Skinpress Rss

Lihim sa MRT


credits to the original uploader
This is an excerpt from the journal of the missing MRT driver.

Madalas mo bang maranasan na humabol sa last trip ng MRT?

May mga kwentong hindi alam ng marami na may isang pang station ang MRT na hindi bukas sa mga pasahero. Ang kadalasang nakararating dito ay mga nakakatulog na byahero. May isang linya ng tren bago sumapit ang huling station. Dito kadalasang nakaparada ang mga hindi ginagamit na tren o under maintenance. Pero lingid sa kaalaman ng iba may sekretong nagaganap sa station na ito.

========

July 4, 2010 2305 hrs.

Dalawang katawan ang duguan at wala ng buhay. Magnanakaw daw kaya napilitang barilin ng guard. Sa pagkakatanda ko ay sila ang nagrereklamo kanina na nawawala ang kanilang kasamahan.


August 15, 2010 2313 hrs

Sixteen fatalties. Bodies were gassed to death including guard on duty.

August 16, 2010 5000hrs

Dumating nga mga taong nakabihis ng Red Cross. Sila ang mga kadalasang nasa mga station para humingi ng donation. May mga dala silang box na yari sa styrofoam. Pagkatapos ay may dumating ng truck ng yelo. Hindi malinaw pero alam kong mga tao ang buhat-buhat nila papasok ng truck.


September 17, 2010 6004 hrs

Hindi ako nakapasok. Bumaligtad ang sikmura ko sa nakakasulasok na amoy pagbukas ko ng tren. Alam kong gas iyon. May nanpasin akong dugo sa ilang bahagi ng riles.

October 3, 2010 1204 hrs

Nabaril ang isang MRT driver. Alitan pamilya daw. May nakafile siyang resignation letter. Siya ang resposible sa gas leak.

Dec 16, 23, 2307 hrs

Sinakal ng guard ang naabutang humihinga pang pasahero. Humingi ng tulong ang babae pero hindi niya kinaawaan.

=================

Pilas ang mga sumunod na pages ng journal. Hindi malinaw kung may alam ang pamunuan ng MRT sa nangyayari. Nakakahilakbot ang sumunod na tala.


=================

January 5, 2011 0700 hrs

Kailangan kong umalis. Magtago. Itinakas ko kagabi ang batang muntik maging biktima ng bentahan ng lamang loob. Kung hindi umiyak ang bata maisasalba ko sana ang nanay niya.

January 5, 2011 1823 hrs

May naririnig akong nagtatanong ng tirahan ko. Buti na lamang nakatalikod ako at nakasumbrero kaya hindi ako naituro ng may-ari ng tindahan.

January 5, 2011 2306 hrs

Hindi ko na alam ang gagawin. Natatakot ako. Hindi ko alam kung saan itatago ang journal na ito. Kita ko sa bintana ang mga taga Red Cross. May kumakatok.


=============

Hindi malinaw kung ano ang nangyari. Hindi masabi ang katotohanan ng journal. Ang tanging maiiwan tanong ay, hahabol ka ba sa last trip ng MRT?