Nawalan ng silbi ang huling stick ng sigarilyo na magtatawid sana ng aking stress at gutom. Hinayaan kong maupos at tangayin ng hangin ang usok na kadalasan nagpapabalik ng nakalutang kong pagkatao. Hindi ko alam kung paano magsurvive ngayong araw lalo na siguro sa kinabukasan.
Lutang.
Disoriented.
Gutom.
Pumutok ang balita. Masaya ang lahat dahil sa sa wakas nagkaroon na ako ng chance makakuha ng project sa RSSI. Makababayad na ako ng utang sa kanila. Tango ng client lang ang kulang. Pero hindi na naman naging patas ang oras sa akin. Isang kurap ang katumbas ng saya. Hindi ko maiwasang magtanong kung bakit buhos sa iba ang pagsubok samantalang may mga taong pinipiling abusuhin ang sarili at palampasin ang magandang pagkakataong nakalatag na agad sa kanila.
Nagising ako sa daing at pagtangis ng aking ina kaninang umaga. Sinubukan kong bawasan ang sakit sa pamamagitan ng haplos at yakap subalit hindi ako nagtagumpay. Nakatulugan na muli niya ang pag-iyak. Paano nga ba lalaban ang mahina? O talagang pagsuko na lamang ang sagot? Oo siguro. Hindi malamang. Ewan. Pinahid ko ang kanyang luha ngunit bumagsak naman ang sa akin.
Mabigat ang obligasyon na iniwan ng aking ama. Nakapapagod. Masakit sa ulo ng taong nagsisimula pa lang. Hindi ako handa at kinulang sa lakas ng loob. Iniisip ko kung paano kami mabubuhay habang may pag-aalala kung paano aasikuhin ang aking ina. Nakasilip palagi si kamatayan sa tuwing nauubusan ako ng lakas. Ng pananampalataya. At sa tuwing iidlip ay may takot hanggang panaginip. Kung pwede lang sanang matulog ng dilat. Ang mga sugat sa likod ng aking ina ay sensyales ng pagdila ng kamatayan. Ang malalim niyang paghugot ng hininga ang tanging paalala na sya ay buhay. Ang nakakaawa niyang itsura ay salamin ng kawalan ng pag-asa.
Nagtimpla ako ng kalahating pakete ng kape at itinabi ang natitira para bukas. Lahat kailangang tipirin para matustusan ang atay ng aking ina. Hindi ko na alam kong paano magkakasya ang sweldong may pangalan na bago pa dumating.
Pinipigilan ko ang aking luha sa tuwing lalapit sa aking pinsan. Ngiti ang salubong niya sa akin sa tuwing makikiusap na tingnan ang aking ina habang ako ay nasa opisina. Hindi ko alam na mapapaluha pala ako ng isang pirasong pandesal na iaabot niya sa akin. Ganoon pala talaga ang bigat ng loob, gagawa ito ng paraan upang sumabog. Kukuha ng bwelo hanggang bumagsak at tuluyang lamunin ang pagkatao. Lalong matikman ko ang tamis ng peanut butter. Mababaw kung tutusin pero mabisang gamot sa gutom mula pa kahapon. Higit sa lahat, nakaramdam ako ng pagdamay.
May hupyak na mukha, pugto ang mata at manipis na pangangatawan ang huling dumaan sa pintuang yari sa salamin. Nakita ko ang mahabang pila sa atm. Kailan na nga ba ako huling lumapit doon? Ni hindi ko na nga matandaan ang aking pin. Kay Aling Glo na kumare ni inay ako palagi sumusweldo. Mabait sya sa amin. Walang interes ang pautang sa akin. Minsan nakakalibre pa ng kain.
Nasa harap ako ngayon ng RSSI. Humugot ng lakas loob kasunod ang message ng aking pinsan. Ang daing pala ng aking ina kanina ay huli na. Ang inakala kong pagtulog ay paghihingalo na. Bumigat ang talukap ng aking mata. Bumagsak ang aking luha kasabay ng iling ng RSSI.
Nawalan ng silbi ang huling stick ng sigarilyo na magtatawid sana ng aking stress at gutom. Hinayaan kong maupos at tangayin ng hangin ang usok na kadalasan nagpapabalik ng nakalutang kong pagkatao. Hindi ko alam kung paano magsurvive ngayon lalo na siguro bukas. Lutang. Disoriented. Gutom.
Humakbang ako. May bigla akong naramdamam. Kakaiba. Parang malamig na hangin na umalis ng mainit na pakiramdam.
Ngumiti.
Sa wakas gagaan na aking buhay.
- wakas-