"Kami naman talaga e. Tanungin mo pa siya!" Kikindat ako tapos kasunod na ang pamatay na ngiti ni Cheska.
"Bagay kayo!" hirit pa ni Tyang Erma, tindera ng pananghalian. "Kaya pala lagi kayong magkadikit sa picture."
Hindi lumilipas ang araw na walang kumukwestyon sa kapwa pagiging single namin ni Cheska. Kaya noong pilit kaming pinagpapartner at pinagtatabi sa upuan ay pinangatawanan na namin. Sinasakyan namin ang mga biro para naman kiligin ang mga senior citizen sa coop.
Kaya nga lang may konting problema. Dehins ko inaasahan na tatamaan ako ng solid. Dati ga-tungaw na feelings na sapat na rason upang pumasok ako sa coop na parang natate sa sobrang excited. Ngayon ga-kalabaw na. Dalawang taon ko ng tinitiis ang palipad-hangin at sakay sa biruan.
Magaan naman ang loob namin sa isa't-isa. Nagsisine. Sabay magbreak time at halos mutual na ang hintayan umuwi. Noong minsan ngang dumalaw sya sa amin dahil may sakit ako nagkaroon pa ng konting biruan sa aking mga kapamilya.
"Magtatanan na po dapat kami. Nakatulog lang po ako ng maaga," banat naman ni Cheska kay Lolo Baste. "Ayun napuyat sya. Nagkasakit."
Hindi ko na kaya. Sasabog na yata ako. Sana totohanan na. Pero pano kung biruan lang talaga.
Bahala na. Kailangan ko na umamin. Sabi nga ni Robin, taas na nga ang kamay ko. Mahal ko na nga sya.
"Neng, hiwalay na baga kayo nareng si Herman? Iba yata yung nakita ko kahapon na naghatid sayo." Medyo nagworry ako sa sinabi ni Tyang Erma.
"Hanggang dyan lang naman po sya." Aray. Medyo natapakan ang aking pagkalalaki. Pero perfect timing na din kasi mukhang nagpapakita na si Cheska ng motibo.
"Ano hanggang dyan ka lang pala e? Akala ko naman kayo talaga. Diskarte na! Totohanan na!"
"Wala po 'yun. Biruan lang po gusto nya. Sinagot ko na po ang manliligaw ko."
Tapos. Wasak.