image credit to komwari
-a must a read!!! - CNN
-ang di magbasa kulang sa vitamins - kuya kim
-pagpasensyahan nyo na ang spelling at typos - principal
-ipamalita mo sa 10 tao at may swerteng darating sayo sa akinse at katapusan - unknown
Hindi na kailangan pang buhusan ako ng malamig na tubig para magising sa katotohanan. Maliwanag pa ang dalang ilaw ng alitaptap na hindi ako kasali sa priority niya. Tama nga sigurong hindi dapat magkagusto sa taong naging close sa'yo. Sapat na ang haba ng Lupang Hinirang para marealized ko na hindi ako kabilang sa mga martir. Wala akong dapat asahan kay Kathy. Hindi ko dapat binigyan ng kahulugan ang pakikisama niya sa akin. Mali ang magkagusto na lamang bigla sa taong nagpapakita ng mabuti.
Matamis na ngiti ang salubong sa akin ni Andrea kasunod ang baso ng alak. Lutang ang ganda niya sa suot niyang tube at skinny jeans. Ang titig niya ay mapanukso na tila isang patibong para ubusin ang laman ng wallet ko. Nakuha niya ang atensyon ko palayo kay Kathy. Siguro nahalata niyang nadismaya ako sa nakita ko.
"Akala ko hindi ka na darating e," panimula ni Andrea. "Bakit hindi ka sumama sa kanila?"
"Mukhang hindi naman ako invited e."
"Kapag nasa bar ka hindi na kailangan imbitahin. You have to greet your friends or make friends sa kasama niya."
"Ganun ba dapat? Hindi kasi ako sanay e."
"You're afraid of rejection in short. Give it a try."
"Mamaya na. Hindi naman siguro masama kung kakausapin mo ako, 'di ba?"
"No problem, ikaw pa?!" Nilagyan ni Andrea ng yelo ang baso. Alam ko na ang ibig sabihin. May bayad ang itatagal ko sa harap niya.
"Mukhang iba yata ang looks mo ngayon?" Kinalog ko ang baso para sumanib ang espiritu ng alak sa yelo para hindi naman ako lugi sa presyo.
"Pansin mo ba?" Hinarap muna niya ang request ng isang guest bago muling bumalik sa akin. "Second time mo pa lamang dito 'di ba?"
"Siguro dahil mas malinaw lamang ang isip ko ngayon."
"Tama nga hinala ko, hindi ka boring tulad looks mo."
Nawala panandali ang atensyon ko kay Kathy pero sa tuwing mapapalakas ang tawa nila hindi ko mapigilan mapatingin. Gusto ko ng magwalk-out pero sa anong dahilan? Kung tutuusin mas maganda si Andrea kay Kathy, palagay ko ay mas mabait din at enjoy naman ako kausap pero may kung anong bagay na gumugulo sa isip ko para mawala ako bigla sa topic namin ni Andrea.
"Nakikinig ka pa ba?" tanong ni Andrea.
"Yes! Of course!" pagsisinungaling ko.
Anong ginagawa ng lalaking nagpaiyak kay Kathy dito? Akala ko ba hindi sila magkasundo? Si Archie parang matagal na nilang kakilala kung makipag-usap sa kanila. Parang may kakaiba. Parang may eksenang hindi ko alam kung paano nabuo.
"Sa tono ng salita mo malamang hindi. Alam ko sa akin ka nakaharap pero ang eyeballs mo nasa gilid. Hindi mo dadaya ang babae sa ganyang diskarte."
"Sorry. Na-out of focus lang."
"Siguro dapat mo na s'yang lapitan. Mahirap i-handle ang nararamdaman mo."
"How? Kahit nga ako hindi ko alam ang nararamdaman ko. I don't know kung jealousy or concern lang ako sa isang kaibigan. We are not even close friends kaya nakalilito."
"Kaya ka nalilito kasi hindi mo maamin sa sarili no na may feelings ka sa kanya."
Andrea can read my feelings? Mahirap yatang kalaban ang baristang ito. So need kong maging careful baka anytime bigla na lamang akong sampalin. Honestly, gusto ko ang dating ni Andrea. Bukod sa looks, kaya niyang sakyan ang gusto ko at may pagkakahawig ang aming mga interest.
"Pwede bang samahan mo ko mamaya? 9pm end na shift ko. May bibilhin lang ako bago umuwi. Need ko ng gift para sa Dad ko and I know na big help ka. Pwede?"
"Sure! Parang gusto ko din ng ibang ambience e." Gusto kong malaman kung ano ang itsura ni Andrea outside this bar. Tipong ibang sa "almost naked" na pananamit niya dito.
Sa labas na lamang ako naghintay para mawala ang insecurity ko sa sarili. Buti napalitan ng excitement ang gumugulo sa isip ko kanina. Ano kaya ang pakiramdam kasama ang si Andrea. Sa isang minuto kaya niyang magbato sa akin ng isang daang topic, hindi siya nauubusan ng sasabihin kaya hindi mawala ang connection namin kahit may ginagawa siya. And palagi siyang nakangiti. She's very adorable.
Wrong timing nga lang wala akong kotse. Amoy sigarilyo pa ang suot kong shirt. Sana hindi ako pumalpak this time. Hindi ko mabilang kung ilang beses akong sumilip sa pintuan para alamin kung palabas na si Andrea.
"Tara na!" Muntik na akong ma-stroke ng biglang lumitaw si Andrea sa likod ko.
"Saan ka galing?" Tama ako. Iba si Andrea sa labas ng bar. Mas appealling siya ngayon kung kelan balot na balot siya sa suot niya. May apat na patong yata ang suot niya.
"Bakit parang gulat na gulat ka? Sa likod ako dumaan bawal kami dyan sa entrance." Iniangkla niya ang kayang kamay sa aking braso. Hindi agad ako nakakilos sa bango niya. Nalampaso ang amoy ng yosi sa aking damit.
"Saan tayo?" Kapag ganito ang kasama ko parang ayaw ko ng umuwi.
-itutuloy...
Previous Chapter