-a must a read!!! - CNN
-ang di magbasa kulang sa vitamins - kuya kim
-pagpasensyahan nyo na ang spelling at typos - principal
-ipamalita mo sa 10 tao at may swerteng darating sayo sa akinse at katapusan - unknown
Ginising ako ng isang tawag sa telepono. Nakarating na pala kay Lazaro ang pagbalik ko ng Batangas. Imbitado ako sa early celebration ng birthday ng kapatid niya. Medyo nagdalawang-isip ako dahil may kalayuan ang venue.
Wala na ang excitement sa katawan ko hindi kagaya kahapon na mabilis akong kumilos at maagang dumating sa Art Class. Ngayon, sinadya kong magpahuli sa klase sa pag-asang mapapwesto sa last seat. Inisip kong mag-quit pero sayang naman ang slot na inaasam ng marami. Sikat si Ms. Reynaldo and once a year lamang ang Art Class niya sa Batangas.
Nagtagal pa ako ng ilang minuto sa parking para ayusin ang aking sarili. Kinuha ko ang sapatos sa back seat at isinuot. Bumagay ang plain blue shirts sa aking Chuck Taylor sneakers. Noong bata ako, ang nanay ang nag-aabot ng sapatos ko mula sa back seat, gusto ko kasing katabi ako palagi si tatay para madali kong maitanong ang mga bagay na nakikita ko sa daan. Kadalasan ginugulo pa ng tatay ang buhok ko sa tuwing marami akong gustong malaman. "Bata ka pa. Paglaki mo malalaman mo lahat," palaging pagtatapos niya. At ngayon nag-iisa ako sa kotse at lahat ng tanong ay ako na lamang mang kusang sasagot.
Lipad ang isip ko pagpasok ko ng classroom. Sa pintuan ay sinalubong ako ng lumilipad na paint brush dahilan para bumalik ang isip ko. I spent half of an hour in the front of the mirror this morning and I am pretty sure that I still have the qualities or semblance of human being. Wala akong natatandaan na naging member ako ng angry birds para maging target ng galit.
Kathy Belarmino is the angry bird. Kararating ko pa lang kaya wala akong makitang dahilan para batuhin niya ako ng paint brush. Sa likod niya ang ang kumpol ng mga tao na may tila pinagkakaguluhan. Noong namalayan nila ang pagdating ko, biglang nahawi ang tao. Muntik na akong maluha sa pagpigil ng aking tawa ng makita ko ang exact caricature ni Kathy Belarmino. Wide open ang bibig niya, bilog na bilog ang mata at may mga characters na sign ng yelling. Bagay ang caricature sa ugali niya. Nang umalis ang huling taong nakaharang sa canvas, nawala ang ngiti ko.
"Is that me?" I paused. Lumapit ako sa upuan at nakita ng malapitan ang drawing. Confirmed its me. Anong ginagawa ng caricature na 'to sa canvas ko?
"Naghahanap ka talaga ng gulo 'no?" If my memory serves me right, pumasok ako sa Art Class para matuto at hindi para manggulo kaya hindi ako sang-ayon sa babaeng nasa harap ko. Nakita ko naman ang death glare sa babaeng mangkukulam. "Siguro kaya ka nagpahuli ng pag-uwi para insultuhin ako!" Wala akong nakikitang dahilan para galitin siya. Nahuli ako ng pag-uwi dahil hindi ko maisip kong paano ipipinta ang sabaw ng chicken adobo at kung paano hindi magmumukhang papaya ang papatas.
"Hindi ako gumawa niyan!" depensa ko.
"Sinungaling! Canvas mo yan at sino pa ba ang nagmalaki sa paggawa ng caricature?"
Noong nagpakilala, nabanggit kong drawing ang hilig ko. Mahilig ako sa caricature at minsan na akong sumali sa editorial catooning pero wala akong natatandaang nagboast ako.
"Ms Belarmino and Mr Bautista? May problema na naman kayo?" Igagawa ko ng rebulto si Ms Reynaldo pag-uwi for saving my life sa babaeng mangkukulam. "No horse playing in my class."
Most of the time, iniisip ko pa din kung sino ang gumawa ng caricature. Hindi ko naman pwedeng pagduduhan si Ms Reynaldo dahil magkasabay pa kami sa parking at hindi din siya regular na bisita sa venue at late din naman siya dumadating. At ano ang motibo?
I really tried hard to ignore Kathy Belarmino pero isa siyang human disaster. Malamang wala siyang kalaro noong bata kaya may pagkabully. Madali akong maasar sa mga taong makalat, one meter apart kami pero umabot sa pwesto ko ang mga color palletes at tray niya. Para s'yang hindi babae. Iyong isa niyang paint brush na kanina pa hinahanap ay di matandaang nasa buhok niya dahil ginawang hair ornamental sa kulot niyang buhok.
"Bakit mo ko tinititigan?!" talak niya sa akin. Sa boses niya naalala ko ang talakerang role ni Maricel Soriano sa mga pelikula. Sana mabaling naman sa kabilang upuan ang galit niya.
"Hindi kita tinititigan." Umiling ako. "Nevermind."
"So sinusulyapan? I hate guys na kung makatingin ay mula ulo hanggang paa." Okay. So pinipili niya kung kanino siya mean. Unluckily ako ang napili niya.
"I have no bad intensions. Nadadaganan lang ng bag mo ang paa ko at mga palletes mo umabot na hanggang dito." First time sa buong buhay ko ang maging sentro ng atensyon. Average student lang ako dati kaya hindi ako sanay sa ganitong pakiramdam.
Kinabig niya palapit lahat ng gamit niya. Parang batang aagawan ng laruan. Nanlilisik pa ang kanyang mata na tipong nagsesend ng message sa lahat ng espiritu para gumawa ng butas at tangayin ako palayo sa kanya.
"Magkakaway na naman kayo? Hindi ba kayo pwedeng ambassadors of peace?" puna ni Ms Reynaldo.
"Possible. When GMA and PNoy are hugging each other." pabulong na sagot ng mangkukulam.
Hindi na ako nagulat pagpasok ko kinabukasan, our caricatures are hugging each other. At si Angry Bird nagpapadyak na sa galit dahil sa canvas naman niya nakasketch.
itutuloy...
---
gaganahan ako mag-update kung may magdodonate ng banner/logo/graphics para sa kwentong ito.. :)
Previous Chapter..