image credit to komwari
-a must a read!!! - CNN
-ang di magbasa kulang sa vitamins - kuya kim
-pagpasensyahan nyo na ang spelling at typos - principal
-ipamalita mo sa 10 tao at may swerteng darating sayo sa akinse at katapusan - unknown
Hindi ko na kailangan pang bumayad ng six hundred pesos sa Enchanted Kingdom para pabaligtarin lamang ang aking sikmura sa space shuttle. Sapat na ang maipit sa sitwasyong hindi ko alam ipaliliwanag kay Kathy sa sandaling mag-usisa kung bakit kami magkasama ni Andrea. Hindi ako naging chickboy kaya wala akong idea kung paano magpapalusot.
Nasubukan mo na bang gumawa ng coincidence? Tipong inosente ka sa mangyayari pero scripted na pala ang lahat. Parang text mesage na kunyaring wrong send dahil hindi mo nagustuhan ang reply.
Naglakad ako palayo sa comfort room at kakawayan ko na lamang si Andrea sa sandaling lumabas mula sa CR. Magkukunwari akong may nakitang kakilala para kung sakaling magkasabay silang lumabas ni Kathy ay may panahon pa akong makaadjust at sabihing coincidence ang pagkikita naming tatlo. Hindi ako effective na kasabwat sa kaso dahil kapag tinitigan na ako siguradong mabubuking ang pagsisinungaling ko. Kaya hangga't maari hindi muna ako mag-established ng eye contact. Kung kailangan mapuwing gagawin ko.
Swerte na lamang at puno ang pantog ni Kathy kaya hindi sila nagkasabay ng paglabas ni Andrea. Nagyaya na agad akong umuwi dahil maglalaba nga pala ako. Napakaweird ng dahilan kaya kunot noong sumunod na lamang sa akin si Andrea. Abot ang pasasalamat ko dahil nagawa kong makaiwas sa krus na hindi pa kaya ng muscle kong pasanin.
"Paano? Baka hinihintay ka na ng labada mo?" natatawang wika ni Andrea habang nakatayo sa labas ng gate ng kanilang bahay. "Nag-abala ka pang ihatid ako e."
"Ayoko naman may gumugulo sa isip ko habang naglalaba."
"Parang sobrang komplikado ng paglalaba mo?"
"Mas mabuti nang alam kong nakauwi ka ng safe," nakangiting wika ko.
Lumapit sa sakin si Andrea at tinapik ang aking braso. "You're so funny. Sana maulit medyo bitin pero enjoy naman."
"Sure, sure.. Mashed potato naman sa sunod."
"So enjoy your laundry.... Ingat." Kasunod ng salitang ingat ay ang isang mainit na halik sa pisngi. Hindi agad ako nakagalaw. Nag-eexpect pa ako ng kasunod pero wala na. Sinubukan kong tingnan siya sa mata pero walang epekto. Hindi ko first kiss pero kakaiba naramdaman ko. Kakaibang kuryente na hindi kayang ipaliwag ng prof ko dati sa Physics.
"Andrea, hindi pantay.." Senenyas ko ang kabila kong pisngi pero ngumiti lang siya.
"Pilyo ka. Uwi na."
-------
Hindi ko na kailangan pang magbukas ng dictionary para malaman ang kahulugan ng langit. Ikaw ba naman ang may kasamang Andrea plus goodbye kiss pa. Madaming moment ang nasayang pero may finale naman pala. Noong una akala ko malas na talaga kasi hindi man lang ako pinansin ni Kathy noong gabi sa bar. Buti may isang Andrea na nagsagip ng gabi ko. Good riddance siguro.
Nagdate ba kami ni Andrea o kumain lang? Nagdate ba kami ni Kathy o nagkape lang? Pinakaayaw ko ang magbuo ng jigsaw puzzle. Matapos guluhin ay kailangang mabuo ulit. I'm trying to establish a good relationship kay Kathy pero pilit ko naman isinisingit na mapalapit kay Andrea. Parang ko na ding ipinilit magkasya ang piece na may kanto sa may pabilog na parte ng jigsaw.
Mahirap mamangka sa dalawang ilog lalo na't wala akong sariling bangka. Na sa bandang huli alam ko naman pwedeng walang matitira kung kusang umalis na ang mga nagmamay-ari bangka. Kailangan ko na sigurong tumawag kay papa jack para sermonan ako at sa bandang huli ay papipiliin din ako.
Late ako ng fifteen minutes sa Art Class kaya nakabulabog ako sa mga taong nagsisimula ng mag-abala sa kanilang master piece. Habang tumatagal naiisip kong hindi talaga ako para sa isang Art Session. Instinct ko lang ang nagtulak sa akin dito kaya nawawala ang ang interes kong tapusin ang mga ipinapagawa ng instructor. Siguro namiss ko lang talaga ang parents ko.
Nakita ko si Recci sa may bintana. May kasalanan pa nga pala ako sa kanya. Nakakapanibagong walang sumasalubong sa akin sa parking at manghihingi ng kape. Sabagay wala naman akong dalang kotse. Magreretiro na yata si bumble bee.
"Parang may kulang?" wika ko. Wala ang babaeng kailangan isailalim ko ng "how to train your dragon" bago mapaamo. Sinubukan kong magtanong sa katabi ko pero wala siyang idea.
"Nasa ospital. Dinig ko kanina sa usapan nila Recci at ng instructor," singit ng isang babaeng nakadinig sa pag-uusisa ko. Kakaiba talaga ang babaeng may malaking bibig sa likod ko, basta tsimis daig pa niya ang 4G signal ng Globe WiMax. Hindi ko pa siya natatanong nagkusa ng sumagot gamit ang nadinig nya lang din sa iba.
"Ospital? Bakit?" nagtatakang wika ko.
"Hindi ko din alam e. Tanong mo na lang kay Recci."
Kay Recci? Paano ko kaya sisimulan? Alam kong hindi maganda ang nabitawan kong salita noong nakaraan kaya medyo nakakahiya. Kung sa prof naman ako magtatanong baka naman mag-usisa pa kung bakit ako interesado.
Nakailang attempt akong puntahan si Recci pero walang akong lakas ng loob. Hindi ako sanay mareject at takot akong balikan niya sa ginawa ko. Pero bahala na.
"Recci," panimula ko.
"Hindi mo ba siya pupuntahan?" tinapik ako ni Recci sa balikat. "Kape?" Sa pagkakataong ito si Recci na ang may dalang kape. "Kanina ka pa hinihintay n'yan, lumamig na nga e."
Mabait talaga ang Diyos. Marunong siya pumili ng kaibigan para sa akin.
"Ano bang nangyari?"
"Naaksidente sila. Lasing na lasing daw. Nasaan ka ba kagabi? Pinuntahan kita e."
Hindi ko alam kung nakatulong ang kape para lalo akong kabahan. Kung mahina ang puso ko malamang nasa ambulansya na ako. Hindi ko masabing magkasalubong lang kami sa CR kagabi kaya paano maaksidente agad. Kung pinuntahan niya ako sa bahay sobrang ikli lamang ng time gap ng pagkikita namin ni Kathy.
"Saang hospital sila dinala?"
"Sa Grace Gen. Alam ko lilipat na sila ng ospital hindi ko lang alam kung saan. Siguro abot ka pa."
Tumakbo ako palabas ng school at nag-abang ng masasakyan. Wala. Kung magconsume ako ng 10 minutes sa paghihintay mabuti pang takbuhin ko na lang. Kung solid ang pride matagal na akong dedo sa kalulunok nito. Hindi na mahalaga kung mapahiya ako kay Recci malaman ko lang kung maayos si Kathy. Hindi mahalaga kung super OA na ang mga reactions ko. Ngayon ko nararamdaman kung sino ang mas matimbang. Sana maayos si Kathy.
Hinahabol ko ang bawat hininga ko. Hindi ko pinansin ang pagguhit ng aking pawis sa noo. Nagflash back ang lahat ng pinag-awayan namin ni Kathy, ang drawing na umasar, nagpangiti, nagpatensyon at nagpaexciting ng buhay ko sa Art Class, ang pag-iyak niya, ang paggising ko na katabi si Kathy at ang pagiging snob niya.
Namimiss ko si Kathy. Hindi. Mahal ko si Kathy.
Nakarating ako ng ospital pero hindi ko alam ang entrance. Inikot ko pa ang building bago ko nakita ang pasukan. May information pero wala namang tao. Wala ding nagrounds. Sumandal ako sa pader at pinanghinaan ng tuhod. Unti-unti napauno na ako sa sahig sa pagod.
Nang makakita ako ng nurse mabilis akong tumayo. Sa liit ng ospital mabilis naman siguro matutukoy ang si Kathy.
"Ma'am, San po ang room ni Kathy Belarmino?"
"Belarmino, discharged na po."
"Butchoy!" May tumawag sa akin gamit ang nickname ko noong six years old ako. Napakunot pa ang noo ko dahil hindi ko siya mamukhaan. "Kamusta?"
"Eliar?" Empleyado ka dito?"
"Hindi. Mahabang kwento. Naaksidente ang kapatid ko kagabi. Naiwan lang ako dito para iuwi ang mga gamit."
"Kapatid? Sinong kapatid?" Sorbido si Eliar kay malabong si Kathy.
"Si Archie ba?"
"Hindi. Si Monay. Remember?"
"Si Monay." Ang babaeng matabang palaging umiiyak kapag ayaw naming kalaro ni Eliar.
-itutuloy...
Previous Chapter