Mahigpit ang hawak sa aking braso ni Angelo bago ko siya iwanan sa may pintuan ng silid-aralan. Abot-langit ang kanyang pakiusap na huwag na siyang papasukin sa eskwelahan dahil sa labis na kahihiyan. Laman siya ng tuksuhan dahil sa edad niyang labing-dalawa ay nasa ikaapat na baitang pa lamang siya sa elementarya. Hindi usapin ang kanyang edad kundi ang kanyang ikalawang beses na pagtapak sa parehong silid aralan. Ikalawang taon na ni Angelo sa Grade Four. Hindi na bago kung tutuusin dahil dalawang beses din sya sa Grade Three, kung hindi nga nadaan sa pakiusap ay hindi siya makakatapak sa Grade Four.
Kinausap ako ni Ginoong Berda kanina, kung tutuusin masipag at masinop na bata si Angelo, alerto at masunurin din. Tinanong niya ako kung may problema ang bata sa bahay. Wala naman akong napapansin dahil masigla naman siya sa bawat araw. Hirap daw si Angelo sa mga pagsusulit at hindi siya makasabay sa mga aralin. Mahina ang ulo ni Angelo sa mga aralin kwento ni Ginoong Berda. Biglang magulang, tuktukan ko daw ang pag-aaral ni Angelo pero paano?
Ang kanyang ina ay ilang dekada ng nakikipagdigmaan sa bundok ng labada habang ako naman nakahahawak lamang ng lapis sa tuwing may isusulat na sukat sa pader o kahoy. Ni hindi ko naranasan magkaroon ng sariling libro noon dahil may kamahalan.
"Tutulong na lamang po ako sa inyo, itay. Mas mahirap po ang mag-aral kaysa sa pagkakarpintero," pakiusap ni Angelo.
"Hindi, anak. Ginusto namin ng nanay mo na paaralin ka para naman hindi ka magaya sa amin. Mahirap ang maging mamang anak. Madami ng manloloko ngayon at ang mga kulang sa kaalaman ang kadalasang nagiging biktima. Gugustuhin mo pa ang mangyari iyon?"
Natahimik si Angelo. Binuksan niya ang hawak ng kwaderno at sinimulang magpakunot ng noo. Sinubukan ko siyang turuan pero hindi kaya utak ko ang aralin. Tama si Angelo mas mahirap pa ang pag-aaral sa pagkakarpintero. Kaya hindi ko masisisi ang aking anak kung mas piniliin niyang magbilad sa araw at magbanat ng buto kaysa umupo sa ilalim ng bentelador habang nakikinig sa maestra.
Iniisip ko kung paano ba tuturuan ang isang anak kung ang kanyang magulang ay salat din sa aral. Noong makatapak ako ng grade three ay nahinto na ako, kailangan pa kasing pumunta sa bayan ng Dolores para ituloy ang sunod na antas. Pormalidad nga lamang noong ang pag-aaral sa amin, ang mahalaga lamang ay matuto magbasa at sumulat. Luma na kung tutuusin ang ganitong sistema pero nangyayari pa din sa kasalukayan sa kabila ng kabi-kabilang pag-angat ng bayan.
Ilang gabi din akong hindi makatulog. Nababahala ako sa kawalan ng interes ni Angelo mag-aral. Kung marunong lamang siyang sumuway malamang hindi na makakaisip pumasok ng eskwela ang bata.
"Aida, samahan ko kaya si Angelo sa eskwela tutal sapat na ang kinita ko nitong bakasyon?" sangguni ko sa aking maybahay.
"Titigil ka sa pagtatrabaho?"
"Hindi naman. Tatanggap pa din naman ng gawa. Gusto ko lamang manumbalik ang sigla ni Angelo sa pag-aaral. Kung tutuusin bago ang lahat ng gamit ng bata sa eskwela pero hindi ko siya nakitang masaya."
"Paano mo maibabalik ang sigla niya sa gagawin mo? Anong plano mo, Nicanor?"
Hindi naman ako nahirapang kumbinsihin si Aida. Alam naman niyang lahat ng pasya ko ay para sa ikabubuti ng aming pamilya.
"Bakit may dala kayong upuan?" tanong ni Angelo.
"Para hindi naman ako mangawit."
"Mangawit?"
"Sasamahan kita sa eskwelahan, para wala ng tutukso sayo. Para masusubaybayan kita at maramdaman mong hindi ka nag-iisa."
"Talaga po?!"
"Oo anak."
"Paano po ang trabaho ninyo?"
"Napag-usapan na namin ito ng nanay mo. Sapat na din ang naipon ko noong nakaraang trabaho. Isa pa, may tanggap naman akong trabaho sa araw ng Sabado at Linggo."
Malayo ang tanaw ni Angelo habang kami ay naglalakad patungo sa eskwelahan. Hindi siya kasing sigla ng mga batang kasabay namin sa paglalakad. Ang mga hakbang niya ay mabigat halatang mas gustong umuwi.
"Pasok ka na anak," wika ko kay Angelo.
"Itay?"
"Hindi ako aalis anak. Dito lamang ako sa labas. Hihintayin kita."
Maya-maya pa ay nadinig ko na ang pagbati ng mga estudyante sa guro. Ibinaba ko ang hawak kong upuan, komportable kong isinandal ang aking likod sa pader ng silid at inilabas ang baon kong kwaderno mula sa loob ng aking bag. Kinuha ko ang lapis na nakasingit sa ibabaw ng aking tenga at sinimulang isulat ang sinabi ng maestra.
May panahon pa akong matuto. Hindi pa huli ang lahat. May gamot pa sa kamangmangan at iyon ay ang mag-aral. Kung kailangan kong gawin ito araw-araw gagawin ko para sa aking anak. Hindi ko man masundan lahat ng aralin, ang mahalaga sinubukan.
-wakas