Malakas na hangin na muntik tumangay sa bintanang yari sa kahoy ang gumising sa akin. Walang
bakas ng bagyo o buhawi mula sa labas. Nakapagtatakang may bigla na lamang bumayo sa bintana.
Bumangon ako at sumilip sa bintana sa pagbabakasakaling may mga taong gumagawa ng kalokohan sa labas. Nilingon ko ang paligid pero wala naman kahit anino. Kumuha ako ng tubo bago lumabas ng bahay. May napapabalitang may mga taong umaaligid sa aming barangay nitong mga nakaraan araw. Sa bulung-bulungan kakaiba daw ang ikinikilos ng grupo ng mga lalaki.
bakas ng bagyo o buhawi mula sa labas. Nakapagtatakang may bigla na lamang bumayo sa bintana.
Bumangon ako at sumilip sa bintana sa pagbabakasakaling may mga taong gumagawa ng kalokohan sa labas. Nilingon ko ang paligid pero wala naman kahit anino. Kumuha ako ng tubo bago lumabas ng bahay. May napapabalitang may mga taong umaaligid sa aming barangay nitong mga nakaraan araw. Sa bulung-bulungan kakaiba daw ang ikinikilos ng grupo ng mga lalaki.
Blangko ang aking mukha na bumalik ng bahay matapos mag-ikot sa paligid. Sa pagkakatanda ko, isinara ko ang pintuan bago lumabas ng bahay pero ngayon malayang pinaglalaruan ng hangin ang pinto. Humigpit ang hawak ko sa tubo. Naiwan ko pa naman sa loob ang kapatid ko.
"Buto ng melon?" Higit sa isang linggo na akong nakakakita ng mga buto ng melon sa may pintuan. Nagsimula ito sa paisa-isa hanggang sa umabot na ngayon sa pito. Nakapagtatakang may bigla na lamang sumulpot na mga buto sa kalagitnaan ng pag-aagaw ng gabi at umaga. Malayo naman ang taniman para makarating agad dito ang buto. Imposibleng may gising pang bata na maglalaro. Bumalik ako sa pagkakatulog nang masiguradong walang nakaambang kapahamakan.
May mabuong mantsa sa tiles na hindi kanyang alisin ng zonrox o tuff tbc. Hindi naman lilikha ng mantsa ang basahang madalas nakapatong dito. Kagabi naman ay wala pa ang mga ito. Maraming weird na bagay ang nangyayari sa may pintuan nitong mga nakaraang araw.
Bigla na lamang hinagupit muli ng malakas na hangin ang bintana. Wala akong nakitang pinagmulan pero ramdam ko ang pagyanig ng dinig sa paghampas ng kahoy na bintana. Halos maalis sa bisagra ang mga pako. Bibisitahin ko sana ang bintana nang bigla na lamang may umagaw muli ng aking atensyon.
"Mga buto na naman ng melon?" Kakaiba na ang nangyayari. Nasa parehong pwesto ang mga buto. Ang marka na naiwan sa tiles ay ang mismong binagsakan ng mga buto ng melon. "Reden, halika! Dali!"
"Bakit kuya?"
"Madalas ka bang makakita ng buto ng melon dito? Nagmantsa na oh? Hindi maalis kahit kuskusin."
"Hindi naman!" Pinulot ni Reden ang mga buto at sinubukan burahin ang mantsa gamit ang mga daliri. Inihagis niya sa damuhan ang mga buto. "Naaalis naman kuya e! Niloloko mo naman ako e."
Napanganga ako. "Kanina ko pa binubura iyan e! Paano nangyari iyon?"
"Gusto mo lamang akong maglinis ng tiles! Ikaw ang nakaassign ngayon! Hindi mo ako maiisahan."
Maging sa city hall ay inaatake pa din ako ng misteryo ng mga buto ng melon. Masisiraan pa yata ako ng ulo nang dahil sa mga buto. Kanina pa lipad ang isip ko baka masermunan pa ako ni bossing kapag wala ako sa focus. Tambak na naman ang paper works ko sa city planning.
"Yosi break muna tayo tol!" si Brenan, tropa ko at kanan kamay ni hepe.
"Sunod na ko, kukuha muna ng kape!"
"Sige tol! Nga pala dumating na ang plano para sa lawa. Pag-aralan natin mamaya."
Binitbit ko bago lumabas ang mapa para pag-aralan ang plano ng gobyerno sa pitong lawa ng San Pablo. Nagsimula na ang pagpapaunlad sa Pandin Lake bilang tourist spot gaya ng Sampaloc Lake at plano pang i-develop ang natitirang limang lawa. Napakunot ang noo ko. "Parang pamilyar? Tama!"
Lumabas ako ng opisina at mabilis na umuwi. Hindi ako nagkakamali ang posisyon ng mantsang nabuo sa tiles ay hawig ng posisyon ng mga lawa. Lalo akong nahiwagahan sa mga nangyayari. Nakaramdam ako bigla ng pananakit ng aking likod at napaupo sa sahig.
"Ikaw ang itinakda!" bigla na lamang may nagsalita mula sa aking likuran.
"Ang anghel ng kidlat."
Dalawang lalaki ang bigla na lamang humawak sa magkabila kong braso at pilit akong itinayo mula sa aking pagkakaupo sa may pintuan. Hindi na ako nakagalaw sa bilis ng pangyayari. Parang tanikala ang kanilang mga kamao na pumigil sa aking pagkilos.
"Sumama ka sa amin. Walang mangyayaring masama sa'yo." Malalim ang boses ng lalaking nasa aking kanan.
"S'an nyo ko dadalhin?" tanong ko. "Anong anghel ng kidlat?"
"Malalaman mo pagdating natin doon," tugon muli ng lalaki. Isang malakas na paglundag ay nakarating na kami sa isang lugar na hindi ako pamilyar.
"Maligayang pagdating," bati ng lalaking may weird na kasuotan. "Kompleto na tayong pito."
"Anong pinagsasabi ninyo? Nasaan ba ako?"
"Narito ka sa tahanan ng mga anghel."
"Anghel? Mga baliw ba kayo?"
"Baliw na kung baliw pero ito ang tadhana mo. Hindi ka namin pinipilit maniwala pero sa palagay mo bakit sa isang iglap nandito ka na?"
Wala akong naging tugon. Naguguluhan ako. Nasa loob ba ako ng isang panaginip. Tumayo ang lalaki kasunod ang pagbuka ng kanyang pakpak. "Ikaw ang magbubukas ng ikapitong pinto ng langit. Kailangan mong sindihan ang sulo. Huwag kang matakot, malinis ang hangarin namin at iisa ang ating layunin. Ang kaligtasan ng lahat."
"Kalokohan! Kung malinis ang intensyon ninyo, hindi na ako dapat kaladkarin papunta dito!" sigaw ko.
"Hindi ka namin kinaladkad. Pansinin mong nakalutang ang iyong mga paa. Inalalayan ka namin lumipad dahil hindi mo pa kaya." Hinawakan ko ang aking likod at nakapa ko kakaibang bagay na tila nga mga pakpak.
"Bakit ako? Normal na buhay lamang ang gusto ko. Hindi ba pwedeng kayo na lamang ang gumawa ng gusto ninyo?"
"Hindi. Dahil ikaw ang may tanging kakayahang magsindi ng sulo. Ang pitong butil, ang pitong lawa at pitong pintuan, lahat may kaugnayan sa pitong arkanghel. Ikaw ang mortal na kakatawan sa pwesto ni Archangel Barachiel, ang angel ng kidlat. Magsisindi ka ng sulo para buksan ang ikapitong pinto ng langit gamit ang kidlat sa mga kamay mo. Matagal ka naming hinintay. Kailangan mo ng tupadin ang iyong tungkulin. Ako bilang kinatawan ni Archangel Gabriel, tungkulin kong tipunin kayong lahat at ipaunawa ang halaga ng misyon."
"Hindi ko nga kilala ang mga Archangel! Pagtupad pa kaya ng tungkulin?"
"Gabriel, Michael, Raphael, Uriel, Seatiel, Jegudiel, at Barachiel. Lahat tayo may kanya kanyang tungkulin."
Sa isang kumpas niya ay bigla na lamang akong tinangay muli sa ibang lugar na hindi ako pamilyar at hindi ko kayang ipaliwanag. "Ang mundo ay malapit na sa pagkagunaw. Ang patuloy na pagbaluktot ng orbit ng Jupiter ay nangangahulugan ng pagbangga nito sa ibang planeta. Walang buhay na maliligtas. Ang tanging magagawa natin ay buksan ang pinto ng langit upang mailigtas ang mundo sa pagwasak. Bilang kinatawan ng angel ng kidlat, ikaw ang susi sa huling pintuan. Wala kang dapat katakutan dahil maganda ang ating hangarin."
"Naguguluhan ako."
"Ibabalik kita sa lupa. Bibigyan kita ng pagkakataon mag-isip. Pero tandaan mo habang tumatagal ay lumalapit ang pagkawasak. Malalaman mo ito base sa dikta ng kalikasan."
Sa isang iglap ay nasa harap na muli ako ng pintuan. Tila walang nangyari. Wala na din ang pakpak sa aking likod at nakalapat na ang aking mga paa sa sahig pero sariwa pa sa akin ang lahat. Alam kong hindi iyon likha ng panaginip o likot ng isip.
Paliwanag ng kinatawan ni Archangel Gabriel, ang pitong lawa sa San Pablo ang lugar kung saan bumaba ang mga Archangel para iligtas ang sangkatauhan. Lugar kung saan nagwagi ang mabuti laban sa masama. Ang buto, ang mantsa at ang mapa ay bahagi misteryo upang alamin kung ako ang itinakda. Ang mga lawa ng Sampaloc, Bunot, Calibato, Yambo, Pandin, Palakpakin at Mojicap ay katumbas ng pitong pinto ng langit na binabantayan ng pitong Archangel.
Fish kill ang salubong sa akin ng balita sa tv. Kasunod ang lindol sa ibang panig ng mundo. Ibinalita na din ang paglapit ng Jupiter sa ibang planeta. Gagawin ko ba? Hindi. Natatakot ako. Ordinaryong tao lamang ako. Kahit noong bata ako hindi ko pinangarap maging superhero. Sa bawat maraming kakaibang nangyayari. Lindol. Pag-ulan ng maitim na bagay, forest fire. Namayani ang takot.
Humanay na muli ang mga buto ng melon sa pintuan. Alam kong may kakaiba na namang mangyayari. Ramdam ko ang paggalaw ng aking mga buto sa likuran. Makirot. Masakit. Umaangat ang aking mga paa. Sa mga araw na lumipas natutunan ko ang tamang paglipad at pagkontrol ng kildlat sa aking mga palad.
"Handa na ako," wika ko. May liwanag na nabuo sa aking mga palad at lumikha ng malaking boltahe ng kuryente. Sa gabay ng iba, ikinumpas ko ang aking kamay at matagumpay na nasindihan ang sulo. Dahan dahang bumukas ang pinto at lumikha ito ng kakaibang ingay. Mabilis na pumasok ang mga kasamahan ko kasunod ang malakas na halakhakan. Isang malakas na hambalos ang salubong nila sa nagtakangkang humarang.
"Hangal!" sigaw pa ng isa bago tuluyang isara ang pinto.
Hindi ko alam ang gagawin. Sinubukan kong buksan ang ibang pinto para alamin kung ano ang nangyayari. Nakahandusay ang mga anghel ganun din sa ibang pintuan. "Anong nagawa ko?!" tanong ko sa isang gumagalaw pa.
"Nalinlang ka tulad ng mga naunang itinakda. Sila ang mga nilalang na minsang natalo sa pitong lawa. Narito sila para maghiganti."
"Nasaan na ang mga Archangel? Sila ang malalakas di ba?" Umiling lamang ito.
"Nasa huling pintuan ang natitirang Archangel."
Mula sa itaas, tanaw ko ang pagtaas ng tubig sa pitong lawa at putok ng mga natutulog na bulkan.
"Nalalapit na ang pagkawasak ng mundo," wika ng anghel.
"Anong nagawa ko?!"
Nakatingin sa akin ang mga kaluluwang nagdadatingan. Dama ko ang paninisi sa mali kong ginawa.
"Patayin mo ang sulo. Bumalik ka sa lupa, hanapin mo at protektahan ang taong magsasara muli ng ibang mga pintuan."
Palabas na ako ng pintuan nang bigla akong nilamon ng nakasisilaw na liwanag.
-wakas-
Writing Challenge :
You wake up every morning to find melon seeds on your doorstep. Sometimes there would be five of them. Sometimes 3, or 10, or 16. The number of seeds left are seemingly random. Until, it suddenly occurred to you that the numbers aren't random at all. You found out that they form a code, and that there's a hidden message behind it. Who could be sending them? Why the secrecy? And what was the hidden message all about?
image credit to orig uploader.