Kung may buhay ang alarm clock malamang isa na akong kriminal ngayon dahil ilang ulit kong inihagis ang relo para tumigil sa pagtunog. Kinailangan kong bumangon ng mas maaga sa karaniwan kong gising upang umabot sa call time ng aming school service papuntang Cavite. Sa Cavite Center for Mental Health ang duty ko simula pa kahapon na tinatayang umaabot ng apat na oras ang byahe mula sa school. Medyo moody pa naman ang driver kaya malabo akong hintayin kapag hindi umabot sa call time.
Hindi biro ang pagiging student nurse lalo na kapag may outbreak ng mga nakakahawang sakit na wala pang lunas. Noong nakaraang buwan nga nagdeklara na ng cancellation ng klase pero hindi kami exempted. Kaya kahit nakakatakot kailangan naming masanay sa mga ganoong sitwasyon. Parte iyon ng pinili kong karera. Sa isang banda masaya din naman lalo na kapag may bagong silang na sanggol, makakita ng ngiti hatid ng bagong buhay, mga kwento ng himala at pag-asa. Pakiramdam ko parte ako ng bawat pagkabigo at tagumpay. Masaya sa pakiramdam ang maging bahagi ng pagdudugtong ng buhay.
Ngayon iba sa karaniwan ang ang hawak kong pasyente. Sila ang mga taong nawala sa wastong pag-iisip dala ng sakit, hindi magandang pangyayari at pagtakas sa katotohanan. Nasa Mental Health kami hindi lamang para magbigay tulong medikal pati na din maghatid din ng saya. Bukod sa paghanda ng gamot at pagkain para sa mga pasyente may kasunod na dalawang oras na bonding, kwentuhan at sayawan. Nakakatawa. May sarili akong problemang kinakaharap pero pinili akong maging leader upang maghatid saya sa mga pasyente gayong ang sarili ko mismo ay hindi kakitaan ng ngiti. Ilang araw na akong balisa. Hindi ako kasama sa graduating class. Halos maluha sa bawat araw sa kabila ng kasiyahan ng iba kong kaklase. Napakasakit tanggapin dahil sa alam kong nagsisikap ako ngunit hindi pinalad makatapos kasabay ng aking mga kaklase. Mas lalo ko pang naramdaman ang panlulumo nang mabalitaan kong pumasa ang mga madalas late, absent, nakatambay lamang sa labas ng school at laman ng mga gimikan.
Sa isip ko, parang hindi yata patas. Parang may mali. Sana biro lamang ang lahat. Pero hindi dahil wala akong paghugutan ng ngiti. Ganoon siguro magbiro ang tadhana susubukan kung gaano kalakas ang tao. Paano ko sasabihin sa magulang ko ang lahat? Inaasahan na nila ang pagtatapos ko at ilang beses nang ipinamalita ng aking ama ang pagreretiro dahil propesyonal na kaming lahat. Hindi ko sinadyang biguin ang magulang ko. Ayokong maging katatawanan na ang anak ng high school principal ay may singko sa class card.
Isang pasyente ang bigla na lamang nagwala matapos patigilin sa pagsasayaw. Oras na kasi ng kainan pero nanatili siya sa stage. Nagawa niyang magtago sa ilalim ng mesa nang subukan siyang pakalmahin ng mga volunteer. Pinapalo niya ang kamay ng sinumang sumubok alalayan siya palabas. Sinubukan ko siyang kausapin at ilang sandali ay lumabas siya mula sa ilalim ng mesa habang pumapalpak. "Ikaw ang nasa gitna! Galing mo sumayaw.. kanina," paputol-putol niyang wika.
Hindi ko akalain na sa gaya pa niya ako makatatanggap ng papuri. Siya na wala sa tamang pag-iisip, ay matatandaan ako sa karamihan ng tao. Hindi ko na matandaan ang huling taong nagsabing tama ang ginawa ko. Mailap sa akin ang papuri. Madalas pagkukumpara sa iba kong kapatid ang nadidinig ko na parang kutsilyong humihiwa sa
Ang salita niya ang tila nagpahilom sa malalim kong sugat. "Ikaw din magaling! Mamaya sayawan ulit. Pero sa ngayon kakain muna tayo.." Masaya. Hindi ko namamalayan lumuluha na pala ako.
May tumapik sa akin mula sa likuran dahilan upang punasan ko ang aking mata. Hindi ako handang ikwento kung ang pinagdadaan ko kung sakaling may mag-usisa. "Katulad din nila ako," wika ng matandang lalaking kanina ay nag-aayos ng mga upuan. "Patient 1905, Victor San Andres. Pinagdaanan ko din ang kalagayan nila. Salamat sa ginawa mo kanina. Bibihira ang mga taong magbubuhos ng oras dito kadalasan takot ang nauuna bago maisipan tumulong."
Sa itsura niya hindi ko aakalaing dati siyang pasyente. Akala ko isa siya sa mga volunteer. "Halos wala naman po akong ginawa. Nagkataon lamang po siguro na natandaan niya ako. Matagal na po ba kayo dito? O dumadalaw lang po din kayo?"
Tumango ang aking kausap. "Dito ako nakatira. Kasama nila. Ang totoo niyan, handa na ang lahat sa aking paglabas noong gumaling ako, ang susundo na lamang sa aking ang kulang."
"Ano pong nangyari?" usisa ko.
"Wala pala akong hinihintay. Isang Linggo, isang buwan... taon. Sinubukan kong sumulat pero walang tugon.. Siguro iniisip nila na pera ang kailangan ko. Siguro pabigat na ako sa kanila. Siguro nagbabayad lang ako sa mga nagawa kong mali."
"Kung hindi niyo po mamasamain, ano pong naging dahilan at humantong kayo dito? Nagkasakit po ba kayo? Parang sobrang hirap lalo pa't malayo sa pamilya."
"Katigasan ng ulo at bisyo ang nagtulak sa akin dito. Natuklasan ng magulang ko na hindi na ako nag-aaral pero tuloy ang hingi ko ng baon. Natakot akong mapagalitan kaya pinili kong lumayas at subukan ang mga bagay na hindi dapat."
"Napabarkada po kayo?"
"Hindi bunso. Hahanga ka sa mga kaibigan ko noon. Tama, kilala silang mga basag-ulo at lulong sa iba't ibang bisyo pero sila mismo ang humimok na umuwi ako. Kahit sigarilyo hindi sila pumayag na masayaran ang labi ko. Maswerte nga daw ako at pinag-aaral ng magulang ko kaya hindi dapat sila suwayin. Kinabukasan inihatid nila ako pero suntok ang salubong ng tatay ko sa dalawa kong kaibigan. Hindi nila alam ang mga taong kung husgahan nila ay basura ay siyang nag-uwi sa akin."
"Ganyan din ang magulang ko. Ramdam ko ang pressure sa bawat araw lalo na kapag nakikita ko ang mga kapatid ko. Hindi sila marunong makinig. Hindi ko kayang tumbasan ang kakayahan nila. Gusto kong magalit pero hindi ko magawa.."
"Alam ko ang nararamdaman mo. Huwag mong paninindigan ang paniniwalalang yan. Lumugar ka sa tama. Pinigilan ako ng mga kaibigan ko pero sinunod ko pa din ang gusto ko kaya ako nagkaganito. Humanap ako ng ibang tao na kayang sumabay sa gusto ko. Umabot sa lahat ng bagay sa bahay ay naisangla o naibenta ko na. Inatake si Papa sa mga pinaggagawa ko. Ang kamatayan ni Papa ay mas itinuring kong kalayaan pero hindi ko na kinaya ang bisyo ko. Nilamon ang buo kong pagkatao. Itinakwil ako ng mga kapatid ko sa nangyari. Basura na ang tingin ko sa aking sarili noon."
"Hindi ninyo naisipan magparehab?"
"Hindi ko alam. Wala na ako sa sarili. Naghuhukay daw ako ng lupa gamit ang aking mga kamay lamang hanggang sa maalis ang aking mga kuko. Sabi nila mga kapatid ko ang nagdala sa akin dito."
"Dumadalaw daw aking ina dati at palaging umiiyak. Hindi ko naramdaman ang mainit niyang yakap na kinaiingitan ng karamihang nakakakita sa amin."
Natatandaan ko may lalaki siyang kausap kanina noong parating kami. Kung hindi siguro kami naging abala ay matatagalan pa ang kanilang pag-uusap. "Pero iyong kausap ninyo po kanina? Kayo po ang dinalaw niya, 'di ba?"
"Oo ako nga. Siya ang kaibigan ko, kahit sinaktan siya ni Papa noon hindi siya nakalimot. Siya din ang nagbalita sa akin na patay na si Mama at ng mga kapatid ko naman ay nasa ibang bansa na. Pinipilit niya akong doon tumira sa kanila at gusto din akong maging parte ng kanilang pamilya. Pero naiisip kong mas mabuting nandito ako."
Tumatak sa isip ko ang bawat sinabi ni Mang Victor. Hindi ko napapansin ang kamalian ko dahil mas pinapahalagahan ko ang bagay na makikinabang ako. Nalilimutan kong may mga tao nga pala sa paligid ko. "Sa mga panahong akala natin tayo ay nag-iisa may mga taong hindi natin napapansin na nagpapahalaga sa atin. Sila ang totoong kaibigan. Naging sarado lamang ang isip natin kaya ang pakiramdam natin ay wala tayong kakampi. At ang pananatili dito ang napili ninyong paraan para ituwid ang pagkakamali ninyo na sana ay hindi nangyari kung nakinig kayo sa kanila. Tama po ba ako?"
Ngumiti ang aking kausap at tumayo pabalik sa kanyang ginagawa. "Dadating pala ang panahon na matutunan kong magmahal ng hindi ko kadugo at natagpuan ko iyon dito. Hanga ako sa mga doctor, nurse at gaya mong estudyanteng nagsakripisyo ng oras para sa iba. Sa una maaring pera ang habol natin sa mga pinili natin karera pero habang tumatagal dedikasyon na ang kikilos para mahalin ang isang gawain. Ito ang puntong kahit wala kang pera sa bulsa makukuha mong ngumiti. Siguro ito ang hinahanap ko na saya dati. Sana pinatawad na ako ng mga magulang ko sa pagkakataong ito."
"Hiling ko din po ang pagpapatawad nila sa inyo." Nakaramdam ako ng matinding guilt habang kausap ko ang matanda. Hindi dapat ako matakot sa mga bagay na dapat mangayari dahil may pagkukulang ako.
"Tandaan mo, hindi ka matututo ng tama kung hindi mo naranasan magkamali," pahabol niya bago tuluyang bumalik sa ginagawa. "Ang sarap ng tagumpay ay mas masaya kung nanggaling ka sa pagkatalo."
Nakakuyom ang palad ng aking ama matapos kong ipagtapat ang pagkabigo kong makagraduate. Hawak naman ng aking ina ang kanyang ulo habang naghihintay sa mangyayari.
"Maluwag ko pong tatanggapin ang parusa. Patawad po at binigo ko kayo. Kung bibigyan ninyo po ako ng pagkakataon, pangako makakabawi ako."
Lumapit sa akin ang aking ama at nagbitaw ng malalim na buntong hininga. "Sapat ng kabayaran ang mag-aral ka ng mas mabuti tulad ng pangako mo. Handa na ang hapunan, anak. Alam kong pagod ka."
Ang kaninang nakakuyom na palad ay marahang tumatapik sa aking likuran. Ang kanyang braso ay tila lubid na ayaw akong pakawalan. Ang mainit na yakap ay nangangahulugan ng pagtanggap at pagmamamahal kahit walang salitang binibitawan.
wakas-