Walang kakaiba sa basong hawak ko maliban sa naiwang lipstick sa bunganga nito. May isang taon na din nang iuwi ko ang baso mula sa hotel na pinaglilingkuran ko. Sino nga bang mag-aakala na ang simpleng basong ito ay muntik maging dahilan para mawalan ako ng trabaho? Kahit saan naman siguro ng kompanya ay ipinagbabawal ang pagpupuslit ng mga kagamitan. Marahil nakakatawa nga ang ginawa ko pero ginusto ko naman talaga kahit alam ko ang pwedeng masamang mangyari.
Hindi na bago kung boring ang morning shift kapag Tuesday at ang paghihintay kung tama ang sagot sa tanong ni Dora ang pinakaexciting gawin. Trend na kumbaga sa Seven Lakes Hotel na walang function meeting na nagaganap kapag Martes. Kahit anong pakulo hindi nagtagumpay para mawala ang sumpa ng Martes tulad ng free breakfast, free wi-fi, free coffee at malaya makakausap si Simsimi sa 36-inches LCD.
Late ako ng dalawang minuto kaya hindi alam kung bakit wala kahit isang kitchen crew ang nasa area nila. May meeting siguro. "Si Angel nandyan," wika noong gwardiya bago ako pumasok. Hindi ko naman pinansin dahil hindi naman bago sa akin kung pumasok ang dishwasher. May pagkakataong nagtatalo kami lalo kapag hindi maayos ang pagkakapatong ko ng tray sa zinc.
Ang mga crew na hinahanap ko ay nakasilip pala sa bahagyang saradong pintuan. May napapamura pa habang pinag-uusapan ang bisita sa function hall. Sobrang kinis, puna pa ni Mark. Sinira ko ang moment nila nang bigla akong dumaan sa gitna nila at dumerecho sa function hall. Ako kasi ang assign doon kaya paniguradong maglalaway sila sa inggit.
Nakatingin ako sa kanila habang lumalapit sa bisita taglay ang pang-asar kong ngiti. Okay na sana ang entrance ko pero biglang nanginig ang tuhod ko nang makita ko ang pinag-uusapan nila. Si Angel Locsin! Anlabo naman kasi ang gwardya. Pasalamat siya at malaki ang katawan niya kung hindi didibdiban ko siya pag-uwi ko dahil hindi malinaw ang sinabi niya. Hindi ako fan ng mga artista pero iba ang isang 'to pre! Sa kanya lamang yata ang bagay ang magulo ang buhok. Walang bad hair day kahit bagong gising!
Matapos kong mag-serve iniwan ko na ang supervisor namin sa pag-aasikaso sa mga bisita, sumama na ako doon sa mga crew sa likod ng pintuan. Hinihintay ko na lamang ang senyas ni bisor kung kailangan na ulit ako. Nagtaping pala si Angel at Piolo kaya napadpad sa Hotel. Literal palang Lobo ang title ng palabas nila. May mabilog kasi kay Angel, yung pisngi niya. Mamula-mula pa. :)
Ang ordinaryong Martes biglang naging exciting. Sumenyas na ang bisor. Tumayo na din si Angel at Piolo. Binuhat na ng ibang crew ang gamit nila at inihatid sa parking. Mabilis naman akong kumilos para linisin ang mesa. Sa isang iglap may hawak akong plastic. Planado na ang lahat bago pa ako lumapit, inilagay ko ang basong ininuman ni Angel sa plastic at ipinasok ko sa malaking lata ng pineapple juice para magmukhang basura. Instant ang pagiging masipag ko, kasama ng ibang basura ako na ang naglabas mula sa kusina. Pagsapit ko sa labas nagpaalam ako sa guard na bibili ng yosi at doon ko matagumpay naihiwalay ang lata sa ibang basura. Iniwan ko sa tindahan ang basong nasa loob pa din ng plastic at binalikan ko na lamang noong uwian.
Buong gabi kong tinitigan ang baso. Buong-ubo ang hugis ng lips ni Angel sa baso na parang bang iniwan talaga para sa akin. Kung lagi ba namang ganun ang Martes, aagahan ko palagi ang pasok. Swerte ng baso, ilang beses dumikit sa labi ni Angel.
Hindi na ako magtataka kung bigla akong ipatawag ng supervisor makalipas ang isang Linggo dahil sa nawawalang gamit sa kusina. Matapos ang inventory, sinabi ng dishwasher wala daw siyang nahugasang baso isang umaga noong dumating si Angel Locsin. Alam nilang ako ang naglinis ng mesa noon kahit hindi ako makakalusot.
Pumasok ako ng office ng supervisor pero hindi na ako kinakabahan. Handa akong aminin ang lahat ng may katotohanan kahit mawalan ako ng trabaho tutal ginusto ko talaga ang nangyari.
"Good Morning. Ipinapatawag niyo daw po ako sir," wika ko ng may galang at kaunting lambing na din. Nakakataas pa din pala ng Adrenalin kapag humaharap sa ganito lalo na kapag guilty.
"Maupo ka, Vince. Alam mo na siguro kung bakit ka nandito. It was reported na you stole something sa hotel," panimula niya. "Totoo ba?"
"Yes sir, baso sir. Iyong pong ininuman ni Angel Locsin. Natukso po ako doon sa baso na may lipstick. Isa lamang po iyon, nagtataka--"
Hindi na ako pinatapos ni Sir at agad siyang nagsalita. "Well. Since inamin mo hindi na kita parurusahan. Honesty pa din ang mahalaga sa akin." May sasabihin pa sana ako para idepensa ang aking sarili. Pinutol na lamang ni sir kaya naunahan na ako ng tuwa.
"Talaga po? Wala pong sanction?" tanong ko ulit kahit nadinig ko naman.
"Palitan mo na lang, hindi naman masyadong mahal ang baso kaya mabilis mong mapapalitan iyon."
"Masusunod po. Thank you sir!" Dalawang baso ang nawawala sabi ng dishwasher. Nagtataka naman ako dahil isa lamang ang kinuha ko. Sabi niya wala siyang nahugasan na baso sa mga ginamit ni Angel at Piolo. Hindi naman patas kung sa akin din ibintang. Buti na lamang at mabait si Sir.
"Ah Vince," paalis na sana ako nang biglang tinawag ni Sir. "Make it two."
-end-