Ang ilang araw na planong masayang pamamasyal namin ni Charyl ay nauwi lamang sa tampuhan. Nang dahil sa kagustuhang magkaroon din ng stuffed toy na hawak ng kaharap namin sa jeep ay nagawang ilihis ang lakad na siya mismo ang nagplano. Ang aking leave of absence para sa paglibot sa isang daang isla ng Pangasinan ay napalitan ng pakikipagsiksikan sa isang libong Greenhills.
Ramdam ko ang pamumuo at pag-agos ng pawis sa aking likod para hanapin ang stuffed toy na may ubod ng laking bibig. Para akong laruang hinihila ni Chary para halughugin ang bawat sulok ng Shopping Center. Mahirap talagang kasama ang babae sa pamimili kahit hindi kailangan ay pilit bibilhin basta natipuhan.
"Ken, bilis! Nakita ko na. Andun sa pang-apat na stall!" Hindi ko man lang siya kinakitaan ng pagod bagkus ay puno ng excitement.
"Hindi naman mauubos iyon bakit kailangan nagmamadali?"
"Hindi ka kasi babae kaya hindi mo alam ang fulfillment!"
"Ano bang meron sa malaking bibig na laruan na iyon para masabing may fulfillment?"
"Domo-kun! Its cute."
"Same reason nung last time na bumili tayo ng tuta. Nasaan na?"
"Namatay, 'di ba? Its tragic kaya huwag mo ng ipaalala."
"Negligence 'yon. Paano mapupunta sa drum ng tubig ang isang maliit na tuta."
"Kasalanan mo naman kaya nagkaganoon. Pinatong ko siya zinc para paliguan tapos bigla ka tumawag para utusan ako then pagbalik ko nahulog na pala sa drum. Its your fault naman."
"Ako na naman? Bilhin mo para makaalis na tayo at umabot sa byahe bus."
"Hindi pala siya soft. Ayoko ko na."
"Ayaw mo na?"
"Hindi ko na gusto. Uwi na tayo pagod na ko."
Naloko na. Singit na lamang ang walang pawis sa akin tapos biglang uurong. Kanina bago umalis pinaghanap pa ako ng pink na unan para hindi mangalay sa byahe pero noong makitang mahirap bitbitin iniwan. Noong isang araw nagpabili ng siopao dahil gutom tapos biglang naawa sa pulubi kaya ibigay na lamang.
Hindi ko alam kung sinong nagpauso na dapat pagbigyan babae sa pabago bago nilang isip. Parang naging panangga na nila na babae sila kaya entitled magbago ang isip.
"Chary nagleave pa ako para dito tapos wala tayong magwowork sa plans natin?"
"Hindi ka ba masaya kasama ako?"
Iyan, kapag nagsalita ng ganyan ang babae biglang bababa ang boses. "Masaya. Kaya lang..."
"Masaya pala e. Lets go uwi na tayo."
"Ang tagal natin nagplano tapos ganito?"
"Don't agrue with me na parang wala lang ako sa'yo." Patay na. Kapag ganito na ang dialog wasak na ang pagkatao ko. Naglakad siya palayo na akala mo ay alam ang daan pauwi.
"Chary!" Tuloy lang sya sa paglalakad. "Ano ba?" Bago ko pa siya mahabol ay nakasakay na ng taxi.
Hindi lamang ilang beses nangyari ang ganitong sitwasyon. At may pagkakataong hindi ako kinakausap ng ilang araw. Kahit anong mangyari ako palagi ang may mali. Ako ang dapat umunawa dahil babae siya. Ang ang dapat humingi ng sorry. And that attitude kills me but her smile is my world. Now tell me, paano ako magreresist?
We are not perfect couple. We argue a lot. We often lose our temper. We don't have the same interest. We are worst in bed (she snors after). We are not even compatible.
But we are supplemetary. We love our weaknesses. Kapag galit s'ya, mahinahon ako. Kapag galit ako nagpapacute siya. Kapag nagpapacute ako, nagwawalk out siya at sinasabihan ng corny. Our weird sides and dirty secrets make us stronger. Kaya kahit gasgas na ang sorry kailangan kong gawin. She's my Kryptonite.
"Chary! Pwede bang mag-usap muna tayo? Sorry." Buti na lamang inabot ng red light ang sinakyan niya kaya hindi agad nakalayo.
"Nag-uusap na tayo."
"Pwedeng huwag dito."
"San mo gusto sa ibabaw ng billboard ni Mario Maurer?"
"Bumaba ka muna d'yan. Mausok e. Baka hikain ako."
"Wala ka namang hika."
"Sorry. Bumaba ka muna please. Ano bang pwede kong gawin para magkaayos na tayo."
"Ibili mo muna ako ng taho."
"Taho? Tanghali na e."
"Ayaw mo? Huwag mo akong kausapin."
"Pwedeng assignment na lang? Ihahanap kita mamaya."
"Fine! Pakisamahan ng roses! Ikaw na lang ang sumakay. Uuwi na tayo samin." Matagal ako bago makapagsalita. Hinihintay kong bumagsak ang ulo niya sa aking balikat para masabi kong okay na kami.
"Parang ang moody mo lately."
"No. Hindi mo lang ako naiintindhan. Dapat ginagalang mo ako hindi nilelecture kung saan saan. Babae ako kaya dapat sensitive." Hindi ko naman sinasagasaan ang pagiging babae niya. Ipinapaliwanag ko lamang naman ang nasayang na oras at leave ko.
"Sorry. It won't happen again."
"Puro sorry.."
"Init ng ulo mo. May regla ka ba?"
"Bastos! Wala nga!"
"Malapit na tayo sa inyo ayusin mo na mukha mo." Bigla akong napaisip. Mainit ang ulo dahil walang regla. "Delay?..."
Tumango siya. "1 month na."
"Teka daan muna tayo sa amin."
"Bakit?"
"Isasama ko na sina erpat."
-wakas-