Skinpress Rss

Teleserye


image credit to original uploader
"Kung mahal mo ako, sasama ka sa akin," ang huling salitang gumugulo kay Mitch. Para bang napakadaling pagdesisyunan ang gustong mangyari ni Rommel.

"Kahit mag-asawa ka na bukas! Huwag lang sa lalaking 'yan! Itatakwil kita sa sandaling sumama ka sa kanya!" banta ng ina ni Mitch habang hawak ang kaliwang dibdib.

"Ikaw? Kung mahal mo talaga sumama ka. Ano bang desisyon mo? Sa huli naman ikaw pa din ang masusunod. Makikinig lamang ako sa mga sasabihin mo," wika ni Marshey.


Lumang mga linya.
Lumang sitwasyon.
Lumang kasagutan.

Pag-ibig. Pamilya. Obligasyon.

Anong panama ng paborito kong teleserye ni Coco Martin sa love story ni Mitch? Sa loob ng limang minuto alam ko ang mangyayari sa episode na pinagbibidahan ni Daniel pero sa buhay pag-ibig ni Mitch walang may clue sa mga posibleng mangyari. Kahit ang aso paniguradong masisiraan ng ulo kung sino tatahulan kung may biglang may magnanakaw sa may bahay o may lalaking magtatakas ng anak ng may bahay.


Paano ba naman inuunahan pa ng nanay ni Mitch ang manok sa pagputak sa umaga. Kesyo delay ang regla at lumalaki ang tyan ay buntis na. Hindi man lang narealize na isang kalderong kaning lamig ang meryienda ng anak niya. Sa biruan nga sa opisina mas willing pa nga siyang makinabang ang lupa kesa gomora ng walang basbas ng simbahan.

"Subukan mo lang makipagkita sa lalaking yan, palalayasin kita!" Pinakamasamang pakiramdam sa lahat ay ang magulang ang tutol sa kwentong pag-ibig. Lumang kwento na pero patok pa din sa takilya. Hindi pwedeng magdeclare ng world war dahil baka umatake ang highblood.


"Kung mahal mo ako, sasama ka sa akin," ang huling salitang gumugulo kay Mitch. Para bang napakadaling pagdesisyunan ang gustong mangyari ni Rommel. Ito ang katagang pababalik-balik sa isip ni Mitch. Isang buwan na din noong huli silang nagkita. Hindi siya sumasagot sa tawag at text ni Rommel. Nakabuntis si Rommel ng ibang babae ang bali-balita sa kanilang lugar. Sino nga bang mag-aakala na ang pitong taon nilang smooth na relationship ay mauuwi sa wala dahil sa kamunduhang hindi natyagang pigilan. "Alam ko mali ako! Alam ko niloko kita. Pero sa pagkataong ito gusto kong may magawa akong tama sa buhay ko. Hindi ko kayang gumising sa umaga kasama ang babaeng hindi ko mahal."

"Gago ka pala! Sana naisip mo iyan bago mo pinasok ang butas na gusto mong labasan!" sigaw ni Mitch sa isip. Hindi pinangarap ni Mitch ang mapasok sa magulong sa sitwasyon. Ni hindi nga siya gumagawa ng assignment dati sa school dahil ayaw niya ng nahihirapan.

Sa mga ganitong sitwasyon bida si Marshey. Ang lalaking nakakaintindi kay Mitch sa panahong wala ng lunas ang sakit sa puso. Willing siyang makinig, magpayo, crying shoulder, maging payaso, superhero, aso, atm, robot, shock absorber higit sa lahat maging "someday-madedevelop-tayo". Bestfriend ang role ni Marshey. Magpapayo na parang values education teacher pero sa bandang huli ng statement ay susundot ng "marami pang magmamahal sa'yo malay mo nasa paligid lang" na linya. "Pero sa huli ikaw pa din ang madedesisyon ng kapalaran mo," bawi naman niya.


Lalo pang gumugulo ang lahat sa tuwing topic ng kwentuhan ang pribado sanang buhay ni Mitch. Para bang naruto na palaging replay pero hit pa din pag-usapan.

"Hindi masamang sumunod sa magulang," sabi ni hepe. "Pero walang sisihan kung makita mong masaya siya kasama si Jing-Jing."

"Dapat kasi ibinigay mo na noon para hindi na humanap ng iba."

"Sa ngayon naiiwasan mo si Rommel pero kapag nagkita kayo at nacorner ka na, makatanggi ka pa kaya? Hihintayin mo ba bang makain iyan ng lupa?"

"Hayop naman kasi ang boyfriend mo e. Lumandi na lang din nag-iwan pa ang bakas."

"Sa ngayong nakukuha mo pang tumawa basta kung anong desisyon mo sana iyong hindi mo pagsisihan."

"Maiintindihan din ng nanay mo ang lahat kapag nakakita na ng apo. Tsaka hindi na dapat nakikialam ang nanay mo sa lovelife mo dahil hindi ka naman nakikiaalam sa lovelife nila."

"Tumawag ka kaya kay Papa Jack."

"I-blog ko yan!"


Pabalik-balik ang mga alaala. Mga magkokontrang reaksyon ng kaibigan, kontrabida at extra. Hindi alam ni Mitch ang tama o mali. Sa huli siya pa din ang gagawa ng sariling script. Bitbit ang isang bag ng mga gamit, mas pinili na lamang niyang magrelax habang nasa byahe. Inalis niya ang mga gumugulo sa isip, tahimik na pumikit at sumandal sa balikat ni Rommel.



-end