Hindi nalalayo ang kulay ng sout kong Polo Shirt sa mga crew ng Chowking sa Tayuman. Kung mananatili akong nakatayo maaring may bigla na lamang mag-utos sa akin na kumuha ng tubig. Kung hindi lamang dito kami magkikita ni misis malamang ay humanap ako ng ibang kakainan.
Maaga ako ng kalahating oras sa pinag-usapan namin. Kabilin-bilinan niyang huwag akong pahuhuli ng oras dahil ipapakilala n'ya ako sa mga kaibagan sa trabaho. Balak na naman ipakilatis ang aking itsura at pagkatao sa kanyang circle of friends na sa palagay ko ay hindi magkakainteres makilala ako dahil kahit sa telepono ay walang ibang pinag-usapan kundi make-up at damit na isusuot.
Naghanap ako ng komportableng pwesto na malayo sa pinto at hindi masyadong maingay. Habang wala pa ang mga ladies ay maari ko pang malamang kung ano ba ang interesante kay Christian Grey para kahumalingan gayong isa lamang itong fictional character. In short, laman ng pantasya ng mga babae. Bubuksan ko pa lamang ang librong ipinadala ni misis nang mapansin ko ang dingding ng Chowking. Nakakatuwang may pakulong Freedom Wall ang fastfood. Samu't saring wish, pagbati, pag-amin ng pagmamahal, paghingi ng tawad at meron din namang may maisulat lang. Napaisip tuloy ako ng pwedeng isulat. Gusto ko tuloy humiling.
Matagal ko ng hiling ang magkaroon ng anak. Madalas ngang usapan ang kalagayan ko. May pagkakataon na nagiging kutuwaan na nga. Baka daw pundido kaya dapat daw required na ang testing bago ikasal. May suggestion pa nga na gawin daw namin habang nasa ibang bahay o habang umaattend ng okasyon para may adrenalin rush. Mabisa daw iyon kaya nga madaming nabubuntis na kabataan dahil sa adrenalin rush.
Palapit na ako sa freedom wall nang biglang may lumapit ditong babae. Kinuha ang pentel pen na nakatali sa may gilid ng board at sinimulang sumulat. May karga siyang batang babae habang nagsusulat ng kanyang nobela. Hindi ko man lamang nakitang umaangat ang pentel pen upang makapag-isip. Balak pa yatang ubusan ako ng space o kaya naman ay umabot sa pagkatuyo ng tinta.
Naghintay ako ng pagkakataon. Hinintay ko siyang matapos pero mas nauna pang mapuno ang pantog ko. Patakbo akong naghanap ng CR.
"Excuse me, pahingi naman ng tissue," wika ng babae.
Napalingon ako pero wala akong kasunod. Tissue? Panyo lang ang meron ako. Bakit sakin siya hihingi at hindi sa crew? "Sir tissue daw, sigaw ko sa pinakamalapit na crew."
"Oh sorry! I thought.." despensa n'ya habang kinukuskos ang mata. Ngumiti lang ako bago tuluyang pumasok sa CR. Bad trip talaga ang suot. Nakalimutang kong kakulay nga pala. Umiiyak siya?
"Ano kaya nangyari?" pagtataka ko.
Bigla akong nacurious sa sinulat niya sa freedom wall. Pagkalabas ko ng CR ay agad kong binalikan ang kanyang nobela. Wala din ang babae sa loob.
"Lord, Please give me the courage to be strong for my child. I would give up anything in this world just to be with her. Just need more time po. Please. Just this one request God. Save her please. I know ako ang dahilan kung bakit siya nagkaganito. I almost lost her kaya I don't want it to happen again. Thankful ako dahil napigilan akong ipalaglag siya before. Alam kong mali ang ginawa ko pero pinagsisihan ko na. Natakot lang ako noon kasi iniwan ako at walang kakampi. Buti na lang may Ate ako. She was right, my baby is a blessing not a burden. She is lovely, inteligent and very sweet. Give her strength oh Lord. Her heart is weak. Heal her Lord. Please. Naawa ako sa kanya dahil sinalo niya ang kasalanan ko. Sorry baby. Sorry baby. Sorry."
"Edward!" Hindi ko na nabasa ang mga sumunod na paragraph. Muntik ng bumagsak ang luha buti na lamang dumating ang misis ko. "Ano naman ginawa mo d'yan?"
"Wala. Natatawa lamang ako sa mga nakasulat."
"Ara meet my husband."
"Nice to meet you," bati ko.
Ngumiti lamang si Ara. Baka busog. "Edward, plan ni Ara magresign para magfull time mom. Mahirap pero kaya na naman daw mag-adjust. She is asking my opinion sa tingin mo okay ba ang ganun? Considering malaking part ng family income ay mawawala."
Sa tono ng usapan mukhang may tinutumbok si misis. Mukhang lalaki ng bill sa telepono, tataas ang kuryente at dadami ang libro sa bahay. Malamang gayahin ng misis ko ang kaibigan niyang halos kasing laki ng aming ref. Tumango lamang ako at pilit binasa ang mga natitirang salita sa freedom wall na sinulat ng babae kanina.
Being a mother doesn't end after giving birth nor after a dozen of grandkids running around you... It's a lifetime title.
It's when you still care for your kids...
Still get mad at them from time to time...
Still scold them...
But still love them eternally.
No one can give love like a mother can.. Gusto kong maranasan lahat iyon.
"Edward?! Nakikining ka ba?" bulyaw ni misis.
"No one can give love like a mother can..." wika ko.
Ngumiti si misis. "May punto ang asawa ko Ara. Tama ang desisyon mo na magresign para matutukan ang anak mo dahil wala talagang katulad ang pagmamahal ng isang ina. Kung ako ay may anak hindi ako magdadalawang isip."
Yari.
-end-