Skinpress Rss

Free Coffee


"Ducareza. Baho naman ng apelyido. Bata, balita ko may complimentary coffee dito." Maangas ang pasok ng isang pulis na sa palagay ko ay hindi din basta-basta. Kasama niya si Lopez, ang madalas na patrol sa highway at suki ng kape dito sa store. 

Libre naman talaga ang kape sa mga kagaya nila medyo iba lang ang dating nitong isa. Nagulat ako kaya itinigil ko muna ang ML kahit may invite na ang tropa. Nagpapa-rank pa naman ako. Malapit na sana ako sa max ng grandmaster. Sinabi ko pa naman sa gf ko na busy na. 

"Gusto nyo ng kape, sir?" "Bastos ka bata. Hindi na. Mukhang nakakahiya at hindi ka naturuan ng values education. Balita ko Lopez, inaabutan mo na agad ng baso papasok pa lang. Lalo na siguro dapat sa gaya kong opisyal." Iginalaw niya ang balikat upang ipakita ang mga guhit sa damit. 

 "Pagtimpla ko kayo sir." Opisyal pala kaya sobrang manindak. Dami pa sinasabi pwede naman kumuha na lang. 

 "Alam mo kid, kung mag-aalok ka dapat tanungin mo kung may creamer ba ang kape na iniinom. Para alam agad ng bisita mo na pagkakapehin mo sya. Tama ba? Doon pa lang siya tatanggi kung hindi niya gusto ang kape."

 "Tama sir! Wait lang, sir." 

 "Hindi na at mukhang madadamay ako sa nerbyos mo. Kilala mo ba ako? Matagal na kitang pinasusubaybayan." 

 "Hindi sir! Hindi ako adik sir. Promise po! Payat lang po ako talaga." Ito na nga ba sinasabi ko. Kaya alinlangan ako noong sa convenience store ako lumanding. Madalas straight at puyat.

 "Paipis-ipis ka. Hindi ko gusto ang klase mo. Nagsusumigaw na ang apelyido ko sa uniporme."

 Aaminin ko naman na natakot ako. Sino bang hindi? May baril at kasing laki ng mukha ko ang kamao. "Kayo po pala Major." Tatay ni Lerma. "Pasensya na po." 

 "Ako nga! Kausap ko ang mga tungaw at langaw sa bahay kanina kahit anino ng buhok mo 'di pa nila nakikita. Low class ba anak ko?" 

"Pasensya na po. Tumatiming pa po!"

 "Aba, natatakot ka sa akin? Lopez nakakatakot ba ko?" 
 "Hindi sir!" Snappy si Lopez ngayon 'di tulad dati na mukhang antukin. 

"Cool nga po kayo." 

 "Kung may ginagawa kang masama doon ka matakot. " Napalunok ako sa .45. "Kintab no?" 

"Wala sir. Malinis po intensyon ko sa anak nyo." 

 "Halika. Lapit!" Ipinulupot niya ang kanyang braso sa aking leeg. "Nalalamig ka yata? Malakas ba aircon?" 

 "Papasko na ka kasi sir! Merry Christmas po."

 "Pumunta ka sa bahay sa 24, alas siete.. Ang exchange gift ay 300. Dapat naka-pink. Wag ka tumawa request iyon ni Lola. Matanda na kaya kailangang pagbigyan." 

 "Duty po yata ako sir," alinlangan kong sagot. 

 "Nakatimbre na yan sa taas, 'di ba manager?" Tumango ang bisor ko na halatang natatawa. " Ikaw duduty sa 24, tama?" tukoy naman sa kasama ko. Buti walang ibang tao. May isinuksok si Major sa aking bulsa. "Kailangan 'to ni kumander, ito talaga pakay ko. Bilhin mo. Wag kang papatay-patay," bulong niya. "See you bata! Merry Christmas! Manager! " 



Sumalado pa sa aking bisor. "Lopez, tara!" baling naman niya sa kasama. Dinukot ko sa bulsa ang sa palagay ko ay pera. Hindi nga ako nagkamali. Isang libo kasama ang isang pilas ng papel.

 "Ibili mo ako ng titan gel, bata," sabi sa sulat. Mukhang may matinding laban si Major.



 - wakas-

Promissory Note


Tinangay ng hangin ang huling papel na hawak ko kanina. Napadpad ang mga ito sa iba't ibang direksyon at inumpisahang pulutin habang pinapanood ng mga dumadaan.

Humanity is dead na nga ba? Siguro. Baka. Maari. Posible. Malamang.

Pero. What if. Baka naman.

Paano kung ang mga taong nanood sa akin ay may mas pinagdadaanan pa? Benefit of the doubt ika nga. Baka may postural pseudoanemia kaya hindi pwedeng yumuko. O kaya naman may heart breaking story related sa hangin at papel. Parang yung forever nila, tinangay. Meron namang nagsawa na tumulong lalo na kapag sila pa ang nalalagay sa alanganin. Basta! Wag ko na lang lagyan ng meaning ako naman itong lampa.

White Lies


White lies. Ito daw yung uri ng pagsisinungaling na madaling patawarin. Tipong papunta ka na pero kagigising pa lang. Trapik daw pero late talaga umalis.

Gaya ngayon.

"Overtime kami. Bad trip kasi ang workforce hindi marunong ng manning," text ko kay Nicka.

Wala naman talagang overtime. At walang calls kaya pwede kaming umuwi agad. Oks magliwaliw o matulog ng 32 hours. Carpe diem. You only live once kaya lang ang budget kapos. Yung sweldo namin parang pelikula. Gone in 60 seconds. Ayun ma-fiesta na lang daw muna kami sa Los Baños, kina TL Morfe. Tipid pa! Happy happy. Tulad ng dati, kain, laklak, kwento at kain ulit.

Love Team


"Kami naman talaga e. Tanungin mo pa siya!" Kikindat ako tapos kasunod na ang pamatay na ngiti ni Cheska.

"Bagay kayo!" hirit pa ni Tyang Erma, tindera ng pananghalian. "Kaya pala lagi kayong magkadikit sa picture."

Hindi lumilipas ang araw na walang kumukwestyon sa kapwa pagiging single namin ni Cheska. Kaya noong pilit kaming pinagpapartner at pinagtatabi sa upuan ay pinangatawanan na namin. Sinasakyan namin ang mga biro para naman kiligin ang mga senior citizen sa coop.

TOTGA


Paggising ko kaninang alangang umaga o tanghali nagtransform na ako sa pagiging panda. Buti na lang hindi ko naisipan kumain ng kawayan. Pano ba naman kasi dalawang araw na akong puyat. Una, pilit kong nirecall ang formula ng Venn diagram at sagutan ang assignment ng aking pamangkin. Pangalawa, niyaya ako ni Zara na mag-sparring ulit kami sa inuman. Dapat 2 bottles lang pero nauwi sa lasingan.


Sabi nga ni Chito Miranda, may kwentong pandrama na naman, parang panTV walang katapusan. Ganun si Zara. Ganun kami. Kayo malamang ganun din.

Average Guy


Aminado naman akong average student dati kaya alam kong gapang at luhod sa paghahanap ng trabaho ang sasapitin ko. Sabi ko nga sa sarili ko, kung may tatanggap sa akin at mareregular paniguradong doon na ako tatanda. Hindi sa pagiging loyal o dedicated kundi sa struggle kong naranasan sa paghahanap ng trabaho. I know my limits naman kasi. Im just a nobody kahit nga sa puso mo. 😞


Eto nga nagkatrabaho ako. Na-miss ko naman bigla ang pag-aaral. Dati kasi, ang problema ko ay limitado kung sino ang kokopyahan, baon, paliligo sa umaga at paglingon ni crush. Akala ko namemersonal ang mga prof dati. Ngayon alam ko na ang pakiramdam nila. Tipong sayang palagi ang effort. Hindi narerecognized ang pagod. At higit sa lahat, mararamdaman na mas mababa pa average. Dati kasi kahit madaming problema ngiti lang ni crush solve na. Ngayon iba na. May pinasok akong matinding kahihiyan na pakiramdam ko ay may ga-kwagong matang nakatingin. Tinatamad tuloy akong pumasok.

Ben&Ben





Diba nga ito ang iyong gusto?
O, ito'y lilisan na ako
Mga alaala'y ibabaon
Kalakip ang tamis ng kahapon

Gaano kabilis nag simula
Gano'n katulin nawala
Maaari ba tayong bumalik sa umpisa
Upang di na umasa ang pusong nagiisa


Hindi ko trip ang kanta ng Ben&Ben. Kaya lang parang naisip nila ang mangyayari sa akin. Sa amin. Sana may reset para kapag may mali pwede umulit. Kung may sablay pwede ang bawian. Walang hiwalayan. Alright yun di ba? Para hindi maging kathang-isip na tayo ay pwede pa.

Muntik akong malagutan ng hininga dahil sa kalagitnaan ng kanta at pagbirit ko bigla mong sinabing ang hirap na magpanggap. Na ang mga yakap wala ng pagkakaiba sa sakal. Ang hirap na maging masaya.

Gutom


Nawalan ng silbi ang huling stick ng sigarilyo na magtatawid sana ng aking stress at gutom. Hinayaan kong maupos at tangayin ng hangin ang usok na kadalasan nagpapabalik ng nakalutang kong pagkatao. Hindi ko alam kung paano magsurvive ngayong araw lalo na siguro sa kinabukasan.

Lutang.

Disoriented.

Gutom.


Pumutok ang balita. Masaya ang lahat dahil sa sa wakas nagkaroon na ako ng chance makakuha ng project sa RSSI. Makababayad na ako ng utang sa kanila. Tango ng client lang ang kulang. Pero hindi na naman naging patas ang oras sa akin. Isang kurap ang katumbas ng saya. Hindi ko maiwasang magtanong kung bakit buhos sa iba ang pagsubok samantalang may mga taong pinipiling abusuhin ang sarili at palampasin ang magandang pagkakataong nakalatag na agad sa kanila.


Fried Kamote


"Pare kasalanan na ba kapag nahulog ka sa isang tao habang nasa relationship pa?" Muntik tumapon ang hawak kong ballpen sa sinabi ni Rik. Matik na yun dapat. Pangit naman yung makakasakit ka ng iba habang ikaw tuloy ang ligaya.

Base sa kwentuhan sa tindahan ni Manong Dukot, malaki daw ang contribution ng mga broken-hearted sa benta ng alak at biogesic. Bagamat naaawa sya, sayang naman daw ang income opportunity kaya inaalok na din ang cup noodles.


"Oo naman pre! Adik ka ba?" sumbat ko. "Okay naman kayo ng jowa mo!"

Seminar


Parang pagtama sa jueteng ang pagkikita namin ni Omi. Chambahan. Siya ang bespren kong hindi ko naman namisplace pero biglang nawala. At makikita kapag hindi na hinahanap.

Nag-aral sya sa unibersidad hindi upang matuto kundi sa paghahanap ng sagot sa mga kakaiba niyang pananaw at paniniwala. Sa madaling salita kakaiba syang mag-isip. Pang-alien. Out of this world. Wala sa Webster. Pero hindi siya weird o nerd.

"Ano dre? Mayaman na?" salubong niya sa akin. "Order ka. Beer? Pulutan? Sige lang!"

EPAL


Napansin kong nagtitinginan sa akin ang mga tao habang nakapatong ang aking baba sa tuhod. Nagawa pa nilang magtakip ng ilong. Dahil siguro sa natuyong dugo sa damit at braso ko. Nandidiri sila.


Napakaingay ng mundo. Lahat gustong magsalita. Lahat may opinyon. Bawat araw may nangyayari. Na kahit ang kagaya kong tamad na estudyante ay may panahon mag-aksya ng oras sa internet upang igiit ang ipinaglalaban. Ang problema nga lang, madami ang may alam ng tama at mali. Lahat gusto mag-utos pero wala naman kumikilos.

Bigas


Naghihintay ako ng espesyal sa araw na ito para mapatunayang hindi talaga malas ang trese kapag natapat sa araw ng Byernes. Hindi nga kami pinalalabas noon sapagkat accident prone daw ang araw na ito. Mabuti na daw ang maniwala at maging maingat. Ako naman lumaking nasa oposisyon. Palagi akong kumokontra bago sumunod kaya madalas sablay.

Umaga pa lang hindi na umayon. Kasalanan kasi ng bigas. Tumaas na naman ang presyo. Nagalit tuloy si Ermat at nabuhos sa akin ang init ng ulo. Pinitik pa ang aking tyan habang nasa kasarapan ako ng paghihikab.

Lasing


Para akong tambay na nalasing at nagulat na nagising sa barangay hall. Parang ganun buti na lamang at hindi pero pareho ang pakiramdam. Walang matandaan.

Nasa loob ako ng madilim na kwarto na may tatlong pinto. May katabi akong hubad na lalaki sa aking kanan.

"Saan kaya ang palabas?" tanong ko sa sarili.

CR yung isa. Tukador ang pangalawa.

Proposal



"Ayoko ng maging boyfriend mo." Umpisa ko. Tapos humagalpak ka na tawa.

"I knew it."

Nagulat ako. Antagal kong nagplano at kumuha ng lakas ng loob pero parang walang epekto. Grabe. Grabe. Grabe. Kumuha pa naman ako ng taga-video para makita namin paulit-ulit ang proposal. Mas excited pa nga si Art sa plano. Baka nga magviral. Kunyari di namin expected pero anticipated.

Kinindatan ko si Art na wag muna lilitaw. Wag muna ilalabas ang bulaklak. "Patapusin mo muna ako, please."

"No. Matagal ko na din naman hinihintay to e. Ready na nga ako e." Tawa pa din sya ng tawa. "Style mo kasi bulok." Hindi ko mahagilap ang kamay nya sa kalikutan.

Kinapa ko ang aking bulsa. Kailangan kong mauna bago pa ako mawala sa momentum. Wala ng script. Wala ng palabok.
Mababaw lang ang bulsa ko pero hindi ko nahagilap ang singsing.


"Wag kang mag-alaala. Ayaw ko na din maging girlfriend mo. Hindi na kita mahal."

Buti na lang kumuha ako ng taga-video. Meron akong kainuman.

- wakas-


LANGGAM


Nakahiga ako sa sahig habang pinapanood ang mga langgam. Matyaga nilang binubuhat ang butil ng makunat na chippy na pinulutan ko kagabi. Malapit na sa pinto ang isa pero inagaw ko ang buhat niya at ibinalik sa pinakadulo. Napakamot siguro siya ng ulo. Inulit ko ang ginawa ko sa iba. Nagkamot din sila siguro ng ulo.

Bad trip talaga si bossing. Hindi niya maintindihan ang paliwanag ko at mas pinili muna niya magsermon. Inutusan nga kasi maghulog ng sulat ng VP. Sabagay cup C siya. Bobita. Puro dede lang. Kaya nag-iisip akong magresign madami pa naman trabaho.

Salagubang


Nakabantay sa huling patak ng ulan si bunso. Atat na siyang lumabas upang apakan ang naiwang tubig sa grahe. Makailang ulit ko na siyang pinagbawalan na gawin yun dahil maari siyang madulas.

Ang aking panganay ay bagong gising at mukhang wala pa din sa mood makipag-usap. Dalawang araw na siyang umuuwi ng dis oras ng gabi. Walang paliwanag at walang sagot sa tanong na tila pa natatapakan ng karapatan sa tuwing mag-uusisa ako. Hindi ko alam na ang pagtanggi ko na mag-aral sya sa Manila ay pag-uugatan pa ng samaan ng loob.

Tiwala


Nag-absent pa ako sa trabaho para sa anniversary namin ni Maica. Buwan nga ang inabot bago kami nagkasundo sa gagawin namin ngayon. Pero bigla namang umurong kung kelan nandoon na.

"Andito na tayo oh? Ngayon pa ba uurong?" Bigla akong napakamot sa hindi naman makati.

"Hindi mo kasi alam ang nararamdaman ko!" sumbat nya. "Bawal ba magsecond thought?"

"Sa una lang yan. Sa sunod maeenjoy mo na."

"Sus! Heard those. Pero still!"

Gusto ko sanang magmaktol pero mas dapat akong mangumbinsi para mapapayag ko sya at wag matakot.

"Kasama mo naman ako e. Tingnan mo yung iba derecho lang ang pasok kasi kasama nila ang partner nila. Magtiwala ka lang."

"Yan lang ba ang sukatan tiwala? Ambabaw ha."

"Ganito na lang. Pumikit ka kapag natatakot. Hawakan mo ako para alam mong kasama mo ako. I love you."

"I love you too."

Hinawakan ko ang kamay niya at derecho pasok sa loob. Maya-maya, sumigaw na si Maica at umiiyak. Bumaon sa braso ko ang kanyang kuko. Sobrang diin. Mura siya nang mura. Umiiyak siya noong matapos.

"Ano isa pa?" Panunukso ko pa. "Masarap na for sure." Tawa pa ako ng tawa habang lumuluha sya. Sinuntok niya ako sa braso.

"Ayoko na! Halos mamatay ako! Hindi na ako sasakay dyan sa space shuttle. Doon na lang tayo sa kabayo."

- wakas-




Rebulto


Igagawa ko ng rebulto si Rey. Siya ang huli kong kaibigan na naniniwala sa akin. Kailanman ay hindi ko pa nasuklian ang kanyang kabutihan. Panigurado lahat magugulat.

Matitiis ko pa siguro ang hapdi ng sugat na nilagyan ng sili at asin ngunit hindi ang pag-alis ng aking pamilya. Gumawa ako ng larawan sa aking isip kung gaano sana kami kasaya.

Si Jenny ang huling Jedi


Simula noong maging teacher si Jenny ay naging Jedi na sya. Sa lahat siguro ng nagtuturo ngayon, isa sya sa mga old school. May hawak syang patpat para bigyan ng diin ang bawat salitang gusto niyang itanim sa estudyante. Namana siguro sa nanay niyang Jedi din. Tanda ko pa kung gaano kabisa ang kapirasong kawayan na yon. Basta dumikit sa blackboard ang stick dapat nakaplanta sa utak dahil paniguradong mababanggit iyon sa recitation. Kilalang terror ang nanay nya.

Kalapati


"Kalapati pa din?" Sa lahat siguro ng hayop ay kalapati ang pinakagusto ko. Bukod sa low maintenance hindi sila attention seeker at very loyal. Alam nila kung saan sila uuwi. Minsan nga naiisip ko na para akong kalapati kahit wala na akong babalikan ay pilit akong umuuwi.

"Ngayon lang ulit. Namiss e."

"Samahan kita! Gusto ko din yan. Matagal na din yung huli."

Sabong Panlaba


"O sayo na! Kailangan mo yan!"

"Sabon?"

"Napanood ko sa TV may lakas yan ng sampung kamay. Baka matulangan ka nyan buhatin ang sarili mo. Bumangon."

"Eto na naman tayo kuya? Mahirap magmove-on agad. Oo down ako kaya ganito. Pero salamat na din sa encouragement."

Guyabano


Nakangiti ako sa berdeng prutas habang namamangha sa biglang payabong ng puno. Hindi ganito ito noong nakaraan mga araw. Madalas mabibilang sa daliri ang mga dahon nito. Hindi ko na nga maalala noong huli namunga.

Tila isang kwento sa komiks ang nasa likod ng puno. Kay sarap balikan ang pahina. Lalo ang mga kapilyuhan at kalikutan ko. Paborito kong tambayan ang puno ng guyabano. Nadoon kasi ang maliksi at matapang na gagamba. Mapula-pula at mabalahibo pa ang mga paa! Pero hindi lang ako ang mahilig umaligid sa puno. Madalas nakabantay ang Lola ko. Matapang at istrikto siya. Niloloko pa ako noon na kaya matapang ang mga gagamba ay dahil namana kay Lola. Muntik na akong maniwala!

Hika



Mukhang sa hospital bed na naman ako magbabakasyon. Tulad dati. Noon. Agaw buhay kasi ang nangyari sa akin kahapon.


Ipinanganak akong may kakambal na nebulizer. Present din ang inhaler sa baon ko. Kaya dehins pwede ang too much ng kahit ano. Regulated pati kilig. Kaya big NO ang k-drama. Kahit si Han Hyo Joo hindi ko papansinin.


Mock Defense


Tinigilan ko muna ang pagsilip sa anumang social media site lalo na ang facebook bago sumapit ang holy week. Madami akong dapat tapusin sa kakapurat na araw na mayroon ako non. Ayaw kong madepress. Dehins ko trip mainggit at higit sa lahat ay magugulo lalo ang isip ko sa dapat kong maging priority.

Gusto ko sanang ihagis ang cellphone ni Mama noong aksidente akong mapasilip. Kaya minabuti kong umalis muna ng bahay at makisiksik sa boarding house nina Abet. Doon walang wifi at gapang ang signal. Walang tukso.

Noong pumatak ang March nag-umpisa na kaming magcramming. Pano ba naman biglang under major revision ang thesis namin kung kailan malapit na ang defense. Napakawalang puso di ba? Kaya umiwas muna ako sa social media. Naiiyak akong makakita ng mga proud parents katabi ang nakatogang anak. Samahan pa ng mga taong nasa kanilang summer vacation na tinadtad ko ng like sa pagbabakasakaling magbayad ng utang. Higit sa lahat matatapos na ang college life ko na wala man lang lovelife.

Sadlife.


Bago magholy week, matagal akong nakatitig sa facebook. Sa katunayan, send na lang kulang para iparating ang lahat ng sama ng loob ko sa pambansang inihaw na manok. Late notice ang branch nila dito sa bayan na hindi kami pwede magconduct ng survey sa vicinity ng store nila. Maayos naman ang usapan namin. Pumayag naman sila. Plantsado na pati bilang ng respondents. Nakangiti pa naman kami nina Abet at Guido tapos biglang need pa daw pala ng approval ng head office. Anak ng inihaw! May contact numbers kami pero hindi nila sinabi agad. And ang excuse nila that they are so busy. Lame! Alam namin na umiikot ang manok sa ihawan pero wag pati ulo namin.

Ngumiti na lang kami. Umalis. Tapos nagmura. Singsarap ng gravy. Grabe!

Hindi ko na tinuloy i-send. Wala naman mangyayari. Hindi makatutulong at huli na din naman ang lahat. Move on. Because we have to not we like to.

Iniisip kaya nila kung ano ang pwede mangyari samin sa ginawa nila? Alam kaya nila kung gaano kalaki ang gastos sa isang thesis? Siguro dumaan sila dun.

Siguro hindi din. Ewan. Nada.

Si Abet siguro ang may kasalanan. Mas mukha kasi siyang goons kesa estudyante. Kami naman ni Guido mukhang nasa tokhang list. Siguro ibinase nila sa itsura? Pero sa edad nila alam siguro nila ang pakiramdam ng magulang na nagpapaaral ng anak. O ng kapatid na nagpapaaral ng kapatid para mapaaral din yung isa pang kapatid. Si Mama nga halos hindi na makakilos pero pilit pang naglalaba at nagpaplantsa ng uniform ko kasi baka daw dahil doon kaya lang ako hindi makakagraduate. Pride na ng magulang ang may maisabit sa dingding na grad pic at diploma. Bonus na lang ang medal.


Buti na lang dati kaming crew sa Jollibee kaya napakiusapan namin kahit short notice na gawin silang subject ng thesis namin. Its all about chicken naman e. Parang ako. Chicken. Patapos na ang school year hindi ko nasasabi kay Roxy na type ko sya. Im so chicken and I hate it! Isa pang chickenjoy!



"Bakit may pabulaklak pa dyan?" puna ko kay Abet.

"Mock defense nga e. Balak ko kasi maglagay ng bulaklak sa barong ko sa mismong defense. Para maging komportable na ko!"

"Pards, pampatanggal nerbyos yan. Better be ready kasi." Sumang-ayon pa si Guido kahit puro hikab lang ang alam.

"We are here na. Stop all the angst. Why bother?" Kalbo ni Abet. Ang alam ko lang nakakatawa sya pero nagkakapoint din pala.

"Isa na lang problema mo. Tutulungan ka namin!" Ngumuso pa si Guido kay Roxy.

"Ano? hindi ah!" Hindi na kailangan magsolve ng linear equation para malaman ang feelings ko. Sabi nga, the answer is given. Need na lang ng simplest form. Marami ng pagkakataon na pwede kong sabihin kay Roxy pero natatakot ako. Ayaw kong masira ang 4 years naming pinagsamahan.

"Congrats team. Ready na kayo sa defense kahit major revision ang ginawa nyo. Visit my notes for minor revisions."

"Thanks po." Jackpot kami kay Miss Abaja bukod sa guidance na ibinibigay niya may kasama pang confidence booster.

"Nga pala Mr. Ruslan, kung may gusto kang sabihin kay Roxy, sabihin mo ng personal wag mong daanin sa acknowledgement ng thesis." Ngumiti pa si Miss Abaja kay Roxy bago lumabas ng Audio Visual Room.

"Ha?" Namula akong parang kamatis pati na din si Roxy kasunod ang maiinit na kantyawan. Kasalanan 'to nina Guido!


Itinulak si Roxy ng groupmates nya. "May sasabihin ka ba saken?" Magagalit na sana ako sa mga kaibigan ko pero sobrang sarap tingnan ng ngiti Roxy.

Naramdaman ko na lamang na nasa kamay ko na ang bulaklak na dala ni Abet. "Para sayo. Galing samen. Saken pala."

- wakas-

April Fool's Day


April fool's day!
Oo nga pala. Lokohan. Biruan. Tama.
Paniniwalain na totoo ang mali. Na existing ang wala. Parang feelings. Parang ako. Parang ikaw. Parang tayo.

Ako nga lang ang gago.

April 1 ang pinakahihintay kong araw. Huling araw na tayo ay masaya. Magkasama. Doon sa kanto ng Montillano. Sa pula at dilaw na building sa Alabang.

Excited tayo na dumating ang graduation hindi lamang dahil natapos na ang buhay estudyante kundi ito ang araw na gagawin natin ang dating sa text lamang natin napag-uusapan. Ready na tayo. Walang duda. Sabi ni Erpat, kung gagawa ako ng ganitong desisyon ay sa taong mahal para kung may bulilyaso ay wala akong pagsisihan. At kung maari ay tapusin ang pag-aaral.

Ayun natapos na nga. Wala na ang assignment na alam naman ng prof na hindi naman sa bahay ginagawa. Kahit ang thesis na hindi naman lahat nagcontribute pero pareho lang grade. Natapos ang extra-curricular. Wala ng role ang pekeng med cert at parental consent. Hindi na cool ang tunog ng rubber shoes sa gymnasium. Higit sa lahat, malaya na sa gustong hairstyle na pakiramdam ng lahat ay nasikil ng mahabang panahon ang karapatang pantao.

Galit ang sikat ng araw bago tayo pumasok pero basa tayong lumabas. Umuulan. Pati panahon marunong nakikipagbiruan. Kaya pala dapat daw may baon akong kapote.


Gaya ngayon. Umuulan.
Sa tapat ng pula't dilaw na building.
Umalis ka ng walang pasabi.
Sabagay, April fool's day.
Lokohan. Lolokohin ko ang aking sarili na kasama kita. Maniniwala na masaya kahit lumuluha na pala.
Buti na lang umuulan. Hindi halata. Walang may alam na may nasasaktan. Na sinasaktan ang sarili. Masakit. Mahapdi. Masarap.


Sinagasa ko ang ulan. Nakalimutan mo yatang bibili lang ako ng payong. Sabagay may kalakasan ang ulan. Baka hindi mo nadinig. Kaya inisip mo na iniwan kita. Na tatakbuhan kita. Na ganoon akong klase ng lalaki. Walang paninindigan. Pagbalik ko wala ka na. Akala ko nagtatago ka. O pumasok ka sa loob.

"Hinabol kita! San ka pumunta?" sabi ng guard. "Yung kasama mo nasa kotseng pula."

Hinabol ko kayo pero hindi na kita inabutan.

Ngayon may dala akong payong pero wala ka. Hindi sana kita iniwan. Magsama sana tayo. Hindi man dito. Sa ibang lugar. Na pareho tayong masaya.

Kung may dala akong payong hindi sana ako sasagasa sa ulan. Hindi sana ako tatawid ng bigla sa Montillano sa takot na mabasa na todo. Kung may dala akong payong marahan tayong tatawid. Magkahawak ang kamay.

Kung may dala akong payong hindi sana ako nagmamadali. Hindi sana ako iniwasan ng rumaragasang pulang kotse. Hindi ko sana ipinagwalang bahala ang nakabibinging busina. Ang sigaw ng gwardya. Ang nakababaliw na eksena. Ang pagsakay sayo sa kotseng pula. Hindi na kita inabutan. Kahit man lang sana sa kahuli-hulihan.

Ngayon may dala akong payong. Sana kasama pa kita.

"Boss, hindi mo ba bubuksan ang payong mo?" wika ng matandang pulubi. "Basang basa na ang kasama mo. Nilalamig na yata. Yakap na yakap sayo."

April 1. Umuulan.... Hindi ko alam kung niloloko ako ng matanda.

Sabagay. April fool's day.
Buti na lang cute ang author ng tuyongtinta.

- wakas-

In Character





"Ms. Agatha!" sigaw pa ni erpat.

"Aba magkasama ang mag-ama? San ang lakad?" puna pa ng dati kong maestra.

"Sisimba. Magbabawas ng kasalanan! Si Greg tanda mo?"

"Syempre! Unang estudyante kong nanalo sa declamation. Napakahusay!"

"San pa magmamana? Parang di mo ko kilala?"

"Mas magaling sayo. Kita mo naman iyong iyak nya parang totoo!"

Nakasout ako noon ng costume ng isang bibi. Tungkol sa isang batang bibi na naiwan ng kanyang ina at mga kapatid sa kanilang pugad. Pumatak ang luha ko pagkabigkas pa lamang ng unang linya. Turo ni Ms. Agatha dapat "in character" para ramdam ng makikinig lalo na ng mga judge.

Sabi erpat, isipin na isang laro ang aking ginagawa upang hindi kabahan. Damhin. Isapuso. Tama laro lamang ang lahat. Ramdam na ramdam ko. Sa buong puso.

Magaling talaga si erpat pero hindi ko gugustuhin magmana sa kanya. Lalo noong nakita ko sila ni Ms. Agatha na naghahalikan noong balak kong humingi ng lakas ng loob bago ako magsimula.

Buti may costume ako. Buti nasa contest ako. Hindi kailangan magpahid ng luha. Manalo o matalo.

-Wakas-

Silver Lining


image credit to orig owner

"Tara! Inom na lang tayo! Tutal kasalanan ko naman!" sigaw ko kay Dan. "Hindi man kayo ang itinadhana at least naging masaya naman kayo. Nagmahalan."

Likas na sa tao ang pagsilver-lining sa mga pangyayaring medyo sumablay lalo na kapag puso ang usapan. Tipong ayaw natin masaktan ang isang tao kaya gumagawa tayo ng senaryo upang palakasin ang loob. Pilit natin ipinaalam na may bahaghari pagkatapos ng ulan. Pero ang katotohanan walang salita na sapat para dumamay. Hindi natin pwede takpan ang malaking butas ng bubble gum. Hindi tama ang at least o silverlining. Hindi nito mapapagaan ang loob bagkus liliit ang tingin sa sarili. Pero ano magagawa natin? Gusto natin dumamay. Siguro huwag na magsalita at iparamdam na hindi siya nag-iisa.

"Hindi ko kasi inaasahan . Bakit mabilis siya magdesisyon?"

"Pards iba kasi mag-isip si Thea. Mas pipiliin niya masaktan kesa umasa."

Si Thea ang tipo ng babae na handang masaktan huwag lang masira ang tiwala sa taong mahal niya. Bago pa pumasok sa relasyon ay malinaw na ito sa kanila kaya binuntutan talaga ni Dan.

"Sabi ni Thea kailangan namin maghiwalay bago pa ang graduation. Uuwi siya sa Bacolod at hindi sigurado kung makababalik pa. Hindi siya naniniwala sa long distance relationship. Madali magbigay ng tiwala pero mahirap umasa."

"Sorry talaga pards. Pinilit pa kasi kita."

Pinilit kong pormahan ni Dan si Thea kahit ayaw niya magkasyota. Lagi naman sila magkasabay umuwi dahil pareho silang taga Siniloan kaya hindi problema ang pagpapansin.

"Hindi ko trip pards. Kita mo naman maikli ang shorts pero mahaba ang pilik."

"Don't me. Lagi ka ngang pasekreto ng tingin. Tapos kapag uwian laging sa tapat ka nya umuupo. Peram ng phone mo."

"Ano gagawin mo?"

"Basta."

"Loko ka!" Pagkatapos kong kunan ng pic si Thea ginawa ko agad wallpaper. "Nakakahiya!"

"Inspirasyon pards!" Tumakbo ako palapit kay Thea at nakipagkwentuhan at pasimple ipinakita ang screen ng phone ni Dan.

"Teka ako ba yan?" tanong ni Thea. Huli ka balbon kumagat sa bitag.

"Ikaw ba to? Aba. Hindi ko napansin. Kay Dan to e. Nakitext kasi ako. "

"Baka magkavirus yan!"

"Pakiligin mo naman yung tropa ko. Boring buhay nyan e. Save mo naman number mo. Mabait naman yan."

At doon nga nagsimula. Iniisip na ni Dan kung paano bukas. Ano bukas. San bukas. Ano itsura nila bukas.Hanggang sila na bukas. Basta naging sila at ngayon naghihiwalay na sila.

"Pards may ginawa ka na ba para pigilan?"

"Buo na ang loob nya e. Kung ldr daw alinman sa magkaroon ng bago o maging matabang. Kakainin ang oras ng trabaho o mga bagong tao. Mapaparanoid. Magdududa. Sa totoo lang sinabi nya yun bago pa maging kami. Akala ko love will change her mind."

Wala naman talaga naitutulong ang alak sa mga taong mga wasak na pagkatao. May mga pagkakataon nga lang na sumasarap ang usapan habang humahaba ang inuman. Bagay na hindi mangyayari kung softdrinks at tinapay ang tinitira.

"Broken at lasing ka talaga. Di ka naman umiienglish dati. "

"Ano dapat ko gawin?"

"Text mo. Magthank you ka. Tandaan mo, hindi man kayo ang itinadhana at least natuto ka. Nagtagpo ang landas nyo at nagkakilala."

"Sige pards." Sa lahat siguro ng pangyayari sa buhay ng tao ang pamamaalam ang pinakamahirap. Walang maganda paraan. Wala tamang approach. Lahat nasa pagtanggap. "Nagreply pards."

"Ano sabi?"

"Tandaan mo, hindi man tayo ang itinadhana at least natikman natin ang isa't isa.

Sa Lomian


photo credits : to orig uploader
Niyakap ko ang nakasalubong kong pusa sa sobrang excitement at kilig. Magkikita kami. Sa wakas. Sa lomian malapit sa Canossa.

Last week, may napansin akong message request mula sa isang sender na Chinese character na presently working sa Krusty Crab at nakatira sa Puso Mo. May nabasa akong article noon, na huwag masyadong ilantad ang identity sa social media dahil maari itong maging daan upang manakaw ang pagkatao o identity theft. Maaring mahack ang email, social accts, porn registration at higit sa lahat bank accounts. Kaya siguro maraming tao ang employed sa Krusty Crab para limitado ang info sa social acct.

Ang message nya ay Kumusta? Hmmm. Ano nga ba ang dapat i-reply o i-expect na i-reply kapag ang message ay kumusta? Alinlangan akong magreply tapos biglang lumaki ang mata ko. "Si Dhian to. Number mo?"

Dhian. Siya lang naman ang long time girlfriend ko. Muntik ko pang maging asawa. Nakaboundary na nga ako ng ilan. Magtatanan na nga kami. Hindi lang natuloy. Madaming bote nga ng alak ang tinumba ko at ng katabi kong babae noon. Kinuwento ko sa isang stranger ang nangyari. Sa isang stranger na halos panyo ang suot. Sinabi ko kung gaano ka-unfair at kakomplikado ang pag-ibig.

"Hindi sa ganon. Napaka-sacred nga ng love. Ang tao lang ang nagpapagulo ng lahat. That's why its complicated!" Anak ng tupa, umiienglish pa.

"Nagtyaga ako. Naghintay at nagparaya. Sa dulo talunan."

"Kaya huwag mong susukuan ang pag-ibig kasi madaming naghahanap ng gaya mo. Kami nga may sumiseryoso pa kahit sa tingin namin wala na."

Madami kaming napag-usapan ng ka-table ko sa ilalim ng buwan. At madami akong natutunan, mga dalawa. Una, mahal ang ladies drink. Pangalawa, malaki ang tyan ng ka-table ko.

Si Dhian ang tipo ng babae na gagawin ang lahat para sa pamilya bago ang sarili. Sabi nya makapaghintay naman ang lahat. Binalaan na ako noon ni Norman, base sa sarili niyang statistic, karaniwan sa mga dalagang teacher ay hindi agad nakapag-aasawa lalo kapag may pinapaaral at inaasahan pa ng pamilya. Dumadating nga sa puntong hindi na nag-asawa dahil sa dami o nagsawa na sa obligasyon. Tipong ipinaubaya na ang sariling kaligayahan sa kadahilanang maaring maging mitsa pa ng away mag-asawa kung ang kikitain ay ibibigay pa sa magulang at kapatid. At hindi exempted dun si Dhian. Inunawa ko naman ang kalagayan niya. Makatapos lang daw ang kapatid niya ay bubukod na kami. Sa kasamaang palad, nabuntis ang pinaaral nya.

"Hihintayin kita mamaya. Sa may lomian sa Canossa."

"Timing lang ako ha. Basta darating ako," sagot niya. Masama ang loob niya kaya napapayag ko siyang magtanan bilang ganti sa ginawa ng kapatid.

Isa. Dalawa. Tatlo. Apat na oras akong naghintay hanggang magsara na ang lomian. Nakalimot yata siya. Hindi. Wala yata akong nasabing oras at araw. Hindi. Wala yatang darating.



Nakitingin ako noon mula sa labas. Nakita ko siyang umiiyak habang yakap ng kanyang ina. Nakaluhod ang kanyang kapatid habang hindi halos gumagalaw ang kanyang ama mula sa pagkakaupo. Sa puntong iyon alam ko na ang nangyayari. Hindi kailanman malalason ang puso ng mabuting anak gaano man kasakit ang pagdaanan nito. Hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan. Hindi naman siya nagloko. Hindi naman siya nawawalan ng oras sa akin. Maraming hindi. Basta masakit.

Dalawang araw akong hindi nagparamdam pero nakapagtatakang walang salita mula sa kanya. Paggising ko isang araw wala na siya. Umalis na. Hindi na siya nakapagpaalam. Tinanggap na niya ang alok ng trabaho ng kanyang pinsan sa bansa ng mga arabo. Badtrip ako sa kapatid niya. Palaging tagahatid ng masamang balita. Pinulot ko ang aking sarili bago tuluyang maging abo ang bawat piraso.

At ngayon nagbalik na nga pala si Dhian. Nakatayo pa ako sa parehong pwesto noong huli ko siyang nakita. Ngayon nakangiti na siya. Sila. Humakbang ako palayo bago pa ako matukso ng chocolate.

Sabi ni Norman ang pagbalik ni Dhian ay isang senyales ng tukso at pagkakataon. Isang desisyon na maaring magpabago muli ng aking pagkatao. Dagdag pa niya, hindi ko kailangan mamili bagkus ay sundin ang laman ng aking puso. Huwag ko daw hayaan masira ang pwede naman ayusin.


Nagbukas ako ng facebook at nagreply kay Dhian ng number ko. 
Sakto online sya. Emoji ang reply niya

"Kumusta?"

"Ito masaya." Nagkwento ako. Nagkatawanan kami. Nagkaiyakan. Tapos tumatawa habang umiiyak. "Akala ko nga hindi na magkakaayos e."  

"Nakukuha naman ang lahat sa tyaga. Huwag lang susukuan."

Niyakap ko ang nakasalubong kong pusa sa sobrang excitement at kilig. Magkikita kami. Sa wakas. Sa lomian malapit sa Canossa. Bati na kami ng Loisa. Tama si Norman hindi ko dapat hayaan masira ang relasyon namin ni Loisa habang maaga pa. Habang pwede pa. At si Dhian ay parte ng nakaraan na hindi dapat kalimutan pero hindi na dapat balikan.


-wakas-

Virus


Ikinagulat ng mga dalubhasa ang kakaibang virus na tumama sa isang lugar pagtapak ng taong ito. Hindi maisapubliko ang sitwasyon dahil paniguradong magdudulot ito ng kaguluhan at takot sa lahat.

Isang member ng grupong nag-aaral nito ang muntik magsiwalat ng pangyayari subalit agad itong pinatahimik. Nalaman niyang may species ng lamok ang na-expose sa inaaral na mga baliw na aso. Hindi makapaniwala ang lahat na may mabubuong bagong virus at nagawang itransfer ng lamok sa ibang hayop. Nagkaroon ng kakaibang pagkilos ang mga hayop hanggang sa nagawang saktan sa sarili. Tila nabaliw.

Hindi lumipas ang araw na iyon ay nagkaroon na din ng pagkabalisa ang mga taong nakapaligid sa lugar. Agad inalam ng mga dalubhasa ang naidudulot ng virus. At hindi sila makapaniwala na pagkabaliw ang dala ng strain. Mas nakatatakot ang mabilis na pagdami nito.

Tinipon nila ang lahat ng mga tao upang i-quarantine ang sitwasyon. Agad nagpausok upang mapuksa ang lamok. Kung hindi mapipigilan, wala na silang magagawa kundi patayin ang lahat para sa ikabubuti ng marami.

Tila nakangiti pa ang isang lamok nang magawa nitong makatakas bago pa gawin ng extermination sa lahi nila. Kakaiba ang lamok dahil nakontrol na din ng virus ang katiting na utak nito. Nakakita ito ng biktima. Isang matandang lalaki na may kasamang bata at alagang aso.

Maya-maya pa ay kakaiba na ang ikinikilos ng matanda. Nalalason na ang utak nito. Ngunit, pambihira ang sunod na pangyayari.

Lumapit ang matanda sa bata kasunod sa alagang aso. Binigyan niya ang mga ito ng pagkain at saka niyakap. Bumulagta ang matanda matapos iyon.

Maaring makontrol ng iba ang iyong isip. Ngunit hindi ang laman ng puso.