Skinpress Rss

And We meet Again


(image credit to original uploader)
Soulmate ang tawag ko sa dalawang taong bigla na lamang nagkagaanan ng loob kahit sa una pa lamang pagkikita. Soulmates are destined to meet. Pero it doesn't mean na they are meant to be. Siguro walang maniniwala sa akin. Kasya siguro sa kahon ng posporo ang chance na may sumang-ayon sa paniniwala ko lalo pa ngayon na uso na ang chatmate na minsan ay sa unang pagkikita pa lamang ay kasalan na agad.

"Oh, Tom! Akalain mong magkikita tayo dito!" Medyo napakunot ang noo ko sa babaeng bigla na lamang sumigaw sa harap ko. "It's me Jenny!"


"Jenny oh? Hindi kita nakilala. Hindi ko alam na pumupunta ka pa dito."

Si Jenny ang unang girlfriend ko. Mataba siya noon kaya hindi ko nakilala ngayon. Siya ang pinakamaingay sa klase nila kaya madali tandaan sa lahat ng sophomore student. Wala siyang ginawa kundi alaskahin ang mga student teacher o mga fourth year high school student na substitute noong nangananak ang kanilang adviser. Naisipan kong ipahiya siya kaya ibalik ko sa kanya ang pang-aalkansya.

"Siguro nagpapansin ka kaya ang ingay mo," puna ko. "May crush ka siguro sa akin." Kinapalan ko ang mukha ko para makapagbitaw noon para lamang tumahimik.

"Bakit ka namumula? Siguro ikaw ang may crush sa akin!" ganti naman niya. "Baka mamaya marealized mo ako ang sagot sa mga dasal mo."

"Hindi pa ako nagdadasal kaya malabong mangyari iyon. Baka laman lang ako ng pantasya mo." Hindi ko inakalang sasakay siya sa pang-aalaska ko kaya bawat salita ko may sagot agad siya.

"Maganda na sana ang idea mo e kaso kapag magpapantansya na ako, nalilimutan kong isali ka."

Sa bawat arawa ganoon ang aming usapan. Nang matapos ang pagsubstitute hindi namin akalain ang mamimiss namin ang isa't isa. Hindi namin mapigilang magkangitian sa tuwing magkakasalubong sa daan.

"Kamusta ingay?" tanong ko noong minsang makita ko siya sa canteen. Hindi siya kumibo at patuloy lamang sa pag-inom ang iced tea. "Kamusta sabi ko!"

"Ah, ako pala kausap mo. Wala naman kasing maingay dito."

"Namiss ko ang mga kakulitan mo na iyan!"

"Namiss din kita. Wala kasi akong laruan. Siguro soulmate tayo, ikaw ang alaga kong tuta dati." It was magical. We both believe in soulmates. Sa mga simpleng pasaringan, hindi namin inaakala na may mabubuong samahan. Then later on, naging kami.

Noong naggraduate ako from high school ipinangako ko sa kanyang dadalaw ako sa school para bisitahin siya. Hindi pa uso noon ang cellphone kaya madalas sablay ang araw at oras ng aking pagpunta. Hanggang sa unti-unti nawala ang magic. Ang huli kong balita umalis na si Jenny after ng graduation nila.


"Buti nakilala mo ako," wika ko kay Jenny habang naglalakad sa lobby ng school.

"Sino ba namang makakalimot sa boring mong facial expression."

Napangiti ako. "Hindi ka talaga nagbago. Hindi ko akalain magkikita pa ulit tayo."

"Soulmates are destined to meet di ba?"

Tumango ako. "Bakit ka naparito? Ang huli kong balita nasa Pampanga ka."

"Kababalik lang namin. Transferee ang anak ko dito sa school. Kaloka nga kababago-bago pa lamang pinapatawag na agad ako ng principal."

Napahalakhak ako. "Akalain mong same pa ng reason kaya ako napunta dito. Ipapakilala ko mamaya sayo si Louise."

"Is she pretty?"

"Of course!"

"So mana sa misis mo."

"Ang anak mo babae o lalaki?"

"Lalaki. Si Frank. Pakilala ko na din siya after baka magkakasundo sila."


Tulad dati kinakabahan ako. Minsan na kaming naging laman ng principal's office dahil sa Public Display of Affection. Pagpasok namin ng office nandoon ang anak ko at anak ni Jenny.

"Good Morning parents," bati ng principal. "Pinatawag namin kayo para i-raise ang isang concern regarding sa inyong mga anak. Mahigpit na ipinagbabawal sa loob ng campus ang PDA o Public Display of Affection..."

Nagkatinginan kami ni Jenny at pasekretong ngumiti.

-end-