Skinpress Rss

Sabong Panlaba


"O sayo na! Kailangan mo yan!"

"Sabon?"

"Napanood ko sa TV may lakas yan ng sampung kamay. Baka matulangan ka nyan buhatin ang sarili mo. Bumangon."

"Eto na naman tayo kuya? Mahirap magmove-on agad. Oo down ako kaya ganito. Pero salamat na din sa encouragement."


Gaya kagabi nag-umpisa na ulit magdialog si Chim. Nasaktan daw sya sa ginawa ni Borik.

Never fall inlove with words of man umpisa nya, ayun kasi ang panuntunan nya. Sa una kaya naman daw talagang iwasan ang matamis na dila ng lalaki kaya lang meron talagang magagaling. Sa sobrang tindi mahuhulog sila sa lalaking akala nila ay yun na talaga. Magiging dahilan ng ngiti sa umaga at maging sa gabi. Hanggang sa hindi mo na matandaan na may panuntunan na wag maniwala sa tamis ng salita.

Kapag nagsimula na mahalin susugal na. Punong puno kasi ng love ang puso. Hindi nauubos kahit alam ang consequence of giving it all. May lalaking sasamahan magplano ng future dahil sa happiness na nararamdaman. Pero kapag dumating sa puntong nagkakasakitan na ang hirap ng bumitaw kahit pagkatao ang nagiging kapalit. Kahit puno ng pagdududa patuloy na aasa. Mahal kasi! Kakayanin. Susubukan. Baka kaya pa ng band-aid therapy.

Sarap magmura kapag wala na talaga. Ang brutal lang sisihin ang sarili. Lalo na kapag ang taong inaasahan ay sya palang una ng bumitaw at fault finder pa! Ang siste kaya nagawa ang mali ay kulang sa time.

Pinutol ko na si Chim bago pa tuluyang isumpa ang lahat ng lalaki. Ang punto ko lang naman may oras ang pagmamahal. At hindi pa yun ngayon.

"Andami mo namang sinabi!" sumbat ko. Baka nalilimutan niyang lalaki ako.

"Natapakan ba ego mo? Ngayon may maitutulong ba ang sabon na may lakas ng sampung kamay para ibangon ako. Wala di ba?"

"Meron! Bumangon ka at maglaba. Facebook ka ng facebook! Tigilan mo yang neargroup! Get a life!"

Andaming hugot ni Chim o ayaw lang sigurong maglaba. Siguro.

- wakas-



/span>