image credit to komwari
-a must a read!!! - CNN
-ang di magbasa kulang sa vitamins - kuya kim
-pagpasensyahan nyo na ang spelling at typos - principal
-ipamalita mo sa 10 tao at may swerteng darating sayo sa akinse at katapusan - unknown
Ang opinyon mula sa isang bruskong lalaki ang kailangan ni Andrea para sakto sa taste ng Dad niya ang mabibili naming regalo. Hindi naman nagkamali si Andrea ng nilapitan. Timing 'ika nga. Sa mga gantinong sitwasyon hindi na kwestyunable ang karasras ng mapipili ko. Ako pa?! Matikas to its!
Lalaking lalaki ang lakad ko kahit parang magkakakalyo ang paa ko. Ayaw ko naman masira agad ang impression sa akin ni Andrea ngayon pang babae ang nagyayang lumabas. Bibihirang mangyari sa buhay ko ang mga ganitong pagkakataon kaya hindi dapat pinalalampas. Para kung madedo man ako bukas eh babae ang huli kong nakasama.
Pero iyong inaasam kong maging superhero hindi natupad. Kung alam ko lamang na pupuluputan lang ako ng tela sa leeg malamang humila na ako ng sales clerk at paiikutan kong dalawampung kurbata. Pero okay na din e. Very awkward ng pakiramdam sa tuwing hahawakan niya ang kurbata mula leeg hanggang dulo tapos bigla niyang i-press ang dibdib ko para malaman kung fit.
"Ano ba?"
"What?" nakangiting balik ko ng tanong.
"Bakit ba titig na titig ka d'yan?"
"Hindi ah! Tinitingnan ko lang ang ginagawa mo."
"Tumingala ka nga!" Medyo maliit si Andrea kesa sa akin kaya once na tumungo ako, mahahalikan ko ang noo niya na natutukso naman akong gawin. What if gawin ko? No. Pero gusto kong i-try.
I grabbed her shoulders and paused. Tinaasan niya ako ng kilay saka ngumiti. Non-stop ang buntong hininga namin. Malapit na ang closing kaya konti na lamang ang tao sa loob ng mall kaya wala makakapansin sa mala-pelikulang eksena. Isang buntong hininga pa.
"Kain tayo gutom na 'ko." Bigla akong kinabahan dude! Wala ng sisihan. May moment talagang hihinto ng tibok ng puso mo at may magdidiktang huwag munang ituloy. Hindi ko alam kung okay kay Andrea ang ganung sitwasyon. I hate rejection pa naman lalo na isang bebot na pwede ko pang makasama ng matagalan. Iyong bilugan niyang mata bigla na lamang naging singkit. Hindi ko alam kung dismayado ba o nawala ang takot. Kung nabitin ka, pareho lamang tayo. Kwits!
-------
May mga kwento daw sa likod ng mga bagay sa loob ng wallet natin. Kadalasan mga memorable na bagay o bagay na dapat hindi malaman ng iba. Bagay na masarap balikan o alaalang hindi kayang kalimutan. Mababago ang wallet pero hindi mawawala ang lumang laman. Kailan mo huling tiningnan ang wallet mo na napangiti ka dahil sa bagay na pinakatatago mo?
Ang wallet ni Andrea parang journal na. History na yata ng pamilya kung idedetalye ang lahat ng bagay na memorable sa loob ng wallet. Pwede guessing game ng kapamilya o kaya naman ay paunahan makabuo ng family tree. Ang malutong pang 5-peso bill ang huling pera na ibinigay ng lola n'ya bago inabandona ang katawang lupa. Ang rose petal daw ay symbolic dahil umulan daw ng rose petal noong nagdadasal siya para sa kagalingan ng nanay niya. Kung alam ko lamang na may ganitong drama inilagay ko sana kahit piraso ng paboritong shorts ko na walang habas na kinagat ng asong walang balahibo. And hindi ko akalain ang iyong babaeng may nagsusumigaw na dibdib sa bar ay ganito kalalim.
"Pasensya na ha kung napakwento ako. Napansin ko kasi kanina iyong lumang 5-peso coin sa wallet mo."
"Ah ito ba?"
"Oo. Siguro may kwento dyan?"
"Oo meron nga," natatawang wika ko.
"Kwento mo naman huwag kang madaya. Share!"
"Sure. Nagmamadali kasi ako nun. Hindi umadar ang kotse. So nagbyahe na lang ako. Sukli ito ng driver kanina. Naloko nga ako. Inihiwalay ko na lang para hindi mapahalo sa iba."
Bigla na lamang sumipol si Andrea. Hindi ko alam tumatawa na pala siya. Gandang babae pangit tumawa. Hindi ako marunong mag-crack ng joke, madalas naasar na ang kausap ko kasi hindi nila alam ng comedy pala ang kwento ko. Pero si Andrea, kakaiba. Ni hindi nga ako nag-jojoke bigla na lamang tatawa na parang lalaki.
Nabasag ang moment noong umeksena ang waiter na hindi naman lalamang sa kagwapuhan ni Recci. Ipinatong niya ang mga inorder namin kanina na hindi ko alam ang itsura basta nagandahan lamang ako sa pangalan ng pagkain. Buti na laman may coke float naglevel sa aking understanding.
Iniangat ni Andrea ang paper bag na naglalamang ng kurbata. Biglang bumalik sa kokote ko ang nangyari kanina. Paniguradong pati ipis ay nadismaya sa moment na sinayang ko kanina. Sana wag na siyang mag-usisa dahil wala akong isasagot. Inilagay niya ang paper bag sa upuan malapit sa akin tila trip talagang ipaalala ang lahat. Kung buhay pa si Judas malamang sa parehong sanga lamang kami nakabitin. Napaharap na lamang ako sa salamin at nagkunyaring walang alam sa nangyayari habang inuumpisahan ang fries na alam ko namang hindi ko inorder.
"Bakit mo ginawa iyon?"
Kahihiling ko lamang na huwag na sanang mag-usisa, mukhang mahina ang kapit ko sa itaas nitong mga nakaraang araw. Oh talagang tinuturaan ako ng leksyon dahil puro kapalpakan ang ginawa ko? Gusto kong mag-evaporate.
"Nagutom lang," palusot ko. Parang trip ko magwalk-out at magkunwaring nabaliw sa bahaw na rugby ng mga street children sa Baclaran. Ayoko ng naiipit. Hindi ako aamin na gusto ko siyang halikan.
"Weird. Akala ko ako lang."
Bigla akong natigilan. Weird? Anong weird sa nagutom? Teka, ano bang pinag-uusapan namin? "Bakit naman weird?"
"Kasi pareho tayo. Gusto ko din kasing isinasawsaw sa float ang fries! Weird ko nga daw e!"
Kinabahan naman ako. Bumalik sa normal ang aking agaw-buhay na blood pressure. "Ah napansin mo din pala. Masarap kasi e. Hindi ko nga napigilan kahit order mo tong fries! Sarap!"
"Sige okay lang. Madami naman. Order pa ako ng isa."
Kung hindi pa sinabi ni Andrea hindi ko malalaman na sinasawsaw ko sa float ang fries. Siguro sa sobrang kaba. Tuwang tuwa si Andrea habang pinapanood akong kumain ng fries na sa totoo lang ay hindi ko nagugustuhan ang lasa! :(
Sa buong isang oras si Andrea ang bida sa kwentuhan. Ako ay taga-appreciate lamang ng magandang nilikha ng Diyos. Malayong malayo siya kay Kathy na ipinaglihi sa mangkukulam. Pasalamat na lamang akong hindi nasira ang sikmura ko. Mahirap ding magpanggap na busog lalo na kung kulang naman ang kinain. Ano naman kayang eksena ang mangyayari sa uwian. Siguro naman hindi na ako sasablay sa puntong ito. Madaming na din kaming napagkwentuhan kaya alam kong medyo iba na ang simoy ng hangin sa aming dalawa.
Planado na sa isip ko nga mga bagay na pwedeng mangyari mamaya. Timing at pagkakataon na lamang ang kulang. Kung magpapahatid siya pwedeng bago pumasok ng pintuan o bago ako umalis, sisimple ako kahit beso. Walang malisya pero may slight na pagnanasa. Binubuo ko na lahat ng posibleng mangyari habang hinihintay kong lumabas ng comfort room si Andrea.
"Excuse me. Excuse me!" mabilis na wika ng babae para mawala ako sa kanyang dadaanan. "Ikaw lang pala yan!"
"Kathy?!"
"Mamaya na tayo mag-usap! Ihing-ihi na ko!"
Kapag minamalas ka nga naman oh!
-itutuloy...
Previous Chapter