"Hazel, may sasabihin ako..." Sa wakas dumating ang puntong hinihintay ko. Ang moment na tatapos sa lahi ng torpe. "Alam mo sa kabila ng lahat ng nangyari mahal na mahal pa din kita."
"Ako muna! Mahal na mahal kita, Aries. Dapat talaga nakinig na ako sa'yo. Sundin ang puso ko!"
Parang umawit bigla ang mga anghel.
Nakakagulat. Parang jester biglang lumitaw galing sa kahon.
O kaya isang magic.
Hindi ko akalaing madidinig ko ang mga salitang iyong kay Hazel. Buti ready ako. May bulaklak na nga. Naiwan ko lang sa sinakyan kong tricycle.
"Talaga?" duda ko pa. Nagliwanag ang mata ko. Parang batang na-delight sa lobong likha ng sabong panglaba. Niyakap ako ni Hazel. Mahigpit. Yumakap na din ako. The feeling is mutual. Naabsorb ko bigla ang meaning ng kantang till there was you.
Noong isang Linggo lang parang waterfalls ang mata n'ya. Iniiyakan si Theo. Mabuti sana kung patay. Palibhasa katabi ko sa upuan, palaging ako ang hingahan. Kakwentuhan. Hingian ng payo. Kapag humigpit na ang hawak sa aking kamay siguradong iiyak na. Palaging ganun. Hindi naman magpakopya sa exam.
Nitong mga huling araw palagi na kaming magkasama. Enjoy nga e! Kahit talo sa perya. Nakita ko na ulit siyang nakangiti. Two rice na ulit sa inasal. Hindi na naglalasing sa mogu-mogu.
"Salamat talaga, Aries. Kung hindi dahil sa'yo malamang hindi kami nagkabalikan ni Theo. Sinunod ko ang puso ko! Napakabuti mong kaibagan. I love you. Walang iwanan ha?"
"Ganun pa. Mahal kita e. Kaya hanggat kaya susuporta ako sayo.. Kahit alam kong nagpakatanga ka na."
"Ano nga ulit sasabihin mo?"
"Wala. Kokopya sana ako ng assignment."
Parang umawit bigla ang mga anghel. Nakikidalamhati.
Nakakagulat. Parang jester biglang lumitaw galing sa kahon. Isang malaking joke.
O kaya isang magic. Lahat hindi makatotohanan.
"Bakit may pamahal mahal ka pa d'yan!"
"Need syempre ng konting bola."
-end-