Skinpress Rss

Chicken Adobo - A Love Story 3


image credit to komwari
-a must a read!!! - CNN
-ang di magbasa kulang sa vitamins - kuya kim
-pagpasensyahan nyo na ang spelling at typos - principal
-ipamalita mo sa 10 tao at may swerteng darating sayo sa akinse at katapusan - unknown


"Bakit laging ako?" naiiritang wika ni Kathy habang pakaikot-ikot sa upuan. Gusto ko sanang tumutol para sabihing hindi lang siya ang biktima.

"Ako nga kasama din diyan hindi ako nagrereact na parang may nawala. At sino ba namang may gustong ang makasama ang isang warfreak?"

"Sinong warfreak?"

"Ako. Ako warfreak. Hindi naman pwedeng siya," pilosopong sagot ko habang itinuturo ang katabi ko.

"Wala ka na bang magawa kaya idadamay mo ako sa boring na buhay mo?!"

"Ayaw mo nun sumisikat ka dahil sa akin?"

"Ayaw na ayaw ko ng mauulit ito, please lang."

Tumingin ako sa kaliwa at sa kanan. Sinubukan ko din tumingin sa ilalim baka may naiwang traces ang salarin. May bagay sa likod ng isip ko na nagtulak para alamin ang tao sa likod ng caricature. Dumaloy sa dugo ko ang napanood kong pelikula ni Sherlock Holmes. Hindi ako makikipagbagaan ng galit kay Kathy Belarmino mas pipiliin kong mag-imbestiga. Hahayaan ko siyang magtatalak hanggang maubusan ng hininga.


Mahina at halos pabulong lamang ang side comment ni Kathy kahapon kaya nasa radius lamang namin ang pwedeng gumawa ng caricature na magkayakap. Kung may paghihinalaan ako una sa listahan ang katabi ni Kathy na si Recci. Minsan din siyang naging member ng editorial cartooning kaya posibleng sa lapis din siya nag-umpisa. Hindi naman siguro siya mahirap maging kaibigan. Ilang red horse kaya ang kailangan ko bago siya mapatumba at mapaamin? Sunod kong pinaghihinalaan si Enrico. Siya ang nasa unahan ko at walang ginawa kundi tumawa sa tuwing nadidinig niya ang asaran namin. Gusto ko na ngang sakalin. Siguro natuwa kaya gusto pahabain ang ikwentro. Nasa dugo niya ang pagiging visual artist kaya kailangan ko ng matinding surveillance. Ang huli ay si Erika dahil maaga siyang pumasok.


"Posible kayang maging maamo ang kanyang mukha?" tanong ko sa sarili. "Siguro naman may pag-asa pa." Hindi ako pamilyar sa mukha ni Kathy Belarmino kaya hanga ako sa gumawa ng caricature dahil narecognize niya agad physical qualities namin.

Sinundan ko ng tingin ang bawat lakad ni Ms. Reynaldo sa unahan para hindi mahalatang sinusulyapan ko si Kathy Belarmino. Hindi naman siguro masama kung makipagtunggali ako sa gumagawa ng caricature. Matagal na din akong hindi nakapagdrawing, ang huli pa yata ay sa upuan ng JAC Liner bus.

Nasa chin ang isang kamay ni Kathy habang ang isa ay may hawak na lapis. Ganun pala ang itsura n'ya kapag tahimik hindi katulad kanina na parang galing sa planet of the apes. Sinimulan kong gumawa ng doodle para maging pattern ng kanyang itsura. Dahil nakikinig din ako sa mga sinasabi ni Ms. Reynaldo hindi ko masyadong napagtuunan ng pansin ang kanyang petite na pangangatawan, manipis na kilay na tila magkakasalubong lamang na langgam, kulot na dulo ng buhok, maputing batok, mga kukong may hugis puso, Dolce and Gabbana na scent at brasong may Herbs and Beauty Lotion. May kalalalim kasi ang discussion ni Ms. Reynaldo sa painting ng four horsemen ni Darius I kaya nawalan ako ng oras para obserbahan siya.


Mission 101: Kaibiganin si Recci at lasingin para umamin.

"Matindi ang tama mo! Inlove ka!" wika ni Recci habang tinatapik ang aking balikat. Kung nakatagal-tagal pa ay tatamaan na din siya sa akin. "Bagay kayo ni Kathy!"

"Malabo 'yan! Ang tipo niya ang hindi ko magugustuhan!" Tinapik ko din siya sa balikat para makaganti naman. "Kung may sequel ang godzilla pwede siyang bida."

"Denial 'dre? Hindi makakalampas sa akin ang mga kilig moments na iyan! Ganyan din ang sinabi sa napanood kong Crazy Thing Called Love! Ilang araw mula ngayon makikipagbuno ka na sa pana ni kupido. Ewan ko lang kung makailag ka."

Sabi ni Newton, an object will remain at rest unless acted upon by a moving force. Ano kayang klaseng force ang dapat kong ibigay sa kausap ko para mag-remain at rest habang buhay?

"Itigil mo na ang panonood ng TV, masama sa'yo." Kumuha ako ng isa pang bote ng Red Horse sa chiller habang inuumpisahan ni Recci na lagyan ng ketchup ang paborito kong hotdog sa 7-eleven. Kita ko kung paano sumablay sa paglalagay ng mayonaise ang aking unang suspect. Lasing na. Sana. "Okay ang sketches mo dito ah? wika ko habang binubuklat ang lumang album sa ilalim ng mesa. Inabutan ko pa siya ng isang bote para tuluyang mawala sa sarili.

"Wala 'yan. Luma na iyan!"

"Family mo? Galing ah. Hawig don sa caricature sa Art Class ang istilo."

"Aling iyong magkayakap kayo ng syota mo? Ganda ba? Pilit mo talagang binalik sa chicks ang usapan."

"Oo. Ano kayang medium ginamit don?"

"Charcoal lang iyon 'dre tapos oil para buhay ang dating." Medyo nabubuhayan ako ng loob. Mukhang makikilala ko na ng salarin. Motibo na lang ang gusto kong malaman.

"Bilib din naman ako at mabilis mong natapos ang drawing."

"Alin ba pinag-uusapan natin? Iyan ba o ang sa Art Class."

"Sa Art Class."

"Gulo mo naman kausap. Huwag mo nga akong lokohin, gusto mo lang purihin kita sa drawing mo! Nagpapaimpress ka lang kay Kathy! Type ka nun! Saten lang 'to ha, kita ko si Kathy gumagawa ng sketch mo napatigil lang kasi akala nakatingin ka sa kanya kanina. Sinundan mo lang pala ng tingin si Ms. Reynaldo. Muntik pa nga siya mapatili."

"Ano?"

"Bingi? CR lang ako dre." Tumayo si Recci dahil may tama na medyo nawalan siya ng balanse. Aksidenteng natabig ang bag ko at sumambulat ang laman.

Pinulot niya ang sketch pad ko at nakita ang doodle ko kanina. "Positive. Inlove ka na dre."

itutuloy...

Previous Chapters1| 2