa lungga. Wala sa plano niya ang lumitaw sa lupa pero kinailangan niyang kumilos para hindi maging dahilan ng kahihiyan sa angkan ng mga maharlikang bulate. Sila ang species na may kalakihan at may tila sinturon sa balat.
Sa kanyang paggapang inirereklamo niya ang kanyang pagiging bulate. Lagi siyang madumi, masakit ang katawan sa paggapang, nagagalusan at kung bakit pagkatapos ng ulo ay buntot na agad.
Nakakita siya ng kumikinang na bagay. Lumapit siya at tiningnan ang sariling repleksyon. Awang-awa siya sa kanyang maduming itsura. Naturingang maharlika pero palaging gusgusin. Sa kanya pag-alis ay aksidenteng dumikit ang kanyang buntot. Lumitaw ang isang nilalang na magbibigay ng kahilingan. Ipinaliwanag ng genie ang role niya sa kwento.
"Ano ang iyong kahilingan?"
"Pwede bang mag-isip muna?"
"Sige. Kuskusin mo lamang ulit ang arinolang pinagkulungan sa akin."
Nagmadaling kumilos ang bulate at naghanap ng hayop na pwede niyang maging kahawig.
"Masarap bang maging kuneho? Buti ka pa patalon-talon lang."
"Masaya pero maswerte ka pa din. Nagagawa mong umiwas sa panganib. Kaya mong magtago agad. Oo palundag lundag lang ako kapag kapag natinik masyadong masakit! Madalas pang magreklamo ang syota na sobrang bilis ko daw makatapos.. " sagot ng kuneho.
Naghanap ng ibang hayop ang bulate. "Masarap bang maging pusa?"
"Masarap pero maswerte ka pa din. Madalas kaming maabuso kesa maalagaan. Mapalad ka dahil kaya mo ang iyong sarili. Independent ka."
Sinunod niya ang manok na may reklamong ginagawa lamang silang laruan, baboy na inaalagaan lamang para patayin, parrot na pilit ginagawang tao. Sa kabuan narealize niyang maswerte pa din siya. Mas kinaiingitan. Ang pagkakaroon pala ng ibang parte ng katawan ay may katumbas na obligasyon. Sa paghahangap pala ng mas higit sa ibinigay ay may kapalit. Ang bagay na marami siya kumpara sa iba. Ang kalayaan..
"May kahilingan ka na ba? Papasok na sana ako sa arinola nang makita kitang parating."
"Meron na. Pero hindi para sa akin. Para sa iba."
"Kahanga-hanga ang iyong desisyon. Ano naman ang iyong hiling?"
Ngumiti ang genie. Sa isang iglap ay naging bulate lahat ng nilalang.
-wakas-